Love Me Back

由 jungxzy

243 7 1

Georgia Maddison Enrile appreciates a life without friends but never feel like it's just fine.Sometimes she w... 更多

Love Me Back
The Start
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 1

28 1 0
由 jungxzy

Chapter 1:Career Fashion Day


Nagising ako kinaumagahan ng may tanong pa din sa isipan.Sino yung tinutukoy nila ng kausap niya?Sino yung kausap niya?Anong meron?

Ipinilig ko ang ulo sa mga naisip.Hindi magtatago ng sekreto sa akin si Nay Selia.Baka kaibigan o kakilala niya lang yung kausap.

"Kumain ka na ng almusal diyan,mauuna na ako sa tindahan ah.Ikaw na bahala dito sa bahay." Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nagsimula na akong maghain ng sariling pagkain habang si Nay Selia ay naglakad na palabas.Ang grocery store niya ay nanduon sa may palengke mahigit isang kilometro mula sa eskuwelahan ko.

Naghire na si Nanay ng dalawang katulong niya sa pagbabantay ng tindahan pero kahit na may katulong na siya ay araw-araw pa din siyang tumutulong din duon.Sinabihan ko na siyang hayaan na sila Ate Queenie at Ate Ashley sa pagbabantay at pumarito nalang siya sa bahay pero ayaw niya.Mas maganda daw na tutok siya sa negosyo kaysa naman na tumambay siya sa bahay at walang gagawin.Siya pa nga ang nauuuna na pumunta sa grocery at ang nagbubukas duon.

Sinang-ayunan ko nalang siya tutal ay mukhang nalilibang din si Nay Selia sa ginagawa.

Pinagpatuloy ko ang pagkain at nang maubos ito ay iniligpit ko na at hinugasan.Alas siyete palang ng umaga at mamayang alas onse ang pasok ko kaya napagdesisyunan ko na maglinis muna ng bahay.

Sinimulan ko sa pangalawang palapag ng bahay dahil nilinis na ni Nay Selia ang ibaba.Nagsimula ako sa sariling kuwarto at unang nilipit ang higaan.Onting ayos at punas lang nang gamit atsaka nagwalis na ako at nalampasuhan ang sahig.Nang matapos ay sunod ko na nilinis an kuwarto ni Nay Selia.Katulad kanina ay pinunasan ko ang ilang gamit duon atska pinagpag ang unan at kumot.

Hindi naman gaano karami ang mga gamit namin ni Nay Selia dito sa bahay,tanging yung mga pinaka kinakailangan lang talaga ang mayroon kami.Kung may mga bagay naman na hindi na masyadong ginagamit ay kaagad ding itinatapon at hindi na itinatambak pa dahil kalat lang naman daw,sang-ayon naman ako dun.Mas kakaunting gamit,mas kakaunti din ang lilinisin.

Sunod naman ay pinunasan ko ang puno ng alikabok na aparador ni Nay Selia,inilabas ko ang damit atsaka pinunasan ang loob.Nang matapos ay ibinalik ko ang nailabas na damit atsaka pinunasan din ang itaas ng aparador na puno na ng agiw.Iilang saglit pa ay nahulog ang isang brown envelope.

It's a long brown envelope,mukhang maraming papel na laman dahil sa kapal nito.

Binuksan ko ito at unang bumungad sa akin ang birth certificate ko.Alam ko naman kung anong pangalan ko kaya hindi ko na iyon pinansin at inilabas lahat ng laman ng may nilipad na isa.Lumipad ito sa ilalim ng higaan.Ibinalik ko ang ilang papeles sa brown envelope atsaka binalikan ang nilipad na isa,sinubukan ko itong abutin at nang makuha at nakadinig ako ng katok sa pintuan sa ibaba.Kaagad ko itong inilapag sa higaan ni Nay Selia at bumaba upang silipin kung sino ang kumatok.

"Ate Queenie,ikaw pala." Binuksan ko ang gate para papasukin siya.

"Ay,hindi na ako papasok.Pinasabi lang ni Nay Selia na daanan ko yung bill niyo daw ng kuryente,nakalimutan niya daw dalhin.Magbabayad na din yata siya."

"Ah ok,sige kunin ko lang."Iniwan ko na siya duon at bumalik sa loob.Kaagad akong dumiretso sa kuwarto ni Nay Selia.May lagayan siya duon kung nasaan ang mga bills ng kuryente o tubig pati na din ang ilang listahan na importante.

Agad akong nagtungo sa kuwarto niya at pagkapasok ay pinukaw agad ng atensyon ko ang papel na inilipad kanina,kinuha ko ito at pinasadahan ng tingin.Isa din palang birth certificate.

Name: Adelaida Alvarado

"Cat!Inilagay niya daw iyon sa ibabaw ng refrigerator niyo!" Nadinig ko ang sigaw na iyon ni Ate Queenie kaya nataranta ako at kaagad na ibinalik ang papel na iyon sa envelope at ibinalik ko sa taas ng aparador.Isinarado ko na ang pinto atsaka dumiretso na sa kusina.

Kinuha ko ang electric bill namin sa ibabaw ng refrigerator at kaagad na iniabot iyon kay Ate Queenie.

"Sige salamat,una na ako." Tinanguan ko siya at naglakad na siya palayo.

Adelaida Alvarado?Sino naman yun?

Ipinilig ko ang ulo sa iba pang naiisip.Baka kamag-anak lang tapos may naligaw lang na kopya si Nay Selia.Bumalik na ako sa loob para maghanda sa pagpasok.

3 minutes na ang nakain na oras ni Ma'am Fernandez nang umalis ito.Panay reklamo tuloy ang mga kaklase ko dahil sa kakaonting oras na nawala sa reces namin.Kakaonting oras pero malaki na iyon para sa amin,ngayon kase ang presentation namin kay Sir Dimaano.Isusuot namin ang uniporme ng dream job namin at mayroon nalamang kaming recess time para ayusin ang design sa Auditorium kung saan gaganapin ang presentation.

20 minutes ang recess time namin.Minus the 3 minutes na kinuha ni Ma'am Fernandez pero mabuti nalang ay naglaan si Sir Dimaano ng 5 minutes para mas makapaghanda kami kung sakaling hindi kaya ang 20 minutes break namin.

"Hoy guys listen!" Si Kirah San Jose,ang room president namin.Dinig naman ang ilang tawa ng kaklase ko dahil sa sinabing english ni President.

"Ay,nasa America naba tayo Kirah?" Natatawang sabi ni Gian.Dahil sa ginawa niyang iyon ay kabi-kabilaan na ang tukso ng mga kaklase ko sa dalawa.Nanatili akong tahimik habang nag-iintay sa anunsyo ni Kirah.

"Hoy Gian!Huwag mokong ma-"tayo-tayo" d'yan.Hindi mo pa ako nililigawan."Biro ni President,nakikisabay din si Gian.

Ang alam ko ay may crush si Kirah kay Gian dati.Alam din ng lahat ang pagiging close nila sa isa't-isa at ang pagiging palabiro ni Kirah tungkol sa pagkakagusto niya kay Gian habang eto namang si Gian ay masyadong mabait,sinasabayan niya ang mga biro ni Kirah pero hindi naman niya sinasabing gusto niya si Kirah.Kapag mayroon naman nagtatanong kung may gusto siya kay Kirah ay tinatanggihan niya ang mga ito sa pinkamabait na paraan.Nakakaasar.

"Sagutin mo na kase ako."Tumawa pa si Gian."De joke lang."

Ang lahat ay natuwa sa biro niyang iyon pero ako ay nanatiling tahimik.

Sinong matutuwa kung ang crush ko ay nakikipag-biruan ng ganoon sa ibang babae?Nakakaselos yun noh.Kahit wala kang karapatan ay hindi mo iyon mapipigilan.Hindi ko tuloy maiwasang umismid habang tinitignan sila.Ang bagal niya mag-announce.

Kahit natatawa ay pinatigil ni Kirah ang mga kaklase namin sa pag-iingay.Mabuti naman at naisipan niyang ituloy ang sasabihin niya.

"Mamaya kakausapin namin si Miss Ponchanco para magpaalam kung sakaling mag-overtime tayo kay Sir Dimaano.Yung iba tumulong na sa pagdedesign habang yung iba magbihis na kayo tapos yung mga nakapagbihis na ay kayo naman ang tumulong sa pagdedesign tapos yung nagdesign kayo naman yung magbibihis.Palitan lang para mabilis tayong matapos.Gets niyo?Bahala na kayo jan."

Isa ako sa mga mauunang magbihis kaya nauna na ako sa labas.Naghihintayan pa ang mga babae sa loob sa mga makakasama nila sa pagbibihis.Mauuna na ako para hindi na ako maipagsiksikan sa Comfort room.

Nakakailang hakbang palang ako palabas ng may tumawag sa akin.

"Cat!" Si Conie."Sabay na ako sa'yo sa baba."

Tinanguan ko siya at sinabayan niya na ako sa paglalakad.

Marami-rami ding tao sa comfort room ng makapunta kami.Recess time na kase kaya madami din ang magbabanyo.Nang makapasok sa banyo ng babae ay nadatnan namin ang isang grupo sa harap ng salamin.Sila lang ang nanduon at busy sila sa paglalagay ng liptint at pulbo.

Hindi ko sila pinansin at pumasok sa isang cubicle.

"Dito na ako sa kabila." Dinig ko ang matinis na boses ni Conie mula sa kabilang cubicle.

Liptints are normal in our school.Mas okay na iyon kaysa sa lipstick.And it doesn't mean na kapag nagliliptint ka ay pokpok ka na.Sadyang mapuputla ang labi ng karamihan sa mga babae sa amin,nilalagyan lang nila ng buhay.Isa ako sa mga maputlang babae sa school pero hindi ako nagliliptint.Hindi ako sanay na naglalagay ng kolorete sa mukha araw-araw.

I'm just wearing a baby pink slacks,a white spaghetti top and a baby pink suit.Tinanggal ko ang black shoes ko at pinalitan iyon ng pink suede pumps.I'm all pink today and it's not planned.

Tinanong ko lang si Nay Selia kung mayroon siyang damit na pang business man at nagulat ako kinabukasan ay kumpletong damit na ang nakalagay sa may sofa.Sinabi niya sa akin na ayan daw ang suot niya dati at nahalungkat niya.Habang ang heels ay binili niya,tinanong ko siya kung bakit siya bumili eh isang araw ko lang naman gagamitin pero ang sabi niya ay okay lang daw.

Lumabas ako at inilapag sa tabi ng sink ang paperbag kung nasaan ang uniform ko.Inilabas ko ang black hair tie ko at itinali ang buhok sa isang high ponytail.Pinunasan ko lang ang ilang butil ng pawis sa aking mukha at tapos na ako.Sakto namang lumabas na si Conie sa cubicle.She's wearing a white dress shirt tucked in her black pencil skirt above the knee.

Inilapag niya ang plastic na dala sa sink at inilabas duon ang black blazer niya.

"Anong trabaho mo?" Tanong ko habang nakasandal sa sink.

"Accountant-" Kita kong napatigil siya ng makita ang suot ko."Ang ganda mo naman,ano sayo?CEO?"

Bigla akong naconcious sa suot at inayos ang pagtayo."Ahm,ano.Business Woman."

"Ang ganda mo talaga.Cool pa." Humarap siya sa akin.Kita sa mukha niya ang paghanga."Alam mo yun?Kaya mong magpaka-nerd at the same time maging cool,kaya idol kita eh."

Napangiwi ako sa sinabi niya."Psh,hindi ako nerd.Hindi din ako cool okay.Namamalikmata ka lang." Humakbang na ako paalis ng banyo."Tara na."

Nakasalubong namin ang ilang kaklase na papunta palang ng banyo.Panay din ang papuri at tingin nila sa suot ko kaya hindi ko maiwasang mahiya kaya hinarangan ko ng paperbag na dala ang suot.

"Sabi ko sa'yo ang ganda mo eh." Bulong ni Conie.Inismiran ko na lamang siya.

Matapos idaan ang mga damit na dala sa room ay dumiretso na kami sa auditorium upang tumulong na sa pagdedesign.Marami na din ang nagawa nilang dekorasyon.Ang crepe paper ay ginawang nilang bulaklak na ginawa nilang background at ipinalibot sa platform na pagrarampahan namin mamaya.

"Catherine!" Lumingon ako sa tumawag.Si Anton iyon,kitang-kita ang paggewang ng balakang nito sa bawat hakbang sa platform.Nang nasa kalagitnaan ay umikot pa ito at nang makarating sa dulo ng platform ay bumaba ito sa hagdanan na naroon.Itinaas pa nito ang kanang kamay na animo'y naghihitay ng magaalalay sa kanyang pagbaba.Bakla talaga.

"Hoy dai!Mamaya kapag rarampa,may makikita kayong nakaekis na pulang paper tape sa sahig duon kayo unang magpopose tapos sunod ay sa red tape tapos rampa na paharap."Itinuro niya yung nirampahan niya kanina."Duon kayo magpapakilala,name,age tapos "soon to be" tapos yung job na gusto mo.Okay?"

"Catherine Rodiguez,14,your soon to be business woman." Banggit ko habang nakatitig sa mata niya."Okay na ba iyon?"

Tumango nalang ito at umalis na para iinform ang iba pa namng kaklase sa planong gagawin.

Tumulong ako sa pagdidikit ng mga bulaklak sa palibot ng platform.We mixed the colors of the rainbow as a representation for the colorful future that we all dream to have sabi ni Anton.Iyon ang kulay ng mga bulaklak sa platform habang long strips of white crepe paper ang inilagay sa wall ng stage bilang background curtain.Sa gitna naman ay ang metallic gold balloon letters na ang nakalagay ay "CAREER FASHION DAY".

Nang malapit nang matapos ang pag-aayos ng iilang dekorasyon ay nagpresinta na ako na kunin ang walis at dustpan na nasa sulok upang linisin ang mga pinaggupitan nila na nakakalat sa sahig.

"Ang ganda naman ng suot mo Cat,bagay sa'yo." Habang hawak ang dustpan ay napalunok ako ng biglang sumulpot si Giovanni Liam Cortez,in short Gian.

Ramdam ko ang kaba at mabilis na kalampag sa loob ng dibdib ko dahil sa sinabi niya.Masyado akong kabado,nakalimutan ko na yata kung paano gumalaw kaya nanatili akong nakatitig sa dustpan at walis na hawak ko.

Hindi ako ngumiti at nanatili ang seryosong mukha tsaka ko siya hinarap at pasimple na nginitian.Kaagad akong naglakad palayo pagkatapos nun.

Crush ko siya simula pa last school year.Palakaibigan at mabait kaya hindi na kataka-takang maraming babae na nagkakagusto sa kanya.Hindi lang iyon,matalino pa ito lalo na sa Science at Math.Base sa obserbasyon,kung hindi lang ako pinipigilan ni Nay Selia makakuha ng mataas na grades ay si Giovanni ang papangatlo sa aken na sumunod kay Kirah na magaling sa Ekonomiks.Si Anton ang pang-apat na magaling naman sa talakan at mahusay din sa English.

Ngayong second grading,batid kong makukuha ko ang pang sampung pwesto.Ayun ang binabalak kong kuhanin at hindi na iyon mahirap sa akin.

Madalas lang ang pagiging tahimik ko sa classroom,wala din naman akong kaibigan na puwedeng kachikahan.Dahil duon ay pinagmamasdan ko nalang ang mga kaklase.Sa ganoong paraan ay natatantya ko kung sino ang tataas o ang baba sa with honors,sa ganoong paraan ko din nalalaman kung paano ko gagalawin ang scores ko sa mga activities at quizzes.Ang projects lang ang hindi ko nagagalaw.

Madali lang magawa ang lahat ng iyon kasi sa unang araw palang ng pasukan ay idinidiscuss na ng bawat subject teachers kung papaano ang grading system nila.

Nang matapos na sa pagwawalis ng kalat ay pumunta ako sa basurahan para duon itapon ang mga papel.Sa gilid naman nito ay ang lagayan ng dustpan at walis kaya duon ko ibinalik.

Maayos na ang lahat,mula sa dekorasyon hanggang sa mga upuan.Hinihintay nalang namin ang iilang kaklase na nagbibihis pa.

Kasalukuyan kaming nakapila alphabetically dito sa likod ng stage.Sila Kirah at Anton na siyang magiging emcee namin ay sinundo na si Sir Dimaano sa faculty.

"Hoy!Andyan na si Sir Dimaano,naka-upo na sa harap.Magready na kayo!" Sigaw ni Milany na siyang taga-bantay kanina.Kaagad na itong bumalik sa pwesto niya sa pila.

Nagsimula nang tumugtog ang background music.Kasunod nuon ay ang opening greeting na sinimulan ni Kirah.

Ilang minuto pa ang lumipas ay ako na ang susunod.Hinawi ko ang kurtinang nasa gilid para makita kung sino-sino ang nasa labas.Nagulat ako ng makita ang ilang college students na nakaupo duon!

Una kong namukhaan si Ate Rem at ang barkada niya.Nakita ko din sa harap katabi ni Vastino si Sir Dimaano.Naoccupy ng mga college students half of the seats that were arrange kanina.I wonder kung sino ang nag-imbita sa kanila pumasok.

Nang makitang nagpapakilala na si Faith ay napadasal ako ng dioras.Kinakabahan na tuloy ako dahil sa dami ng nanunuod.Kanina ay ayos lang dahil kami-kami lang naman na magkakaklase ang naroon pero ngayon ay yung mga matutunog na pangalan pa sa college ang nandito.Remuse Castillo,Dominic Clinton Velarde,Kristina Montaner at Peiton Suarez.Syempre hindi mawawala ang pangalang Vastino Velasquez,Liliana Gonzales at Augustus Yorrick Alejandro.

Matapos ang pagpapakilala ni Faith ay naghiyawan ang lahat sa pagrampa niya.Maganda si Faith,kilala siya sa buong highschool at iilan sa freshman.Hindi na kataka-taka ang hiyawan para sa kanya.

"Huwag kang mag-alala Cat.Galingan mo nalang,di-hamak na mas maganda ka dun lalo na yung suot mo.Mukha kang may-ari ng corporation!" Sigaw ni Conie,enough para dito lang sa background stage madinig.Puno ng encouragement sa boses ni Conie pero hindi iyon tumalab sa lakas ng kabang nararamdaman ko ngayon.

Lilima nalang kaming nandito at puro babae na.

Nakita ko na ang senyas ni Anton na lumabas na daw ako.

Kahit nanginginig ay lumakad ako palabas,saktong nagsitahimik ang lahat.Ang atensyon ay nasa akin.Mas lalo akong kinakabahan!

Argh."Huwag kayong tumingin sa akin kung ayaw niyong matapilok ako dito!" Kanina ko pa gustong sabihin iyon pero siyempre ay hindi ko iyong isisigaw,baka mabawasan pa ang grades namin kung gagawin ko yun.Class Project pa naman ito,paniguradong magtatanim ng galit sa akin ang lahat ng kaklase ko.

I clench my fist as I counquer my fear,attention.

Eversince I was a kid,mahiyain na ako.Ayaw kong may tumitingin sa akin maski isa dahil nacoconcious ako sa sarili lalo na ngayon.I have white skin..noon,pero hindi na ngayon dahil umitim ako kakababad sa araw.I had brown hair with light curls at the end pero pinakulayan ng itim temporarily that lasts for a week dahil bawal ang may kulay ang buhok sa school namin.

Ayaw ni lola na pakulayan ng permanent dahil sayang natural brown color nito na bibihira lang.Bibihira din akong magsuklay dahil nakakatamad,kung naiirita ay tinatali ko nalang ito tulad ngayon.Hindi na ako nag-abalang suklayan pa ito.

I do some pose sa spots na sinabi ni Anton pero hindi ako nagtagal.Parang dinaanan ko lang ang mga iyon.Hindi ko na nilakihan ang ginawang pose dahil kinakabahan ako.Kung lalakihan ko ang galaw ay baka makalimutan ko nang maglakad at baka mablangko lang ako at matulala.Masyado akong kinakain ng kaba.

"Catherine Rodriguez."

Napadako ang tingin ko sa lalaki na nakaupo sa harap,Augustus Yorrick Alejandro.With his dark and serious eyes on me,my hands tremble more.Napalunok nalang ako at kaagad na nag-iwas ng tingin.

"F-fourteen.Business Woman."

Matapos ang pagpapakilala ko ay kaagad akong bumalik sa backstage,nanatili namang tahimik ang lahat.Tanging ang background music lang ang nagsisilbing ingay sa buong silid.Ramdam ko pa din ang kaba ko.

Kita ko ang panlalaki ng mata ni Anton sa akin.He's talking without a sound that I clearly understand.

"Bakit hindi ka nagpose for 5 seconds?!"Nginiwian ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad.Kahit nakatalikod ay ramdam ko ang titig nila,parang gusto ko tuloy balutin ang sarili ng kumot.

"Haaay!"Napaluhod ako ng maabot ang backstage.Naiiyak na ako!

"Hahaha!Ano ginagawa mo?Tinatakot mo ang audience!"Natatawang bungad ni Milany habang tinutulungan akong tumayo.

Sumulpot naman ang natatawa ding si Kassandra."Ang sama ng tingin mo sa audience kanina dai!Haha!"

"Sobrang tahimik,natakot siguro sila sa'yo.Baka mabigyan tayo ng 100 ni Sir Dimaano niyan." Natatawa din na nagsalita si Eron.Sinimangutan ko nalang sila.

Parang ayoko na bumalik sa labas,magpapakain nalang ako sa lupa!

"Tara na,balik tayo sa pila."Anyaya ni Milany.Kaagad akong umiling.

"Susunod nalang ako,banyo lang."

Hindi na ako babalik!Bahala na kayo jan!

Imbes na sa banyo ay dumiretso ako sa exit ng auditorium malapit lang din sa banyo.Pagkalabas ay ang BG boys ang sumalubong sa akin,nakaupo sila sa benches na nandoon.Mga nagsicutting na naman,umiling nalang ako.May plano kaya itong mga tao sa buhay?Sa future?

"Hi miss!" Tawag ng isa na sinundan ng sipol.Hindi na ako nag-abalang bigyan sila ng atensyon at naglakad nalang patungo sa canteen.

Ikakakain ko nalang ang kaba.

继续阅读

You'll Also Like

145K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...