FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A F...

By Fellspri_Wemmer

4.9K 2.3K 501

👑A work of a fiction👑 Once Upon A Flower Thief A Royal- Fairytale. "If you truly love nature, you will see... More

F A I R Y T A L E S E R I E S 1
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 | Finale Part 1 |
CHAPTER 30 | Finale Part 2 |
| EPILOGUE |

CHAPTER 23

119 70 9
By Fellspri_Wemmer

__👑__

Flower Festival

Third Person

Napamulat ng mata si Theseus ng magising ang diwa nito, ngunit ito’y bumagsak rin kalaunan sa nakadukdok na ulo ni Gaea sa kaniyang gilid, na ngayon ay payapang natutulog na. Kumalat na kasi ang kadiliman sa buong lugar kaya dahil sa sarap na sarap sa pagtulog kanina ni Theseus ay sa gilid na lamang siya natulog. Hindi niya naman ito pwedeng iwan kasi baka kumirot uli ang kaniyang sugat, medyo malaki pa naman.

Tumayo siya kahit na medyo may bahid pa ng kirot ang kaniyang sugat. Maingat niyang binuhat si Gaea para ihiga sa kama. At napagpasyahang pumalit sa pwesto kanina nito.

“Hayst. Gaea, why are you doing this to me? Mas lalo tuloy akong nahuhulog, hindi naman ako ganito dati kahit na alam kong may nararamdaman na ako saiyo. Pero bakit parang mas lumalalim pa? Hayst. Sana ikaw rin ang makatulong para makaahon ako.” Malungkot niyang saad habang nakatitig sa payapang mukha ni Gaea.

Hinawakan niya ang kamay nito at tuluyang dumukdok sa kama. At ipinikit ang kaniyang mga mata.

“Tsk. Ano bang kasinungalingan ito, Mister Prince?” Iiling- iling na bulong ni Ereon sakaniyang sarili habang siya’y nakasilip sa maliit na siwang sa pintuan ng kaniyang Ate.  Buhat makita niya ang itsura ng nagpapanggap na chisse ay kaagad niya itong namukhaan.

Di niya lang alam sa Ate niya kasi ang galing nyang magsinungaling kaso madali lang naman siyang maloko.

FLOWER FESTIVAL, Town of Perses

Samot saring palakpakan at sigawan ang pumapaibabaw sa bayan ng Perses habang ipinag- diriwang ang Flower Festival. Mga nagkalat na bulaklak ang nasa daan habang pinuno naman ng mga mananayaw ang kanilang kalsada.

Naiirita man si Theseus sa paligid ay wala na itong magagawa dahil sa tuwang tuwa naman ang kasama nitong si Gaea habang papalakpak pang nakatingin sa gawi ng kalsada. “Ang saya!” Nagagalak niyang wika.

“Oo nga eh!” Napipilitang tawa nito ngunit kabaliktaran naman nito ang nararamdaman niya sa loob loob.

Napagpasyahan kasing isama ni Gaea si Theseus dahil wala naman rin siyang kasama sa kanilang bahay at ayaw pa ring umuwi nito sa palasyo. Kaya ayun. Sila lang dalawa ang magkasama dahil sa nangibang kasama ’yung kapatid niya.

“Tara sayaw tayo!” Yaya nito na naging dahilan para panlakihan ng mata si Theseus. “Ano? Hindi, hindi ayaw ko!” Pigil nito nang hawakan ni Gaea ang kaniyang kamay at hilain siya sa mga nagsasayaw. Pwedeng sumali ang kahit na sino, kasi hindi naman iyon ipinagbabawal.

“Ano ka ba naman, Chisse! Gustong- gusto mo kayang magsaya, ba‘t umaayaw ka?” Nakalabing saad ni Gaea.

Stupid! I forgot I was disguising!

Ngumiti ito ng malawak bago siya pumayag. “Sige na nga, baby!” At tuluyan na nga silang pumunta sa gitna.

“Gustong- gusto mo siguro ang pagdiriwang na ito no'?”

“O..o naman. Ngayon ko lang ito mararanasan eh.” Medyo nauutal na sagot nito. Pero sa totoo lang, totoo ang kaniyang sinabi kasi hindi niya pa nararansang dumalo sa ganitong pista.

“Huwag kang mag- alala, nandito naman ako para ipasyal ka.” Nakangiti nitong wika habang sumasayaw.

“Tsaka, matanong ko lang ah? Ba’t parang tumangkad ka?” Pansin kasi ni Gaea na parang mas tumangkad si Chisse ‘kuno’ sa dati nitong tangkad. Napatigil sa pagsayaw at ’di naka- imik si Theseus dahil sa tinanong ni Gaea.

“Ah hehe.. Ano may gamot akong ini- inom eh.” Walang kwentang rason niya.

“Ha? Talaga. Anong gamot 'yun? Baka pwede mong irekomenda saakin para tumangkad naman ako.” Ngiting asong saad niya.

Napabungisngis ng kaunti si Theseus sa tinanong niya. “Bakit?” Nagtatakahang tanong ni Gaea.

“Wala ng pag- asang tumangkad ka pa, Baby.” Pang- aasar niya dahilan para siya’y marahang hampasin ni Gaea sa balikat. “Ang bastos mo!”

“Bakit hinubaran ba kita?” Nakataas kilay na tanong niya kaya siya’y pinamulahan ng mukha. “’Yang bunganga mo! Ang daming tao eh. Kung anong sinasabi mo.” Sita nito.

Hindi na muli silang umimik at nagpatuloy sa pag- sasayaw. “Oh?” Nanlaki ang mga mata ni Theseus ng biglang mawala si Gaea sa kaniyang harapan, inilibot niya ang kaniyang paningin ngunit kaagad na sumama ang timpla ng kaniyang mukha sa nakita niya.

Who’s that bastard?!

Nakakunot noong tanong nito sa kaniyang sarili habang nakatingin ng masama sa lalaking kasayaw ngayon ni Gaea. Kaagad siyang lumapit sa mga ito ngunit siya’y nagulat ng biglang may humila sakaniya at siya’y kaniyang isayaw.

It was a mid lady. “Ang gwapo mo naman, Ijo.” Komento ng matandang babae habang nakatingin kay Theseus, ngumiti na lamang siya ng pilit dahil kahit nag- iinit ang ulo niya ay may galang parin naman siya sa mga matatanda.

Wala na siyang nagawa ng magpalit palitan na sila ng kapareho. Isa rin kasing tradisyun ang pagsasayaw nila na naka- porma sila ng isang bulaklak habang nagpapalit palitan ng kaparehas para magkakila- kilala silang lahat.

When will this stops?

Habang sa isang tabi naman ay nakamasid lang si Gaea kay Chisse ‘kuno’. Umalis kasi siya sa porma dahil sa hindi niya mahanap ang kasamahan niya ngunit hindi niya maiwasang mapangiti ng makita niya itong nakikihalubilo sa mga tao.

“Chisse!” Tawag nito kay Theseus ng matapos ang tugtugin at nang umalis rin siya sa porma. Tumingin si Theseus sa gawi niya ng marinig ang pangalan ng kinokopya nito.

Malawak na ngiti ang pabungad ni Gaea nang mapansing naglakad na si Theseus patungo sa kaniyang gawi. “Oh? Masa—” Ngunit hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng lagpasan lamang siya ni Theseus.


“O?” Nakangangang saad nito at sinundan ang pigura ni Theseus. “Uy! Bakit ’di mo ko pinapansin?” Habol nito ngunit hindi siya pinansin ni Theseus at natuloy tuloy lang sa paglalakad.

Hindi alam ni Theseus pero sobra siyang naiinis sa ginawa ni Gaea sakaniya. “Oy! Chisse!” Narinig nitong tawag niya sakaniya.

“Nakakatampo ka ah! Ba’t di mo ako pinapansin?” Kahit na hindi lingunin ni Theseus si Gaea ay alam niyang nakanguso ito ngayon.

“Kakatampo ka rin naman eh..”

“Aray!”

“Hala. ’Yung bata!” Naghuhumirintadong saad ni Gaea nang makita niya ang isang batang lalaking nadapa sa kalsada. Kaagad naman siyang kumaripas ng takbo rito para ito’y tulungan.

Napalingon si Theseus sa tinakbuhan ni Gaea nang marinig ang sinabi nito. Tsk. Inuna niya pa ’yung bata talaga ah? Hmp!

“Oy! Bata, ayos ka lang?” Tanong ni Gaea nang matulungan niyang makatayo ang lalaki. “Malamang hindi, Ate. Nadapa kasi ako kaya masakit tuhod ko.” Dahil sa pabalang na pagsagot ng bata ay napangiwi ito ngunit napatawa rin kalaunan.

“Karo! Nako namang bata ka!” Ngunit parehas silang napalingon sa taong humahangos na lumapit sakanilang pwesto. “Kuya!” Masayang wika ng bata.

“Ah, ikaw pala kuya nito. Nako sa susunod ho huwag niyo po siyang iiwan.” Pangangaral niya sa Kuya nito.

“Sige, Miss. Salamat sa payo.” Nakangiting wika ng lalaki.

“I’m Reein.” Pakilala niya bago ilahad ang kaniyang kamay kay Gaea. “Gaea.” At ito’y kaniyang inabot.

“Tutulong ka lang, may paholding hands ka pa ah?” Napalingon si Gaea sa kaniyang likuran ng marinig ang boses ni Theseus rito. Problema nito?

“Hey, bro!” Masayang bati ni Reein kay Theseus kahit na hindi niya ito kilala.

“Maka- bro ka, magkakilala tayo?” Pabalang na tanong nito na tila nang- iinsulto. Dahil sa kaniyang inasta ay hindi naiwasang mapangiwi ni Gaea. “Ah pasensya na rito sa kasama ko ah. Medyo mainit ang ulo.” Hinging dispensa ni Gaea sa mga ito. Ngumiti na lamang si Reein at nag- paalam na.

“A-ray Ba..by!” Daing ni Theseus nang bigla na lamang siyan kurutin ni Gaea sa tagiliran. “Ang gago mo! Ba’t mo sya binastos?” Naiinis nitong tanong.

“Eh, maka..titig kasi.. saiyo, Baby eh! Sarap upakan nu’n.” Nakalabi nitong rason habang inaalis ang kamay si Gaea sa kaniyang tagiliran. “Ah! Ano naman kung nakatitig siya saakin? Hindi naman niya ako magugustuhan eh, kasi di naman ako kagandahan. Tsk. Tsaka ayoko sakaniya eh. ’Di ba alam mo naman ang rason.” Nakangiti nitong wika.

Rason? Teka, di sinabi ni Chisse yun saakin ah!

“Ano ka ba, Baby. Ang ganda mo kaya! Kaso sa paningin ko lang eh.” Natatawang pang- aasar nito. “Gago! Parang sinabi mong ang pangit ko sa iba ah?”

“Parang ganu’n na nga. HAHAHA!” Bumusangot kaagad ang muka ni Gaea dahil sa pang- iinis sakaniya ni Theseus.

“Ewan ko saiyo!” Napipikong saad niya at umalis sa kaniyang harapan. “Uy! ’Di ka naman mabiro eh!” Habol sakaniya ni Theseus.

Reciprocate?

Walang may alam kung tanga sila o talagang tanga sila. Magtatampo- tampuhan pero magbabati rin naman. Nako!

“Oh ito, subukan mo.”

“’Di ba sasakit tyan ko dyan?” Kinakabahang tanong ni Theseus habang nakatingin sa pagkaing ini- aabot ni Gaea.

“Hindi safe ’yan. Dugo lang naman ’yan eh.”

“Du..go? Ano ka bampira?”

“Ano ka ba! Huwag ka ngang mag inarte! Masarap ‘yan. O, itra- try ko ah.” Kasunod nito ang pagkagat niya sa dugong naihaw.

Sa hindi malamang dahilan ay hindi naiwasang mapalunok ni Theseus habang nakatitig siya kay Gaea na ngayon ay masayang ngumunguya ng dugong inihaw.

Why are you so beautiful to me? Heck.

“Hoy! Ano? Subukan mo na.” Pamimilit nito. Napabalik siya sa ulirat ng magsalita si Gaea. Iba na talaga tama niya saakin.

“Subuan mo ’ko.” Nakalabi nitong saad at ibinuka ng kaunti ang kaniyang bibig.

“Aba! Ano ka bata?”

“Hmm, eh! Ikaw nga bine- baby kita, eh di ka naman sanggol. Kaya patas lang.” Nakanguso nitong rason dahilan para umawang ang labi ni Gaea. “Hoy! Baka nakakalimutan mong ikaw ang tumawag saakin ng baby.”

“Kaya nga. Kaya dapat baby mo rin ako.”

“‘Ba! Hihirit ka pa talaga ah?” Natatawang mungkahi niya. “Oh siya! Nganga.” Suko niya at itinapat sa labi nito ang dugo. Kumagat naman kaagad rito si Theseus at nginuya. “Ano? Masarap no?”

“Pwede na.” Tatango- tangong sagot niya. “Pwede lang? Haha! Sige subukan mo rin ’tong iba.”

“’Di ko alam endorser karin pala ah,”

“Oh yan! Pak! Bagay na bagay saiyo!” Nagagalak na komento ni Gaea matapos ilagay sa ulo ni Chisse ‘kuno’ ang isang flower crown.

“’Di ba ’ko mapagkakamalang bading dahil rito?” Naniniguradong tanong ni Theseus habang nakahawak siya sa kaniyang ulo. “Ano ka ba! ’Di ’yan. Baka nga ma- inlove pa sila saiyo kasi ang guwapo guwa—” Natutop kaagad ni Gaea ang kaniyang labi ng mapagtanto ang kaniyang nasabi.

“Ano baby? Guwapo ako?” Pangungulit ni Theseus at inilapit pa niya talaga ang kaniyang mukha sakaniya para ito’y mas lalong mainis. “Saka..nila lang ah!” Depensa ng isa.

“Yieh! Sayo mismo kaya galing ’yun. Tsaka, sabi mo rin baka maatract sila saakin at mainlove. So? Attracted ka rin?” Usisa niya habang pinapasingkit pa ang mga mata nito na tila tinitignang maigi ang reaction ni Gaea.

“Ewan ko saiyo. Pero sabi ko sila, at hindi ko.” At nag- walk out. “Uy! Joke lang ’yun! Di ka naman mabiro eh.”

“Biro ba ’yun? Di nakakatuwa ah!”

“Eh di naman lahat ng biro nakakatuwa eh.”

Habang sa dako naman ng palasyo ay payapa lamang na nakatunganga si Chisse habang siya’y naka- upo sa loob ng opisina ni Theseus. Nagtatakha kayo kung bakit? Madali lang, syempre nagpalit rin siya ng anyo para hindi nila hanapin ’yung totoong prinsepe.

Kung nagkataon mang hanapin nila si Prinsepe ay baka masira lahat ng plano nila. Kaya kahit na wala siyang experience sa pagiging isang Prinsepe ay kakayanin niya para lang sa lovelife ng Kuya niya.

“Prince?”

Kaagad siyang umayos ng upo nang makarinig siya ng tatlong katok galing sa kaniyang pintuan. “Come in.” Englisherong pahayag nito. Nang makapasok ang tao ay postora ito. Ba! Kailangan niyang galingan no, hirap na.

“Ito po ang schedule niyo ngayong araw.” Wika nito at inilahad ang isang papel.

Ngunit kaagad siyang nasamid ng sarili niyang laway ng makita ang tambak na schedule niya. “Are.. you sure these are just for a day?!” Naninigurado niyang tanong kaya ngumiti’t tumango ang lalaki.

Letche. Paktay ako nito ngayon! Eh, anong alam ko rito?!

“Ay! Ang ganda.” Masayang saad ni Gaea habang isinusukat ang isang flower bracelets na may kaniya- kaniyang pangalan. “Wisdom bracelet..” Basa niya rito. Ay mukhang kailangan ko ’to ah!

“Huwag ka ngang magsayang ng pera dahil dyan. ’Di naman ’yan totoo eh. Tsaka, di ka na tatalino.” Pang- aasar niya na sinamahan pa ng nakakalokong tawa. “Ikinatuwa mo na yan?” Seryoso nitong tanong.

“Oy! Biro lang ’yon.”

“Sabi ko nga hindi nakakatawa ’yang mga biro mo.” Irap niya.

Napabuntong- hininga na lamang si Theseus at ibinaling ang kaniyang tingin sa mga bracelets. Pero napatigil sa paglikot ang kaniyang mga mata ng mahagip ng kaniyang paningin ang magka pares na bracelet.

Kinuha niya ito ngunit nagtakha siya kasi wala itong pangalan. Bumaling siya sa nagtitinda, “Ah, Kuya? Ano hong pangalan nito?” Tanong niya.

“Iyan ba?” Paninigurado niya habang nakatingin sa hawak na porselas ni Theseus kaya tumango siya bilang sagot.

“May tatlong pangalan kasi ’yan, dahil narin sa tatlong batong nakasabit diyan. Una ay pag- asa. Ikalawa ay pag- ibig, at huli ay katatagan. Iilan lang ang maswerteng nakakahanap ng para sakanila, kaya kung may paglalaanan ka man ng isa riyan ay iibig, aasa at tatatag kayo.” Nakangiting saad nito.

Kahit na hindi siya naniniwala ay di parin niya maiwasang maantig rito. “Magkano po ba ito?”

“Kung pera ay libre nalang iyan. Dahil ang tanging kabayaran lang ay kapag naniwala ka sa taglay niyan.” Nakangiting sagot nito na ikipinagtakha ni Theseus. Kahit na na aalangan siya ay nagpasalamat parin siya rito.

“Tara na.” Yaya sakaniya ni Gaea. “Teka? ’Di ka na ba bibili?”

“Hindi na. Tsaka ang rami ko na kayang ganyan sa bahay. Hehe. Na- engganyo lang ulit ako. Tsaka may sinabi ba ’kong bibilhin ako? Wala naman diba?” Rason niya habang kumakamot sa ulo.

Nagsimula na muli silang mamasyal sa kung saan. “Uy! Ang ganda nu’ng mga bulaklak.” Turo ni Gaea sa mga istante ng mga malalagong bulaklak.

“Ikalimang balik na natin dyan eh.” Atungal ni Theseus. “Hayst. Eh, ikaw saan mo ba gusto magtungo?” Ngumiti siya ng nakakaloko dahilan para mapakunot ng noo si Gaea.

“PUTEK! IBABA NIYO KO!” Malakas na tili ni Gaea habang mahigpit na nakakapit sa bakal na hawakan ng sinasakyan nilang Ferris Wheel. Nasa sirko kasi sila katulad ng sinabi ni Theseus.

“Ang sakit mo sa tenga, Baby.” Natatawang wika ni Theseus na ngayon ay nasa kaniyang tabi. Payapa’t tahimik lamamg siyang nakatingin sa tanawin sa ibaba at sa taas habang itong kasama niya ay kanina pa nagsisisigaw na kala mo namang le- letchonin na.

“Eh kasalanan ko?! Ba’t mo kasi ako hinila rito?!” Napipikong singhal nito habang hindi maipinta ang kaniyang mukha.

“Ba’t kasi nagpahila ka?”

“Ah so! Kasalanan ko?”

“Hindi naman, pero parang ganu’n narin.” Pang- iinis pa niya lalo dahilan para makatanggap siya ng malalakas na hampas kay Gaea. “Kanina ka pa ah!” Nang- gigigil na wika niya habang siya’y patuloy sa paghampas.

“Ouch! Tigil, baby!” Pigil ni Theseus habang sinasangga ang bawat hampas ni Gaea. “’Yan! Bagay saiyo 'yan!”

“Teka lang! Baka—”

“Ahhh!”

Ngunit huli na ang lahat ng tuluyan silang matumba sa lapag. Hindi ito inaasahan ni Gaea kaya nauntog ang ulo niya sa makisig na dibdib ni Theseus. “... matumba tayo.” Pagtutuloy ni Theseus sa sasabihin niya.

“Aray.” Daing ni Gaea kasabay nito ang paghawak niya sa kaniyng ulo. “Ano ba naman, Chisse! Ang tigas naman ng dibdib mo!”

“Macho ako, Baby eh. Anong magagawa ko?” Nakangiting wika ng isa.  “Parang si..” Pero umiling kaagad si Gaea at ipinagsawalang bahala ang nais pa sana nitong sabihin.

“Sino?” Usisa niya ngunit hindi siya umimik at inalalayan niya si Theseus para tumayo dahil medyo napalakas ang pagkakabagsak nila sa lapag.

“Okay ka lang?” Medyo nag- aalalang tanong ni Gaea. “Hindi eh! Sakit ng likod ko.” Umaarteng daing nito habang nakanguso.

“Ha! Pa’no ’yan?”

“Ito na lang, kiss mo ko sa pisngi.” Suhestiyon niya at inilapit pa sa labi ni Gaea ang pisngi niya. Napaawang ng labi si Gaea habang taas kilay na patango- tango. “Masakit pala ah?” At mahinang sinampal ang kaniyang mukha papaalis sakaniyang harapan.

“Aray ko, baby! Kiss lang naman eh!” Nakalabing puna nito. “Kahit na! Kiss must be valued. Tandaan mo ’yan ah! Dapat ibigay mo lang ito sa taong tunay mong minamahal.” Payo niya na ikinangiti ng malawak ni Theseus. “Tatandaan ko ’yan, Baby.”

Dahil saiyo ko ’yun ilalaan.

“Hala! Pagabi na, Chisse. Baba na tayo! May fireworks display ngayon!” Excited na wika ni Gaea habang nakatingin sa kalangitan. Nang tuluyang makababa ang kanilang sinasakyan ay hinila kaagad ni Gaea si Theseus papunta sa parke ng bayan na ito.

Hindi maitago ni Theseus ang tuwa sa kaniyang puso habang magkahawak kamay sila nang taong mahal niya.

Sana huwag ng matapos ang araw na ’to.

“Dito. Dito tayo umupo.” Turo ni Gaea sa damuhan tutal’t malinis naman ito. Medyo rumarami narin ang mga tao sa parke dahil nga sa fireworks display na gaganapin.


Naunang umupo si Gaea sa damuhan at sumunod si Theseus. “Hoy! Hoy! Ba’t dyan ka sa likuran ko?!” Nanlalaking matang turan ni Gaea kasabay nito ang pagpula ng kaniyang mukha at ang pag- awang ng kaniyang labi.

Paano ba naman kasi? Eh, umupo si Theseus sa likuran ni Gaea at inilapit siya sa kaniyang katawan. Kumbaga ba parang back- hug, kaso di nakayakap. “Hoy! Ang raming tao, Chisse! Mahiya ka nga!”

“Hindi naman siguro sila paki- alamero't pakialamera diba?” Ngiti ni Theseus kasunod nito ang pagyakap niya kay Gaea, na mas lalong ikinapula ng mukha nito.

Ba’t parang iba ang nararamdam ko para kay Chisse?

Hindi na lamang ito pinansin ni Gaea at hinayaan na lamang niya si Chisse ‘kuno’ sa gusto niyang mangyari. Ano bang magagawa niya? Eh, ang kulit ng kasama niya.

Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay sunod sunod na ang ingay na narinig ng buong bayan. Nagkakulay at lumiwanag ang buong kalangitan na ikinamangha ng buong mamamayan.

“Wow! Ang ganda!”

“Ang liwanag!”

“Stunning fireworks!”

Malawak ang ngiti ni Gaea habang nakatingin sa makulay na kalangitan ngunit  napukaw ang atensyon niya rito ng maramadaman ang isang bagay na dumulas sa kaniyang papulsuhan. “Hu-h? Porselas?” Nagtatakhang tanong nito at napabaling sa gawi ni Theseus.

“That’s our bracelet.” Nakangiting wika nito at dahan dahang hinawakan ang kamay ni Gaea. Hindi na ulit nagprotesta si Gaea kahit na nawe- weirduhan siya sa mga kinikilos ni Chisse ‘kuno’

“Akala ko pagsasayang lang ng pera ito?” Natatawang turan niya pero hindi umimik si Theseus.

Puno ng saya at galak ang makikita sa mukha ng mga tao habang nakatingin sa kalangitan.






Habang...

“Hindi ko na ’to kaya!” Umiiyak na saad ni Chisse habang nakatingin sa papel. Mag- gagabi na pero nasa kalahati palang siya ng dapat niyang gawin.

“Kuya! Ayaw ko na!”

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 178 19
Kristina Miller witnessed a Russian mafia execution right after her diving rounds as one of the Poseidon Hotel's staff. This event leads her into mee...
40.8K 624 16
DELULU & GUILT PLEASURE
895K 30.6K 109
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...
1.6M 108K 25
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...