Stay awake, Agatha (PUBLISHED...

By Serialsleeper

35.1M 1.2M 570K

Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the... More

Stay awake, Agatha.
Epigraph
1 : Her name is Agatha
2 : That idiot named Cooper
3 : New kid on the ward
4 : Of breakdowns and Ice cream
5 : Menace
6 : That awkward moment
7 : The challenge.
8 : The real Cooper Alvarez
9 : Pushing Daisies?
10 : Stimulants
11 : The Boyfriend Commandments
12 : Stay close and don't let go
13 : It's too late
14 : The Stranger
15 : Long time no see
16 : Stay Away Agatha
17 : The truth about us
18 : The last chance
20 : Because she stayed awake
21 : The Fool's move
22 : Back to square one
23 : Don't forget
24 : To-get-her
25 : Yet another star-crossed couple
26 : Nothing
27 : As long as
28 : Struck by Truth
29 : Three words she just cant say
30 : Nothing's well in farewell
31 : The road to you
Epilogue.
Author's Note
The Lost Chapter
BOOK RELEASE AND BOOK SIGNING EVENT ON DAVAO CITY!

19 : The real jerks

712K 29.5K 5.4K
By Serialsleeper

19.

The real jerks

Agatha

Sa pagdilat ko ng mga mata ko ay nagtaka ako sa kisameng sumalubong sa akin. Hindi ito ang kisame ang kwarto ko at lalong wala akong ikinakabit na mga luminous stars dito. Shit naman, nasaan ako?

Hilo man, dahan-dahan akong umupo at sinapo ang ulo ko. May nararamdaman akong mahapdi sa noo ko at nang mahawakan ko ito ay nagtaka ako kasi may bandaid ng nakadikit dito. 

"Agatha okay ka lang ba?"

Lumingon ako at nakita ko si Cooper sa pintuan. May dala-dala siyang isang bowl na puno ng tubig at nakasawsaw dito ang isang maliit na tela.

Hindi ko alam anong sasabihin sa kanya. Naririnig ko pa lang ang pangalan niya, sumisikip na ang dibdib ko, ano nalang kaya 'tong magkaharap na kami at nasa iisang kwarto pa? Geez, can this day get any worse?

Bigla kong naalala sina Javi, hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog kaya dali-dali kong hinanap ang cellphone mula sa bulsa ko upang matawagan sila.

Wait.... Shit! Nasaan na naman ba ang phone ko?! Bakit wala?!

"You dropped your phone when you passed out. Javi kept on calling, he knows you're with me." Muli akong napalingon kay Cooper nang iniabot niya sa akin ang cellphone ko.

Nakakailang. Hindi ako makatingin sa kanya nang kinuha ko ang cellphone. His voice makes the situation worse too. Its no longer cold like the other day. Call me delusional, but hearing the tone of his voice, pakiramdam ko si Cooper na ulit ang kumakausap sakin.

"Agatha akala ko ba bumubuti na ang kundisyon mo? Iniinom mo ba talaga ang mga gamot mo?" Aniya kaya pinilit ko na lamang ang sarili kong ngumiti.

"Cooper can you just please shut up and stop acting like you care?" Tumayo ako at nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. I dont know where I am but seeing the rock band posters and messy things, malamang nasa bedroom ako ni Cooper.

"I'll stop caring for you once you start caring about yourself." Giit niya kaya napasinghal na lamang ako.

Noong nakaraang araw, para siyang walang pakialam sa akin at halos ipagtulakan niya ako palayo tapos ngayon sasabihin niyang may care siya? Oh dear God, I know Cooper's crazy but not like this... 

"So sa lagay nato, may care ka pa sakin?" Sarcastic kong sambit at tinaasan siya ng kilay, "Dude! If you really cared dapat inihatid mo nalang ako sa ospital. You shouldnt have brought me here. Look, I honestly dont want to see you anymore but thank you kasi hindi mo ako pinabayaan doon sa kalsada. Kailangan ko ng umalis, baka hinahanap na nila ako."

I didnt wait for him to react. Dali-dali na akong naglakad palabas ng kwarto ngunit nang malagpasan ko siya at nakatalikod na kami sa isa't-isa ay bigla siyang nagsalita.

"Hindi ko na kayang bumalik sa ospital na 'yon, Agatha sorry."

Napako ako sa kinatatayuan ko at sa isang iglap, tuluyang nawala ang inis na nararamdaman ko at napalitan ito ng lungkot.

“He’s been here for almost 12 years. He’s been fighting for his life ever since he was a kid.” - Javi

"This hospital has always been Cooper's home. He spent countless days of agony and depression here." - Kuya Leo

"Sa tuwing nakikita ko siya o ang isa man sa kanila, naaalala ko lang ang mga hirap na pinagdaanan ko sa ospital na 'yon. Nakaligtas ako! Nabuhay ako! Hindi na ako babalik pa sa impyernong 'yon!" - Cooper

I get it now...

"Sa mundong 'to, may dalawang klase ng bulag. Yung mga taong bulag na hindi makakita gamit ang mga mata, at yung mga bulag sa katotohanan at reyalidad." 

That blind kid was right... I can see with both of my eyes but I was still blind. All I ever thought about was being with Cooper but when he shut us out, I was blinded with anger and disappointment... Cooper wasnt the jerk. In fact, we were the real jerks.. We were the jerks kasi hindi namin siya inintindi, naging makasarili kami... Nakalimutan namin ang hirap na pinagdaanan niya... Naging makasarili ako.

Namalayan ko na lamang na lumuluha na naman pala ang mga mata ko at nakatalikod parin kami ni Cooper mula sa isa't-isa.

"Cooper naiintindihan ko na ngayon. 'Wag kang mag-alala, hindi ako galit sayo. Ipapaliwanag ko nalang sa mga kaibigan natin para maintindihan ka rin nila. Sorry pala sa mga nasabi kong masama sayo." Napatingala na lamang ako habang pinipilit ang boses kong 'wag bumigay.

Naghintay ako sa sasabihin niya kaso parang hindi na talaga siya iimik kaya napabuntong hininga na lamang ako at napalunok. 

Nagsimula akong maglakad palayo ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang may mga brasong pumulupot sa bewang ko at may ulong bumaon sa balikat ko. Niyakap ako ni Cooper mula sa likod kaya muli akong napako sa kinatatayuan ko at napatitig na lamang sa kawalan.

"Agatha sorry." Muli niyang sambit ngunit mas lalo akong naiyak nang mapagtantong maging siya ay umiiyak narin pala. Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya.

Bahagya akong tumawa, "Baliw, ako nga ang dapat mag-sorry sayo. Bumitaw ka na nga, baka mamaya, umasa na naman ako." Dinaan ko na lamang sa biro ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ko.

Ilang sandali ang lumipas at nanatili parin siyang nakayakap sa akin kaya ako na mismo ang nagwakli sa kamay niya upang makalas ang yakap niya sakin at dali-dali na akong umalis.

Hindi ko na talaga siya maintindihan.

Hindi ko alam kung sadista siya o pinagt-tripan niya lang ako pero ayoko na..

Ayoko ng masaktan...

Madami pa akong kailangang problemahin bukod sa kanya...

This ends here.

- - - - - - - -

Bumalik ako sa hospital dala-dala ang isang pack ng chocolate drink. Buti nalang at may convenience store sa malapit at nakabili parin ako ng pampasalubong.

"Miss Agatha anong nangyari sa noo mo?" Tanong sa akin ng nurse na nasa front desk nang dumaan ako.

"Nauntog po ang tanga." Biro ko na lamang at ngumiti.

If there's one thing i'm good at, thats fooling people into thinking im okay with the use of my smile. I mastered it actually.

With a smile in my face, I skipped along the halls of the hospital. I'm still sad but atleast okay na kami ni Cooper. Tanggap ko ng hindi na maibabalik pa ang dating closeness namin. Tanggap ko ng hangang dito nalang talaga kami, less than friends but more than strangers.

Pagdating ko sa kuwarto ko nagtaka ako nang hindi ko naabutan doon sina Reema, Javi o Trent. Karaniwan kasi silang nandito, asan kaya sila?

"Hi po Ms. Agatha." Bati sa akin ng nurse na naglalagay ng gamot sa bedside table ko.

"Hi! Nasaan yung mga kaibigan ko?" Tanong ko.

"Nasa opisina po ni Sir Leo, may importante yatang pinag-uusapan." Aniya kaya ngumiti na lamang ako at dali-dali nagtungo doon. Pwede naman sigurong uminom si Sir Leo ng chocolate drink. Hindi naman siguro siya aatakihin ulit dahil dito.

"Anong walang pananagutan?! Aba kung ganun edi papatayin ko nalang siya!" Ilang hakbang na lamang ako papunta sa opisina ni Kuya Leo ay naririnig ko na ang sigaw ni Reema. Hay, nagwawala na naman ang kaibigan ko. Ano na naman kaya to? Minsan talaga nag-aalala na ako sa pagiging moody niya.

Nakahawak na ako sa doorknob at papasok na sana ako.

"Reema, wala tayong magagawa. Pumirma si Agatha ng waiver. Walang pananagutan ang doktor na nagbigay sa kanya ng gamot." Narinig kong si Kuya Leo ang nagalita at ako pala ang pinag-uusapan nila. Teka, bakit naman nila inuungkat ang tungkol doon?

Imbes na pumasok ay nakinig nalang muna ako sa usapan nila.

"Hindi yan pwede! Oras na may mangyaring masama kay Agatha dahil sa gamot na 'yon humanda talaga siya sakin!" Muli kong narinig na sumigaw si Reema.

"Pero may paraan naman po diba para gumaling si Agatha diba?" Narinig ko namang nagsalita si Trent.

"Hijo, nakita mo ang nangyari kay Agatha. Sa isang iglap, biglang tumigil sa pagtibok ang puso niya. Kung hindi iyon naagapan, maaring namatay na si Agatha. Pero kahit naagapan, mangyayari at mangyayari ulit ito. Gaya ng sinabi ko sa inyo noong nakaraang araw, masyado ng naapektuhan ang nervous system ni Agatha nang dahil sa experimental stimulants na iyon, masyadong matapang ang gamot kaya imbes na gumaling ay lalong lumama ang lagay niya. Bumalik na kayo sa kuwarto ni Agatha, baka dumating na siya. Maya-maya, darating narin ang mga magulang niya. Hindi ko alam anong gagawin, mahirap sabihin sa mga magulang niyang ano mang oras ay maaring baiwan ng buhay ang anak nilang--"

"Pero kuya leo, please gumawa kayo ng paraan! Hindi pa naman huli ang lahat diba?! May magagawa pa ang mga doktor!"

"Agatha anong ginagawa mo dito?"

Narinig ko ang boses ni Javi mula sa likuran ko. Narinig ko ring biglang tumahimik sina Reema.

Nangingining ang mga kamay ko at ganun narin ng labi ko. Ayaw tumigil sa pagbuhos ng luha ko kaya dali-dali na lamang akong nagtatakbo palayo.

END OF CHAPTER 19

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

225K 14.6K 73
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
7.9K 97 12
Frozen is a 2013 American 3D computer-animated musical fantasy-comedy film produced by Walt Disney Animation Studios and released by Walt Disney Pict...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.