Lost and Found

By peachxvision

300K 13.1K 6.4K

Hiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng un... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 35

4.5K 230 147
By peachxvision

Mahirap, pero nakayanan ko.

Noong unang mga linggo, hinahanap-hanap ko siya. Gusto ko siyang kumustahin. Gusto ko siyang i-chat. Pero nakita ko na lang na nag-deactivate siya—o baka binura na lang niya—lahat ng account niya sa social media.

Siguro ilang oras ko rin tiningnan yung number niya. Gusto ko siyang tawagan, kumustahin . . . pero ano pang sense ng lahat ng sinabi namin kung ganito lang din, di ba?

Hindi pa kami handa—'yan ang katotohanang dapat ko tanggapin.

Nagbura din ako ng social media accounts ko, pero gumawa rin ako ng bago. Yung mga contacts na sobrang close ko lang talaga yung nilagay ko doon, so halos wala pang singkuwenta yung ando'n. At dahil tinaggap ko na lang yung tadhana na talagang patitigilin ako, sinunod ko na lang yung gusto nina Papa (since bad shot pa rin ako na nagtago ako sa kanila tungkol sa first boyfriend ko) na pumunta sa Baguio para tulungan muna si Tita.

Nakaipon ako ng pera, free lodging, at tipid sa tubig. Lamig e. Lalo na sa mga araw na umuulan? Ay utang na loob. Minsan nari-realize ko na lang na di pa pala ako naliligo ng tatlong araw. Hahahaha.

Nagkaroon ako ng "kalandian," pero this time, ginusto ko magdahan-dahan. Puro lang naman kami de-Viber. Naumay na ako sa mga pickup lines niya dahil naranasan ko na lahat kay Theo. Hindi na mahalaga yung pangalan niya kasi di rin naman nagtagal yung harutan namin. Besh, three weeks tapos naging multo na. Less than three months, di na considered yon.

Di wag. Doon siya sa haunted house niya. "Ayaw mo sa 'kin, keri lang. Gusto ko sa sarili ko" ang naging motto ko sa buhay. Haha. Charot lang.

Pero masisisi niyo ba ako, e, ang ganda talaga ng umpisa at katapusan namin ni Theo? Kumbaga "tragic but beautiful ending." Naisip ko rin na mas okay na mutual yung desisyon namin. Walang third party, walang "It's not you, it's me" na drama.

Pareho kaming nagdesisyon na tama na muna.

Iniisip ko siya . . . madalas. Pero hanggang doon na lang 'yon. Tingin ko naka-move on naman ako dahil sa dami ng ginagawa. Inisip ko talaga na kung ginagawa niya yung makakaya niya para matupad yung expectations niya . . .

Ako rin dapat.

Tinuloy ko yung pag-aaral ko ng tourism tapos nag-aral din ako maging flight attendant at . . .

Guess what, bish. Sobrang di ko alam kung anong sumagi sa utak ng panel doon sa interview ko at tinanggap nila ako. AS IN napatingin ako sa salamin sabay sabing, "Tasha, ganda mo pala? Nuks, swak na normal!" sabay tawa at nagpasalamat sa Maykapal sa height at confidence ko.

I mean, heto na, lumiliwanag na ang buhay ko. Nagbabago na unti-unti.

Kailangan ko lang talaga ayusin ang direksyon ko kahit na . . . hindi ko sigurado kung dito talaga ang destinasyon ko. A wise philosopher once said, patuloy lang tayo sa pagkulo, mga ka-mantika.

Hanggang ngayon pa rin naman e. Sa dinami dami ng lugar na napupuntahan ng mga paa ko—thanks sa mga pakpak ng eroplano—pakiramdam ko, nawawala pa rin ako . . . at gusto ko pang mawala at makakita ng iba't ibang lugar.

Sobrang laki ng mundo. Tingin ko, normal lang naman ang mawala. Ang mahalaga naman ay sa huli, makita mo pa rin ang destinasyon mo.

Kasama ng kita ko at nina Mama at Papa (at may ambag din yung tita ko), nakaipon kami ng pang-franchise—charot, panggawa—ng isang karinderya na matagal ng pangarap ni Mama. Best seller? Tortang talong. Punyemas, ano? Haha. I mean . . . puwede namang tapsilog o kaya sisig . . . saan ka naman nakarinig ng karinderya na ang hinahabol ay tortang talong? Nang sinabi ni Mama 'yon, natawa ako pero hindi ko sinabi ang dahilan.

Totoo ba, universe? Wagas kung manadya e.

At dahil nagiging successful naman yung business namin kuno, naisip ko na mag-quit. Isa pa, gusto ko lang sumubok ulit ng mga bagay-bagay, specifically, ang pumasok sa gobyerno at i-apply na yung mga theory na pinag-aralan ko lang naman no'ng college.

Love life? Wala. Ang saya kaya maging single. Kahit na kinukulit na nila akong mag-jowa, natatawa na lang ako. Ilang taon na ang nakalipas simula nang banggitin ko ang mga salitang "Pinapakawalan na kita." Hindi naman sa hindi pa ako handa. Handa naman na ako magmahal ulit.

Sadyang wala lang talagang nagpapatibok sa puso ko tulad ng naramdaman ko noon.

***

Huminga ako nang malalim bago naghanda para sa huling flight ko bilang flight attendant—flight mula Hong Kong pabalik ng Pinas. Nakangiti lang ako habang tinitingnan ang bawat pasaherong sumasakay at naglalagay ng mga bag nila sa compartment. Hinintay makalipad at tumayo ulit para mag-serve ng pagkain para sa mga bibiyahe.

"What about your drink, ma'am?" tanong ko doon sa isang pasahero na ang sagot naman ay orange juice na lang daw.

Umusod ako patalikod para sa huli kong sisilbihan at saka sinabing, "Hi, sir, we are serving—"

Pero napatigil ako.

"Pork belly, please."

Nanginig yung labi ko nang makita si Theo, nakangiti, nakaupo. Lumunok ako ng laway at binigay sa kanya yung gusto niya. Professionally, sabi ko, "What about your drink, sir?"

"Water, miss . . ." At habang nilalagay ko naman yung tubig sa baso niya, bigla niyang dinugtong, "You."

Ano daw?

Miss . . . you?

Potaaato.

Ngumiti ako habang binibigay sa kanya yung tubig. Ang lakas ng tibok ng puso ko nang nakatitig lang siya sa 'kin habang tinatanggap niya yung baso. Ito na ata yung pinaka-intense na pag-serve ko ng isang baso ng tubig ever!

Ano naaaa? Sobrang ibang iba na yung itsura niya. Heto siya, may facial hair na sobrang—juskelerd—bagay na bagay, malaki na yung katawan, tipong napatanong ako ng Luh, siya ba yung pinakawalan ko?!

"Bakit ang yummy niya?" napabulong ako. "Bwisit."

Napatingin tuloy ako sa salamin nang wala sa oras. Ano ba, okay ba ako? Mabango ba ako? Naamoy ba niya ako? Wow, Ma. Natasha, feeling mo naman aamuyin ka niya, no?

"Kalma, ateng. Kalma. Si Theo lang 'yan . . ."

At ewan ko ba.

Nakita ko na lang yung sarili ko na sobrang excited at kinikilig na parang high school.

Bakit siya may facial hair? Tipong alam kong ang dami kong crush na K-pop na sobrang baby face, at siya talaga yung kauna-unahang nilalang na napa-"aaah" ako, mala-Coke commercial. Parang akala mo naman siya ang magtatapos ng ilang taong tagtuyot ko. Hahahaharot.

Ewan ko ba. Hoy, Tasha, utang na loob, ano, moved on ka na, di ba? Yang puso mo, please lang, isip-isip ko na parang pinapagalitan ko ang sarili ko.

Pababa na yung eroplano at nakatayo na kami para tulungan yung mga taong magtatanggal ng bag sa mga compartment nila. Nakangiti lang ako at nagpapasalamat sa mga biyahero, pero ang mata ko, nasa upuan ni Theo.

Shoot. Ando'n pa siya.

Ano na? Do I make my move? Charot. Bakit ako?

At bakit hindi ako?

Lumunok ako ng laway at huminga nang malalim. May nagpatulong ulit na magbuhat kaya tinulungan ko muna. Pagkatapos, tumayo ulit ako at ngumiti at sumilip . . .

Pero wala na siya.

Hindi ko tinanggal ang ngiti ko. Natural, sa ilang taon ba naman na hindi kami nag-usap at nagkita, malamang, puwedeng may kinikita na siya. Worse, baka may asawa na siya.

Ngiti lang.

"Tasha," sabi ng kasama ko. "Kilala ka daw niya. Pinapabigay niya to."

Kinuha ko yung papel.

Tiks, ganda mo pa rin. Text mo ako. ;)

Tapos nakalagay yung number niya.

Tiks. Napangiti ako. All this time, iyon pa rin tawag niya. Ano, hindi na ba nawala yung pagiging mantika ko sa kanya?

Ganda mo pa rin. Napakagat ako ng labi. Hahahaharot. Doon ako napangiti lalo sa pa rin. At yung kindat na smiley . . . anebe! Istilo ng mga pakbet boys ata to e. Biniyayaan ako ng mga anito ng kakirihan!

Pero ayoko umasa.

Noong gabi rin na 'yon, tumingin ako sa Facebook at tinayp ang pangalan niya. Wala pa ring result. Totoo bang natagalan niya ang dami ng taon na wala man lang social media presence? Ano to, pa-mysterious effect?

Humiga ako sa kama at tiningnan yung number na bigay niya. Tatawagan ko ba to . . . o itetext? O itapon ko na ba tong papel na to?

Ano bang motive niya?

Una akong nagtayp ng "hi" tapos binura ko at pinalitan ng "ayoko maging kabit" at binura at pinalitan ng "type mo pa ba ako" at binura ulit. Hindi ko alam kung anong isusulat ko. Munshunga ako na kinikilig na parang high school student.

Nilagay ko muna sa mesa ko yung papel.

Hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko doon.

Tinulog ko na lang.

Paggising ko, wala na yung papel.

Hinanap at hinanap ko, pero wala.

"Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" sigaw ko. "Maaaaaaaaaaaaaa! Ateeeeeeeeeeeeeeeee!"

Umakyat yung nanay at ate ko nang narinig nila akong sumigaw, tipong binuksan nila yung pinto ko nang malakas.

"Akala ko naman kung ano!" sabi ni Ate. "Yung sigaw mo para ka ng manganganak!"

"May nakita ba kayong papel dito? May nakasulat na number?"

"Wala pa namang umaakyat sa kuwarto mo," sabi ni Mama.

"Baka hinangin," dagdag ni Ate sabay turo sa bintana.

Napamura ako at bumaba agad, baka sakaling may napadpad na papel doon. Malas ko lang, wala.

Nagbuntonghininga ako.

"Never mind. Baka . . . hindi lang para sa 'kin," sabi ko.

Bumalik ako sa loob ng bahay, nanghihinayang pa rin sa nawala ko.

"Oy, babae," tawag sa 'kin ni Ate.

"Wag mo kong kausapin. Bad trip ako."

"Luh siya! Sasabihin ko lang naman na may pumunta dito yung ex mo kagabi."

"HA?!" sigaw ko sabay bato ko sa kanya ng unan. "BAKIT DI MO SINABI?!"

"Ayaw niya magpasabi. Sa kanya yung number no?"

"Wala ka ng pake!"

"Daddy na siya."

Napatingin ako kay ate, medyo nalungkot.

"Daddy, I mean," sabi niya, "as in daddeeeeeh."

Natawa ako. "Leche ka."

"Ang saya paglaruan ng feelings mo." Tapos tumawa si Ate na parang bruha.

"Leche ka times two!"

"Bakit, umaasa ka ba?"

Rumolyo ako sa kama. "Hindi. Weird lang na matapos ng ilang taon, bigla kaming nagkita. Alam mo bang nakita ko siya sa last flight ko? Like . . . what a coincidence!"

"So naniniwala ka na sa tadhana ngayon?"

"Alam mo, ikaw, maghanap ka kaya ng kukuha sa egg cells mo? O kung wala, i-donate mo na lang para dumami lahi natin."

"Ayaw mo kasing maniwala na may boyfriend ako?"

"Ge. Sabihin mo na lang 'yan pag kuwarenta ka na, ha?"

Nag-asaran kami ni Ate. Well, alam ko namang may boyfriend siya. Inaasar ko lang kasi di pa niya aminin, ewan ko kung bakit. Wala naman ng pumipigil. Kulang na nga lang ipakilala kami ng mga magulang namin sa lahat ng anak na lalaki ng kumpare at kumare nila.

Sumagi na naman sa isip ko . . . bakit siya pumunta dito?

Nagbukas ulit ako ng Facebook at nagbrowse. Nagstalk ako ng mga pangalan: Torta Agustino, Theo Agustino, The Orpheus Romeo T. Agustino—lahat ng kombinasyon ng pangalan niya, tinayp ko, pero wala pa rin talaga.

Susuko na sana ako nag may nag-notify.

Paul Estrada invited you to attend Baby Neptune's First Birthday.

Wow, grabe tong si Paul, ano? Naalala ko dati kung paanong nagkunwaring crush ko siya kuno, at heto, one year old na yung anak niya. Isa kasi siya sa mga may contact ako kahit pa noong matapos kami ni Theo.

Nag-like ako ng mga photos at nagsabi ng maybe. Pagkasabi na pagkasabi ko no'n, biglang nagmessage si Paul.

tasha! punta ka!

try ko, paul. di ko sure. :(

pupunta si theo.

at? HAHA.

so tingin mo mapapapunta mo ako?

HAHA. malay mo lang matuloy niyo na yung naudlot niyong pag-ibig.

luh. CHE!

kung pupunta ako, dahil yon sa baby mo.

parang sinabi mo na rin na pupunta ka. hahahaha!

okay lang. matatanda na tayo, ano ba.

uso din maging honest sa feelings.

e ano kung di ka pa nakaka-move on?

HALA. HOY.

MOVED ON NA AKO.

haha! sabi mo eh.

basta punta ka?

sinabi ko na kay misis.

paano mo nalaman na pupunta siya?

sino?

sino pa nga ba?

si baste?

HAHAHA.

HAY NAKO.

sabihin mo na kasi yung pangalan.

THEO.

SI THEO.

HAHA.

tinext ko siya. nagreply naman na pupunta siya.

Gusto ko sana tanungin kung tinanong ba niya kung pupunta ako. Gusto ko rin tanungin yung number niya. Pero ayoko naman magmukhang si Theo ang magiging dahilan kung bakit ako pupunta sa birthday celebration ng anak niya.

subukan ko, ok?

for baby neptune and no one else.

okay lang talaga kung dahil kay theo.

kung magkakabalikan kayo...

masaya ako na si baby neptune ang dahilan.

hahahaha.

tagal kong hinintay magkabalikan kayo.

daming abangers kaya.

puwede ba.

moved on na kami pareho.

pareho?

hahahaha.

HOY.

hahahaha.

yii umaasa.

paul ano baaa

hahaha. o ge na.

punta ka ha?

sayang pacatering.

:)

Pinindot ko yung "Going." Ang nakakatawa na medyo fishy, ni-like lang naman ni Baste, Paul, at Sean yung status na pupunta nga ako. Ano ba tong mga to? Parang mga bata.

Ako rin . . . para akong batang umaasa at kinikilig.

Parang kahapon lang noong binitawan namin ang isa't isa. Tapos ngayon . . . magkikita na naman kami. Bakit ba kasi namin kailangan magkita ulit?

Pero ewan. Parang sa loob-loob ko, gusto ko rin naman.

Hay.

Ewan.

Bahala na nga.

Continue Reading

You'll Also Like

300K 13.1K 37
Hiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may...
169K 4.7K 49
Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh ito ang kanyang trabaho? Nag-iba ang lahat...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...