Cupid's Heartbreaker

By SevenCloud

2.8K 132 14

The story of Christian Grey Wilson. Ang gumawa ng Happy Ending sa One Shot na Umaaligid. Tara na't basahin na... More

Cupid's Heartbreaker
Chapter 1- Mission Accomplished
Chapter 2- The Transferee
Chapter 3- KPOP Event
Chapter 4- Boyish Girl
Chapter 5- Kiss and Dinner
Chapter 6 - UPCAT
Chapter 7 - A Supposed To Be Date
Chapter 8- Do I... Nah!
Chapter 9 - Completely Locked Up
Chapter 10- Act 1 (ShiMuel)
Chapter 11- Operation Delete
Chapter 12- Advice and Auditions
Chapter 13 - Sleepover
Chapter 14 - Sleepover: Better Than Ever
Chapter 15 - Confessions
Chapter 16 - Clarifications and the Rehearsals
Chapter 17 - Days Without Her
Chapter 18 - His Negative Side
Chapter 20 - Mr. And Ms. Chance Academy (Part 1)
Chapter 21 - Mr. and Ms. Chance Academy (Part 2)
Author's NOTE
Another Author's Note For Real
Chapter 22 - Mr. and Ms. Chance Academy (Part 3)
Chapter 23- Mr. and Ms. Chance Academy (Part 4)

Chapter 19 - Act 2 (HiroMie)

51 5 0
By SevenCloud

Author's Note:

Sino kaya yung babaeng yun? XD

Oh well, thats for you to figure out.

Segway muna tayo sa Act 2 then Mr. And Ms. Chance Academy na *O*

I dedicate this to a follower. ^_^

Keep supporting this til the end. :)

Note: I NEED COMMENTS.

Grey's POV

Today is the grand rehearsal ng Mr. and Ms. Chance Academy kaya todo practice kami simula pang umaga. Actually umaga pa rin pero ilang oras na lang ay lunch break na. Excuse na rin kami sa aming klase para wala kaming aalahanin. Kasalukuyan namang ginaganap ang aming last 10-minute for this morning kaya kinausap ko na si Trey.

"Bro." tinapik ko ang balikat niya habang busy siya sa pag-inom ng tubig niya. "Simulan na natin?" tumango siya ng mabilis.

Pagkatapos namin mag-usap ay kinausap ko na ang aming organizer para hindi pumalya ang aming plano. LET'S START THE BALL ROLLING!

Hiro's POV

Aish! POV ko na pala. Wala namang maganda sa aking POV kundi ang kakornihan ko dahil kay Jamie. Nawa'y matiis niyo iyon.

"Bro. If stares could melt, tunaw na si Jamie." bigla sabi ni Zeke na katabi ko ngayon. Tiningnan ko siya at nakangisi ang loko. Napakunot na lang ang aking noo.

"Why bro? Hanggang ngayon wala pa ring progress? I can't believe na napakatorpe ng aking bestfriend. Hindi ako magtataka na bigla mo na lang akong tawagin at sasabihin mong broken hearted ka dahil sa pagiging pagong mo." natamaan ako sa sinabi niya. Aaminin kong torpe ako pero kasalanan ko bang mahirap mag-ipon ng lakas ng loob para umamin? Kung kailan handa na ako, mali naman ang timing. Kung kailan nasa harapan ko na siya, natatameme ako. Kung kailan nasabi ko na ay hindi niya narinig. Oh diba? Pati pagkakataon ay hindi sang-ayon sa amin. Pero hindi ako susuko ng basta-basta. Itago niyo yan sa bato.

"Sorry talaga bro ah. Alam kong naiirita ka na sa akin kasi hindi ako nagawa ng move para umamin pero this time, itaga mo sa bato, aamin ako ngayong araw. After ng practice natin tutal maaga tayo uuwi." bigla naman siyang napangiti sa sinabi ko.

"Promise yan bro?"

"Promise."

"Eh, why not now because someone is roaming around her." sabay nguso niya sa kinatatayuan ni Jamie na busying kausap si Hede at ang masaklap pa diyan ay nagtatawanan pa sila. Bigla tuloy nagdilim ang paningin ko pero naudlot ito ng biglang sumigaw ang choreographer namin.

"Ms. Huares, kindly help Mr. Wilson buy some of our materials for the props?" mabilis namang tumakbo si Jamie papunta kay Grey at umalis. Mas kampante pa akong kasama niya si Grey kaysa sa Hede na yun. 

Ilang saglit pa ay lumapit sa akin si Trey. Nakipagfistbump muna siya bago umupo sa tabi ko.

"Uhmm bro sayo muna yung cellphone ko kasi nasa labas si Gen ko." bigla niyang bungad sa akin. Bakas sa mukha niya ang tuwa ng banggitin niya ang GEN KO. Nakakatuwa siguro kapag malaya kong nasasabi ang JAMIE KO. 

"Sure." sabay abot niya sa akin ng phone niya. Lumabas siya ng audio visual room at kumaway siya bago umalis. Bakit kaya niya pinaiwan yung phone sa akin? Siguro may tinatago siya kay Geneva. Pinindot ko ang gitnang butones ng kanyang Samsung Galaxy S5 at tumambad sa akin ang lockscreen niyang magkayakap sila ni Geneva. Wala namang password kaya nagtaka ako bakit niya pinaiwan. Bago ko pa ilagay sa bulsa ko ang phone ay bigla itong tumunog. Tiningnan ko ito at unregistered number ang bumulaga sa akin.

"Nakapagtataka." mahina kong bulong habang nakatitig sa phone ni Trey. Should I answer it? 

"Bro sagutin mo na baka importante." biglang sabat ni Zeke kaya napindot ko sa gulat ang answer button ng phone. Napabuntong hininga na lang ako at dinikit ko na ang phone sa aking tenga.

"Hello?" bungad ko pa lang ay tumawa na yung nasa kabilang linya ng nakakatakot.

"Ikaw ba si Keiji Trey Figueroa?" tanong nung lalaki sa kabilang linya.

"Hindi, pero number niya to." 

"Good. Nais ko lang ipaalam na hawak ko ang bestfriend niyang si Christian Grey Wilson." 

"ANO?!" napasigaw ako ng wala sa oras kaya nagmadali akong nagsorry sa paligid at pumunta sa mas secluded na lugar para iwas eksandalo.

"Hawak ko siya ngayon and guess what..." hindi ko mapigilang kabahan dahil nagpasuspense pa yung kidnapper. "May dagdag pang... Nelly Jamie Huares." doon na nagdilim ang aking paningin at umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. 

"Don't you dare hurt her!" matigas kong sabi. 

"Whoa! Easy there. Bakit? Ano ka ba niya?" 

"K-kaibigan!" 

"Yun naman pala eh. Lumugar ka naman. Don't act like your his brother or his dad or even better his boyfriend dahil alam kong wala siyang ganun. Who are you anyway?" kung kaharap ko tong kausap ko ay matagal na siyang binawian ng buhay knowing he teases me about Jamie and the mere fact that she is on danger makes me feel guilty and scared.

"I'm Hiro Kazama." I said fiercely.

"Oh! The son of the famous toy engineer in Japan, Mr. Kazama. Nice meeting you. Tell me, may balak ka bang bawiin ang dalawa kong hawak?" he asked playfully. Lalo akong nangangalit sa galit ngayon.

"Oo naman."

"Then go to this address that I will text to you. Only you are allowed to come. Be here in an hour or else, one of them will die." then he hung up. Shit! Kinidnap si Jamie! I must save her by hook or by crook or else, I will lose her without even telling my feelings. Dali-dali akong lumabas ng audiovisual room at pumunta sa parking lot upang kuhanin ang kotse ko. Bigla na lang nagring ang phone. Nagtext yung unregistered number.

"Get to the nearest port and find the big yellow flag."

Yan yung nakasaad sa text. Wait? Nearest port? Ah! Alam ko na! I started the engine and stormed my way all the way to the nearest port.

I looked at my watch and it was 10:15AM. 45 minutes left before the deadline. I must not waste any time because the girl I love is in danger. Masyadong maraming thoughts ang pumapasok sa isip ko kaya laking gulat ko na lang ng biglang magred light kaya napafullstop ako ng wala sa oras.

*SCREECH*

"Phew!" I growled in frustration. Baka mamatay ako sa ginagawa ko kaya I just focused on my driving and unfortunately, traffic pa dito since maraming trucks na papunta sa port.

"Damn!" tae! Traffic pa oh! I looked at my watch at 10:35 na. I can feel the tension building in my body. I'm damn frustrated right now. After like forever ay nakarating na ako sa port at 10:45 na. Halos masira ang ulo ko sa kakalingon. Sa kaliwa, sa kanan, sa likod at sa harap. Then, biglang nagningning ang aking mata ng namataan ng makita ko ang dilaw na bandila na sa aking pakiwari ay hindi gaanong kalayo.

"Hiro!" ang sigaw ng babaeng nagpatibok ng aking puso. Hindi ako nagkakamali na siya yun at kita ko na nasa bandang dulo siya habang napapalibutan ng maraming tao. 

Paano ko siya maliligtas?

Jamie's POV

"Ilang minuto na lang. Hahaha!" sabi ng aking walang pakundangang kidnapper. Bakit ba kasi nakidnap?

*FLASHBACK*

Kasalukuyang naglalakad kami ni Grey paalis ng school dahil bibili kami ng materials para sa props namin bukas. Pupunta kami sa pinakamalapit na NBS dito which is walking distance lang sa school. Mabuti naman at may nagtayo nun kasi mahihirapan kaming maghanap ng mga materials.

"Excited ka na ba para bukas?' naputol ang aking malalim ng pag-iisip sa biglang pagtanong ni Grey. Tiningnan ko siya at nakangiti siya. Sigurado ako na sa mga ngiti niya pa lang ay excited na siya para bukas. 

"Oo naman."

"Uhmm. Maiba tayo." napatingin ako sa kanya. "Gusto mo ba si Hiro?" bigla akong nabato sa sinabi niya. Teka? Paano niya nalaman eh si Elvira lang naman ang pinagsabihan ko neto. Paano kaya niya nalaman? Bago pa ako makareact ay inunahan na niya ako.

"Halata naman kasi sa mga tingin mo sa kanya eh. The way you act, talk, stare and smile with him is different from other persons surrounding you. Kaya huwag kang magdeny because I have cornered you." then it hit me. Ang galing niya talagang mambara in the sense na hindi ka maasar kundi maamaze sa mga nalalaman niya. I sigh in defeat.

"Okay fine. You won. I do like him, what now? I asked him eagerly. He just grinned and gave me a meaningful smile.

"Wala lang. I just wondering, does he like you too?" Sheessh! I don't know what to reply. Gusto ba ako ni Hiro? As far my heart is conerned, it wants to believe but as far my mind is conerned, it wants to stop assuming. I hate you Grey! You made me think mind-boggling questions.

"Hindi ko alam." 

"Oh c'mon Jamie, can't you be more realistic than that? We both know that a part of you believes that he may have feelings for you." at kailan pa naging mindreader si Grey aber? Hindi ko namalayang unti-unti akong yumuyuko sa hiya.

"Yeah, you're right. I do assume that he may like me but I don't want myself to be hurt because of that. Alam natin na mahirap umasa diba? But that doesn't mean na you will stop assuming because I'm stupid. Stupidly inlove with him." then that made me cry. Tae naman kasi si Grey eh!

"Ssshhh! Tahan na. Eskandalo ka rin eh. Makarating pa to kay Hiro." sabi niya sabay yakap sa akin. I just cried on his shoulder he just comforted me. After like five minutes ay natapos na ang aking kadramahan. Pupunta pa kasi kami sa NBS at tsaka baka magalit na yung choreographer namin dahil sa tagal ng aming pagbalik.

"Tara na." sabi ko habang pinupunasan ang aking luha gamit ang panyong binigay niya. 

"Ge." saad niya at naglakad na siya. Hindi pa siya nakakalayo ng maabutan ko siya pero laking gulat ko ng biglang may humintong black na van sa harapan namin. Naging mabilis ang pangyayari at namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng van habang napapalibutan kami ng sandamukal na armadong lalaki na nakatakip ang bunganga at naka all black na outfit. Pilit naming kumawala sa kanila at ako naman ay hindi magkandaugaga sa kagagalaw para makaalis.

"Paalisin niyo ako dito!" pilit kong pumupiglas. Tiningnan ko si Grey at pilit ding pumipiglas. 

"Let us out!" sigaw ni Grey pero walang kwenta dahil hindi pa rin kami makaalis.

"Hindi ba kayo tatahimik at titigil?" biglat sabat nung nakablack leather jacket na sa pakiwari ko ay yung leader ng mga nangidnap sa amin.

"Hindi/ No way." sabay naming sabi ni Grey habang pilit kumakawala. Tumawa naman ng nakakatakot yung lalaki at naglabas ng baril.

"Kung ayaw niyong tumigil eh ipapaubaya ko lang sa hawak ko ang pagpapatahimik sa inyo." sabay tutok sa amin, sa akin pala yung baril. Napalunok ako ng wala sa oras at unti-unti kaming kumalma.

"Titigil naman pala eh." sabay halakhak niya ng malakas na bumabalot sa van na ito.

*END OF FLASHBACK*

Marami pang nangyari after nun pero ayoko ng intindihin pa. Nakalimutan ko palang sabihin na tinawagan pala nila yung number ni Trey but it turns out na si Hiro ang nakasagot ng phone at sa pagkakarinig ko ay galit na galit siya and I wonder why. Siguro nakidnap tong si Grey at may kakaunting concern lang sa akin *sigh*

"Ang tagal naman nung Hiro na yun." singhal nung leader sabay buga ng usok mula sa kanyang hinihithit na sigarilyo. Pinigilan ko naman ang paghinga ng saglit dahil ayokong malanghap ang usok baka atakihin ako ng asthma.

"Uhmmm, kuya pwede bang ilayo mo sa akin yung sigarilyo? Aatakihin ako ng asthma niyan eh." saad ko habang nakagapos pa rin ako. Nasa port kami ngayon at kasalukuyang nakagapos kami ni Grey pero magkahiwalay kami ng upuan. Bakas sa mukha niya ang pagaalala sa akin kasi hindi ako sanay sa mga ganitong eksena. Hindi na kasi bago to kay Grey since ilang beses na siyang nakaranas ng kidnap pero hindi man lang siya natotrauma. Bakit kaya?

"Okay ka lang Jamie?" tumango lang akosa tanong ni Grey. Ilang minuto na lang ay magaalas onse na. 

Nasaan ka na Hiro?

"PAKAWALAN NIYO SIYA!" nagulantang kaming lahat ng marinig ang napakalakas na sigaw sa isang taong gusto kong marinig iyon. Nakatayo siya sa hindi kalayuan at bakas sa mata niya ang nangangalit ang expresyon. Suot niya pa rin ang dark blue na tshirt at ang black pants. Halata rin sa kanya ang paghingal at ang pagtagaktak ng pawis niya na lalong nagpapapogi sa kanya. Nandiyan din ang kanyang signature "bed room" hair na kanyang hinahayaang kong guluhin tuwing nagkukulitan kami. Siya ang lalaking nagpatibok ng puso kong pihikan. Walang iba kundi si Hiro. Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ng aking mata ang kanyang presensya.

"Dumating ka." saad ko habang papalapit siya sa amin. Hinarangan naman kami ng mga damulag na kanina ko pang kasama.

"Bago mo siya makuha, dadaan ka muna sa amin." singhal nung nakared na bandala.

"Edi uunahin ko muna siya." sabi niya sabay tingin kay Grey na nakangisi na. Tumakbo si Hiro at mabilis na tinanggal sa pagkakagapos si Grey. Nang matanggal sa pagkakatali ay sabay nilang sinugod yung mga taong nakapaligid sa amin.

Hiro's POV

"Akong bahala sa mga tauhan, ikaw nang bahala kay Jamie." mabilis na saad ni Grey. Tumango lang ako at mabilis na sinugod yung mga kidnappers.

"Dalawa laban sa dose? Mukhang lugi kayo." pangaasar nung lider nilang walang pakundangang inakbayan si Jamie. Nag-init lalo tuloy ang dugo ko sa nakikita ko. Napapalibutan kami ng labing-isa niyang tauhan. Sinenyasan ako ni Grey na puntahan si Jamie. Nagdalawang isip ako kasi baka mapuruhan siya pero siya na mismo ang gumawa ng paraan para maitulak ako papalapit kay Jamie kaya no choice akong sinugod ang lider na hawak si Jamie.

"Sabihin mo nga sa akin, kaano-ano mo ba tong babae to at aligagang-aligaga kang iligtas to?" mapangasar niyang intriga sa akin.

"Wala kang pakelam!"

*BOOGSSHH*

Sh*t! Nasapak ako sa mukha.

"Wala ka pala eh! Kung ililigtas mo tong babaeng to ay dapat talo mo ako. Mukhang mas kaya pa ng kasama mo doon oh!" sabay turo niya kay Grey na napatumba na ang lima sa labing-isa. Nakalimutan ko bang sabihin na black belter yan sa taekwondo at ayon sa bestfriend niya ay marami daw alam na martial arts tong si Grey.

"Kaya kitang talunin." matigas kong utas.

"Let's see what you can do." nilubayan niya si Jamie at kumuha ng bakal na tubo na nakakalat sa paligid. 

"Hindi man ako eksperto sa mga martial na yan, pero para kay Jamie gagawin ko ang lahat." sabay sugod niya sa akin at iwinasiwas ang tubo. Umilag ako at sinuntok siya sa may kanang pisngi. Ayun, tumba siya pero nakabangon kaagad.

"Hanggang diyan lang ba ng kaya mo bata?" 

"Hindi pa yan ang kasukdulan ng aking galit sa pangingidnap mo sa kanya." sabay sugod ko pero natamaan ako ng tubo sa may bandang tiyan kaya napahiga ako sa sakit. Sh*t lang.

"Hanngang salita ka lang bata. Mukhang makakascore ako sa kaibigan mo mamaya." sabi niya sabay lapit kay Jamie at inamoy-amoy ang buhok nito. 

"Hiro." mahina niyang saad habang nahikbi. Bakit kasi ang hina-hina ko?

"Mukhang jackpot ako sa babaeng to." masiglang sabi nung lider. Akmang hahawakan niya ang dibdib ni Jamie ng biglang inuntog ni Jamie ang ulo niya dun sa lalaki.

"Aray! Walang modo kang babae ka!" sabay sampal niya ng malakas kay Jamie. Napayuko naman si Jamie at kitang-kita ko ang pagkabakat ng kamay nung lalaki sa makinis na mukha ni Jamie. 

Natanggal ang lahat ng turnilyo sa utak ko at nagdilim ang paningin ko bigla. I lost control of myself. Bigla na lang akong sumugod at sinuntok ng pagkalakas-lakas yung lalaki. Hindi pa nakuntento ang aking sarili, sinundan ko pa ito ng tadyak at sapak ng magkasabay.

"Ito ay para sa pagkidnap sa kanya." sabay sapak sa tiyan. "Ito ay para sa pagpapahirap sa kanya." sabay tadyak. "Ito ay para sa pagsampal sa kanya." akamang susuntukin ko siya ng biglang sumigaw si Jamie.

"Hiro! Tama na!" nabalik ako sa katinuan sa kanyang boses. Tiningnan ko siya at nilapitan. Tinanggal ko ang tali sa kanyang paa at kamay. Nang makalaya ay niyakap niya ako ng mahigpit. Ginantihan ko naman ito ng mas mahigpit na yakap. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. I hate to see me in this situation but I don't care. Knowing she's in danger scares me to death.

"Jamie, mabuti at ligtas ka. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawawala ka sa akin." hikbi pa rin ako ng hikbi sa kanyang balikat. Pinaangat naman niya ang aking ulo dahilan para makita ko ang mata niyang nakatitig sa akin.

"Bakit naman ako mawawala kung nandito ako sa harapan mo?" 

"Kung sakali lang naman eh." sabi ko sabay nguso. Medyo kumalma ako dahil sa sobrang light ng atmosphere na namamagitan sa amin.

"Don't think about the future too much, baka hindi mo maenjoy ang present." 

"Okay po. Pero may sasabihin muna ako." then I took a deep breath. Here goes nothing. Its now or never. 

"Alam mo ba Jamie na may narealize ako kanina nung kinidnap ka? Narealize kong ayaw kitang mawala. Narealize kong masyado pala akong mahina kanina. Hindi man lang kita naprotektahan sa kanila. I am such a coward kaya I'm taking opportunity to gain my courage to tell you what I really feel." bumuntong hininga muna ako at tinitgan siya ng mabuti. "Jamie. Mahal kita hindi bilang kaibigan or classmate but more than that. There, I said it. Sana walang magbabago sa ating pagkakaibigan ha?" bigla siyang tumawa. 

"Anong nakakatawa?" naguguluhan na ako dito.

"Tanga ka lang ba o tanga ka talaga? Aamin ka tas ifefriendzone mo sarili mo?" oo nga noh. "Napakaselfish mo alam mo ba." medyo natamaan ako dun ah. "Mahal din kita eh." hindi ko inaasahang babanggitin niya ang salitang iyon. Parang lumutang ako bigla sa kalangitan ng marainig ko iyon.

"M-mahal mo a-ako?" pangungumpirma ko sa kanya.

"Oo matagal na." bigla akong napatalon sa tuwa. All this time ay mahal niya ako? Ang torpe ko lang talaga kaya ngayon ko lang nalaman.

"Oh anong tinatalon mo diyan?" napatigil ako at niyakap ko siya.

"Eh mahal mo ako eh. So pwedeng manligaw?" I don't care about the consequences kasi ang alam ko, magiging worth it ang mga pagsubok na tatahakin ko para makuha ko ang matamis niyang oo. Ang gay lang. -,-

"Ayoko nga, boyfriend pwede pa." bigla akong natameme sa sinabi niya.

"B-boyfriend?" hindi ko na kinakaya ang mga pangyayari.

"Oo. Boyfriend na kita. Ayaw mo?" umiling naman ako kaagad. Yinakap ko siya ng sobrang higpit.

"Girlfriend ko na si Jamie!" sigaw ko ng pagkalakas-lakas.

"Oo alam ko! Tulungan niyo naman ako!" bigla naputol ang moment namin ng makita ko si Grey na nakahiga sa tabi ng mga tumbang kasabwat sa pangingidnap sa kanilang dalawa. Nilapitan namin siya at inalalayang makatayo then umalis na kami.

***

"Oh talaga?!"

"Ang galing naman!"

"ODG! Knight in shining armor ang peg ni Hiro!"

"Nakakakilig naman yun!"

Halu-halong reaksyon yan ng mga kasali sa event bukas. Kasalukuyan kaming nasa ospital dahil medyo napuruhan kami ni Grey. Nakahiga kaming dalawa sa magkahiwalay na kama at may kani-kaniyang "nurse". Kay Scarlet si Grey at sa akin si Jamie. Kinuwento ko na rin sa kanila na kami ni Jamie.

"Bro! Graduate ka na sa Torpe University!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Zeke.

"Gago!---Aray!" pagkatapos kong magmura ay hinampas ako ni Jamie. Binigyan ko naman siya ng pacute kong nguso.

"Shit bro! Ang gay mo. May pangunguso ka nang nalalaman. Hahaha!!" sabay tawa niya. Namula naman ako sa hiya. Paalala niyo sa akin na may batok siya pag nakarecover ako.

"Humanda ka sa akin kapag gumaling ako." sabay death glare sa kanya na lalong nagpatawa sa kanya. 

"Tigilan mo na nga si Hiro." saad ni Jamie. "Isumbong kita diyan kay asdfghjkl." hindi na nasabi ni Jamie yung pangalan dahilan pinasakan siya ni Zeke ng mansanas. 

"At sinong nagbigay ng pahintulot sa iyo na gawin yan sa girlfriend ko?" biglang sabat ko.

"Feel na feel mo na ang pagiging boyfriend mo bro ah. Hintayin mo ako at magkakaroon din ako." saad ni Zeke. Tumawa na lang ako at nagkwentuhan na kami imbes na mag-asaran.

Yung mga kidnappers? Si Grey na daw ang bahala dun. Hindi na namin pinareport since marami daw siyang connection. Edi siya na. About dun sa Mr. And Ms. Chance Academy? Ayun, namove lang ng isang araw para makapagpahinga kami ni Grey. Ilang oras ding nanatili ang tropa pero umalis rin sila dahil gabi na pero ang mga "nurse" kuno namin ay nandito pa. Payapa namang natutulog si Grey at Scarlet habang kami ni Jamie ay gising pa.

"Alam mo ba Jamie na hindi pa rin ako makapaniwala na akin ka na ngayon. Parang kailan lang ay pinoproblema ko ang katorpehan ko pero ngayon ay hawak-hawak ko na ang pangarap ko." sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Namula naman siya at napangiti.

"Kasi nga you did not waste your one big shot." inayos niya muna ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha at inilagay sa ito sa may tainga niya. "Sabi kasi sa isang librong nabasa ko. Sa buhay natin, mayroon tayong one big shot. Kumbaga sa basketball ay yung last 3 seconds ng laro. Nasa sa iyo kung ishoshoot mo o hahayaang matapos yung laro. Katulad na lang ng ginawa mo, hindi mo pinalagpas ang one big shot sa buhay mo kaya heto ka't kapiling ako. Pasalamat ka at hindi ka nakagawa dun sa kwentong iyon kung saan kailangan pang masagasaan yung lalaki para sila'y magkaaminan. Buti na lang at kidnap lang ang inabot ko diba?" tumango na lang ako bilang sagot.

"Kaya pasalamat na lang tayo na galos lang ang inabot mo. Baka hindi ko mapatawad sarili ko kapag bugbog sarado ka kanina." natuwa ako sa sinabi niya. 

"Pasalamat rin ako na nakakilala ako ng napakagandang babae at naging girlfriend ko pa!" lalo siyang namula kaya binaon ko ang mukha niya sa dibdib ko at yinakap siya ng mahigpit.

"Naririnig mo ba yan? Ganyan kabilis ang tibok ko kapag kasama kita. Ikaw lang kasi ang tinitibok niyan." saad ko. Bigla siyang napaangat at hinalikan ako sa pisngi. Feeling ko magaling na ako sa ginawa niyang iyon.

"Isa pa nga." sabay turo ko sa labi ko. "Dito naman." sabay nguso ko.

"Ayaw ko nga." 

"Ayaw mo pala ha?" bigla ko siyang kinabig palapit sa akin at pinaglapat ko ang aming mga labi. Pumikit ako at nagsimulang gumalaw. Nakatikom pa rin ang bibig niya kaya idiin ko pa lalo ang halik ko sa kanya. Hindi nagtagal ay bumigay na siya at ginagantihan na ako ng halik. Hindi ko mapigilang ngumiti habang nasa ganun kaming situasyon. Ako ang unang kumalas at bakas sa mata niya ang pagtataka. Hmmmm. Mukhang nabitin siya. Hahaha.

"Bitin ka?" tanong ko habang hinahabol ang aking hininga. Imbes na sumagot ay nilapitan niya ang mukha ko sa kanya at hinalikan ako. Sh*t! She made me fall for her even more. After ng ilang minuto ay kumalas na kami dahil baka mamatay kami sa suffocation. Haha. Nang makarecover ay yinakap ko siya ng mahigpit.

"I love you Jamie."

"I love you too Hiro." then she hugged me tightly. The best feeling ever.

Grey's POV

Its one in the morning at nagising ako bigla dahil may kailangan pa ako tawagin. I grabbed my phone at bumangon. Pumunta ako sa balcony ng room still wearing the hospital gown. I dialled the number and after a few rings, it accepted my request.

"Yo Jasper."

"Yo Grey. Ayos ba ang ginawa namin kanina?"

"Yeah, sort of. Sensya pala sa mga galos at pasa na natamo niyo. Don't worry, akong bahala sa mga sugat niyo."

"Thanks bro but I think ako ang mas nangangailangan ng atensyong medikal kasi medyo bugbog sarado ako dun sa Hiro na yun eh." 

"I second that. Ipapadala ko na lang yung pera tomorrow kasi matutulog pa ako."

"Sure. Let's call it a day." then he hung up. I put my phone in my pocket and returned to my hospital bed. Medyo masakit pa rin katawan ko sa "training" ko with the eleven guys recently. I kissed Scarlet's forehead and returned to sleep.

Continue Reading

You'll Also Like

219K 14.2K 71
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
63.3K 4.1K 12
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
16.5M 718K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
5K 72 17
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...