Chapter 9 - Completely Locked Up

112 4 0
                                    

Hello! Sorry sa Short Update last chappy. Kaartehan lang kasi ni Grey yung nandoon eh. Haha. Anyways, for sure alam niyo na mangyayari sa chappy na to. Ang hindi alam, hindi nagbasa ng chapter title. XD

I dedicated this chapter to my fellow author. Hahaha. Hello there. XD

Grey's POV

"What the hell!"

"The door won't open!"

"Hey you, what are you doing, help me! "

"Hey!"

"Bahala ka nga diyan!"

Kilala niyo yung nag-iingay? Walang iba kundi si Scarlet. Nakulong lang sa classroom ay lumabas na ang tunay na kulay niya. Madaldal, maarte at kung anu-ano pang negatibo na pwedeng ilapat sa kanya. Kala ko pa naman mahinhin at hindi makabasagpinggan, yun pala... Arrrggghh! She's annoying, immature and a brat! Nakakabuwiset siya. Dinedma ko lang yung paghihimutok niya at naupo sa isa sa mga upuan at pinikit ang aking nga mata.

Nakaramdam ako ng hakbang na papalapit, for sure si Scarlet yun. 

*POK*

"Aray! What was that for?!" sigaw ko. Namumuro na tong babae na to eh. Hindi niya ba alam na nagpipigil ako dito. Nakakulong ang isang babae at isang lalaki sa isang room. Awkward na medyo nakakaewan yun diba? Hindi siya sumagot at umupo sa tabi ko. Inusog niya rin yung upuan niya para magkalapit kami. Kung kanina nakokontrol ko pa, ewan ko na lang ngayon. Have mercy! T^T

Paano kami nakulong? Eto kasi yun eh...

*FLASHBACK*

Pauwi na sana ako kasi tapos na ang klase at inaasikaso ko pa ang nalalapit na mission namin ni Trey. Balak naming gawin ang plano sa isang amusement park, EK to be exact. Then, saka na yung ibang plano. Spoiler lang muna yung settings. Pasuspense muna natin ang plot. XD

Medyo kinakabahan nga ako eh kasi first time ko tong gagawin sa isang napakapublic place. Kung dati ay schools at malls ang aking environment ngayon EK. Mas maraming tao talaga ang makakakita at mas mataas ang pressure pag ganun. But to top it all, mas naiinspire pa ako lalong gawin tong mission na to eh dahil fieldtrip rin pala ng High Hills sa araw na yon kaya for sure ay kasama lahat ang big circle of friendship ni Shiela.

Cupid's HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon