Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 34

4K 231 129
By peachxvision

Napatingin siya sa 'kin at nanigas ako. Alam kong galit si Theo at natatakot ako.

Natatakot ako dahil alam kong dahil dito, mawawala na kami.

"Oh my god, Hudson!" sigaw ko at pumunta agad kay Theo para itulak siya palayo bago pa man niya masuntok ulit si Hudson.

"Naglalasing kayo dito? Kayong dalawa lang?!" sigaw ni Theo.

"What?! No!" sigaw ko, ultimately nawala na ang pagkatipsy. "Utang na loob—"

"Umuwi na si Pet," sabi ni Hudson habang tumatayo nang kalmado. "Andito ka na naman para maghamon ng away?"

For a minute, nainis ako kay Hudson. Sabi ko, gisingin ako kapag andiyan na sina Pet pero sa iba ako nagising. Ngayon, hindi ko na alam kung paano ko lulusutan to.

"Sorry, Hudson, uwi na kami. I'm . . . sorry," sabi ko.

"Kaya ko lang naman siya minessage para sabihing hindi ka magising at para sunduin ka," sabi ni Hudson sa 'kin. At kay Theo, dinugtong niya, "Pero nga naman ano? Wag mo ko itulad sa 'yo."

"Anong sinabi—"

"Theo! Please! Tama na! Nakakahiya—"

Pero walang sinabi si Theo. Ni hindi man lang niya kinuha yung mga kamay ko. Napatingin ako kay Hudson at nag-sorry.

"Totoo yung sinabi ko," sabi ni Hudson. "Habulin mo na siya."

Naiiyak ako na nagpapasalamat at hinabol si Theo. Ando'n lang siya sa dulo ng street, mukhang hinihintay ako. Paglapit ko, tumabi lang siya sa 'kin. Ni hindi ko siya maharap. Walang nagsasalita. Takot na takot ako.

Pero nang bigla kong naramdaman yung mga kamay niya . . .

Nahikbi at tumulo na lang yung mga luha ko.

Naglalakad kami habang umiiyak ako. Punas, tulo. Punas, tulo. Hindi ko rin alam kung umiiyak ba siya o ano, pero walang umiimik sa 'min. Cold war? Ewan ko. Malamig, oo. Digmaan, oo. Nakikipaglaban ako sa sarili ko kung itutuloy pa ba namin 'to o hindi na.

Pero iniisip ko yung naumpisahan namin mula sa pagkakaibigan . . .

Parang di ko kaya.

Tahimik kaming sumakay sa jeep, at tahimik din kaming bumaba. Pagdating namin sa gate, hindi ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko.

"Theo . . . yung totoo . . . mahal mo pa ba ako?"

Nakayuko ako nang sinabi ko 'yon.

Pero nang tiningnan ko siya, saktong tumulo yung luha niya. Mamasa-masa yung mga mata niya na gusto ko na lang siya yakapin, pero naguguluhan na rin ako. Nakangiti na lang siya sa 'kin, pero alam kong ang lungkot ng mga ngiti niya.

"Ano ba . . . ," sabi ko nang may paghikbi. "Pi-pinapakawalan mo na ba ako?"

Wala na. Tulo na lang nang tulo.

Pinunasan naman niya yung mga luha ko. Kailan ko nga ba huling naramdaman yung init ng mga kamay niya? Yung ganitong init, init na talagang alam kong mahal niya ako at ramdam kong ayaw niya akong mawala? Kailan ko ba nakita yung mga mata niyang kumikinang nang ganito? Yung talagang sumasalamin kung gaano ako kaimportante sa kanya?

At bakit ngayon ko lang 'to ulit naramdaman?

"Wala naman akong karapatan pakawalan ka," sabi ni Theo.

Ngingiti na sana ako pero . . .

"Pero kailangan mo akong bitawan."

Teka.

"A-ayoko . . . Theo . . ." sabi ko. "H-hindi ko maintindihan. Di mo ako papakawalan pero . . . bibitawan kita?"

"Gabi na," sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. "Mag-usap tayo bukas—"

"Bakit di pa ngayon?!"

Doon ko lang na-realize na nag-aabang yung mga magulang ko sa gate. Bwakangna. Ngayon alam na nila yung tungkol sa amin . . . kung kailan naman unti-unti kaming nasisira.

"Gusto ko man," sabi niya, "pero—"

"Tasha!" sigaw ni Papa.

"I'm . . . I'm sorry."

Sorry. Iyon yung huling sinabi niya sa 'kin bago kami naghiwalay noong gabing 'yon. Pinagmasdan ko na lang siyang naglakad palayo habang nakatitig si Papa sa kanya. Pumasok ako sa gate at nag-iiiyak. Magkukulong sana ako sa kuwarto nang puntahan ako ni Mama.

"'Nak, sino 'yon?" tanong ni Ma pero di ako sumagot.

"'Nak, bata ka pa," pagpapatuloy ni Mama. "Galit na galit papa mo. Pero . . . parang mas nalungkot ako na di mo sinabi sa 'kin yung tungkol do'n."

"Ma, gusto ko na lang po matulog . . ."

"Gusto mo ba siya makatuluyan?"

Nagulat ako sa tanong ni Mama. Ang totoo, napabangon ako. Ngayon lang ata nagsalita si Mama nang ganito sa 'kin.

Tumango ako habang tumutulo ang mga luha ko.

"Kung gano'n, pakawalan mo muna, 'nak," sabi ni Ma.

"H-ha? Ma . . ."

"Akala mo ba di ko napapansin? First love mo, natural. Gagawin mo lahat, natural. Pero kailangan mo pakawalan muna bago kayo masira nang tuluyan. Hindi pa ata tama sa inyo ang pagkakataon."

"Pero kailan, Ma? Kapag may iba na siya?"

"Kapag handa na kayong dalawa at mature na kayo para talagang panindigan 'yang relasyon niyo."

Wala na. Humagulgol na ako at napayakap kay Mama.

Iyon ba talaga ang kailangan ko gawin, universe?

***

Pagka-charge ko sa cell phone ko, may message ako mula kay Hudson at kay Pet. Nag-e-expect ako ng message mula sa kanya pero wala.


PET

gurlll potaaaa

i heard what happened & im so sorrrrrryyyyy

shuta

:(

sabi kasi ni hudson cinontact na daw niya bf mo kaya nauna na kami :(

okay lang

we will get through this

wew pastrong haha


HUDSON

Tasha, sorry kagabi. Buti na lang tapos na birthday ko nang nangyari yon. Haha!

Pero nagmessage ako sa kanya at sinabing sunduin ka dahil lasing ka na.

Alam ko namang may galit si theo sa kin kaya naiintindihan ko. Natural naparanoid yon. Kahit naman ako sa sapatos niya, baka magalit din ako.

i understand. sorry kagabi. :(

Sana maging okay kayo.


Tiningnan ko yung contact ni Theo. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba siya o magmamatigas ba ako dahil siya naman ang may kasalanan.

Pero wala e. Malambot ako.

At nang pipindutin ko na sana yung call button, biglang nakita ko yung pangalan niya.

"H-hello . . . Love . . ." umpisa ko.

Noong una, hindi siya nagsalita.

"Puwede ba tayo magkita ngayon?" tanong niya. Kinakabahan ako.

"P-para saan? Kung makikipag-break ka—"

"Tasha," sabi niya. Sobrang kumirot yung dibdib ko nang binanggit niya yung pangalan ko. "Mahal kita. Ikaw yung unang babaeng minahal ko, hindi lang gusto o crush o ano. Mahal. At ikaw din sana yung huli. Please, gusto kitang makausap."

Umagang umaga, lulumuluha na ako. Ramdam ko. Ramdam ko sa mga salita niya.

"O-okay."

Nagbihis ako para makipagkita sa kanya. Gusto niyang makipagkita sa dating school namin—utang naman na loob. Ganito ba talaga ka-dramatic ang breakups sa totoong buhay?

Teka, sino bang nagsabing makikipagbreak ako? TATAGAAN MO LOOB MO, SELF.

Nagbihis ako nang simple lang—white shirt, pantalon, sandals. Suot ko din yung saya, lungkot, at kaba na makita siya. Halo-halong emosyon para sa iisang tao . . . ganito nga ata ang magmahal.

Nakita ko rin siya, naka puting shirt, pantalon, at rubber shoes. Either mukhang monthsary namin o mukhang pareho kaming makikiparada sa lamay. Wish ko lang yung una.

Nagngitian kami nang nakita namin ang isa't isa. Nakatayo lang kami, tinitingnan ang masalimuot na langit.

Sana umulan.

"So," umpisa ko, "ano . . ."

Humarap sa 'kin si Theo. "H-hindi ko alam kung paano to gagawin."

"Ang alin ba?"

Nagbuntonghininga siya.

At saka niya sinabi ang mga salitang ayoko sana marinig.

"Pakawalan mo muna ako."

Nanigas ako. Alam ko naman na deep inside, medyo slight pinaghandaan ko tong moment na to. Pero iba pa rin pala kapag andiyan na. Para talaga akong binagsakan ng bato.

"Wala akong karapatang pakawalan ka, Tasha," dagdag niya. "Wala kang ginawa kundi ang mahalin ako, at alam kong pagod ka na—"

"H-hindi ako pagod—"

"Pero ayokong mapagod ka, Tash," pagtigil niya. "Kaya kailangan muna nating magpahinga."

"My god, Theo. Ano, kung tayo, tayo talaga ang lagay natin? Bakit di mo na lang ako diretsuhin? Na gusto mo si Cat at hindi mo na ako mahal?"

"Mahal kita, ano ba, puta naman—"

"Kaya nga! Bakit? Kung mahal mo ako, bakit mo ako papakawalan? O bakit kita kailangan pakawalan?! Di ko gets!"

"Dahil kapag bumitaw tayo ngayon, baka may pag-asa pang mas maging maayos tayo."

"What the f—no! Hindi gano'n ang relationship, ano ba! Aayusin natin 'to. Tatagal tayo ng ten years—"

"Hindi tayo tatagal ng dalawang taon kung ganito," sabi niya. "Wala na tayong tiwala sa isa't isa. Hindi mo mapaniwalaang mahal kita, na ikaw lang talaga."

"E paano ko naman papaniwalaan kung iba yung pinapakita mo?"

"Sinabi sa kin ni Cat na gusto niya ako."

"Oo nga—"

"Na gusto pa rin niya ako. Pero sabi ko . . . na mahal talaga kita."

Napakagat ako ng labi. Ayoko na namang umiyak. Bwakangna naman.

"Pero kahapon, na-realize ko na . . ako rin, walang tiwala sa 'yo. Na naisip ko, baka kakatulak mo sa 'min ni Cat kahit wala talaga, baka maghanap ka ng iba. Kaya yung kahapon, mali ko 'yon. Sobrang . . . di ko alam kung paano lulunukin yung pride ko para mag-sorry kay Hudson. Nag-umpisa talaga to no'ng nagtago ka sa kin tungkol sa course mo.

"At . . . gusto kong matupad yung expectations ko para sa sarili ko. Dahil . . . alam mo yon? Parang ngayon lang ako nakakita ng para sa sarili ko."

"At hadlang ba ako?" tanong ko.

Umiling siya. "Sinusuportahan mo nga ako, di ba? Pero ngayon lang kasi ako nakahawak ng ganitong pressure. Di ko maayos yung sarili ko. Ni hindi ko nga maayos yung tayo e. At . . . ayokong ikaw lang yung nag-aayos."

"Iyon pala. Ba't di tayo magtulungan?"

"Tasha," sabi niya na may tono ng lungkot, "hindi mo ba napapansin? Yung selos, pagkawala ng tiwala, laging puro sagutan ng mga tanong na walang sagot, pagkawala ng oras . . . imbis na mas nagiging malakas tayo, lalo tayong humihina."

Napatingin ako sa langit.

Siguro nga, nakukuha ko na.

"Pareho tayong . . . selfish."

At nang inamin ko 'yon sa sarili ko, doon lang ako nakaramdam ng ginhawa, ginhawa na may lungkot pa rin dahil alam ko na tama siya.

Tama si Theo.

Tama si Mama.

Kailangan muna naming magpahinga.

"Siguro nga . . . Dahil ang totoo niyan, gusto kong paglaanan mo ako ng oras," sagot ko. "Dahil pinipilit ko lang intindihin na may iba kang priority, pero ang totoo, hindi talaga kita maiintindihan. Iba ang pinipilit intidihin sa totoong naiintindihan. At ang ending, nagkikimkim ako. Na naiipon, naiipon, hanggang sa naaawa na lang ako sa sarili ko."

"Ako rin naman. Gusto ko munang makaangat—makaangat to a point na pati ikaw, yung pagmamahal mo . . . I took advantage of it para makaangat muna ako. Kahit saglit lang, kahit ngayong taon lang."

"Yung feeling na . . . yes, sa wakas, feeling mo nakikita mo na yung sarili mo."

Tumango siya.

Napaluha ako at tumawa. Pinunasan ko ang sarili kong mga luha. "Gago natin, no? Ngayon nagkakaaminan na tayo ng mga mali natin. Parang tanga."

"Tingin mo ba . . . pagkatapos nito . . . kaya pa natin?"

Umiling ako.

Natawa siya. Pero doon ko rin napansin na namumula na yung ilong niya.

"Kaya ko sinabing pakawalan mo ako," sabi niya, "dahil . . . sa 'ting dalawa, alam kong mas tama na ikaw yung magsabi—"

"Na pagod na ako, na pinipilit ko na lang," tinuloy ko yung mga sinasabi niya.

Pareho kaming napatingin sa langit.

Ano na universe? Totoo ba? Ilang taon pa lang ako, ganito na agad? Hindi pa ako ready sa mature roles, punyemas. Well, kaya rin siguro nagkaganito.

"Theo," tinawag ko siya. Tumingin siya sa 'kin nang may namumulang mata at ilong. "Sabihin mo na lang kasi na mahal mo si Cat, mas maiintindihan ko pa kung bakit tayo maghihiwalay. Ang hirap intindihin na mahal mo ako pero kailangan kita pakawalan."

Pero hinawakan lang niya yung ulo ko . . . katulad noong mga unang panahon.

Gusto niya ako yung bumitaw.

Siguro, sa loob-loob ko, gusto ko na rin, pero hindi ko lang alam kung paano sisimulan ang mga sumusunod na araw na yung routine ko na may kasamang "video call si Theo" o kaya "text si Theo" o kaya "makipagkita kay Theo every Saturday," biglang mawawala.

At sa pagbanggit ko ng mga salitang gumunaw ng mundo naming dalawa, alam kong ako na lang ang meron ako. Kahit pa mahirap, wala naman akong magagawa kundi ang kayanin.

"Pinapakawalan na kita, Theo."

Pareho kaming umiyak at yumakap sa isa't isa. May parte sa sarili ko na gusto kong bawiin yung kakasabi ko lang, pero yung katotohanang hindi ko ginawa 'yon ang nagpapatunay na sa loob-loob ko, gusto ko munang magpahinga.

Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad. Parang ayoko matapos yung oras pero alam kong kailangan. Bukas, isang bagong mundo na wala muna si Theo sa tabi ko.

Susubukan. Kakayanin.

"Wag ka na lumingon," sabi niya.

"Oo na," sagot ko. "Feeling mo naman hindi ko kaya. Strong kaya to."

"Alam ko namang kaya mo. Ikaw pa?"

Ngumiti ako. "Mag-ingat ka, okay? At galingan."

"Ikaw din."

Bumitaw na kami sa isa't isa. At oo, hindi ako lumingon. Ni hindi nga namin sinabi sa isa't isa na mag-keep in touch. Basta bumitaw kami at naglakad sa kanya-kanya naming daan.

Tatlong bagay ang pinanghihinayangan ko lang noong araw na 'yon.

Una yung hindi ko siya nahalikan.

Pangalawa, sa buong pag-uusap namin na 'yon, di ko man lang nasabi nang diretsahan na mahal ko siya.

At pangatlo, sana sinabi kong hihintayin ko siya, na hintayin din niya ako, at kapag nasa ayos na ang lahat, sana, magkita ulit kami.

Continue Reading

You'll Also Like

36.3K 1.8K 48
TL Series #2 • Frinz Alfonse Payne's Story • An online story that started with a deal. A deal that both of them would benefit from each other. The...
123K 9.7K 113
❝ Agawin ang mic sa stage at kumanta ng Halik by Aegis? #DrunkMomo won't back down! . . . SHET?! ❞ Y Chronicles Universe #KNMSD2 of Kabulastugan Bo...
1.7K 216 61
An Epistolary Destiny, indeed, weaves its intricate tapestry in the most unexpected ways. It conspires to lead you towards love when you least expect...
20.4K 1.3K 15
A short story about Tyrese and Eisley living in a parallel universe. Would their alternate realities finally get their happily ever after?