Alliance of a Broken Heart (C...

By LeonLynx

9.3K 667 7

Paano kung ang dalawang Broken Hearted ay pinag-tagpo ng tadhana? Napag-desisyunan nilang tulungan ang isa't... More

Author's Note ^_^
Paunang Salita
Lines
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 24

182 13 0
By LeonLynx

Chapter 24

Matamlay si Crystal nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila ni Arthur patungong Singapore. Bumababa na ang mga pasahero pero nakaupo pa rin siya.

Tinapik ni Arthur ang kanyang balikat. “Are you okay Crystal? Nahihilo ka ba?” Nag-aalalang tanong ng binata.

Natauhan siya sa sinabi ng binata. “Ah oo, medyo nahilo lang ako.” Napahawak siya sa kanyang noo. “Pero wag mo na ako alalahanin, okay lang ako.” Tumayo na siya at nag-ayos ng gamit.

Walang imik si Crystal hanggang sa makarating sila sa hotel. Hindi naman siya tinanong pa ni Arthur dahil baka masakit lang talaga ang ulo nya.

Binuksan ni Arthur ang hotel room nila. Pumasok siya sa loob at sumunod si Crystal. Lumingon si Arthur sa dalaga. “Gusto mo ba na mag-pahinga na muna?” Tanong nya.

Tumango si Crystal. Kinuha ni Arthur ang maleta at bag ni Crystal. Dalawa ang bed sa room kaya tig-isa silang dalawa. Naupo siya sa isang kama at sumandal sa head board.

“Gusto mo bang kumain? Magpapa-deliver ako sa baba kung gusto mo.”

“Huwag na mag-papahinga na lang muna ako. Tubig na lang siguro, kasi medyo nauuhaw ako.”

Pumunta si Arthur sa maliit na kusina at binuksan ang maliit na refrigerator. Kumuha siya ng dalawang bottled water. Inabot nya kay Crystal ang isa at uminom din siya.

“Salamat Arthur.” Binuksan nya ang bottled water at uminom. Halos maubos nya ang tubig.

Nakasandal si Ezekiel sa kanyang swivel chair. Nakalagay sa kanyang batok ang mag-kabilang kamay nya. nakapatong din sa table ang kanyang mga paa.

Ilang araw na siyang wala sa mood mag trabaho. Ang daming mga papeles na nakatambak sa kanyang opisina na hindi nya nagalaw.

Bigla nyang binaba ang kanyang paa nang may pumasok sa kanyang opisina. Tumambad sa kanya ang kanyang galit na ama.

“Ezekiel, ano ba ang nang-yayari sa’yo ha? Pababayaan mo na lang ba na ganito ang performance ng department mo?” Gigil na wika ng kanyang ama.

“Dad, I’m really sorry.” Nakayukong sabi nya.

Nilapag ng kanyang ama ang isang folder sa table ni Ezekiel. “Hindi ako basta-basta tumatanggap ng sorry Ezekiel, alam mo ‘yan. Ayusin mo ngayon din ang mga ‘yan!” Bulyaw ng kanyang ama at umalis siya agad pag-kasabi noon kay Ezekiel.

Napabuntong hininga na lang si Ezekiel at sinimulang buklatin ang tambak na folder sa kanyang harapan.

Matamlay pa din si Crystal habang namamasyal sila sa Universal Studio sa Singapore. Ngayon lang nya napagtanto na nag-kamali siya sa kanyang desisyon na pag-sama kay Arthur .

Alagang alaga naman siya ni Arthur pero hindi pa din siya lubusang masaya. Mayroon siyang hinahanap hanap na hindi nya maunawaan kung ano.

Nakahinga si Crystal nang maluwag nang pauwi na sila ni Arthur ng Pilipinas. Ngayon lang siya nabuhayan ng dugo sa ilang araw na pag-stay nila sa Sigapore.

Nag-taka naman si Arthur nang biglang sumigla si Crystal habang nasa airport sila ng Singapore. “Mukhang okay na okay ka na ah? Matamlay ka kasi noong mga nakaraang araw, parang hindi ka nag-enjoy sa pamamasyal natin.”

Napansin pala ni Arthur na wala ako sa mood sa pamamasyal namin.

“Ah, hindi naman Arthur. Nag-enjoy naman ako, kaso nagkataon lang talaga na medyo masama ang pakiramdam ko noon.” Pag-dadahilan nya.

Pag-kauwi ni Crystal sa kanyang condo ay agad nyang tinawagan si Aneth.

“Hello Aneth?” Bungad ni Crystal.

“Naku, Crystal buti tumawag ka na. Hinahanap ka ni Ezekiel sa akin eh, sabi ko sa kanya nag-bakasyon ka with Arthur sa Singapore.” Malakas na sabi ni Aneth.

Biglang kinabahan si Crystal. “Bakit nya daw ako hinahanap?” Untag nya.

“Hindi sinabi eh, mukhang malungkot siya. Kapag nag-pupunta kasi siya dito sa gym hindi maipinta ang mukha nya.” Naging malumanay na ang boses nya.

Hindi na nakasagot pa si Crystal.

“Hello Crystal? Nandyan ka pa ba?” Tanong ni Aneth sa natigilan na si Crystal.

“Ah, oo nandito pa ako.” Natauhang wika nya.

“Bakit kasi nakipag-balikan ka kay Arthur? Ano ba ang pumasok sa isip mo?” Panenermon ni Aneth.

“Alam mo naman ang sitwasyon naming dalawa di ba?” Malungkot na wika nya.

“Feeling ko kasi mahal ka na din ni Ezekiel best. Kasi iba na talaga ‘yung nakikita ko sa mga kinikilos nya simula nang mag-kabalikan kayo ni Arthur eh.” Mapilit na wika nya.

“Ayaw ko maging assuming Aneth, saka nag-sisimula na ulit kami ni Arthur. Nakikita ko naman na talagang bumabawi na siya sa lahat ng nagawa nyang pag-kukulang noon.”

Tumaas ang kilay ni Aneth. “Pero masaya ka naman ba talaga?” Dismayadong sabi ni Aneth.

“Siguro.” Matipid na wika ni Crystal.

Bumuntong hininga si Aneth. “Hay naku Crystal, kung ako sayo kay Ezekiel ka na lang noh.” Umirap pa siya sa kabilang linya.

Nakahiga na sa kama si Crystal pero naiisip pa rin nya ang mga sinabi ni Aneth. Paano kung mahal na talaga ako ni Ezekiel? Siya ba talaga ang hinahanap hanap ng puso ko kaya ako nag-kakaganito? Tuliro na naman ang isip nya.

Pag-katapos ng trabaho umuwi na agad si Crystal sa kanyang condo. Pag-katapos nya mag-bihis nag-tungo agad siya sa kusina para mag-luto ng dinner.

Nag-hihiwa siya ng sibuyas nang may nag-door bell. Biglang lumukso ang puso nya at naalala si Ezekiel. Si Ekie na kaya ‘yun? Masiglang lumakad siya nang nakangiti at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang nakangiting si Arthur.

Biglang napawi ang ngiti nya nang hindi si Ezekiel ang nabungaran nya sa harapan ng kanyang unit.

Agad na humalik si Arthur sa pisngi ng dalaga. “I missed you babe. Flowers for you.” Inabot nya ang boquet of flowers kay Crystal.

Kinuha nya ang bulaklak. “Salamat Arthur.” Inamoy nya iyon. “Ang bango naman nito.”

Ngumiti si Arthur. “Siyempre naman, pinili ko talaga ang pinaka maganda at pinaka fresh na bulaklak para sa’yo babe.”

Niluwagan ni Crystal ang pag-kakabukas ng kanyang pinto. “Pasok ka.”

Pumasok silang dalawa at niyakap ni Arthur si Crystal nang maisara nya ang pinto ng unit ng dalaga. Agad na kumalas si Crystal sa pag-kakayakap ng binata.

“Naku, mag-luluto nga pala ako Arthur. Gusto mo ba na dito na kumain?” Aya nya sa binata.

Ngumisi si Arthur. “Sige ba. Para makatikim naman ako ulit ng masarap na luto mo babe.” Hinimas nya ang balikat ng dalaga.

Lumakad na siya patungo sa kusina. “Kaso sea food pasta lang ang lulutuin ko, okay lang ba sa’yo?” Tanong nya.

“Oo naman, kahit ano pa ‘yan basta luto mo kakainin ko babe.” Nakangiting wika nya.

Tapos na sila kumain at nakaalis na si Arthur sa condo unit nya pero nakatitig lang si Crystal sa kanyang nakasaradong pintuan. Ginulo nya ang kanyang buhok. Ano ka ba naman Crystal hindi naman pupunta si Ezekiel dito eh.

Kinuha nya ang kanyang cellphone upang tawagan si Ezekiel para mangamusta. Napatitig siya sa screen ng kanyang cellphone pero hindi nya nagawang pindutin ang call button.

Pinatong nya na lang ang kanyang cellphone sa coffee table at sumandal sa kanyang sofa. Pinikit nya ang kanyang mga mata at nag-isip isip.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
926K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]