Ms. Officer on Duty

By Artasia_Aquila

114K 4.4K 612

Isang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine Nati... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Announcement

Chapter 29

1.2K 42 1
By Artasia_Aquila

Chapter 29: New Classmate

Lumipas ang ilang araw at start na ulit ng klase. Hindi pa rin nakakapasok si Caleb dahil hindi pa siya pinapayagan ng kanyang doctor na palabasin ng hospital. Hindi ko rin nakikita sa campus ang mga kaibigan niya, siguro ito ang nagbabantay sa binata. Ilang araw na rin ang nakalipas ng magkausap kami ni Tyronne at mas naging malapit kami sa isa't-isa.

Wala pa rin kaming nakukuhang ebidensya sa pangyayaring pamamaril. Napakaplanado ng lahat at wala kaming makita kahit kakapirasong butas.

Nandito kami ngayon sa aming room at iniintay na dumating ang aming guro. Magkatabi kami ni Tyronne ngunit wala sa amin ang nagsasalita. Tahimik lang namin iniintay na dumating ang aming professor.

Nang bumukas ang pinto ng silid ay lahat kami napalingon sa kinaroroonan nito. Napakunot ang noo ko nang pumasok ang aming prof at may kasamang isang babae. Pamilyar ang mukha nito ngunit hindi ko maalala kung saan ko ito nakita.

Nagitla naman ako ng tumingin siya sa aking gawi at kitang-kita ko ang kanyang pag ngisi. Nang iiwas na niya ang tingin niya sa akin ay patuloy siya sa pag ngiti sa buong klase.

Iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito, bakit kahit kalagitnaan na ng taon saka lamang siya nag transfer. Nakakapagdududa lang, tumingin ako sa gawi ni Aliah at nakita ko itong taimtim na nakatingin sa harap. Ibinaling ko naman ang tingin kay Tyronne, nakatulala lang siya sa harap at halos hindi na ata kumukurap ang mga mata.

“Hoy! Okay ka lang ba?” mahina kong saad dahil baka marinig kami ng aming guro.

Mas napakunot ang noo ko ng hindi man lang niya ako panaginip at hindi natinag sa pagtingin sa harapan. Napairap na lang ako at hindi ko na siya pinansin pa at pinilit ibaling ang atensyon sa harapan.

“Good morning class. We a new transferee students. Let's all welcome Ms. Salvacion. Now, introduce yourself,” halos lahat ng mga kalalakihan ay naexcite dahil sa kagandahan taglay nitong transferee student.

“I'm Demonnese Salvacion, nice to meet you all.” ngumiti ito at nagbow pa. Nang iaangat niya ang kanyang ulo ay muling nagtama ang aming mga mata. Hindi ko marawi pero parang nakita ko na talaga siya, hindi ko lang talaga naaalala kung saan at kailan.

Nagulat ako ng taasan niya ako ng kilay. Aish! May tinataglay pala itong kamalditahan sa katawan. Ang amo pa naman ng mukha nito, akala ko tuloy mabait.

Umiwas na lang ako ng tingin, ayokong patulan ang trip ng babaeng 'to! Bago pa lang naghahanap agad ng gulo.

“You may seat now, Ms. Salvacion!” dahan-dahan itong naglakad na akala mo ay isang modelo. Napailing na lang ako at nagbasa ng aking notes.

Nagbasa lang ako kahit wala naman akong naiintindihan. Abuh! Minsan lang 'to kaya nga lang wala pa rin akong magets sa mga lectures ko. Natinag naman ako sa pagbabasa ng may maramdaman akong presensiya sa aking harapan. Iniangat ko ang aking ulo at tumambad sa akin si demonya ay Demonnese pala. Tinaasan niya ako ng kilay at ito ako clueless kung bakit siya nasa harapan ko.

“Why?”

“Move to another seat!” pag-dedemand nito na nagpataas ng kilay ko.

“Search for another vacant seat, Ms. Salvacion,” pinagdiinan ko pa ang mga sinabi ko at baka magets niya na ayaw kong umalis.

“No! I want this seat!” medyo napalakas ang pagkakasabi niya kaya naagaw namin ang atensyon ng aming mga kaklase.

Eksena naman kasi nitong babaeng 'to! Nagsimula na tuloy mag bulong-bulungan ang mga kaklase namin kaya't naagaw na rin namin ang atensyon ni prof.

“Anong nangyayari dito?” lumapit ito as amin at nameywang pa sa aming harap. Aish! Sobrang nakakahiya talaga!

“Ma'am, I really want to seat here.” may pag-papaawa pa sa tono ng pananalita nito. Napairap na lang ako sa kawalan, mukhang ako ang lalabas na masama dito.

“Ms. Sta. Ana can you move into another vacant seat,”

“But, Ma'am!” pagtutol ko dahil ayaw ko talagang lumipat ng upuan, bukod sa katabi ko si Tyronne tinatamad lang talaga akong tumayo.

“No buts, Ms. Sta. Ana,” mahihimigan sa boses nito ang pagiging seryoso kaya hindi na ako muling nakaangal pa.

Tinignan ko naman si Tyronne na parang nanigas na sa tabi ko. Nakatingin pa rin siya sa harap na parang hindi makapaniwala. Mas nainis pa ako ng makita kong nakangisi itong babaeng nasa aking harapan. Aish! Babangasan ko na talaga ang mukha niya.

Marahas akong tumayo at isinukbit sa aking balikat ang aking bag. Bago pa ako makaalis ay naramdaman ko ang kamay ni Tyronne na nakahawak sa aking bag. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Akala ko talaga nagyelo na siya at hindi ako papansinin.

“Saan ka pupunta?” seryoso niyang saad. Halos wala kaemosyon-emosyon ang kanyang mga mata.

“Pinapalipat ako ng upuan ni Prof.” lumuwag na ang pagkakahawak niya sa bag ko. Umasa pa naman ako na pipigilan niya akong umalis.

Iniwan ko na lang siya at naghanap na ng bakanteng upuan sa bandang gitna. Pagkaupo ko pa lang ay nakinig na ako sa tinuturo ng aming prof. Hindi ko rin maiwasan ang sulmulyap sa likod kung saan nakapwesto si Demonnese at Tyronne. Napasimangot na lang ako nang makita kong nag-uusap yung dalawa. Nakakainis pa yung ngiti nung babaeng yun sarap saktan.

Tapos itong Tyronne na'to tuwang-tuwa pa ata na nag-uusap sila. Tapos ako minsan na nga lang niya kausapin, susungitan niya pa ako. Bahala sila sa buhay nila, magsama silang dalawa. Nagulat ako ng marinig ko ang pagkabali ng aking ballpen. Napatingin tuloy ako sa kamay kong may hawak na baling ballpen.

“Okay ka lang ba, Ryzzy? Bakit nabali mo yang ballpen mo?” medyo napaurong pa ito si Anne na katabi ko. Isa siya sa pinakamabait at tahimik sa buong klase.

“Ahmm. Okay lang naman ako hehehe medyo marupok na kasi itong ballpen ko.” nakakainis naman bakit ba nabali kasing 'tong ballpen ko. Nakakahiya naman, baka matakot siya sa akin.

“Ah ganun ba, pero nakakatakot kasi yung ekspresyon ng mukha mo kanina.” mahahalata nga sa mukha nito ang pagkatakot.

“Talaga? Sorry ha, ganoon lang talaga itsura ko kapag hindi ko maintindihan ang lesson,” pagpapalusot ko na lang at ilang sandali lang ay nakita ko na rin siyang nakangiti. Ako na ata yung taong hindi magaling sa pagpapalusot.

“Kapag nahihirapan ka, magtanong ka na lang sa akin,” ibinaling niya na ulit ang kanyang pansin sa pakikinig sa aming guro. Napangiti na lang ako buti na lang at mabait ang nakatabi ko.

Buong klase hindi ako nakapag-concentrate dahil sa mahinang pagbungisngis ni Demonnese. Hindi ko alam kung hindi siya naririnig ni Ma'am o hinayaan lang siya nito. Ito namang Tyronne na'to lagi kong nahuhuling kinakausap yung babaitang yun!

Nang tumunog ang bell na hudyat na break time na ay mabilis kong inayos ang aking mga gamit. Nagmadali na rin akong lumabas dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Ayoko na rin makita pa yung paglalandian nung dalawang 'yon! Sigurado naman akong masaya silang dalawang magkasama.

Hindi ko tuloy maiwasan ang di mabadtrip. Halos lahat tuloy ng nakakasalubong ko sila na ang kusang umiiwas. Nahalata ata nila na may maitim na aura ang nakabalot sakin. Pati nga sa pagpila sa pagbili ng pagkain ay pinauna na nila ako. Samantalang hindi ako sinungitan ng tindera. Aishhh! Mukha na ba talaga akong nakakatakot.

Isusubo ko na sana ang kutsara kong puno ng pagkain ng dumating ang tatlo. Umupo na agad si Awa at yung dalawa naman ay umorder muna ng kanilang pagkain. Sinamaan ko naman agad ng tingin si Awa ng balakin nitong kumuha sa mga pagkain na nasa aking lamesa.

“Woahhh! Totoo nga ang balibalita,” may pang-aasar na ngiti sa mga labi nito na mas nagpainit sa ulo ko.

“Ano pinagsasabi mo diyan!” hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang nang kumain.

“May bagong transfer student daw sa section niyo," umupo na si Aliah sa tabi bitbit ang isang plato ng Carbonara, umupo naman si Storm sa tabi ni Awa. Nainis naman ako ng maalala ko si Demonnese.

“Okay lang.”

“Eh bakit ganiyan yung mukha mo? Parang pasan mo ang daigdig,” pang-aasar naman ni Storm at sabay silang nagtawanan ni Awa. Binilisan ko na lang ang pagkain at hindi na lang sila pinansin.

----

Ilang subject na ang natapos namin ngayong araw, pero hindi pa rin ako nakapag-concentrate. Palihim na lang akong napapairap. Buong araw ata silang nag-uusap at hindi man lang ata ako naalala nitong si Tyronne. Hindi tuloy ako matahimik sa aking kinakaupuan.

Hanggang sa mag-uwian na silang dalawa pa rin ang nag-uusap at parang wala silang mga kasama. Nang tumunog na ang bell ay marahas akong tumayo kaya halos lahat ng kaklase ko ay nakuha ko ang atensyon. Sinamaan ko silang lahat ng tingin at nagmamadaling nagmartsa palabas ng classroom.











Itutuloy...
------

Sorry, natagalan yung update. Pasupport na rin ng bago kong story entitled “His Sweetest Lie”

Yieeee lovelotssss.

Vote and comment.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
175K 3.3K 61
The Celebrity Dad Book 2
2.5K 499 34
Protective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to prot...