FAIRYTALE โœ”๏ธ: | ONCE UPON A F...

Galing kay Fellspri_Wemmer

4.9K 2.3K 501

๐Ÿ‘‘A work of a fiction๐Ÿ‘‘ Once Upon A Flower Thief A Royal- Fairytale. "If you truly love nature, you will see... Higit pa

F A I R Y T A L E S E R I E S 1
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 | Finale Part 1 |
CHAPTER 30 | Finale Part 2 |
| EPILOGUE |

CHAPTER 20

101 69 16
Galing kay Fellspri_Wemmer

__👑__

Hidden Beauties

Gaea Evergreen

“Jusko! Sana tama ’tong desisyon ko.” Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa baba mula rito sa taas ng bubong.

“Hoy! Anong ginagawa mo?!” Biglang sigaw nang kung sino sa aking likuran kaya ako’y umikot papaharap sakaniya, ngunit ako’y napatili ng mapatid ng isa kung paa ang isa ko pang paa.

Kaya ang ending?

“Kyahh! Ytrrio, punyeta ka! Tulungan mo ’ko!” Malakas na saklolo ko habang ako’y nagwawala sa hangin. “‘Yan naman ang gusto mong gawin diba? Ba’t kita tutulungan?” Silip niya mula sa bubong dahilan para ako’y mapangiwi.

“Pakyu ka!” Mura ko hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagtalbog ng aking katawan sa isang tela, o dikaya isang trampolin. “Ouch, yung leeg ko nabali yata.” Inis kong daing kasabay ng paghimas ko sa aking leeg.

“Uy! Ayos ka lang?” Sigaw ni Yttrio kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Gago ka talaga no? Ikaw kayang mahulog tapos sasabihin ko saiyo kung okay ka lang?”

“Okay lang mahulog! Sasaluhin mo naman ako eh. Yie! Kinikilig na siya.” Confident niyang wika kaya ako’y napataas ng kilay. Wow? Ang lakas ng bagyo ah!

“Sigurado ka?” Pabalang na tanong ko at tumayo sa trampolin. Ini- ikot ko ang aking leeg at kalauna’y narinig ko ang paglagagutok nito. Hayst.

“Ba’t mo ba kasi ako ginulat?” Tanong ko kasunod nito ang pagtalon- talon ko sa trampolin. Wieeh!

“Eh kala ko magpapakamatay ka na eh.” Dahilan niya.

“Ah, so concern ka na saakin ngayon ah?”

“Hindi ah, concern ako sa lupa. Baka kasi lumindol.” Sinamaan ko siya kaagad ng tingin dahil sa kaniyang sinabi. Nakakainis talaga ’tong kabuteng ’to.

“Ba’t ka ba naparito?”

“Gusto ka daw kausapin ni Madame S eh.” Wika niya kaya dali- dali akong bumaba sa trampolin. Ano kayang kailangan niya saakin?

“Ano ba daw kailangan niya?” Tanong ko ulit. “Kulang daw yung le- letchonin.” Natatatawa nito saad habang siya’y naglalakad sa bubong at sinasabayan ang bawat hakbang ko.

“Talaga bang nang- iinsulto ka?” Aniya.

“Bakit naiinsulto ka?”

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ang taong papatol sa baliw ay isa ring baliw. Tsk.

“Madame Superior?” Katok ko habang nakalapit ang aking tenga sa pintuan. “Come in, dear.” Kaagad kong itinulak ang pintuan ng marinig ang sagot niya.

“Ano pong kailangan niyo saakin?” Maya't maya ay tanong ko ng tuluyan akong makapasok sa loob. “Tomorrow is the King’s birthday, and I want you to decide for my fashion.” Walang atubiling saad niya.

“Po?! Ako ho?!” Nanlalaking mga matang turo ko sa aking sarili. “Did you clean your ears?” Taas kilay niyang tanong, pero ’di ko na lamang iyon pinansin.

“Pero hindi po ako magaling sa mga ganyang bagay.” Apela ko.

“That’s why I choose you.”

“Hu-h?”

“First timer’s ideas is unique.” Kumikinang ang kaniyang mga mata habang siyang nakatingin saakin. Kaya ako’y napangiti ng pilit.

“Dress makers! Come on in.” Biglang palakpak ni Madame S, at napaatras na lamang ako ng sunod sunod na magsilabasan ang mga taong tinawag ni Madame habang lahat sila’y may kaniya kaniyang mga hawak na gown.

“Wow! Ang dami Madame ah?” Namamanghang ngiti ko at lulang- lulang nakatingin sa mga gown na pumapalibot saamin. Mga trenta sila. Ang dami no?

Tumayo si Madame S sa kaniyang upuan at tumayo sa harapan ng salamin. “Why are you still sitting there. Show me what you’ve got.” Nakangiti nitong wika kaya ako’y kaagad na tumayo. I scanned every gown, and grabbed those that are beautiful and elegant. Though, the others are also beautiful but that wouldn’t going to be perfect for Madame S’ skin and looks.

“Here.” At inabot sakaniya ang isang grey gown na may disensyong mga pearls. “Nah, this is too common.” Iling niya habang minamasdan ang gown.

“Kung eto ho? Bagay sa kutis niyo.” Nakangiting saad ko habang inilalahad ang isang red gown. Pero ito’y unti- unti ring napawi ng simangutan niya ako. “Red? That’s also common. And I hate reds.”

“Eto ho!”

“I’m already married, Ija.”

“Edi eto nalang ho!”

“Pink? Really? I’m too old for that.”

“Bagay po sainyo ito!”

“Maroon is nice but mermaid gown don’t fit to well to me, don’t you think?” Pilit nyang ngiti kaya ako’y napangiwi na lamang. Eh! Puros mga wala palang kwenta yung mga pinili ko eh.

“Hmm, what’s a color that matches to a royal?” Tanong niya dahilan para mapakunot ang aking noo habang ako’y nakatitig sakanya.

Royal?

Ayt tanginaa! Yung lang pala!

“Royal blue!” Malakas kong sigaw habang nakaturo sakaniya. Napangiti ako ng malawak ng ngitian niya ako. “That’s the color I wanted to wear.” Wika niya bago siya tumalikod sa aking gawi.

“And also, Ija. I want you to also decide for my make- ups and looks.” Pahabol niya. “Ho? Ako?!”

“Are you really cleaning your ears?” Pang- aasar niya. Ngumiti na lamang ako ng ka- unti at sumunod sakaniya.

“Hmm?” Pag- iisip ko habang palipat- lipat ng pahina. Naghahanap kasi ako ng pwedeng hairstyle ni Madame para bukas, habang siya ay nakarelax at nags- spa.

Ayaw niya lang bang ma- stress kaya ako yung pinagpro- problema niya? Hayst.

“Oh!” Masiglang wika ko ng makakita ako ng magandang hairstyle. “Ito ho! Maganda!” Habang itinuturo ang design. Isa kasi itong braided crown na may kung ano anong pearls designs.

“Nice, do that style for me.” Utos niya sa isang babaeng mag- dedesenyo yata ng kaniyang buhok. Parang naging parlor na ’tong opisina niya ah? Haha.

Namuntawi ang katahimikan sa opisina ng magsimulang ayusan si Madame S, tsaka napili ko narin kung anong bagay na texture sa kaniyang mukha. Kaya kahit na gusto ko ng umalis rito ay hindi ko magawa kasi maya’t maya’y tatanungin ni Madame S kung bagay daw ba ito sakaniya.

“I heard from Yttrio that you and the Prince is having an argument.” Pambabasag niya sa katahimikan. Napalingon ako sakaniya at pilit na ngumiti.

Nako naman talaga si Yttrio! Pinapahamak pa ’ko! Sana di na lang siya nagsalita kasi hindi naman niya kaso iyon.

Masamang hangin po ang pumasok sa tenga niyo.. Ah, hindi po kunting bangayan lang ’yun hehe.” Kakamot- kamot ulong wika ko habang nakangiting nakatingin sa kaniyang refleksyon sa salamin.

“Little? I think it’s not. Look at your eyes, its sullen. And your face?! It’s more older than me.” Hindi ko alam pero parang iniinsulto niya ako, pero sa tingin ko ay nagsasabi lamang siya ng totoo. 

“Hayaan niyo na po. Matagal na po talagang ganyan ang itsura ko.”

“Oh no dear! The first time I’ve met you, It was again my first time to see a pure and natural girl.” Nakangiting bigkas niya. I don’t know what to feel, because of those complement she said.

“Nako po! Huwag kayong mambola.”

“Achuchu! Like you don’t like what I said.” Pataas babang kilay na mungkahi niya. “Sige na nga ho tatanggapin ko na!”

“It looks like you also need some beauties.” Malawak niyang ngiti habang nakatitig saakin. “H- uh? Ano hong ibig niyong sabihi—”

But, she cut me off.

“Ladies, impress me.” Sabi niya habang ngising- ngising nakatingin saakin. “Ho- hoy! Anong gagawin niyo saakin?!” Malakas kong tanong ng bigla na lamang akong higitin ng ilang mga kababaihan sa pagkaka- upo.

“What else, dear? Transformation!” Malakas niyang sigaw.

Hu-h? No ayoko nito. “Pero ayoko ho!” Pagpupumiglas ko. “Who’s the boss?” Taas kilay niyang tanong kaya wala na ’kong nagawa kundi mapasimangot sa tabi. Inis naman! Baka masira yung kagandahan ko! Churing!

“Arayy! Dahan- dahan naman mga ’teh!” Daing ko ng biglaan na lamang nilang ahitin ang aking kilay ng sunod- sunod. Huta! Nakakatirik sa mataa!

“Tiis ganda, teh.” Bulong ng isang magandang babae kaya hindi ko naiwasang mapa- irap. “Ay ’teh! Kahit na magtiis ’yan, hindi na siya gaganda pa.” Biglaang sabat ng isa pang babae. Ang sama niya naman saakin! Porket ang gagandang dilag nila? Hah!

“Oh! Huwag ka kasing sumimangot, ’teh.” Saad nung babaeng unang nagsalita kanina. Paanong ’di ako sisimangot eh puros sila dada?

“Oh! Close your eyes, ’teh.”

“Look up.”

“Ngiti ka para maganda ang pagkakalagay ng blush on.”

“Ibuka mo ng ka- unti yang bibig mo.”

Sunod- sunod na utos nila.

Putek! Hindi ko alam na nakakapagod palang mag- paganda. Hayst. Utos dito, utos doon.

“Di na siguro kailangan ng nose line no?”

“Oo, fren. Maganda naman ’yung kurba ng ilong.

Pagpapasya nilang dalawa habang nakatitig saakin. Medyo na- conscious naman ako dahil sa klase ng pagtitig nila saakin. Bakit? Pumangit ba ako lalo? Mukha ba kong pusit?!

“Ma’am Heroine, what do you think?” Wika ng dalawa at ako’y kanilang ipina- ikot paharap kay Madame S. Kapansin- pansin sa katawan ni Madame ang pagtigil ng ako’y kaniyang tuluyang masilayan.

Hala. Nakakakaba naman ’to!

Ano ba kasi talagang itsura ko? Hutek kasi, nasan ba yung salamin?

“Hmm,” Kilatis ni Madame S habang siya’y titig na titig saakin. Pero ako’y nalito ng biglang sumilay ang isang ngiti sakaniyang labi.

“Ladies, you just made a goddess!” Nagagalak na turan ni Madame S kasabay nito ang pag- tayo niya sa pag- kakaupo, habang siya'y hindi makapaniwalang nakatingin saakin. Goddess? Ako?!

“Look for yourself, ’teh.” Wika nung babae at inilahad saakin ang isang salamin. Tumingin ako kaagad sa salamin at napaawang ang aking labi dahil sa aking nasilayan.

Ang.. ganda kooo!

“How ’bout her hair, Ma’am?”

“Curly extension, and put some hair decors.”   Utos niya.

Pagkatapos iyong sabihin ni Madame ay pinaharap na naman nila ulit ako sakanila, at sinimulang ayusan ng buhok. Katulad ng sinabi ni Madame S ay linagyan nila ng kulot na extension ang aking buhok. Habang tinirintas nila ang ilang hibla ng aking buhok para gawing princess hairstyle. At nang- iwan din sila ng ilang hibla para sa harap.

Isa- isa rin nilang nilagyan ng makikinang at maliliit na mga bulaklak ang aking buhok.

“You looks so gorgeous, Ija!” Naa- antig na saad ni Madame S ng ipaharap ulit ako sakaniya para matignan niya ang ayos ko.

“But, I think you might need to add some color of your hair. Green? Green at the end.” Suhestiyon niya habang ako’y kaniyang iniikot.

Because of what madame S said, they also dye green on the end of my hair’s extension. Hindi naman ako masasayangan kasi hindi ko naman ’yon totoong buhok.

“And thats what’s perfection all about!”

“Roma! Dress her up!” Utos niya sa isang babae. Ano na naman ito? Pagod na ’ko! Kanina pa ’ko nato- torture eh!

“Miss, dito ho.” Alalay ni Roma habang itinuturo ang daan papunta sa dressing room. Kailan ba matatapos ang araw na ’to? Buti na lang at malamig rito sa opisina ni Madame kaya hingal lang ang inaabot ko.

“Miss, to oh! Sukat mo.” Utos niya habang ini- aabot ang isang gown.

“Black? Ano ako pupunta sa lamay?” Pabalang kong tanong habang nakatingin sa gown sa aking harapan.

“Itong cream?”

“Ay nako! Baka mapagkamalan akong walang saplot niyan.” Atungal ko. Kasi naman parang kaparehas lang nu’ng kulay ng kutis ko yung damit na ibinibigay niya.

“Eh kung itong brown kaya?”

“Nako! Eh nasobrahan naman ng tela ’yan. Paano kung maapakan nila? Eh di, nawala ’yung poise ko?” Rason ko. Wala lang kasi akong trip sa mga disenyo at kulay na kaniyang ipinapakita.

“Eh kung ikaw nalang kaya ang mamili?”

Nice idea!

Ako’y kaagad na pumunta sa mga gown at namili ng magandang isusuot. Hanggang sa maantig ang aking mga mata sa isang gown na kay ganda ng kulay. Kung ito ang susuotin ko tumpak! Laglag panga nilang lahat.

“Ate Roma, magpapalit na ho ako.” magalang na pagpapaalis ko sakaniya. Halangan namang subaybayan niya ako habang nagpapalit diba?

“Kailangan mo ng katulong. Di mo ’yan maz- zipper.” Kalmado niyang wika kaya ako’y napangiwi na lamang.

Tinanggal ko na ang aking damit hanggang sa sando at ang aking short nalang ang natira. At matapos nun, isinuot ko na ang gown na kay ganda. Gaya nga ng sinabi ni Ate Roma ay tinulungan niya ako para maisuot ang gown.

“Ate Roma? Ako ba ’to?” Namamanghang tanong ko habang nakatingin sa human sized mirror nang matapos ko itong maisuot. Ibang- iba ang itsura ko sa totoo kong anyo, para bang hindi ako yung dating gaea’ng walang kabuhay- buhay ang itsura.

“Malay ko?” Saad ni Ate kaya ako’y napangiwi na lamang. Panira naman ng moment na ’to! Sana sumakay na lamang siya.

“Pero, infairness! Bumagay saiyo ang Cyan green na yan ah.” Wika niya.

Oo, nakasuot ako ngayon ng isang Cyan green gown na may kaakibat na straps. Para nga siyang natatangi kasi ang ganda ng pagkakadisenyo at talagang inusisa talaga ng maigi ang mga batong inilagay rito. Sobrang bagay ito sa kutis ko kasi mas lalo niya akong pinapakinang at pinapaganda.

“Oy! Labas kana.” Utos niya.

Bumuntong- hininga muna ako bago ako lumabas sa dressing room. Nang ako’y kanilang masilayan ay puros naglaglagan ang kanilang mga panga. Dahilan para ako’y mapatawa ng mahina.

“What do you think?” nakangiting wika ko.

“Perfections!” thumbs- up nilang lahat.

“Tsk. I know those boys will be amaze when they saw you, tomorrow. I didn’t really expect that you were so beautiful. But, your transformation just slapped that you’re not that ugly at all.” Iiling- iling na saad ni madame ng siya’y makalapit sa aking pwesto.

Hapon na, kaya bumalik narin ako sa tunay kong anyo, at naka- uwi narin yung mga babae kanina. Ang kaso lang, ako yung naiwan para maglinis ng kalat nila. “Alam niyo po madame. Transformation lamang iyon, kahit kailan pwedeng mawala ’yun. Pero ang totoo kong anyo ay mananatili at di mababago.”

Wow? Talagang pinapangaralan mo si Madame S ah? Kapal mo!

“Hmm, you’ve got a point.” Wika niya habang napapaisip. Napatingin ako sakaniya ngunit ako’y napatitig sa kaniyang mga mata dahil sa nakaharap na pala siya saakin.

“True beauty comes from within, with pure hearts.” Hindi ko alam pero ang weird ng nararamdaman ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata. At para siyang bumubulong.

Anong nangyayari saakin?

“Are you okay, Ija?” Tanong niya habang nakatitig saakin. Nang maigalaw ko ang aking ulo ay umiwas kaagad ako ng tingin. Napahawak ako sa lamesa sa aking gilid dahil parang nahihilo ako, at parang nang- hihina ako.

“O..ho.” Mahina kong sagot. “Are you sure?”

Tumango ako bilang sagot sa inulit niyang katanungan. Tumingin ako sa kaniyang gawi at napansin ang pag- alala sa kaniyang mukha. “Mauuna na po ako.” Turan ko at kaagad na umalis sa kaniyang harapan.

Napabuntong- hininga ako ng ako’y makalabas sa kaniyang opisina. Anong nangyari saakin? Naguguluhan ako kasi bigla na lamang akong nang- hina. Pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon baka kasi pagod lang ako. Yeah, pagod.

“Oy! Miss hyena! Ba’t parang hinapon kayo ni Madame? Anong sinabi niya?” Paghaharang ni Yttrio saakin habang ako’y naglalakad pabalik sa lungga ko. “Wala kong balak magkwento.” Mahinang sagot ko at kaagad siyang nilagpasan. Wala eh, parang bagot na bagot ako.

“Halika nga.” At napasinghap ako ng biglaan niya na lamang akong kaladkarin sa kung saan. “Ano ba, Ytrrio! Pagod ako. Makiramdam ka naman.” Nangingi- usap kong wika. Kita niyang pagod ako pero parang wala siyang pake.

“Hoy! Putcha ka naman, saan mo ba kasi ako dadalhin?!” Pasigaw kong tanong ng mapansin kong lumabas kami sa palasyo.

“Tumahimik ka nalang, Miss hyena. Akala ko ba pagod ka, eh bakit dada ka parin ng dada?” Pananahimik niya saakin na gumana naman. Hindi na lamang ako umimik, at baka sa susunod nito ay bigwasan niya na ako.

“Nandito na tayo.” Masayang wika niya kasabay ng aming pagtigil. Napatingin ako sa harap at ako’y napasimangot sa aking nakita.

“Taena! Kinaladkad mo ko, para lang dito?!” Naiinis kong sigaw habang itinuturo ang isang puno na medyo may kataasan.

Ngunit ako’y napakunot ng noo ng ngumisi ito, “Don't judge that tree. Maganda ang punong iyan, pero hindi niya gustong ipakita ang kagandahan niya.” Wika nito na naging dahilan kaya ako’y matigilan.

Linagpasan naman niya ako at siya’y tumungo sa ilalim ng puno. “Watch.” Utos niya kasabay nito ang paghawak niya sa isang dahon nito. At ako’y napanganga ng sunod sunod silang kuminang at umilaw.

“Ang ganda..” Hindi makapaniwalang bigkas ko. Samahan pa kasi ng pumapalibot na mga kulitaptap. “Hindi lang ’yan!” At pinandyak ang kaniyang paa sa damuhan dahilan upang gumapang ang liwanag rito at palibutan ang puno ng masaganang bulaklak.

“What’s this beauty?” Saad ko habang nakanganga.

“Hidden beauties.” Ngiting sagot niya.

Dahil sa aking nakikita ay parang kusang nalusaw ang kapaguran na namamahay sa aking sistema. “Paano mo ’to nahanap?” Tanong ko at umupo sa damuhan tutal’t malinis naman ito.

“Hindi ko alam eh.” Sagot niya at tinabihan ako.

“Alam mo ba? Ang totoong kagandahan ay kusang lumilitaw.” Saad niya.

“Oo naman.”

Katahimikan ang namayani sa aming pagitan ng hindi na kami muling umimik. Parang ako lang kanina, kaso hindi ’yun kusang lumitaw. Kasi 'yun ay hinanap.

Para sa mga tao ang kagandahan ay kusang lilitaw kapag may ginawa kang paraan. At ang kagandahan naman sa mga kalikasan ay kusa itong lilitaw kahit na wala kang ginagawa.

Napangiti ako habang nakatingin sa puno. At isa pa pala. Ang kagandahan ng pag- ibig ay kusa mong mararamdaman.

‘If you truly loves nature, you will see beauty everywhere.’

“Alam mo? Pag- nagtanim ka diyan ng buto ng bulaklak, pwede kang humiling.” Pambabasag niya sa katahimikan, kaya ako’y napalingon sakaniya.

“Eh, wala namag akong dalang buto ng bulaklak.”

“Meron kaya! Nandyan sa kwintas mo.” Turo niya sa aking leeg kaya kaagad akong napahawak sa kwintas sa aking leeg. Oo nga! ’Yung mga butong binigay ni Ms. Miracle!

Agad ko itong tinanggal at kinalas ang isa rito. “Ang ganda ng mga yan ah. Mukhang hindi ordinaryong bulaklak.” Wika niya. Napangiti ako dahil sa sinabi, maski ako ay ganyan rin ang naisip ko nu’n.

“Sa’n ba ’to pwedeng itanim?”

“Kahit sa’n.” Sagot niya.

Nang tuluyan akong makakita ng magandang spot ay kaagad akong naghukay ng maliit na hukay, at ang buto’y akin ring inilaglag.

“Wish ka na.” Pinagsiklop ko ang aking mga palad at humiling. “Pero di ko masisiguradong matutupad ’yan ah.” Paalala niya. Napamulat ako bago tumingin sakaniya ng nakataas ang kilay.

“Nothing’s impossible.” Nakangiting wika ko. “Bahala ka.”

I sat down again after wishing.

“Ang bilis ng pangyayari sa buhay natin no? Parang kahapon lang nu’ng nagbabangayan pa tayo. Yung halos ayaw nating makita ang isa’t isa, kasi nabe- beast mode tayong dalawa. ’Yong, parehas nating sinasalungat ang isa’t isa para lang mainis tayong dalawa. Pero ngayon, nagbago na ang ihip ng hangin no? Oh, tignan mo ngayon nagtatawanan at magkasama na tayo.” Biglang pambubukas niya ng nakaraan namin.

Napangiti ako habang inaalala ang mga panahon naming iyon. Para pala kaming tangang dalawa.

“Balik na tayo sa palasyo.” Yaya niya kaya napatango na lamang ako.

_____



Vote and comment

_Arch_

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

50.3K 765 21
"๐™–๐™ฉ ๐™ก๐™š๐™–๐™จ๐™ฉ ๐™จ๐™ค ๐™„ ๐™ฉ๐™๐™ค๐™ช๐™œ๐™๐™ฉ" -ห‹ห เผปโš“๏ธŽเผบ หŽหŠ- ๐ข๐ง ๐ฐ๐ก๐ข๐œ๐ก, ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฌ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ด๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ด ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ด ๐˜ค๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ฆ...
10.7K 437 60
Chaos World Online or CWO. A massive Multiplayer Online Role Playing Game(MMORPG) developed by WinterARC Co. The game allow players to experience RPG...
1.7M 112K 26
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
265K 37.9K 20
แ€œแ€€แ€บแ€แ€ฝแ€ฑแ€ทแ€˜แ€แ€”แ€พแ€„แ€ทแ€บ แ€”แ€ฎแ€ธแ€…แ€•แ€บแ€แ€ปแ€„แ€บแ€šแ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€†แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€แ€ผแ€„แ€บแ€ธ