Chapter 25

191 14 0
                                    

Chapter 25

Nagmamadaling lumakad si Kimberly pagkababa nya ng kanyang sasakyan. Agad siyang nag-door bell sa bahay nila Ezekiel. Nagmamadaling binuksan iyon ng kasambahay ng binata.

Ngumiti si Kimberly. “Nasaan si Ezekiel? Bakit wala siya sa office nila?” Pa-sweet na tanong nya.

“Ay, Ma’am Kimberly natutulog pa po si Sir, may sakit po kasi siya ngayon.” Malungkot na wika ng kasambahay.

“Pwede ko ba siyang puntahan?” Nag-puppy eyes pa siya.

Tila nag-isip pa ang kasambahay.

Nagpa-cute pa lalo si Kimberly. “Sige na, please?”

Bumuntong hininga ang kasambahay. “Sige na nga Ma’am, pero wag kayong masyadong maingay at saglit lang po kayo kasi ayaw ni Sir na maabala eh.”

Excited na pumasok ng mansion si Kimberly. Dumeretso siya agad sa room ng binata. Kumatok siya nang tatlong beses pero walang umimik.

Pinihit nya ang door knob at sumilip  sa loob. Madilim sa loob ng silid ng binata. Kinapa nya ang switch ng ilaw sa pader.

Nakita nya na nakadapa si Ezekiel sa kanyang kama. Lumapit siya sa kama at naupo sa gilid. Hinaplos nya ang buhok ng binata simula batok pataas.

Naalimpungatan si Ezekiel sa ginawa ni Kimberly. Napaungol siya at nabanggit ang isang pangalan. “Crystal?”

Umirap si Kimberly. “I’m not Crystal.” Maarteng wika nya.

Biglang napaharap si Ezekiel sa dalaga at nagulat siya nang makita si Kimberly. “Anong ginagawa mo dito Kimberly?”

Hinaplos nya ang braso ng binata. “Ano pa? Eh di dinadalaw ka. Nag-punta ako sa office mo pero hindi ka daw pumasok kasi may sakit ka daw. Kaya pumunta na agad ako dito sa inyo.” Malambing na sabi nya.

He sighed. “Ano bang kailangan mo?” Tanong nya.

Yumakap si Kimberly sa braso ng binata at humiwalay din agad. “I missed you Ezekiel, wala na kami ni Arthur matagal na. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin ka. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I want you back Ezekiel.” Malambing na sabi nya.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now