Ms. Officer on Duty

By Artasia_Aquila

114K 4.4K 612

Isang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine Nati... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Announcement

Chapter 31

1.2K 49 1
By Artasia_Aquila

Chapter 31: Caleb and Demonesse

Ilang araw na ang nakalipas simula ng pumasok dito si Demonnese. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Tyronne at hindi pa rin bumabalik si Caleb. Palagi ko tuloy kasama si Alexander at nabalitaan ko rin sa kaniya na muli nang papasok si Caleb.

Naexcite naman akong pumasok dahil namiss ko rin ang lokong 'yon. Nakatangap din ako ng message mula kay Caleb na muli na nga raw siyang babalik sa school. Nagtataka nga ako na medyo natagalan siya sa pagbalik kahit alam ko naman mabilis na naghilom ang kaniyang mga sugat. Siguro may ginawa lang siyang iba kaya hindi siya pumasok.

Hindi ko na lang pinansin ito at nagmadali ng mag-ayos ng gamit para makapasok na agad sa school.

Nang makarating ako sa school ay may kumpulan ng studyante sa may corridor kaya hindi ako makakadaan. Malapit na sana ako sa room kaya lang nakaharang sila at nakakahiya naman na umeksena ako sa gitna.

Mabuti na lang at maaga pa at hindi ako malate sa klase. Nagsumiksik ako sa kumpulan para makita kung ano ba ang kanilang pinagkakaguluhan.

Napakunot na lang ang aking noo ng makita ko sa gitna si Caleb at Demonnese. Magkakilala ba sila? Paano nangyari? Mas nanlaki pa ang mata ko sa gulat ng biglang yakapin ni Caleb si Demonnese.

Halos lahat ng nasa paligid ay nagulat at nag-umpisa ng magbulong-bulungan.

“Omy! Bumalik na pala si Demonnese,” narinig kong komento ng ilan. Mas tinalasan ko pa ang aking pandinig. Sobrang nacurious ako kung ano bang meron sa dalawa.

“Siguradong bumalik siya para kay Caleb,” mas naintriga naman ako lalo dahil sa mga aking naririnig.

Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa at nagulat naman ako ng makitang diretsong nakatingin sa mga mata ko si Demonnese. Hindi ko naman ininda ang masama niyang tingin bagkus binigyan ko rin siya ng matatalim na tingin. Nagulat ako ng ngumisi at irapan niya ako.

Talagang may taglay na kamalditahan ang babae. Napairap na lang ako at aalis na sana ng muli lumakas ang bulong-bulungan.

Agad kong ibinalik ang aking tingin at nakita ko si Tyronne na hawak ang kamay ni Demonnese. Tama ba ang nakikita ko? Kung panaginip 'to, sana magising na ako! Gusto ko na umalis pero tinatraydor ako ng aking sarili. Hindi ko man lang maigalaw ang aking mga paa, kapag gumalaw ako siguradong matutumba lang ako dahil sa panlalambot ng aking tuhod.

Muli nanaman tumingin sa direksyon ko si Demonnese at binigyan lang ako ng mapanuksong mga tingin. Sino ka ba talaga, Demonnese?

Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata at saktong may humarang sa aking harapan at niyakap ako ng mahigpit. Ayoko man ipakita sa ibang tao na mahina ako ngunit tao lang din ako at marunong masaktan.

“Huwag ka munang pumasok,” masuyong hinaplos ni Alexander ang aking buhok. Kung hindi siya dumating nasisiguro kong magmumukha akong kaawa-awa. Hindi na ako sumagot dahil plano ko naman talagang lumiban muna sa klase ngayon.

“Ihahatid na kita,” humiwalay na ako sa yakap at pinunasan ang aking mga luha. Marahan akong umiling at nginitian ko na lang siya para ipaalam na okay lang ako at kaya kong umuwi mag-isa.

Bago ako tuluyang umalis ay nagpasalamat at magpaalam muna ako kay Alexander.

Isa lang ang taong gusto kong puntahan ngayon na alam kong makakaintindi sa akin. Mabilis kong pinaharurot ang aking motor at mabilis ko naman narating ang aming bahay.

“Ma si lolo?” bungad kong tanong sa nanay kong nagdidilig ng mga rosas sa hardin. Hobby niya na kasing alagaan ang mga rosas na si lolo ang nagtanim.

“Anong ginagawa mo dito, Alexis?” bulyaw niya agad. Hindi man lang ako kinamusta.

“Gusto ko lang po sana makausap si lolo,” wala ako sa mood ngayon para patulan ang kaartehan ni mama.

“Ano nanamang sakit ng ulo ang dala mo?” napayuko na lang ako at mas lalo pang bumigat ang dibdib ko.

Napabuntong hininga na lang si mama at tinapik ang aking balikat.

“Nasa kwarto lang ang lolo mo. Tuwing may problema ka talaga ay sa lolo mo ikaw nagsasabi. Huwag mong kalimutan na handa rin kami makinig ng papa mo sa mga kwento mo.” napangiti na lang ako sa mahabang lintanya ng aking ina. Hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na halikan siya sa kaniyang noo.

Pumasok na ako sa loob at nakasalubong ko naman ang kapatid kong pababa ng hagdan. Agad niya naman ako niyakap.

“Umiyak ka ba, Alexis?” nanlaki naman ang mata ko at umisip kung paano ko malulusutan ang kapatid kong masiguradong observer.

“Abuh! Hindi mo na ako ginagalang ha! Hindi mo na ako tinatawag na ate!Oo nga pala where's dad?” pag-iiba ko ng usapan na hindi naman napansin ng aking kapatid.

“Umalis ng maaga for sure dahil nanaman sa work," naging seryoso naman ang ekspresyon ng aking kapatid. Sobrang malapit kasi talaga niya kay papa.

Tinapik ko na lang siya sa kaniyang balikat at nagmadali ng umakyat sa taas. Bago pa ako tuluyang makaakyat ay pasigaw naman akong nagbilin sa aking kapatid.

“Sabihin mo kay mama na dito ako maglunch. Magluto kamo siya noong paborito ko.”

Tinanguhan niya na lang ako at nagmadali ko na tinungo ang kwarto ng aking lolo. Pinakamalapit talaga ako sa aking lolo at halos siya nga ang nagpalaki, kaya siguro nagustuhan ko rin ang pagpupulis.

Ilang beses muna akong kumatok at pumasok na kahit wala pa akong naririnig na sagot ni lolo.

Nakita ko siyang nakahiga sa kama kaya agad akong lumapit dito. Mukhang mahimbing ang tulog ni lolo dahil hindi niya pa rin nararamdaman ang presensiya ko.

Napangiti na lang ako at balak ko siyang gulatin.

“Lolo," marahan ko siyang tinapik ngunit hindi siya nagreresponse. Napakunot na lang ang aking noo.

“Lolo,” mas nilakasan ko pa ang pagtawag dito. Halos maluha na ako ng hindi pa rin ito nagresponse. Nataranta ko siyang inalog-alog at hindi ko na nga napigilan ang hindi mapaluha. Nilamon nang kaba ang aking dibdib. Hindi ko kayang iwanan ako ng aking pinakamamahal na lolo.

Agad akong tumayo para sana humingi ng tulong ng maramdaman ko ang paghawak ni lolo sa aking kamay. Halos makahinga naman ako ng maluwag. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinaghahampas siya sa kanyang braso.

“Lolo, akala ko iniwan niyo na ako!” napayakap na lang ako sa kaniya ng mahigpit.

Narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa na ikinakunot ng aking noo. Sinasadiya niya ba akong paiyakin. Aish! Nakakainis talaga itong si lolo.

“Lolo, naman huwag mo akong bibiruin ng ganiyan!” sinimangutan ko siya at inirapan.

“Alexis, bakit ka nga pala naparito?” naalala ko naman kung bakit ako nagtungo dito.

“Namiss ko lang po kayong lahat!” pinakita ko ang pinakamatamis kong ngiti. Pinitik niya naman ako sa aking noo kaya muli akong napasimangot.

“Hindi ba dapat nasa school ka ngayon? Hindi ka pa rin talaga magbabago!” napailing-iling na lang ito na parang disappointed na nandito ako. Nagpout na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot.

“Sila Aliah muna ang bahala!”

“Halika nga dito payakap nga uli sa pinakamamahal kong apo,” mabilis ako lumapit at yumakap sa aking lolo. Nawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Tama talaga na dito ako pumunta sa bahay.

“Lolo, maganda po ba ako?” hindi ko na napigilan pang itanong. Hinaplos niya naman ang aking buhok na mas lalong nagpagaan sa aking kalooban.

“Oo naman! Ikaw ang pinakamaganda sa aking mga mata pero mas lamang lang ng konti sa iyo ang lola mo,” napangiti na lang ako ngabanggit niya si lola. Mahal na mahal talaga ni lolo si lola, kahit matagal na itong namayapa ay kailanman hindi na muling nagmahal ng ibang babae si lolo.

“Miss ko na si lola,” sandali ko lang nakasama si lola pero sobrang naging maalaga sa akin ng aking lola. Siguro kung nabubuhay ito ay hindi niya rin ako papayagang maging isang pulis.

“Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa pagkawala ng lola mo, pero masaya ako na nasa piling na siya ng may likha.” ramdam ko sa mga salita ni lolo na talagang namiss niya pa si lola.

Bilib talaga ako sa pagmamahalan nila sa isa't-isa, kung hindi lang sana namatay si lola. Siguro masaya pa rin sila hanggang ngayon.

Sana magkaroon din ako ng lalaking nagmamahal sa akin katulad ng kay lolo.

“Maglaro na lang tayo ng basketball,” napailing na lang ako at humalik muna sa pisngi ni lolo at nagtungo na sa aking silid.

Sila lang talaga ang nakapagpasaya sa akin. Napangiti na lang ako at naghanap ng maaari kong suotin.










Itutuloy...
-----

Good day everyone. Don't forget to pray.

Woahh sino na gusto niyo para kay Alexis?

Vote and Comment na kayo!

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
24K 486 32
Revised Version Tiffany Solenn Dela Paz is an unwanted child of her family. She's also a victim of bullying because of her family. Her family is alwa...
343K 8.1K 37
Mary Julienne has been spending a lot of her time sleeping. And even without the certainty of waking up.. Doctor Joseff fell with her ethereal beaut...
175K 3.3K 61
The Celebrity Dad Book 2