Di Mo Lang Alam (PS #1)

By misstiaradoll

2.1M 49.6K 2.9K

When the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam m... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19 ⭐ MIKE
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23 ⭐ STELLA
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34 ⭐ MIKE
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50 ⭐ STELLA
CHAPTER 51 ⭐ MIKE/BEA
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65 ⭐ MIKE
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68 ⭐ BEA
CHAPTER 69
CHAPTER 70
Epilogue
lhaine's note ☀
SPECIAL CHAPTER ❤
ANNOUNCEMENTS! ❤

CHAPTER 25

23.7K 615 8
By misstiaradoll

CHAPTER 25:
Pagtataka

Maaga akong nagising na may ngiti sa mga labi. What a very beautiful day it is today! Masyado akong inspired dahil sa nangyari kagabi. Ayiieeee!!! I still can't believe it!

Nakangiti ako hanggang sa makarating ako sa school. Siguradong sasakit ang panga ko nito mamaya. Pero masaya ako eh kaya hayaan na lang!

"Bes? Anyare? What's with the smile?" Tanong ni Anne ng nakita ako sa classroom.

Lalo ring lumapit saakin si Bea at nagtaas ng kilay. Wala pa si Charm kaya ginugulo ako nitong dalawa.

"Nagprapractice ka ba sa beauty pageant bes? O sa Valentines Fair? Nakaplaster na yang ngiti mo sa mukha mo eh. Di ka ba nangangawit?"

Nagkibit-balikat lang ako at kinuha ang notebook ko.

"Hoy bes! Mamaya baka pagkamalan kang baliw dyan! Ano bang nangyari at ang saya mo dyan?" Tinatapik tapik ni Anne yung ballpen niya sa baba niya na para bang nag-iisip.

Binuklat ko ang notebook ko at nagketch sa back page. Masyado talaga kasi akong inspired kaya napasketch akong kumakanta kami ni Mike sa stage tapos may mga puso pa. Hihi!

Nacurious yung dalawa kaya tiningnan ang iniisketch ko. Para naman akong timang na nakangiti habang ngssketch. Oh well, wala akong pake.

Tama! Mamaya na ang last stage ng screening para sa play! Sigurado akong I'll do well lalo na't andun din si Mike! Wish ko lang di na ako matameme noh. Pero feel kong kumanta ng kumanta dahil sa kilig! Oh em gee!

Nagtinginan ang dalawa at tumango. Di ko sila napansin kasi busy pa rin ako sa pagssketch ko. Hay Mike.

"Kaya naman pala. I bet may nangyaring maganda kaya wagas ang ngiti ng isa dyan." Sabi ni Anne.

"Oo nga eh. Kulang na lang na magkapuso 'yang mga mata niya sa sobrang inspired. Sana nga lang magtuloy-tuloy na yang ngiti na yan." Humalukipkip si Bea.

I know na worried lang naman sila kasi si Mike yung tinutukoy nila eh. Di naman na yun maiiwasan since ilang beses na din akong nasaktan at masasaktan pa dahil sakanya.

Kinulit nila ako kung anong nangyari at bakit ako ganito ng biglang dumating na si Charm.

"Dali na bes! Tell us everything." Sabi ni Bea bago bumalik sa upuan niya dahil nakaupo siya sa upuan ni Charm kanina. Hay di na ako nasanay kina bes.

At dahil nga kilala ko na sila, sinabi ko na ang lahat ng walang mintis! Aba mahirap na ding magpigil ng kilig noh! Fresh na fresh pa kasi sa utak ko yung mga nangyari kagabi eh. Sinabihan niya pa akong, "Good night Kim. Sweet dreams." AAHHHH! Sino namang di kikiligin doon?!

"Hm, di ko alam kung anong nasa isip nung si Mike pero mag-ingat ka pa rin bes ha? You never know what his intentions really are. Mahirap ng bumagsak ka ulit at yun nga lang, mas masasaktan ka lang ngayon. Ngayon pang mas mahal mo na yung tao." Sabi ni Anne.

"Agree! Ingat-ingat din bes pag may time. Matagal ka na rin naming pinapayuhan pero alam naming kasing tigas ng claws ni Wolverine yang ulo mo. It's not bad to follow your heart bes, but take your brain with you." Sabi naman ni Bea.

Nakatingin lang si Charm saamin, curiosity is written all over her face. Pero alam kong may alam na din siya sa estado namin. Wag niya lang sasabihin kay Mike na may feelings ako sakanya kundi naku! Baka magteleport ako sa Venus pag nagkataon.

.

.

JS PROMENADE KING & QUEEN CANDIDATES

"AHHH! Ang gwapo talaga ni Papa James dyan!"

"Whoah! Nice Kim! Ganda natin dyan ah. Iboboto kita!"

"MikEla! AHHHHH!"

"Oh look! Look sis! Si Nathan ko!!!!!"

"Bes may hagdan ba dito? I wanna get that tarp and cut B-Boys' faces!!!"

"Ang dami mo ng dakadikit na pictures nila sa bedroom walls mo bes eh! Akin na lang! KYAAAH!"

"Why is Anne not included there? Kulang tuloy ang Mystique Trio!"

"Oo nga! Recount!"

Yup, andito ako ngayon nakatingin sa napakalaking tarpaulin sa harap ng building namin. Actually sa gate namin meron din pero napatulala na lang ako dito.

Eto na nga ba ang ayaw ko eh.

At bakit ang bilis naman ata?! Kanina lang kaming umaga bago maglunch nag pictorial tapos andito na agad ang mga mukha namin nakakalat sa buong campus?! Eh 1:30 pa lang ah. Shems naman! Hays. Sabagay malapit na rin ang Prom..but still! Huhu!

Sure akong laking tuwa ni bes Bea pagnakita 'to. Pero mas malala ang naiisip kong reaksyon ni Stella. Siguradong magseselfie pa yun kasama ng mga alipores niya at magsspeech sa mga tao sa paligid niya at mag-aaya ng iboto siya.

Famewhore. -___-

Pero ang ikinagulat ko ay ang pagiging cold at wala sa sarili ni Stella ngayon. May dalaw kaya yun ngayon? Pero dapat nga nagsusungit siya kung ganun. What happened to her? At pano ko nasabi?

**flashback

Trigo class namin ngayon, first subject of the day at may graded recitation. Syempre handa kami. Sayang din ng points for recitation kung di kami makasagot. Girl scout ata to!

"Ms. Reid, what's cosine alpha of this figure?" Tanong ng prof namin at iflinash yung figure sa screen. Mukhang complicated sa dami ng triangles. My gulay! Mabuti na lang at di ako natawag.

Agad naman nagsolve si Anne gamit lang ang scientific calculator niya. At in less than 10 seconds nasagot niya agad.

"24.6797 Ma'am." Kampanteng sagot ni Anne.

"Very good Ms. Reid!" Ngumiti yung prof namin at mukhang impressed.

Wow! Bes ko yan! Galing talaga ni bes! Nakita ko ang pag laglag ng panga ng ilan kong classmates. Di ko sila masisisi. Tsk Tsk!

"Now, Ms. Ferrer, what's the theta in this figure?" May bagong finlash sa screen. Madali lang to! Sana ako na lang ang natawag. T__T Ang swerte naman ni Stella.

Napatingin kaming lahat kay Stella pero mukhang di ata narinig si Ma'am kaya siniko siya ng alipores niya at binulungan. Mukhang tulala eh. Doon naman siya nakabalik sa earth.

"Uhm, pardon ma'am?" Bigla niyang tanong. Napakunot noo tuloy si ma'am.

"I said, what's the theta in this figure."

Kinuha ni Stella yung sci cal niya at pumindot. Parang tuliro pa rin siya. Medyo natagalan pa siya bago nakasagot.

"Uhm, it's 27 degrees, 12 minutes and 5 seconds ma'am." Walang kalatoy-latoy niyang sagot.

"Mali! Ang dali lang naman nito eh." Bulong ni Nadine na nasa harap ko.

"Oo nga. Dapat ako na lang ang natawag!" Sabi naman ni Bea na katabi ko.

"That is wrong Ms. Ferrer." Nagtaas ng kilay si Ma'am.

Mukhang nagulat sa maling sagot ni Stella. Kahit nga kami ay nagulat din kasi di naman siya ganyan. Nakikipagkumpetensya pa nga siya saamin sa grades eh, lalo na sa recitations na ganito. Kaya anong nangyari ngayon?

"This is just a simple one and yet you didn't got it right. What's wrong Ms. Ferrer?" Mukhang curious din itong si ma'am.

"Nothing ma'am. I'm sorry." Sagot niya na wala pa ring kabuhay-buhay at tumingin na lang sa notebook niya.

Nagbuntong hininga na lang si ma'am at nagpatuloy sa recitation.

Nagkatinginan kami nina bes at nagkibit balikat nalang.

Akala namin doon lang yun pero nagpatuloy pa to buong araw. Kung di siya tulala ay nakakunot noo. Minsan naninigaw pa rin lalo na sa mga alipores niya pero bumabalik din naman sa pagiging tulala at malalim ang iniisip.

.

"Hay, nakakainis na lalo yang si Stella ah. Ang boring, grabe!" Humalukipkip si Bea.

Nasa caf na kami ngayon, lunch break na. Tapos na kasi yung pictorial namin sa Prom King & Queen na yun. Kainis lang! Bakit kasi may patarpautarpaulin pang nalalaman eh. Sayang lang sa ink.

"Huh? Bakit naman boring?" Tanong ko.

Kumuha muna siya ng fries bago sumagot. Diet daw kasi siya kasi malapit na ang prom. Baka sumukip yung gown niya kaya ayan at 'no rice' diet ang bruha.

"Eh kasi naman, kanina habang papunta ako sa CR, nabangga ko siya. Malakas din yung pakakabangga ko sa kanya pero di ko yun sinasadya ah. Ready na sana ako sa mga pang trashtalk ko pero inirapan lang ako! Ang kapal lang ah." Nginuya niya na yung fries bago ulit nagsalita.

Wut? Naiinis siya dahil hindi siya inaway ni Stella? Dahil daw boring? The heck naman tong war-freak na to! Pasaway!

"Tapos, kanina sa photoshoot, sinadya ko na talagang apakan 'yung gown niya para matapilok siya at awayin ako. Pero alam mo kung anong sinabi niya ng nakatayo na siya? 'I don't have time for you' lang naman at nagwalk out ang palaka. Ugh! Bwiset na yun!" Pinagpupunit niya yung fries niya. Kawawang fries!

Kinurot siya ng marahan ni Anne kaya napasigaw siya.

"Ikaw talaga bes. Naghahanap ka pa talaga ng away! Mabuti na nga 'yung di na tayo ginugulo nung tao eh. Ikaw pa 'tong nagsisimula!"

"Oo nga. At mukhang may problema yung tao noh. Wag mo nang gambalain. Sige ka dyan, mamalignuhin ka 'nun." Biro ko.

Nagkatinginan kaming tatlo at nagtawanan.

"Havey yun bes ah! Maligno! Suits her well!" Ani Bea.

"Pero tama ka bes. Mukhang may problema nga yung si Stella. May alam ba kayo? Curious lang. Ang weird niya eh. Di din ako sanay." Anne said.

Umuwi na pala si Charm. Naallergy kasi. Kumain kasi ng pansit na may hipon kaninang break time. Eh hindi niya alam na may hipon yun kaya ayun. Allergy pala siya sa sea foods. Sinundo na siya agad kasi namumula na siya. Kawawa naman si Charm.

"Hm, ang alam ko lang mga bes..kagabi may cocktail dinner sila. Yun ang sabi ni Mike." Nagkibit balikat ako at kinain na yung pork steak ko.

Nakakagutom yung pictorial eh! Ilang takes pa naman yun. Feeling ko naman sa magazine yun ipupublish. Eh pangtarp lang naman. Kahit nga isa lang ay pwede na. Di naman kailangang iba-iba sa bawat tarp di ba? Itsura lang kung ganon.

**end of flashback

Pano na kaya siya mamaya? I mean kung magpapatuloy pa ang pagkawala sa sarili ni Stella, maging okay kaya ang performance niya sa audition mamaya?

Teka! At bakit ko naman kaya inaalala yung Stella na yun? Hays. Bahala na nga siya. Baka mamaya bumalik na rin siya sa dati. Baka may nakain lang na masama o nakalanghap ng masamang hangin? O di kaya natakot siya sa itsura niya sa salamin? Haha! Okay, waley. Ah ewan.

Dumiretso na ako papunta sa Bio Lab. Humiwalay kasi ako kina bes after kong kumain ng lunch kasi pinatawag ako ng principal. Kung bakit? Saka ko nalang ishashare.

My gahd. Ang dami pa ring nag cocongratulate at nag gugoodluck sakin. Gusto ko ng tumakbo! Pero syempre awkward yun kaya wag na lang. Mag-eeskandalo lang ako lalo.

"Kim!" Napalingon ako. Si Kirby pala.

Ang tagal na rin pala naming di nagkakasama-samang anim, plus Charm and Justin. Well, graduating eh. Ang dami naming pinagkakabisihan. Jusme!

"Oh Kirby, bakit?"

"Ano..nakita mo ba si Anne? Di kasi nagrereply eh. Kanina pa yung umaga." Kumunot ang noo ko.

"Ah kasama namin siya kanina pero di ko na alam kasi nagpaprincipal's office kasi ako eh. Baka kasama ni Bea."

As if on cue, sumulpot naman si Bea.

"Bes! Oh hi Kirby!" Sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko.

"On second thought, di ko na pala talaga alam."

"Huh? Bakit? Anong meron?" Nagtatakang tanong ni Bea.

"Di kasi macontact ni Kirbs si bes. Akala ko kasama mo. Asan ba siya ngayon?" Tanong ko kay Anne.

"Oo kanina. Pero may pupuntahan lang daw siya. Nagmamadali nga eh. Akala ko nga pupuntahan ka niya Kirbs. Di pala. San na kaya yung babaeng yun? Library?"

Nakakunot na ang noo ni Kirby. Kahit ako nagtataka na.

"Di eh. Galing na ako doon kanina. Wala siya, pati na rin sa bio lab. Sa caf at Student Council room wala din. Kanina ko pa siya hinahanap. Di naman siya nagtetext." Nagkamot ng batok si Kirby.

*KRIIIINGGG*

"Oh! Time na! Sige Kirbs, baka andun na yun sa lab. Text mo na lang."

"Chill lang Kirbs, wag praning. Di naman yun nanlalalaki." Sabay tawa ni Bea. Nang-asar pa. Baliw talaga.

Ngumiwi si Kirby pero tumango na din at naglakad na kami papuntang lab.

Ng makarating na kami ng lab, nadatnan namin si Anne na nakangisi sa upuan niya. Kumunot ang noo ni Bea at ako naman nagtaas ng kilay. Hmm..

"Kanina si bes Kim ang parang nasapian. Ngayon ikaw naman?! Oh my! Ako na lang ba ang matino dito?!" Umarte siyang gulat at umiling-iling pa.

Napawi ang ngisi ni Anne at tiningnan ng matalim si Bea. Pati ako tiningnan ko siya ng masama.

"Ah hehe, joke! Masama na bang magjoke?! Chill mga bes at papangit kayo niyan!" She giggled.

"Tss." At binalik ang ngisi ni Anne bago tumingin sakin. "I have news! At siguradong magugulat kayo." At tumingin siyang diretso saakin.

Oooh...scary! Ano kayan yun?!

Nagkatinginan kami nina Bea at balik kay Anne.

"What?!" Sabay pa kami ni Bea.

"I'll tell you later." Sabi niya at umupo na ng maayos. Sakto namang dumating na si Sir Dwight.

Aish! Bitin naman! Si Bea, knowing her, kating kati na yang tanungin si Anne. At tama nga ako, the whole time kinukulit niya si Anne. Katabi niya pa naman. Katabi kasi niya si Charm, na absent ngayon, at si Bea at ako naman katabi si Bea at nasa isle ako.

Oh well, I guest we have no choice but to wait.

Pero super nakakacurious!

Ano kaya yung sasabihin ni Anne at mukhang importante?!

Tungkol kaya sakin? Her look kasi sakin kanina eh. Waah! Curiosity is killing me!

* * *

CHAPTER 25!

Alam mo na! ;)
Hit ⭐

Continue Reading

You'll Also Like

957K 25.9K 78
#9 in Teen fiction- highest rank achieved Lalaking mayabang... Rude boy meet Prince Lourence Scott... Ang hot ang gwapong mapang-asar na lalaki, at h...
206K 4.7K 47
Jam is the cute girl who lives with her three handsome brothers. Kuya One always reminds her that she shouldn't befriend boys. ...
Imperial Brothers By Aya

General Fiction

2.8M 4.4K 4
Sa larangan ng business, isang apelyido ang kilalang-kilala at kinatatakutan na makabangga... ang IMPERIAL. Tatlong magkakapatid naman ang kilala sa...
1.9M 38.9K 43
In just a second, I became G-Dragon's girlfriend. Well.. unofficially that is. [Just for the ship. No bashing pls] [Warning: lots & lots of pagka-Je...