Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 33

4.3K 191 161
By peachxvision

Napatulala na lang ako sa sinabi niya. Nga lang, walang luha na pumapatak o namumuo. Nasa loob lahat ng sakit, tipong parang pinipiga yung puso ko.

"Pagkatapos ng lahat ng sinabi mo kanina," sagot ko, "biglang cool off? Ano ba ang tingin mo sa feelings ko, Theo?"

"Sawang sawa na ako na pinagbibintangan mo si Cat sa isang bagay na hindi naman niya ginagawa."

"Sawang sawa na rin ako na mas iniisip mo yung nararamdaman niya kesa yung nararamdaman ko. Isa pa, hindi lang naman si Cat ang problema ko. Ikaw."

"Ako? Paano naging ako?"

"Babawi ka, sabi mo. Asan ang bawi? Nilipad ng hangin? Kinain ng crocodile? O baka pati buwaya hindi na kakainin yung so-called bawi mo dahil nonexistent naman."

Huminga siya nang malalim.

"Sinabi ko na lahat sa 'yo—na nagseselos ako, na gusto ko magkaroon sana kahit katiting na oras mo," dagdag ko. "I understand you, the hell I do! Kaya nga sa loob ng isang buwan, nagtiis akong di ka makita. Pero kaunting effort? Two-way ang relationship, Theo. Di ko to kaya mag-isa. Sabi mo noon, kaya natin to. Asan na yung mga sinabi mo? Asan na yung Theo na minahal ko?"

"Minahal? Di mo na ako mahal ngayon?"

"Don't fucking word play me," pagalit kong sinabi. "Sino ba sa atin ang nakikipag-cool off?!"

"Kalma, okay?" sabi niya. Tumabi siya sa 'kin at hindi ko naman siya tinaboy. Wala na rin akong lakas. "Okay, sorry. Sorry na sinabi ko 'yon. Ayoko lang na paulit-ulit yung away natin. Stressed ako sa expectations, at nawawala yung tiwala mo sa 'kin. Hindi ko alam kung paano babalansehin 'yon. Kaklase ko si Cat sa mga major subjects, ang hirap naman na hindi kami magkita."

"Kaya ang solusyon mo ay mag cool off tayo?"

"Sabi mo nga, may nasasabi tayong hindi magagandang bagay kapag nasa peak ang emotions natin. Napepressure ako, at natataranta ako kapag nagagalit ka dahil wala namang dapat ikagalit. Ikaw lang naman talaga ang mahal ko. I'm sorry. Ako yung mali. Thankful ako at ang suwerte ko na pumunta ka sa 'kin ngayon."

"I don't care if I'm your second priority," sabi ko, "dahil naiintindihan ko naman na ang first priority mo ay yang pag-aaral mo. Basta, sana, priority pa rin ako. Kahit next to family. Basta priority, hindi leisure."

"Hala, gano'n ba ako?"

"Gano'n ang nararamdaman ko."

"Sorry. Sorry kung gano'n naparamdam mo."

"Sa mga oras na to, sa totoo lang, parang di na sapat ang sorry."

Hinarap ako ni Theo sa kanya. "Sorry, sorry na," sabi niya. "Alam ko namang di sapat ang sorry. Hindi ko na rin alam kung paano na ako babawi. Araw-araw ko ring iniisip na gusto ko na ng maraming pera at oras para ma-date ka, pero di talaga ako pinagbibigyan, e. Kung may pera, walang oras. Kung may oras, walang pera."

"E paano na lang kung nasa Baguio na ako? Paano na tayo?"

"Kaya yan."

"E ito ngang simpleng nag-aaral tayo sa magkaibang school, nagkakaganito na tayo. Yung nasa magkaibang rehiyon pa kaya tayo? Parang di ko kaya. Mas gugustuhin ko na lang tumambay sa bahay. Dito na lang ako maghahanap ng work habang naghihintay ."

"Siguro nga mas okay na gano'n."

Nagbuntonghininga ako. Mula sa mainit na usapan kanina, kumakalma na kami. Ngayon, lalo na napuno ang utak ko ng pag-o-overthink. First time ata niyang humingi ng cool off sa 'kin . . . paano na lang kung di na ako nag-aaral? Baka isipin niya, wala na akong patutunguhan sa buhay. Mga gano'n ba?

Tinuloy na lang namin ang pagkain. Nakakatawa lang na kahit na magkaharap lang kami, sinesendan pa rin niya ako ng memes sa messenger tungkol sa relasyon namin. Napapangiti naman ako.

Magkahawak kami ng kamay at hinalikan niya ako sa noo at labi bago umalis. Pakiramdam ko, unti-unti rin namang nakikita ni Theo yung mga mali niya. Siguro napangiti na rin ako nang balikan ko yung eksena na tinawag niya akong love sa harap ni Cat, patunay na mahal niya ako.

At sa isang pitik, maayos na kami.

Maayos nga ba . . . o may nilagay lang kaming epoxy sa isang pader na malapit na magiba?

***

Ako lang muna ang nakaalam nang nangyari dahil naging okay lang naman ang lahat pagkatapos. Bumalik kami sa weekend dates namin, pero this time, ako naman ang medyo "hell week" dahil sunod-sunod ang mga deadline at exams kaya ako naman ang nakakatulog sa mga chat at madalas magsasabi ng "hindi ako puwede" kapag mag-aaya siya magkita ng Friday evening.

Siguro ang pinakamalala na dinulot sa 'kin no'n ay yung nagkaroon ako ng takot—takot na tipong napapaisip ako kung gano'n na ba ako kadali pakawalan.

Matatapos na ang buong sem at malapit na ang araw na hindi na ako papasok. Sa huling araw ng report naming tatlo nina Hudson ko sinabi kay Pet para mabawas-bawasan yung kaba na nararamdaman ko.

"Ewan ko, girl, parang mas okay na nag cool off kayo," sabi ni Pet. "Kailan ulit to nangyari?"

"Last month ata o last, last."

"Potek ka! Ta's ngayon mo lang kinuwento?"

"E parang di naman na kasi importante at naging stressed na rin naman tayo. Ngayon ko lang naluwa kasi kinakabahan ako nang sobra. Bakit pa kasi kailangan may reporting? Tamad ba sila basahin yung paper natin? Ugh! Nasusuka na ako sa kaba!"

"Baks, sabi nga ng iba, there are things na better sabihin kahit nakasulat na lahat ng ebidensiya sa banga. "

Naka-formal kaming lahat sa klase as a "requirement" para doon sa subject na yon. Hindi talaga ako sanay sa reporting. Nasusuka ako kapag nagsasalita ako sa harap ng maraming tao, kahit sanay rin naman akong kausap sila harap-harapan.

Nang turn na naming tatlo, hinawakan ako ni Hudson sa likod.

"Kaya mo yan, okay?" pag-e-encourage niya. Ngumiti naman ako.

So habang nagrereport kami—at proud ako na ako naka isip ng topic na "Incidences of Hedonism by Millennials in the Online Environment" na parang title na ng thesis ko—namamawis yung mga kamay ko kahit naka-aircon naman. Nauutal-utal din ako sa pagreport.

Guess what.

Tatlong araw pagkatapos no'n, in-announce na best group kami. Watdafak? Siyempre ang mga lola't lolo, tuwang tuwa. Ang kapalit kasi no'n, exempted sa finals.

Talon kami nang talon ni Pet na parang mga bata. Ayon kasi sa schedule namin, yung finals para sa subject na 'to yung last finals sa lahat ng subject namin. Puwede kaming gumala!

"Pero that means," sabi ko, "mapapaaga pala last day ko dito."

"Luh! Babalik ka pa naman dito, di ba?"

Ngumiti ako. "Siyempre!"

"Uy," sabi ni Hudson na biglang sumulpot sa likod namin, "gusto niyo sa bahay? Celebrate lang."

"Go—" sigaw ni Pet pero napatigil siya nang napailing ako. "Bakit naman?"

"Ayaw kasi ni"—tumingin ako kay Hudson—"Theo na . . ."

"Na sumama sa mga kaibigan mo para mag-celebrate dahil best group tayo?"

"At birthday ko," dagdag ni Hudson.

Napabati kaming dalawa ni Pet nang sobrang lakas, napakanta yung buong classroom ng "Happy Birthday." Tawa nang tawa si Hudson sa hiya at saka bumulong ng "Please lang, kayong dalawa lang kaya kong ilibre."

Napatawa tuloy kami pareho.

"Sige, sasabihin ko," bulong ko.

"Sure ka?" tanong ni Hudson. "Baka mag-away kayo."

"E, siya nga, sa mga org cheneloo ni Cat, kahit masakit, okay lang naman ako. Isa pa, ba't naman ako magpapaalam sa kanya? Sasabihin ko lang na sasama ako."

"Yown!" sabi ni Pet. "At utang na loob, ha! Birthday ni Hudson!"

"Ayoko lang bigyan siya ng rason para mawala yung tiwala niya."

"Sa 'yo na ang korona ng girlfriend ng taon, friend," tukso ni Pet. "Sana pati siya ganyan mag-isip."

Habang papalakad kami papunta sa boarding house ni Hudson, nagtext ako.

love punta kami ni pet kay hudson ha? :D

best group kasi kameeee <3

with all that ngatog and sweat hahaha

tsaka birthday niya :>

Pero nagulat ako sa text niya.

bakit ka sasama?

magcecelebrate nga po

kasama ni hudson?

alam mo ba ugali niyan?

love naman super layo niya sa sinasabi mo

isa pa kasama namin si pet

ayoko

Napatigil ako bigla habang naglalakad. Pinatingin ko kay Hudson at Pet yung message niya na ayaw niya akong sumama, pero tinakpan ko yung parte na tungkol sa ugali dahil ang sama lang ng dating. Isa pa, birthday ni Hudson at hindi niya kailangan makakita ng gano'n.

"Uy, may text!" biglang sabi ni Pet.

pero wala naman ako magagawa

ingat

hala

opo magiingat

iloveyou!!!!!!

"Sigurado ka ba?" tanong ni Hudson. "Parang passive-aggressive yung text niya e."

"Hindi naman siguro," sabi ko. "Tara!"

Nagtuloy kami maglakad. Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Hudson dahil wala ngang text si Theo pagkatapos. Huminga ako nang malalim at inisip na lang na talagang okey lang sa kanya. Kasi, sa totoo lang, kung hindi okey, sana sabihin niya nang diretso, hindi yung nangangapa ako.

Kumuha kaagad ng baso at inumin si Hudson pagdating namin sa boarding house niya. Nakita ko rin siyang tumawag sa telepono. Nag-order ata siya ng pagkain.

"Hindi ako umiinom," sabi ko nang nakita ko na nagtitimpla si Hudson ng juice tapos gin. "Hindi ko gusto lasa."

"Tikman mo muna kasi," sabi ni Pet. "E di magdalawang baso ka lang. Hindi naman tayo magra-rounds e. Kanya-kanyang baso. Maselan akech."

Natawa si Hudson. "Di ko kayo puwedeng daily kainuman. Yung isa maselan, yung isa di umiinom."

"Ito talagang si Tasha, o! Birthday naman ni Hudson e."

Umirap ako habang nakangiti. "Fine," sabi ko. "Pero isang baso lang, okay?"

"Teka, ilalabas ko yung karaoke—"

"Luh! Pwede ba 'yan sa boarding house?" tanong ko.

"Sa tita ko 'tong boarding house. Okay lang naman sa kanya. Every weekend ko 'to ginagawa kasama barkada ko, kaya okay lang."

"Yes, ang korona naman ng the friendly man goes to you," sabi ni Pet kay Hudson. "E paano naman barkada mo?"

"Bukas ko sila ililibre."

"Naks," sagot ko. "Suwerte naman namin!"

"Bakit hindi na lang si Hudson, Tasha?" sabi ni Pet. "Single, friendly, gentleman, matalino—"

"Tumigil ka nga, Pet."

"Crush ko si Tasha, actually," biglang sabi ni Hudson na ikinalaki ng mata ko.

HA? ANO DAW? Teka, dapat na ba akong umalis? Ayoko kasi na baliin yung tiwala sa 'kin ni Theo kung biglang meron ngang katotohanan sa sinabi ni Hudson. I mean, flattered ako, pero rason 'to para magselos si Theo, at ayokong maramdaman niya yung nararamdaman ko.

"Pero," dagdag ni Hudson, "noon yon. Nakita ko kasi siya no'ng prom nila. Ang cute niya e. Pero gago yung date."

"H-hoy!" kontra ko.

"Sino?" tanong ni Pet. "Yung may Theo-pak?"

"Oo," sabi ni Hudson. "Pero noong araw lang na 'yon ha."

"Ngayon, wala na?"

"Wala na. Isa pa, tingnan mo nga yang si Tasha. Parang pinagiisipan na niya umalis dahil sa sinabi ko. Loyal e. Ganyan niya kamahal si Theo."

"Luh!" sabi ko. "Nabasa mo ba iniisip ko?"

"Hindi. Napakiramdaman ko lang. Wag ka mag-alala, okay? Wala lang 'yon. One-night crush."

"Potek, sayang!" sabi ni Pet. "Kasi naman 'tong si Hudson, two academic years late na dumating e!"

"Tigilan mo 'yang ship mo. Walang daungan," sabat ko.

Nagkantahan kaming tatlo at nagkuwentuhan. Noong una, hindi ko gusto yung timpla, pero parang unti-unti, since matamis naman na medyo mapait, nagugustuhan ko na. Yung beer (na iniinom nilang dalawa) yung di kaya ng taste buds ko.

In between, nagpi-picture pa ako sa mga ganap at sinesend kay Theo. Nagsi-seen siya pero hindi nagrereply masyado ng salita. Kung hindi ":)" ang reply niya, "ingat diyan" lang.

Nakaramdam ako na parang naiihi kaya pumunta ako sa banyo. Pag-upo ko sa toilet at pagtungo ko, doon ko naramdaman na parang natitipsy na ako.

Pagbalik ko, wala si Pet.

"Nasa'n si Pet?" sabi ko. Kampante naman ako dahil ando'n pa yung bag niya.

"Sinundo ng boyfriend niya. Pero babalik sila. Bumili ata sa convenience store."

"Ah . . ."

Hindi ko alam kung bakit biglang naging awkward ang paligid. Para maiwasan yung nakakabinging katahimikan, kumukha ako ng isa pang baso.

"Kumusta na kayo ni Theo?" tanong niya.

"Okay lang naman," sagot ko. "Tough times kasi nga maraming expectations sa kanya."

"Pero . . . lagi kitang nakikitang tulala."

Napatahimik ako at napakuha ulit ng isa pang baso. Ngumiti ako. "Sabagay, gusto ko rin malaman yung opniyon ng isang lalaki," sabi ko.

"Hindi kayo okay, ano?"

Tumango ako. "Noong una, okay lang. Hanggang sa heto na nga, magkahiwalay kami ng school. Nag-a-adjust ako para sa kanya kasi nga maraming expectations sa kanya. Na okay lang naman para sa 'kin . . . o baka hindi rin. Ewan ko, baka needy lang talaga ako."

"Lahat naman tayo, at some point, napapagod kapag tayo lang at tayo lang din ang nagbibigay."

Ngumiti ako. Medyo napapaluha pero pinipigilan ko. Ayoko namang magmukhang bad guy si Theo. Sadyang hindi ko lang alam kung paano ba balansehin yung mga pangyayari.

"Paanong maraming expectations?" tanong niya naman.

"Alam mo yung . . . normal lang yung tingin sa 'yo ng iba tapos biglang may dadating na opportunity na biglang extraordinary ka na lang bigla? Nakapasa kasi siya sa UP, di ba? Ako, hindi. Kaya naiintindihan ko kung biglang, poof, biglang inaasahan siya ng parents niya na mag-excel at gusto rin niya i-prove na . . . di siya normal."

"Ano bang masama sa normal?"

"I mean, yung may worth ba?"

"At ang pagiging normal . . . ibig sabihin, walang worth?"

Nagbuntonghining ako. "Normal in a sense na . . . tipong wala kang gusto sa buhay. Gusto mo lang mabuhay as is. Hindi ko sigurado kung anong gusto kong course. Wala akong outstanding talent. Ni wala akong sports. Ako yung ipapakilala sa 'yo na hindi mo maalala yung pangalan sa second meeting."

"Pero naalala kita."

"Nako, Hudson, puwede ba—"

"Tasha, huwag mo masyadong babaan ang tingin mo sa sarili mo. Tingin ko, di ka normal na girlfriend kay Theo."

"Buti ka pa, napapansin mo 'yon."

"Sana napapansin mo 'yon."

For a while, nagkatinginan kami. Napainom ako kasi parang ako mismo, awkward. Siguro dahil sinabi niya na naging crush niya ako, at heto, kasama ko siya ngayon at . . . punyeta naman kasi! Nasaan na ba si Pet?!

"Tapos . . . nakipag-cool off siya sa 'kin," bigla ko na lang sinabi matapos ang isa pang lagok. Parang hindi naman totoo na "honesty drink" ang alak. Ginagawa ko lang din 'tong dahilan para masabi yung mga kinikimkim kong lungkot sa ibang tao.

"Wag sunod-sunod ang lagok. Baka mahilo—"

"Hindi ba niya magets na nagseselos ako kay Cat? Bakit kailangan niya lapit-lapitan yung babaeng 'yon? Gano'n ba kayong mga lalaki? Kapag pinagseselosan ng gf niyo, lalo kayong lalapit?"

Lumapit sa 'kin si Hudson. "Si Bea . . . naalala ko lang, sorry."

"Okay lang. Go, kuwento."

"Gusto ko si Bea. Niligawan ko siya, tapos sinabi ko na nagseselos ako kay Theo. Magkaibigan kasi silang dalawa e. Pero nang sinabi ko 'yon, lalo ata silang nagkalapit."

"Tinuloy mo ba yung panliligaw?"

"Hindi na. Para saan pa kung una pa lang, nabubuwisit na ako?"

"Shet. Apir."

Pero kahit "apir" yung sinabi ko, nag-fist bump kami.

"Sa kanya ko pa naman binibigay yung huling balat ng chicken ko lagi," sabi ko. "Di ba, sabi nila, kapag love mo raw yung tao, nabibigay mo yung huling piece ng paborito mong pagkain sa kanila?"

"Pero . . . ginagawa mo ba 'yon dahil gusto mo talagang ibigay o dahil sinabi lang ng ibang tao?" tanong niya.

"Leche ka naman e. Don't make me realize things. Tangina, sana I just ate all those chicken skin. Joke lang. Ayokong magkahiwalay kami. OMG, order tayo ng chicken skin!"

Natawa si Hudson. "Nako, patay, nag-English na at ang dali na magtalon-talon ng sinasabi. Lasing ka na?"

"Gagi. Hindi pa. May muwang pa ako."

"Lasing ka na."

"E di lasing. Pero feeling ko kaya ko pa."

"Ayan, tingin mo kaya mo pa pero hindi na talaga. Kaya ka naiipon 'yang lungkot at galit mo e. Pag naramdaman mo kasi, ilabas mo agad."

"Tapos, sa totoo lang, hindi pa rin ako maka-get over doon sa fact na ayaw niya ako magshift ng course. Tipong kung kalian naman parang may patutunguhan na yung buhay ko at parang may nagustuhan ako sa buhay, saka niya sasabihing wag ako mag-take ng risk."

"O, ayan, di ba matagal niyo na issue 'yan? Ba't ngayon lang lumalabas?"

"Ewan, ewan ko, Hudson. Siguro nga, ako yung may mali."

"Tingin ko, may mali sa inyo. Wala kayong communication. Sanay kasi kayo sa puro saya noon na hindi niyo alam paano idi-deal kapag may nararamdaman kayo bukod sa saya. Gets mo?"

"Oo . . . siguro . . . ewan. Gusto ko lang naman magmahal e. Gusto ko lang maranasan mahalin. Gusto ko maranasan yung nararanasan ng iba na . . . alam mo 'yon? Hindi lang yung gising, tulog, aral, kain, ligo. Pero eto, may kakaiba ngang nangyayari, punyeta, ang sakit, sakit naman."

"Parang naging—hmm, paano ba—savior mo si Theo sa routinary life mo, gano'n?"

Lumagok ako. "Gano'n ba 'yon? Masama ba ako? Tingin ko naman hindi. Siguro nga, hinanap ko yung gano'ng feeling, pero siya naman 'tong lumitaw e. Nagustuhan ko, nagkagustuhan . . . lahat naman 'yon, di ko pinilit. Pero ngayon, parang lagi akong nakakaramdam ng takot, takot na mawala siya kasi . . . kaya niya pala akong pakawalan anytime."

"Siguro lahat naman tayo gusto makaranas ng mga bagay na bukod sa mga ginagawa natin araw-araw. Adventure ba? Pero may mga instances lang na may nasasaktan—worse, namamatay—sa adventures na 'yan. Uy, Tasha, tuloy-tuloy na 'yang lagok mo. Tama na."

"Wag ka kasing maglalasing ng taong sobrang magmahal."

"Oo na, oo na."

"Happy birthday, Hudson."

"Tasha—"

"Pesteng yawa tong pag-ibig na to. Nakakawala sa sarili."

"Pag-ibig ba 'yan kung nawala ka sa sarili?"

"E di . . . ano 'to?"

Bigla na lang ako naiyak. Iyak nang tuloy-tuloy. Nag-panic nga ata si Hudson nang bigla akong ngumawa. Naguguluhan na ako. Paano ba ibalanse ang mga bagay? Nagmadali ba ako? Hindi ko pa ba siya kilala? Sobra ba akong selosa? Ano bang boundaries dapat? Ang dami kong tanong na sinabi kay Hudson. Tuloy-tuloy lang yung pagtatanong, at hindi ko na rin alam kung naiintindihan niya ako o kung may sense pa ba yung sinasabi ko.

Nakaakbay lang siya sa akin.

At one point, natulak ko ata siya dahil na-realize ko na masyado kaming close. Nag-sorry ako, at natawa siya. Ang narinig ko na lang: "Sinayang ka naman ni Theo. Pero sinasayang mo rin ang sarili mo. Mahalin mo muna sarili mo, Tash. Baka sakaling makuha mo yung mga sagot sa tanong mo."

"Gago," sabi ko. "I love myself. Kaya nga ako umiiyak kasi . . . nasasaktan ako at mahal ko yung sarili ko at ayokong masaktan. Gets? Dali lang kasi sabihin na love yourself. E in the first place, what is love . . . stupid! Looooove . . . soft as an easy chair. Stupid!"

"Hoy, lasing ka na talaga."

"So ano nga? What is love? Love is like a rosary. Full of mystery. 'Yan lang sinusulat ko dati noong elem sa mga autograph chenes. Ngayon, ewan. Love is . . . love is pagiging content and happy, tingin ko, and I'm nowhere near that."

"E di find yourself. Hanapin mo kung anong gusto mo."

"Di ko nga makitaaaaa! Nasaan ka naaaaa, Tashaaaaa?"

Natawa si Hudson. "Sarap mo kausap pag dami mong hugot, ano?"

"Paano ko hahanapin? Hello, may pera ba ako? E pinapatigil nga ako e. Saan ko hahanapin sarili ko, sa bahay?"

"Di ko na alam kung matatawa ako sa 'yo o ano eh."

"Tagal ni Pet. Nakailang baso na ako. Nananadya yon, e, 'no."

"Speaking of . . . nagtext siya. Papunta na raw ulit sila dito."

"Ge. Banyo lang ako."

Pagkatapos ko magbanyo, sumilip ako ulit pero wala pa sina Pet. Sumigaw ako kay Hudson na matutulog muna ako sa sofa ng common room nila at gisingin na lang niya ako pag dumating na sina Pet, nagdadasal na sana walang pumasok na ibang housemates niya.

Ang sarap ng tulog ko nang nakarinig ako ng sigaw.

Sigaw na galit.

Galit na galit.

At saka ko lang napagtanto kung sino 'yon nang narinig ko ang pangalan ko at ang salitang gago na parang binabanggit kay Hudson.

Napadilat ako agad. At paglabas ko, nasa sahig na si Hudson at . . .

Ando'n si Theo, nakasarado ang mga kamao.

Continue Reading

You'll Also Like

Tacenda By ysh

Teen Fiction

364K 282 2
[AN EPISTOLARY - COMPLETED] Sonder #1: Tacenda (n.) - things better left unsaid; matters to be passed over silence *** "How long will I keep this f...
1.2M 36.7K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
380K 11K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
3.5M 2.7K 1
Clover Duology #1. I want to be remembered as a good person who lived a good life. But how? Disclaimer: This story is in Taglish Status: Temporarily...