Nobela

89 0 0
                                    


Isang kwentong gawa ng may akda.
Hindi rin siya matatawag na maikling kwento, dahil ito ay detelyado.

Pasok ito sa panlasa ng mga kabataan, kahit ito'y imahinasyon lamang.
Kinaadikan ng kababaihan, Binabasa rin ng kalalakihan.

Swerte kung may libro, pero masaya rin kasi may app na ito.

Kahit walang jowa, sa wattpad marami kang asawang makukuha.
Iiyak, tatawa, maiinis, at kinikilig kababasa.

Doon mo makikilala sina Juanito Alfonso, Ace Craige, Deib Lohr, at Jeydon Lopez, na nagpatibok ng ating puso.
Tinuruan nila tayong maging matapang, at hindi sa lahat ng oras, kailangan nating magpakabaliw sa totoong tao.
Tatakas sa realidad, at papasok sa hindi makatotohanang lugar.

Masaya mong binasa ang Prologue, pero naiyak ka ng mabasa mong 'nasa katapusan kana'.

Bakit ako iiyak sa isang tao?, kung marami akong nilalandi sa libro.

Hindi lang pagka inosente ko ang kinuha ni Cecelib, pati narin ang laman ng puso ko.

Ginising ni Maxinejiji ang pagkamatapang ko, at ibinalik ako ni binibining mia sa taong 1892.

Sinasabi ng lahat na nagsasayang lang ako ng oras, dahil hindi sila totoo.
At least ako hindi ako naghabol sa maling tao.

Kapag nagmahal ka sa realidad, hindi mapipigilang umuwi ng luhaan.

Pero kapag nagmahal ka ng Fictional Character, hinding hindi ka nito sasaktan.

Tama si Tarugo, esti Taguro hindi ang mundo ang baliktad, kundi ang mga tao.

Noon, iniiyakan ko ang jowa ko, kahit anong utos niya susundin ko.

Pero nang nag-utos siya na burahin ang wattpad, Agad akong tumawa at sinabing 'Ikaw na lang kaya ang burahin ko sa buhay ko?, Total palagi mo naman akong sinasaktan'

Jowa lang kita, Asawa ko sila.

Lakas mo rin mag-utos no?
Hindi ka naman kabilang sa Possessive na binabasa ko.

Sino ka sa akala mo? Si Ezekiel na mafia?
Pinapatay ka ng tingin, kapag hindi mo sinusunod ang kaniyang bilin?

Makikipaghiwalay nalang ako sayo, Wag lang sa mga Asawa ko.

Talk back, and you're dead.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now