FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A F...

By Fellspri_Wemmer

4.9K 2.3K 501

👑A work of a fiction👑 Once Upon A Flower Thief A Royal- Fairytale. "If you truly love nature, you will see... More

F A I R Y T A L E S E R I E S 1
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 | Finale Part 1 |
CHAPTER 30 | Finale Part 2 |
| EPILOGUE |

CHAPTER 22

112 68 18
By Fellspri_Wemmer

__👑__

The Doubled Faces

Third Person

Matapos ang aksidente sa palasyo ng Perses, ay naging mas mapag- bantay at seguridad ang lugar. Ilang araw narin ang nakakaraan ng matapos ito, at sa awa ng bathala ay hindi sumakabilang buhay ang Hari na ikinatuwa ng lahat ng mga tao.

Nu’ng gabi ring iyon ay minabuting lumisan ni Gaea sa palasyo at napagdesisyunang kunin ang kaniyang kapatid sa pagamutan kahit na umaga na siyang nakarating ro’n. Sapilitan niya itong kinuha kahit na ayaw nang mga mediko.

Habang kinaumagahan nu’n ay umiba na ang pakikitungo ng Prinsepe sa ibang mga tao. Naging seryoso at nanlamig ito sakanila. Sabihin na lang natin na parang bumalik siya sa dating siya, matapos ang usapan nila ni Gaea.

Pero kailanman ay hindi sumagi sa kaniyang isipan na ipakulong si Gaea o ipaalam sa kung sino na siya ang gumawa ng krimen, kasi nakaligtas naman ang hari at may rason naman siya.


“No! Don‘t ever step on that greenhouse! Ever!” Malakas na sigaw ng prinsepe sa isang lalaki.

“Pero prinsepe, kailangan namin ang mga halamang iyon para sa gaganaping pagdiriwang sa bayan.” Nagpupumilit na atungal ng lalaki habang sinasabayan ang mabilis na paghakbang ng Prinsepe.

“Didn’t I made myself clear?! I don‘t care if you need it so bad. You can collect all the flowers in all manors. Just don’t ever go to that greenhouse! Are we clear?!” Inis na inis nitong wika. Yan, ang palagi niyang tono kapag nakikipag- usap siya sa kung sino- sino. Para bang naghahanap siya ng away, kaya nga sa tuwing dadaan siya ay tila nabatukang pagong ang mga taong nadaraanan niya dahil sa takot nilang mabigwasan.

“Oho, Prinsepe..”

Napailing ang Prinsepe ng tuluyang siyang tantanan ng lalaking iyon. Bukas kasi ay may gaganaping pagdiriwang sa bayan ng Perses at siya ang naatasang humawak muna sa Palasyo dahil sa nagpapagaling pa ang kaniyang ama. Kaya siya ang kinukulit ng tao para payagan silang kumuha ng mga halaman na saklaw ng kaharian.

Leeches..

“Oy! Kuya, parang ang init ng ulo mo ah!” Biglang litaw ni Chisse sa kung saan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa Prinsepe dahil hindi naman siya nag- kwekwento rito.

Pero hindi umimik ang prinsepe at pinagpatuloy ang paglalakad. “Ang weird niyo ah! Ikaw nanlalamig ka at nagiging snobber tapos si Baby naman nawawala. Anyare ba sa inyo?” Naguguluhang tanong niya na naging dahilan para mapatigil sa paghakbang ang Prinsepe.

“First, don’t call her your baby, because she’s not your daughter or your lover. Second, I don’t care.” Mariing wika nito at humakbang muli.

“Anggulo mo! Makaalis na nga! Hahanapin ko pa yung baby ko!” Nang- aasar nitong paalam. Napahagikgik siya ng kaunti ng umigting ang panga ng Prinsepe.

Nagseselos ’to panigurado.

Napagpasyang umalis na si Chisse para hanapin nga ang nawawala niyang Baby.

Sa ibang dako ng bayan naman ay nakatanaw lamang si Gaea mula sa malayo sa kanilang balkonahe, iniisip ang mga nagawa niyang kasalanan. At hindi rin mawala- wala sa isip niya ang inamin ng Prinsepe sakaniya. Hindi niya kasi lubos akalain na may nararamdaman pala ang prinsepe para sa kaniya.

Gustong- gusto man niyang umamin ay ’di na niya nagawa dahil sa may kung anong pumipigil sakaniya.

“Please.. don’t leave me..”

Sa t’wing sumasagi sa kaniyang isipan ang nagmamakaawang mukha ng prinsepe at mga katagang kaniyang sinabi ay wala siyang magawa kundi ang manlumo at magsisi sa sulok.

Muntik na siyang hindi lumisan no’n dahil sa sinabi ng Prinsepe. He almost kneeled, so she won’t leaved. But that won‘t do anything because it was really her decisions. Eventhough, she’s guilty for causing him such pain, she can’t comfort him.

“Oh? Are you okay, Ate?” Nag- aalalang tanong ni Ereon nang mapansing tila malungkot ang mukha ng kaniyang Ate. “Oo, bakit?” Kahit na puno ng kasinungalingan ang kaniyang sinabi ay ngumiti parin ito ng pilit.

Umupo ito sa kaniyang tabi at maya’t maya’y pi- nat ang likuran ng kaniyang Ate, na ikinagulat naman niya ng sobra. “Hanggang kailan ka ba magsisinungaling saakin, Ate?” Dahilan para mapalingon si Gaea sakaniya ngunit ito’y nakatingin sa malayo.

“Hu-h?”

“’Wag ka na ngang magsinungaling na okay ka, kasi huling huli ka na nga sa akto indenial ka pa.”

“Alam kong hindi ka okay kasi tao ka at tao ako, lahat tayo nararamdaman ang isa’t isa ngunit desisyon nating kung magmamanhid- manhidan lang tayo.” Pangangaral niya.

Napaawang ng ka-unti ang labi ni Gaea dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid. “Sa’n mo ’yan nakuha?”

“Ate, ’di ba halata na mas matalino ako kaysa saiyo?” Tatawa- tawang saad ni Ereon kaya napangiwi si Gaea. Hindi niya alam kung babatukan niya ito o ano, pero sa huli ay naisipan niyang inisin na lamang ito.

“Eww! Ano ba Ate! Tumigil ka nga!” Nandidiring atungal ni Ereon nang magsimulang punuin ni Gaea ang kaniyang mukha ng halik. “’Eww! Ate naman!” Habang pilit inilalayo ang kaniyang mukha.

“Huwag mo kasi akong asarin, ’yan tuloy.” Natatawang layo niya sa kaniyang mukha. “Whatever.”

“Halika, samahan mo ’ko sa bayan.” Aya niya rito kasabay ng paghila niya sa kaniyang kapatid. “Ayaw ko Ate!” Pigil ni Ereon sakaniya habang hinihigit ang kaniyang braso pabalik.

“Ay nako! Ngayon na nga lang tayo magkakasama, ayaw mo pa. Sige magtatampo ako niyan.” Nakanguso niyang wika at napakibit balikat.

“Nako! Pag- nagtampo ka huwag mong sabihin, Ate. Tsk. Tara na nga, para kang pato riyan eh.” Pang- aasar niya at kaagad na kumaripas ng takbo.

“Ah! Talagang nang- aasar ka ah! Bumalik ka rito!” Natatawang habol niya rito.

“Bleh! HAHAHA!”

“Psst.”

Sitsit ni Chisse mula sa nakabukas na pintuan sa opisina ng Prinsepe nang makita niya itong naka- upo habang nag- babasa. Bumaling ang Prinsepe sakaniya ngunit ’di niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa.

“Oy! Kuya! Pansinin mo naman ako.” Pangunglit niya.

Pabagsak na ibinaba ni Theseus ang librong binabasa niya at seryosong tinignan si Chisse. “What do you want?” Yamot na yamot niyang wika.

Kumurap- kurap pa muna si Chisse bago mag- salita. “Pasyal tayo sa bayan!” Suhestiyon niya habang ngiting- ngiti.

“Nah, I still have works to do.” Rason nito at kinuha muli ang librong kaniyang binabasa.

“Wew? Kuya kung magrarason ka, sana ’yung hindi ka mapagkakamalang tanga. Busy? Pero nagbabasa ka ng libro? Amazing!” ’Di makapaniwalang mungkahi nito.

Pero siya’y nagitla ng biglang hampasin ng Prinsepe ang kaniyang lamesa, na sinamahan pa ng mabibigat na pag- hinga dahilan para mapa- atras si Chisse.

“A..h! O..kay lang kung a..y—”

“Let’s go.”

“Hu-h?”

Hindi pa man sumasapit ang pag- diriwang sa bayan ng Perses ay nagkalat na ang maraming tao rito. Puros mga halakhakan, at kwentuhan ang mga kababaihan at kalalakihan sa iba’t ibang sulok ng bayan. Habang ang iba’y namimili ng kung ano- anong mga gamit. At namamasyal.

“Flower festival, sucks.” Sabat ni Ereon habang patingin- tingin sa mga halamang nasa kaniyang harapan. “Parang may namatay lang eh.” Dugtong niya.

“Uy! Ereon, ’wag ka nga! Ang astig kaya ng Flower Festival kasi ang daming mga makukulay na bulaklak.” Sita ng kaniyang Ate. Ang pag- diriwang na gaganapin bukas ay Flower Festival na minsan lamang sa apat na taong ipinag- diriwang.

“Kaya nga! Ang sakit sa mata.” Hindi na lamang ito pinansin ni Gaea at nagpatuloy sa pag- tingin sa mga bulaklak na nakahilera sa kaniyang direksyon.

“Are you sure they won't recognize me?” Ika- limang ulit na tanong ng Prinsepe kay Chisse habang sila’y naglalakad sa pagitan ng tumpok ng mga tao.

“Kuya naman! Nakamaskara ka at pang- bayan yang suot mo. Tsaka ang raming tao o’ kaya sigurado akong hindi ka nila mamumukhaan.” Naiinis na sumbat ni Chisse.

“Tsk. There’s a lot of people here. It irritates me.” Reklamo nito.

“Eh ano naman ngayon? Ang saya nga dahil marami akong natutuklasang mga iba’t ibang asal ng mga tao eh.”

“Hayst. Why did I even agreed..” Mahinang bulong ng Prinsepe habang bagot na bagot na naglalakad, ngunit itong kasama niya ay tuwang- tuwa sa kaniyang mga nakikita. “Anyways, when did you got interested to flowers?”

“Dahil kay Baby.” Masayang sagot niya habang nakangiti ng malawak. Tinapunan siya ng Prinsepe ng masamang tingin ngunit kaagad rin siyang napa- isip.

She’s must be here.

Hinanap kaagad ng kaniyang mata ang kaniyang pigura ng maisip niya ’yon. Kahit na busted siya rito ay hindi niya parin matiis na hindi siya makita. Sa araw nga na hindi niya ito nakikita ay talagang buriyong- buryo siya.

Hayst. Gaea, what have you done to me?

Hindi niya alam pero para siyang nababaliw na ewan eh, kahit na sinabihan siya nitong mali daw ang minahal niya. Pero dahil sa may paninindigan ito sa kaniyang nararamdaman walang makakapigil sakaniya. Dahil sa pag- ibig, walang tama o mali. Pero hindi sakaniya eh! Tinamaan siya ng sobra sa maling panahon.

“Oh? Para kang giraffe, Kuya! Sino bang hinahanap mo?” Tanong ni Chisse nang mapansing kanina pa palinga- linga ang kaniyang kuya sa iba’t ibang direksyon.

Kaya kaagad na napabalik sa tindig si Theseus. “No one.”

“Weh? Parang kilala ko kung sino.” Natatawang wika niya pero umirap lamang ito.

Ngumisi naman si Chisse ng may maisip siyang kalukuhan.

“My first love broke my heart for the first time, and I was like baby, baby, baby ohh! Like Baby, baby, baby no! Thought you’ll always be mine, mine..” Pang- aasar niyang kanta at binilisan ang lakad, dahil alam niyang maiinis si Theseus dahil sa kanya.

“Shut up! Stop singing! Darn it!” Napipikong atungal nito. Ngunit hindi siya tinantanan ni Chisse, at mas linakasan pa ang boses nito.

“Baby, baby, baby no! Thought you’ll always be mine, mine!” At siya’y tuluyang kumaripas ng takbo.

“Damn you!” Mura niya rito at hinabol siya, kahit na medyo maraming tao sa kanilang daraanan. “Baby! Baby! Baby! Ohh!”

“Shit! Just fuckin’ stop! You asshole.” Malutong na mura ni Theseus, dahilan para maagaw nila ang atensyon ng ilang mga tao.

“You’ll love this, Kuya!” Tila excited na saad ni Chisse kaya napakunot ang noo ni Theseus rito. Hu-h?

“GAEA! SALUHIN MO!” Malakas na sigaw nito at kaagad na tumabi.

Gaea?!

Ngunit huli na ang lahat para sa kanilang dalawa nang tuluyan silang mapahiga sa daan.

Sa bilis ng pang- yayari ay hindi kaagad na naka- react ang katawan ni Gaea dahil sa gulat at hindi nai- preno ni Theseus ang kaniyang katawan, samahan mo pa na napatid siya.

Kaya ang ending? Ayan lagapak sa daan. Habang nakadagan siya kay Gaea.

Habang nasa ganu’ng estado sila ay tila ba bumagal ang takbo ng oras sa kanilang pagitan habang titig na titig sila sa isa’t isa. Kahit na may takip ang kalahating mukha ng Prinsepe ay namukhaan ito ni Gaea dahil sa kakaiba niyang mga mata.

Mabibilis na pagpintig ng kanilang mga puso ang tanging ingay na pumapaibabaw sa kanilang pandinig.

Ba’t bumibilis na naman ang tibok ng puso ko?!

Holy cow!

Habang may kung anong lumilipad rin sa kanilang tiyan. Ay nako! Tignan niyo baka nakakalipad na yung dragon ah. Chos!

Samahan pa nilang tila may kung anong kuryenteng dumadaloy sa kanilang sistema. At tila may love sparks rin na lumalabas sa kanilang mga mata.

Ang ganda na sana eh..

“Oy! Ate! Wala ka bang balak tumayo diyan? Sabihin mo lang kung ayaw mo at dadalhan na kita ng banig riyan.” Paninira ni Ereon sa kanilang moment, dahilan para matauhan si Gaea at malakas na itinulak si Theseus papaalis sakaniya.

“Ouch..” Daing ni Theseus.

Pinagpag ni Gaea ang kaniyang damit dahil sa ito’y sobrang dumi. “Hmmp!” Irap niya sa dalawang kalalakihan at kaagad na hinila si Ereon papaalis roon.

“Why the heck did you do that?” Nakakunot noong tanong ng Prinsepe kay Chisse. “Eh, para hindi ka na mairita no’ Para kasing siya ang dahilan kaya ka nagkakaganyan. Kaya minabuti ko iyong gawin.” Kinikilig na wika nito.

“Why are you giggling?” Nagtatakhang tanong niya ng mapansing tila isa siyang lintang nabudburan ng asin.

“Kinikilig ako sa eksena niyo kanina! Hihi! ’Wag ka ngang ma- beast mode, para namang hindi ka nasiyahan kanina. Eh todo, titig ka sakaniya. Hihi.” Sundot niya sakaniya dahilan para mamula ang mga pisngi nito.

“Darn. Stop acting like that. Are you a gay?” Naiinis nitong wika at inunahan siyang maglakad. Pero sa likod ng kaniyang ekspresyon ay nakatago ang isang napakalawak na ngiti.

Why I am smiling like a shit?

“Yieh! Aminin mong kinilig ka ng saluhin ka niya!” Habol nito sakaniya. “Tsk. Like she really wants to catch me. She busted me. ” Pagak nitong wika.

Napatakip ng bibig si Chisse dahil sa sinabi ng Prinsepe. “Oh! Haha! So umamin ka na pala! Haha! Hindi ako makapaniwala!” ’Di mawari ni Chisse kung tatawa ba siya o ano.

“Yeah.. But, she said I love the wrong person. Tsk.” Puno ng kasawian nitong bigkas.

“Kung alam mo lang...” Mahinang bulong ni chisse.

“Cheer up, Kuya! Dahil ako ang bahala!” Nakangisi nitong wika dahilan para mapalingon si Theseus sakaniya.

“Hu-h?”

“I have the greatest plan.”


__👑__


“This is the plan?!” ’Di makapaniwalang tanong ng Prinsepe kay Chisse.

“Yup, you’ll disguise like me.” Hindi naman sa walang kwenta iyong plano, kasi sa totoo lang ang ganda. Pero huta lang ah? Ang Prinsepe magiging si Chisse? Nako! Hirap niyan.

“But, how could I possibly apply your personality on my personality?” Diin ng Prinsepe. “Kuya, walang hadlang saiyo kung gusto mo talaga. Tsaka ikaw ang gumawa saakin, kaya bakit mahihirapan ka?” Usisa nito habang nakakibit balikat.

Napahilamos ng mukha ang Prinsepe bago tumingin ng seryoso kay Chisse. “Let’s do it.” Desididong pahayag niya.

“Let’s start!” Palakpak niya kasabay nito ang paglabas ng dalawang babae sa kung saan.

“Dye his hair into pure black. And cover his crown symbol. Para walang maiwang ebidensya.” Utos niya sa mga babae na agad naman nilang ginawa. Hindi mahirap gayahin ng dalawa ang isa’t isa dahil para silang identical twins, ang problema lang talaga ay ang kanilang personalidad.

“Huwag kang sisimangot. Dapat ngiti ka lang.” Paalala nito.

“Like this?” Tsaka siya ngumiti.

“No! No! Labas pati ngipin.”

“This?”

“Ano ba naman, Kuya! Hindi ganyan parang pilit lang eh. Okay! Ganito, isipin mong ako si Gaea!”

“No way! She’s way more beautiful than you!” Kaagad na apela ni Theseus dahilan para sumimangot ang nakangiting mukha ni Chisse.

“Ah so! Pangit ako? Baka nakakalimutan mong magkamukha tayo?” Naka- cross arm nitong paalala.

“Tsk. You’re uglier.” Natatawang insulto nito.

Ngunit nagulat ito ng siya’y pumalakpak ng isang beses. “Ganyan dapat! Puro ang ngiti,” Tatango- tango niyang wika.

“Don’t ever use those attires! Use polo’s.” Suhestiyon ni Chisse kasabay nito ang paglabas ng tatlong istante ng damit.

“This sucks.” Maarteng puna ng Prinsepe dahil sa mga damit na kaniya daw ay susuotin. Makukulay kasi ito kaya medyo hindi niya gusto.

“Tandaan mo, hindi ka baduy kung alam mo kong pa’no ito dalhin.” Saad niya at ibinato kay Prinsepe ang isang polo.

“Pink?!” Nakangangang tanong nito.

“May angal?”

“Ngayon, gayahin mo ang boses ko. Try to say Im ugly.” Natatawang turan ni Chisse.

“You’re ugly.” Wika niya.

“No, I’m ugly.” Iling ni Chisse.

“Yes, you’re ugly.”

Napasimangot si chisse dahil sa sinabi ni Theseus.

“Unbelievable!” Di makapaniwalang talikod niya sakaniya.

“You can come out now!” Utos ni Chisse kay Theseus habang siya’y nakaupo sa harapan ng dressing room.

Dahil sa narinig nito ay kaagad na lumabas si Prinsepe. At nang tuluyan siyang makita ni Chisse ay hindi siya makapagsalita dahil sa tila ba’y nananalamin lang siya.

“You’re just like me!” ’Di makapaniwalang wika nito. “No, you’re uglier.” Pang- iinis ni Prinsepe kaya napasimangot si Chisse.

“Buti nga’t tinutulungan kita.” Pangongosensya nito. “Tsk.”

“But, we’re not totally the same. How ’bout our height?”

“Pati ba naman ’yan? Kuya, bahala ka ng mag- isip ng idadahilan mo. Tsk.” At tumalikod siya para kunin ang isang transparent na lagyanan.

“At magsalita ka ng tagalog ah? Di ’yung puro english.”

“But, what if she finds out the truth?” Kinakabahang tanong nito. “Kuya, di ka naman mabibisto kung hindi ka magpapahalata.”

“What If she fall inlove with this face. With you?” Natatakot at di mapakaling tanong niya.

“Kuya, ibahin mo si Gaea. Mamahalin ka nu’n hindi dahil sa itsura mo, kundi sa personalidad na tinataglay mo. Tsaka mag tiwala ka saakin. Kasi kahit ’di ka pa gumagawa ng paraan, mahal ka na nu’n. Huwag kang mag- alala.” Pagbibigay kompyansa ko sakaniya. Kaya tumango na lamang siya.

“Oh! Ito ilagay mo dyan sa mata mo.” At inilahad sakaniya ang lagyanan ng pares ng blue contact lenses. Kinuha ito ni Prinsepe at siya’y humarap sa salamin para ito’y ilagay.

“Kahit na ’wag mo ’yang tanggalin kung matutulog ka du’n, kasi may mahikang nakalagay dyan kaya hindi ka mamamatay.” paalala niya.

“Wait.. What do you mean, sleep in there?”

“My plans.”


ARAY!!”

Napatigil sa paglalakad si Gaea sa loob ng kakahuyan ng makarinig ng boses, at sa tantya niya ay boses iyon ni Chisse. Dahil sa takot na may nangyari ng masama sakaniya ay wala na itong sinayang na oras at kaagad na kumaripas ng takbo patungo sa pinanggalingan ng boses na iyon.

“Kuya, nandyan na siya ah! Umakto kang parang ako. At huwag kang kabahan. Kaya mo ’yan.” Saad ni Chisse habang siya'y nakatingin sa naghihirapang si Theseus.

“It’s like I’m going to die first, before she reach here.” Namamaos na turan nito. Paano ba naman eh, tinotoong hiniwa ni Chisse ang tyan ni Prinsepe. “Tsk. Sana naman mahulog na si Baby. Kasi grabe ka dumamoves, suicidal!”

“Idiot! This is your idea. Now, get lost.” Hasik nito. “Goodluck!” May bahid na pang- aasar na paalam ni Chisse sakaniya.

Ngunit siya’y napatigil ng may maalala ito.

“And also, don't forget to call her baby.” Nakangisi nitong turan na naging dahilan para panlakihan ng mata si Theseus.

“I will call.. her.. baby?”

“Yieh! Kinikilig na siya! Haha! Oo naman no'! Alam ko namang na- iingit ka, kaya ipapa- ubaya ko na saiyo ang salitang iyan.” Nakangiting wika nito at tuluyan na siyang nawala sa kakahuyan.

Fuck! I can call her baby!?

At ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay narinig na ng Prinsepe ang mga yabag ni Gaea. “Tulong!” Pagpaparinig nito na talagang ginaya ang boses ni Chisse.

“Hala! Chisse! Anong nangyari saiyo!?” Nakangangang tanong nito nang tuluyan niyang masilayan ang lalaking kaniyang hinahanap. Nagkalat kasi ang dugo sa kaniyang polo at tila hinang- hina ito.

Kaagad siyang lumapit rito at hinawakan ang sugat niya. “Sinong gumawa nito saiyo ha?” May pag- aalalang tanong niya.

“’Di ko alam, ba..by.” Napakagat ito sa kaniyang labi ng mautal siya sa pangalang kaniyang binigkas.

Shit!

“Nako naman! Ba’t kasi di ka nag- iingat!” Naiinis nitong wika. “Pa’no ngayon 'yan. Wala kong dalang kagamitan.” Nas- stress nitong wika. Hindi naman kasi niya alam na mangyayari ito eh.

“Dyan ka muna at maghahanap lang ako ng dahong pwedeng itapal dyan sa sugat mo.”

Aalis na sana ito ngunit siya’y kaagad na pinigilan ng Prinsepe, gamit ang pag- hawak nito sa kaniyang papulsuhan. “Huwag mo ’kong iwan. Baka balikan nila ako.” Kinakabahang wika niya. Ngunit akto lamang ito.

“Hayst. Nako! Mas malaki ka nga saakin, takot ka rin pala.” Natatawa nitong wika.

Heck! How I love to see those smiles again.

Nang maka- isip si Gaea ng paraan ay kaagad niyang pinunit ang sleeves ng kaniyang dress at ito’y kanyang pinagsama para sumakto ito sa bewang ni  chisse ‘kuno’.Nang matapos ay ito'y kaagad niyang ibinalabal sa kaniyang bewang.

“Kaya mo bang tumayo? Dadalhin kita sa palasyo para magamot ka.”

“No! Ayaw ko du’n. Gusto ko ikaw ang manggamot saakin, ba..by!” Malakas nitong apela dahilan para mapa- atras si Gaea.

Kailangan ko talagang sanayin ang aking dila sa salitang iyon.

“’No ka ba naman! Mas marami silang kagamitan du’n.”

“Eh ayoko nga du’n! Sige ka, magtatampo ako saiyo!” Nakalabi nitong wika kaya napangiti na lamang ng kaunti si Gaea.

“Sige na nga.” Suko niya.

“Talaga, bab..y?!”

“Oo nga. Kaya tumayo ka na dyan at aalalayan kita.”

Sumunod naman siya ngunit siya’y medyo natigilan ng hapitin ni Gaea ang kaniyang bewang at siya narin ang kusang naglagay ng kaniayng braso sa kaniyang balikat.

“Tara na.” Wika nito.

____

Vote and comment

_Arch_




Continue Reading

You'll Also Like

133K 3.7K 25
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
275K 13.5K 61
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
1.3K 178 19
Kristina Miller witnessed a Russian mafia execution right after her diving rounds as one of the Poseidon Hotel's staff. This event leads her into mee...
228 52 9
When life turns upside down and you think that you don't want to feel this pain and sadness anymore, you resort to taking your own life. That's what...