Murmurs

By EjMerkz

7 0 0

A collection of emotional confessions. More

Avaricious
Bahaghari
Kabalintunaan

Alumpihit

0 0 0
By EjMerkz

"Di maipaliwanag ang nararamdaman,
Di masabi pagka't baka tanggihan.
Tahimik lang habang magkaharap tayo,
Darating ang tamang oras, maghihintay ako.

"Maliliit na pekas at kulay abong buhok,
Ginawa kang perpekto't puso ko'y mas pinatibok.
Sana ikaw'ng katabi sa bawat pagmulat ko,
Maging sa'king paghimbing, maghihintay sayo.

"Muli akong kumatok sa iyong pintuan,
Sumasamo na sana nawa'y pagbuksan.
Tila may pumipigil at ito'y ikinandado,
Gayunpama'y nagtitiis, naghihintay ako.

"Gusto kang yakapin ngunit di magawa,
Gusto kong kausapin ngunit baka mahiya,
Sapat na muna sakin ang bawat sulyap mo,
Sinta, maghihintay ako. Maghihintay sayo.

"Mag-aabang ako hanggang sa'king makakaya,
Hangga't ang apoy sa dibdib ay lumagablab pa,
Hangga't kayang mahulog kahit walang sasalo,
Pakaasahan mo sinta, sayo'y maghihintay pa ako.

"Ngunit lahat raw ng bagay ay may katapusan,
Minsan nga'y natatapos kahit di nasimulan.
Kaya't 'pag napagod na at tumigil ang pusong ito,
Sana'y 'wag magtampo, nakapaghintay na ako."

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 121 41
A book about the love I have for you darling. I love you no matter what. Remember that.
3.4K 122 13
'They say that eyes are the window to the soul, I disagree, I say it is the way you do your hair, The books you read The things you write The things...
1.5M 60.5K 39
စိုင်းတည်တံ့ဉီး + နှိုင်းမြတ်ဘုန်း
2.1K 156 21
This is just a collection of random poems ,some random thoughts.