PATAWAD
Patawad, dahil hindi ko masuklian
Ang inaalay mong pagmamahal
Na lubosang binabalewala ko lamang
Patawad....
Ilang beses ko nang sinubukang gustohin ka
Ilang beses ko nang tinuroan ang pusong ito na mahalin ka
Ngunit hindi ko nagawa
Dahil, hindi ko kaya
Hindi ko kayang suwayin ang idinidikta ng puso ko
Na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong maibigay sayo
Alam kong masakit para sayo
Na marinig mong hindi ikaw ang gusto ko
Sa kadahilanang minahal mo ako ng buo
At ngayo'y nagtatanong ka
Kung minahal ba kita?
Oo, minahal kita
Ngunit bilang kaibigan lang talaga
Patawad, dahil ako ang naging dahilan
Ng pag patak ng mga luha mo
Ang pag sikip ng dibdib mo
At maging ang pagka durog ng puso mo
Kaya't sanay mapatawad mo ako
Dahil kahit pilitin ko pa
Hindi parin ikaw ang idinidikta
Dahil para sa akin
Kaibigan ka lang talaga