Stay awake, Agatha (PUBLISHED...

By Serialsleeper

35.1M 1.2M 570K

Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the... More

Stay awake, Agatha.
Epigraph
1 : Her name is Agatha
2 : That idiot named Cooper
3 : New kid on the ward
4 : Of breakdowns and Ice cream
5 : Menace
6 : That awkward moment
7 : The challenge.
8 : The real Cooper Alvarez
9 : Pushing Daisies?
10 : Stimulants
11 : The Boyfriend Commandments
12 : Stay close and don't let go
13 : It's too late
14 : The Stranger
15 : Long time no see
16 : Stay Away Agatha
17 : The truth about us
18 : The last chance
19 : The real jerks
21 : The Fool's move
22 : Back to square one
23 : Don't forget
24 : To-get-her
25 : Yet another star-crossed couple
26 : Nothing
27 : As long as
28 : Struck by Truth
29 : Three words she just cant say
30 : Nothing's well in farewell
31 : The road to you
Epilogue.
Author's Note
The Lost Chapter
BOOK RELEASE AND BOOK SIGNING EVENT ON DAVAO CITY!

20 : Because she stayed awake

762K 31.8K 7.6K
By Serialsleeper

20.

Because she stayed awake

Third Person's POV


Muling tumunog ang cellphone ni Cooper pero sa halip na sagutin ito ay nanatili lamang siyang nakatitig sa kawalan gaya ng kanina niya pa ginagawa. Ayaw tumigil sa pag-ring ng cellphone niya kaya di nagtagal ay wala siyang ibang nagawa kundi sagutin na lamang ito.

"Sino to?!" Inis niyang sambit.

"Cooper kasama mo ba si Agatha?" Natatarantang sambit Javi sa kabilang linya kaya agad na nakunot ang noo ni Cooper.

"Bumalik na siya diyan kanina pa. Bakit? hindi ba siya dumating?" Agad napatayo si Cooper at kinuha ang susi ng kotse niya.

"May nangyari, alam mo ba kung saan siya pwedeng pumunta? Cooper close kayo baka alam---"

"Javi ibaba mo na nga yan! Hindi natin ang kailangan ang tulong niya!" Narinig ni Cooper ang boses ni Reema at bigla na lamang naputol ang tawag. Sinubukan niyang tawagan si Javi ngunit hindi na ito sumasagot. Dala ng pag-aalala ay dali-dali siyang nagtatakbo palabas ng bahay at nagmaneho ng kotse.

“Agatha nasaan ka na ba?” Mahinang sambit ni Cooper habang kaliwat-kanang tinitingnan ang daan sa pagbabakasakaling mahahanap niya ito habang nagmamaneho. Kung saan-saan na siya nagtungo ngunit hindi parin niya ito nahahanap.

Muling tumawag si Javi kaya dali-dali niya itong sinagot.

“Cooper nahanap mo na ba siya?” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Javi.

“Hindi ko mahanap si Agatha! Pumunta na ako sa bulaluan pero wala parin siya doon! Ano ba kasing—“ Hindi na nagawang tapusin pa ni Cooper ang kanyang sinasabi nang bigla na lamang siyang binabaan ni Javi bagay na labis niyang ikinainis kaya natapon na lamang niya ang cellphone niya.

Nasapo ni Cooper ang ulo at idinaan na lamang sa sigaw ang labis na pag-aalala. Nilibot niya muli ang paningin nang bigla na lamang sumagi sa isipan niya ang lugar kung saan niya huling dinala si Agatha—Sa dagat. Dala ng pagbabakasakali at desperasyon, agad niyang pinaharutot ang sasakyan.

-------

“Agatha! Agatha nasaan ka?!” Sigaw ng sigaw si Cooper habang tumatakbo sa dalampasigan. Tagaktak na ang pawis niya at bakas na ang matinding pagod sa mukha niya pero hindi parin siya tumitigil sa paghahanap kay Agatha.

Walang katao-tao sa dalampasigan. Maliban sa sariling sigaw, wala siyang ibang naririnig kundi ang huni ng mga ibon at ang paghampas ng tubig-dagat sa dalampasigan.

Natigil si Cooper sa pagtakbo nang maaninag niya ang isang babaeng nasa hindi kalayuan. Nakaupo ito sa pinong buhangin habang taimtim na pinagmamasdan ang asul at tila ba kumikislap na karagatan. Nililipad na ng malakas na hangin ang mahabang buhok ng babae ngunit parang wala itong pakialam.

Nakatalikod man mula sa kanya, kilalang-kilala na ni Cooper kung sino ito.

 Napabuntong-hininga si Cooper at napahawak na lamang sa magkabilang bewang dahil sa inis.

Hindi man alam anong sasabihin, walang paligoy-ligoy siyang naglakad palapit dito. Hindi niya maiwasang magtaka, malapit na siya sa mismong kinauupuan ni Agatha pero hindi parin siya nito nililingon.

“Agatha nandito ka lang pala.” Nauutal na sambit ni Cooper at tumayo na lamang sa harapan nito. Hindi niya magawang tingnan si Agatha sa  mga mata kaya tinanaw na lamang niya ang karagatan. “Tumayo ka na diyan, kanina ka pa nila hinahanap.” Iniabot niya ang kamay upang matulungan itong tumayo ngunit nagdaan ang ilang sandali, hindi parin gumagalaw si Agatha sa kinauupuan o inaabot man lang ang kamay niya.

Marahas na napakamot si Cooper sa ulo niya at tuluyang napatingin kay Agatha habang nakakunot ang noo. Ngunit sa isang siglap, biglang binalot ng matinding takot si Cooper nang makita si Agatha ng malapitan.

Nakaupo si Agatha sa buhangin at nakatingin lamang pala ito sa kawalan. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya pero patuloy sa pagluha ang mga mata niya samantalang ang damit niyang kulay puti ay may bahid na ng maraming dugo.

Sa di malamang dahilan, napatingin si Cooper sa mga kamay ni Agatha at nakita niyang ang kanang kamay nito ay dumudugo dahil sa hawak nitong isang basag na salamin.

“A-agatha anong--” Nauutal na sambit ni Cooper na halos hindi makapagsalita dahil sa gulat matapos makitang  may malaking hiwa na ang kaliwang pulso ng dalaga. Naglalas ito gamit ang hawak na salamin.

“Agatha anong ginawa mo?!” Kasabay ng tuluyang pagsigaw ni Cooper ay ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya. Nanginginig siyang lumuhod sa harap ni Agatha at hinaplos ang magkabilang pisngi nito. “Agatha bakit mo ginawa to?!” Muling iyak ni Cooper habang hawak ang pulso ni Agatha na ngayo’y bumubulwak na ng dugo.

Hindi alam ni Cooper ang gagawin. Pinapangunahan na siya ng matinding takot at taranta kaya dali-dali na lamang niyang kinarga si Agatha at itinakbo sa ospital.

-----

Katahimikan. Walang ibang namamayani sa apat kundi isang nakakailang na katahimikan. Bakas sa mukha nila ang matinding lungkot at pag-aalala habang hinihintay na lumabas ang doctor na siyang gumagamot kay Agatha.

“Kasalanan ko ‘to. Kung sana hindi ako pilay, sana nahabol ko siya kanina.” Tuluyang nabasag ang katahimikan nang dahil sa paninisi ni Javi sa sarili.

“Walang may kasalanan sa nangyari.” Giit ni Trent at bahagya na lamang na tinapik ang balikat ni Javi.

“Wala nga ba?” Mahina at walang kaemo-emosyong sambit ni Reema at napatingin sa direksyon ni Cooper.

Si Cooper na lamang ang tanging hindi umiimik. Nakaupo lamang siya habang nakasandal ang dalawang siko sa hita. Magmula ng makarating sa ospital ay hindi na niya nagawa pang mag-angat ng tingin sa kahit na sino dahil ang tanging nasa isipan lamang niya ay ang kalagayan ni Agatha.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doktor kaya agad siyang sinalubong ng apat na alalang-alala.

“Doc okay lang ba siya? Hindi naman malala ang sugat niya diba?” Salubong ni Cooper na kanina pa hindi mapakali.

“Physically, she’s okay for now. Emotionally, I’m afraid she’s not. The slash on her wrist was deep indicating, she already lost her will to live, she really wanted to die.” Nanlulumong sambit ng doktor at isa-isang tiningnan ang apat, “Call her parents, they need to be by her side. At kayo namang mga kaibigan niya, gawin niyo ang lahat para maging masaya siya. Siguro alam niyo na ang sitwasyon niya kaya sana parati niyong iparamdam sa kanyang hindi siya nag-iisa.” Dagdag pa ng doktor at tuluyang umalis kaya sila naman ang pumasok sa kuwarto kung saan nakaratay ang kaibigan.

-------

Nakahiga lamang si Agatha sa kama habang nakatingin sa kawalan. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya at ni konting salita ay hindi niya magawa. Nakabot ng benda ang dalawang kamay niyang sugatan samantalang ang damit niya naman ay punong-puno parin ng dugo. Mistulang hindi niya pansin ang mga kaibigang umiiyak sa harapan niya.

“Agatha ano sa tingin mo tong ginagawa mo? Diba sa ating dalawa ikaw ang matatag? Bakit mo ginawa to sa sarili mo?” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Reema habang nakaupo sa paanan nito ngunit hindi parin ito umiimik at sa halip ay nanatili lamang nakatingin sa kawalan na para bang hinang-hina na.

“Agatha anong gusto mong kainin?” Tanong naman ni Trent na nakangiti ng tipid ngunit imbes na sumagot ay tumagilid lamang si Agatha sa pagkakahiga at tinalikuran ang mga ito bagay na lalo nilang ikinalungkot.

“Agatha naman, wala namang ganyanan.” Mangiyak-ngiyak ulit na sambit ni Javi.

Pilit nilang tatlong kinakausap si Agatha nang bigla nilang narinig na bumukas ang pinto. Nang lumingon, nabigla ang tatlo nang nakita nilang papalabas na ng kwarto si Cooper na para bang hindi na nag-aalala.

“Saan ka pupunta?” Kunot-noong tanong ni Javi.

“Aalis na.” Walang kagatol-gatol na sagot ni Cooper.

“Aalis ka na?! Nakikita mo naman ang kalagayan ni Agatha diba?!” Sarcastikong bulyaw ni Trent na hindi na nakapagpigil sa galit kahit pa kasama nila si Agatha.

“Shh! Just let that asshole leave.” Pakiusap ni Reema at napapikit na lamang habang hinihimas ang buhok ni Agatha.

“Agatha’s okay. She will always be.” Walang kaemo-emosyong sambit ni Cooper at tuluyang lumabas ng kuwarto ngunit sinundan naman agad ni Javi at Trent na kapwa galit na galit.

-----

“Cooper mag-usap tayo!” Sigaw ni Javi nang sila-sila na lamang ang nasa hallway.

Sa isang iglap, tuluyang nawala ang palangiting personalidad ni Javi na punong-puno na sa galit. Sakay man ng wheelchair, lalo niya pang nilapitan si Cooper na ngayo’y kunot na ang noo.

“Ano na naman ba?” Inis na sambit ni Cooper.

“Ang kapal ng mukha mo alam mo ba ‘yon?” Sarkastikong sambit ni Javi kaya ngumisi na lamang si Cooper.

“Duwag, makapal ang mukha, demonyo, gago, walang kwentang kaibigan—Javi alam ko! Paulit-ulit ninyo yang sinasabi sa akin ni Reema at ng iba pa. Pero wala akong magagawa, Ganito na talaga ako, gago talaga ako!” Katwiran pa ni Cooper na tila ba nakikipagbiruan kaya hindi na nakapagpigil pa si Trent at tuluyan na niya itong kinwelyohan at marahas na isinandal sa dingding.

Nanlilisik ang mga mata ni Trent sa galit samantalang si Cooper ay nakangisi lamang.

“Guys stop it, just let Cooper leave. Sasaktan niya lang si Agatha, please guys, nakikiusap ako. Paalisin niyo na si Cooper para once and for all hindi na masaktan pa ang kaibigan ko.”

Napalingon silang tatlo at nakita nila si Reema na umiiyak. Sinundan rin pala sila nito para makiusap, bagay na ni minsan ay hindi nila inakalang masasaksihan nila.

“Pero Reema kailangan niyang malaman!” Giit ni Trent ngunit umiling-iling lamang si Reema na tila ba nakikiusap parin.

“Just let him leave! Atleast may isang taong hindi na masasaktan! I’m sure that’s what Agatha wants!” Giit ni Reema na siyang hindi sinang-ayunan ni Javi na agad umiling-iling.

“Hindi Reema! Cooper needs to know that he is the reason why Agatha is dying! He’s always been the reason why she’s hurting!” Sigaw ni Javi at muling ibinalik ang tingin kay Cooper, “Narinig mo yun Cooper?! Ikaw ang may kasalanan kung bakit mamamatay na si Agatha! Kasalanan mo tong lahat! Hindi ka lang isang walang kwentang kaibigan, isa ka ring walang kwentang tao! Makasarili ka!” Pagdidiin pa ni Javi na nanggagalaiti parin sa galit.

Walang nagawa si Reema kundi maiyak na lamang samantalang si Trent naman ay tuluyang napabitaw kay Cooper na ngayo’y gulat na gulat at halos hindi makagalaw dahil sa narinig.

“A-anong ibig mong sabihin?” Nauutal na sambit ni Cooper habang nanlalaki ang mga matang nagsisimula na ulit lumuha.

“You asked Agatha to stay awake for you so she did! She never wanted to leave you alone kaya pumayag siyang uminom ng gamot na walang kasiguraduhan! She took a leap of faith for you but it backfired! Ano mang oras pwedeng mamatay si Agatha kaya wala kang karapatang maging makasarili!” Giit ni Javi at muling naluha, “Please Cooper, kahit ngayon lang ‘wag kang maging makasarili.” Dagdag pa nito.

“Hindi yan totoo..” Nagsimulang manginig ang mga kamay ni Cooper at walang tigil ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya. Bigla niyang nilapitan si Javi at kinwelyohan, “Nagsisinungaling ka lang! Hindi mamamatay si Agatha! Hindi yan totoo!” Nanlilisik ang mga mata ni Cooper habang sumisigaw. Isa-isa niyang tiningnan ang tatlo, nagsusumamo na sana isang malaking kasinungalingan lamang ang narinig mula kay Javi.

“Sana nga isang masamang panaginip lang ang lahat. Pero Cooper hindi eh… ” Mahinang sambit ni Reema na kumukumpirma sa kinakatakutan ni Cooper.

Muli, binalot ang apat ng nakaiilang na katahimikan. Dahan-dahang napabitaw si Cooper kay Javi at sinapo ang sariling batok. Huminga siya ng malalim at napalunok. Hindi niya alam ang gagawin, hindi na niya mapigilan pa ang luhang walang tigil na bumubuhos.

“Hindi…” Umiling-iling si Cooper at muling tumalikod mula sa tatlo. Pasuray-suray man, pinilit ni Cooper na maglakad palayo sa kanila. Walang ibang nakakasalubong si Cooper kaya hinayaan niya lamang ang sariling lumuha.

Hindi pa siya nakakalayo sa tatlo nang tuluyan na siyang bumigay. Mistula siyang tinakasan ng lakas at tuluyang bumagsak sa sahig habang humahagulgol. Tuluyang nawala ang matapang at maangas na Cooper, sa isang iglap mistula itong naging isang batang walang ibang kayang gawin kundi umiyak ng umiyak.

END OF CHAPTER 20

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

622K 13.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
238K 15.8K 77
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
532K 14.4K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
8K 97 12
Frozen is a 2013 American 3D computer-animated musical fantasy-comedy film produced by Walt Disney Animation Studios and released by Walt Disney Pict...