Devin High [REVISING]

By wannabeangel

112K 404 62

Currently revising. More

Devin High
[Chapter 1]: Welcome To Devin High
[Chapter 2]: First day with crazy girls
[Chapter 3]: The Snow Princess

[Chapter 4]: Getting close

3.7K 65 12
By wannabeangel

[Chapter 4]: Getting close

-Hero's Point of View-

Two weeks na ang nakalipas simula nung na announced ang partner system at hanggang ngayon, hindi pa rin kami nag uusap ni Ray. Hindi naman ako nag eexpect or ano pero napansin ko lang na sina Blood at Dark ay kahit papano nagkaroon na ng interaction sa mga partners nila. Blood is partnered with Maegan while Dark is partnered with Alex. Maegan and Alex are the other two girl members of the dangerous clan na kasama ni Ray.

Although they're from dangerous clan, mukha naman naging welcome sila sakanilang mga partners. Di tulad nitong si Ray eh na halatang walang pakialam.

Nakikinig lang ako habang andito kami sa dorm at nag kkwento yung dalawa about sa partners nila. Na kesyo mabait daw, hindi naman daw nakakatakot at matulungin pa lalo na pagdating sa mga subjects.

"Eh kayo ni Ray kamusta? Nag uusap na kayo?" tanong ni Dark saakin.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi. Di ko nga alam kung alam ba nun na partners kami."

Blood chuckled. "Malas mo naman pre sakanya ka pa napunta. Baka mahila ka pa nyan pababa lalo na sa academics."

Umiling ako. "I don't really care about the rankings but yeah, it kinda pissed me off last time na nag absent sya at may lab experiment."

Tumawa si Dark. "Tangina galit na galit si Ms. Hernandez habang tinitingnan mga results ng experiment mo."

Kumunot noo ko nung naalala ko yun. Sobrang malas nung araw na yun dahil absent si Ray at ang groupings nung chemistry lab experiment na yun ay by pair. Pinag pair kami sa mga partner namin at si Ray lang ang tanging absent nung araw na yon. I remember Alex and Maegan were also absent nung mga unang subjects kaya akala namin tatlo silang absent sa araw na yun. However, humabol yung dalawa nung laboratory subject na. Inisip ko baka alam nila na may experiment at mahirap mag absent. Pero etong si Ray wala talagang pakialam. Something was strange though dahil mukhang may sakit at pagod sina Alex at Maegan nun pero pinilit nilang pumasok.

In the end, mag-isa akong gumawa ng experiment at sa dami ng trials, hindi ko natapos lahat kaya nagalit si Ms. Hernandez. But she didn't exactly blamed me dahil alam naman niyang mag-isa lang ako.

"Exam na next next week. Baka mamaya niyan ang partner mo pa ang pinaka mababa." -Blood

I sighed. "Buti nalang individual naman yung grading sa exams. Sariling kayod. Hindi naman ako maaapektuhan pag mababa siya sa exams." I said that but I admit i'm kinda worried sa kanyang academic performance pero ayoko ng makialam dahil hindi naman kami nagpapansinan at hindi naman ako yung tipo ng tao na nag-aalala sa kung sino sino.

"Well if you say so." Nagkibit-balikat si Blood.

Pagkatapos ng konting usapan ay nagpasya na kaming matulog dahil may pasok pa kinabukasan.

***

Monday ngayon at andito kami sa classroom habang nakikinig sa discussion ng teacher. Napasulyap naman ako kay Ray at medyo nagtaka dahil nakita ko nakatingin siya sa harapan at nakikinig. Absent siya nung last friday kung kailan nangyari ang lab experiment namin kaya tatlong araw ko din hindi siya nakita. Nakakapagtaka lang dahil eto ang unang beses na nakita ko siya na nag paparticipate sa klase. Anong nakain nito?

Naalala ko yung mga times na tinutulugan niya lang mga klase namin. I was also like that during our times in Sherlock academy. Hindi ko na pwede gawin yun dito dahil hindi na namin to teritoryo at baka mabulilyaso pa ang rason kung bat ako nandito. Mahilig din ako mag cutting-class dati. Ganun din si Ray dito. Bigla nalang nawawala. Kaya hindi na talaga ako magtataka na hindi siya makakakuha ng mataas na marka sa mga exams. 

Nung nag lunch break kami ay napansin namin sina Alex at Maegan lang magkasama na kumakain. Usually tatlo sila lagi pero ngayon, sila lang dalawa. Asan kaya yung isa?

"Oo nga pala tol, di ako sasabay mamaya sainyo pauwi." Paalam ni Blood.

"Bakit?" Tanong ni Dark.

"Mag-aaral kami ni Meg eh. Tuturuan niya ako sa topic na nahihirapan ako."

"Wow. Mukhang iba na yan ah?" Asar ko sakanya.

Pabiro niya akong sinuntok sa braso. "Buti pa yung partner ko may concern saakin. Eh yung sayo?"

Tumawa sila ni Dark na parang nang-aasar. Tinaas ko nalang isang kilay ko. Edi sila na.

"Ayos! Papaturo nga din ako kay Alex." Dark chuckled. "Pano ba yan tol. Ikaw muna mag-isa uuwi hanggang matapos ang exam."

Nagkibit-balikat ako. "Yeah you can do what you want. I can study on my own."

Tumawa naman ulit silang dalawa.

After ng break ay nagpaalam muna ako sakanila na may pupuntahan lang ako saglit. Pumunta muna sila sa may tambayan malapit sa plaza para magpahangin. May 15 minutes pa naman kami bago magsimula ang afternoon class.

Naisipan ko dumaan sa library dahil may balak akong hiramin na libro. Pagkapasok sa library ay nagtanong ako sa assistant kung san banda yung mga libro sa History.

"Deretso ka dun, tapos liko ka sa may right side. Shelf 112." Tumango ako at dumeretso na dun sa sinabi nya.

Bago ako pumunta sa mga shelves ay napansin ko yung tao nasa pinakabandang dulo malapit sa bintana. Nagulat ako dahil nakita ko si Ray na nakayuko habang nagsusulat. Sa table niya ay maraming mga papel at dalawang libro.

Wow. Kaya ba hindi siya kasama nina Maegan kanina?

Dumiretso na ako sa may shelves at hinanap yung gusto kong hiramin na libro. Nung nahanap ko na ay pumunta ako kung saan yung assistant. Napalingon ako kung saan banda kanina si Ray at nakita ko na nagliligpit na siya ng gamit. Inangat niya ang kanyang ulo at nagtama ang tingin namin.

I didn't understand why my heart suddenly skipped a beat. Kahit medyo malayo ako sakanya ay nakikita ko kung gaano siya kaganda. What the hell is wrong with me?

Iniwas ko ang tingin ko at dumeretso na sa assistant. Pagkatapos ko mahiram ang libro ay kaagad akong lumabas sa library na yun at nagtungo na sa classroom.

Minutes before afternoon class will start, pumasok na si Ray sa classroom. Binalewala niya yung mga tingin sakanya ng mga classmates namin. Pinagmasdan ko naman yung iba naming mga lalakeng kaklase. Yung iba sakanila ay namumula ang pisngi habang nakatingin sakanya. Yung isa naman nakanganga pa.

Well, she's really a headturner huh. Yumuko ako at tumingin nalang saaking mesa. Hindi ko matanggap na isa ako sa mga lalake na nakakapansin sakanya. Dahil siguro partner ko siya?

Dumating ang Wednesday. 5 days before the exam. Simula nung Monday ay mag-isa nalang ako umuuwi dahil masyado sineseryoso nung dalawang mokong ang darating na exam. Di ko alam kung seryoso ba talaga sila hindi naman sila ganun dati or sadyang gusto nilang pormahan yung partners nila?

Nung dismissal ay kaagad na sila nagpaalam.

"Pre sorry talaga mukhang naiiwan ka namin lagi." -Blood

"Babawi talaga kami pagkatapos ng exam." -Dark

"Himala nga eh seryoso kayo sa pag-aaral para sa exam."

Blood chuckled. "Gusto nga kita isama sa review namin ni Meg eh but i don't wanna feel you uncomfortable."

Pabiro ko sinuntok braso niya. "Pinopormahan mo nga?"

Ngumisi lang siya. I guess hindi na nila nakayanan ang boredom nila dito and they need a little fun with girls.

Pagkatapos namin magpaalam sa isa't isa ay pumunta muna ako sa Devin High town para mamili ng pagkain.

Pabalik na sana ako ng dormitory nang naalala ko na isasauli ko na pala yung hiniram ko na libro. Tiningnan ko ang orasan. 5:15 pm palang kaya bukas pa ang library. 

Pagkapasok ko ng library ay binalik ko na sa assistant yung libro na hiniram ko. Naisipan ko na din na mag-aral saglit tutal andito naman ako. Humakbang ako habang naghahanap ng pwesto. Napatigil ako ng nakita ko na naman si Ray na nakaupo habang natutulog at nakahiga ang ulo sa harap niyang mesa.

Lumapit ako sakanya. Some of her long white hair spread across the table. Ang kanang kamay niya ay may hawak pa na ballpen habang ang kaliwang bahagi ng mukha niya ay nakatakip sa libro. Ngayon ko lang napansin ang mahahaba at makakapal niyang pilik-mata. I looked into her beautiful face while sleeping peacefully as the surroundings slowly turning into sepia color.

Umupo ako sa silya na nasa tapat nya. Pinapagitnaan kami ng malaking table kung saan nakalapag ang ibang gamit niya. Nilagay ko sa katabi kong upuan ang bag ko at nagpasya na dito nalang mag-aral.

Pagkatapos ng mga ilang minuto na pagsosolve sa isang math problem ay napansin ko na gumalaw siya. Inangat ko ang tingin ko sakanya. Nakatingin na siya saakin. She just stared at me coldly. Di man lang siya nagulat. Kahit kakagising niya lang ay di ko maiwasan isipin na she looks kinda cute pag bagong gising.

"Mind if i join you?" I asked her.

-Ray's point of view-

"Mind if i join you?"

I stared at him. Deep inside me, i was a bit shock to see his face after i woke up from a nap. Pinagmasdan ko ang itsura niya na habang nakatingin siya saakin. He has boyish black hair, thick eyebrows, thick and long eyelashes which complement well with his brown eyes, pointed nose and thick, red and sexy lips.

Tumango lang ako sa tanong niya at yumuko na. Inabala ko na muli ang aking sarili sa pagbabasa sa libro at pagsusulat ng notes.

I am aware that he's my partner. We were asked to treat them nicely since then pero binalewala ko ang utos na yun. Hinayaan ko si Hero sa mga gusto niyang gawin. I'm really determined not to get close to him although we're partners coz i know, nothing good comes out of it.

I'm well-known as a cold person that's why it's easy for me to ignore people, even him. Although i admit that i kinda felt bad for him last time dahil nag absent ako at napilitan siya mag-isa gumawa ng experiment.

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sakanya. "I'm sorry for being absent last time..." i apologized.

I heard from Alex na halos lahat sa klase ay nakakuha ng mataas na marka, except him. Wala naman ako magagawa dahil sobrang taas ng fever ko pagkatapos ng isang mission. Alex and Meg also adviced na wag na ako pumasok dahil baka lumala kondisyon ko.

Tumaas ang isang kilay niya. Hindi niya inaasahan na mag so-sorry ako. Umiling siya pagkatapos "Okay lang. I got a low grade pero hindi naman bagsak."

Tumango ako at inabala na muli ang sarili sa pag sosolve ng math problem. It's my first time to study together with a partner. I'm really not the type of student who participates in a class but i can't afford to have a low rank in our batch.

"Anong nangyari sa kamay mo?" nagulat ako na nagsalita ulit siya. I remained my cold stare at him. Napasilip ako sa kaliwang kamay ko naka nakabalot ng benda.

"Just a little scratch from last time."

"Nung nag absent ka?" tanong niya muli habang nakasalubong ang kilay.

I slightly sighed. I don't really like how he's being curious about me. Tumango nalang ako habang di nakatingin sakanya.

Lumipas ang oras na tahimik lang kami nag-aaral. Sinilip ko ng konti kung ano inaaral niya at nakita kong seryoso siya nagbabasa ng chemistry book namin. Naalis tingin ko sakanya nung lumapit saamin ang librarian.

"Mr. Sychua and Ms. Yvanez, please fix your things because we're closing the library soon."

Tumango kami ni Hero at inayos ang aming mga gamit. Sabay kami lumabas ng library at tahimik naglalakad palabas ng building. 7 pm na kaya madilim na at nakabukas na ang mga ilaw sa poste.

Sanay ako na mag-isa lang at di nakikipag-usap sa iba that's why i appreciate na tahimik lang yung kasama ko.

Nakalampas na kami ng building ng boys dormitory kaya nagtaka ako kung bakit di pa siya nagtungo dun. Napatingin ako sakanya na nasa gilid ko lang.

"Hatid na kita sa building niyo." Sabi niya habang nakatingin sa dinadaanan namin.

Nagulat ako. "Hindi naman kailangan."

Tumango siya "Alam ko. Just let me."

Iniwas ko tingin ko sakanya. Nakakapagtaka. Nung una kaming nagkita tinulak ko siya sa puno at naalala ko na nagalit siya nun. Naapektuhan din grado niya sa lab experiment dahil sa pag absent ko. Hindi ba siya galit sakin? Dapat nga iwasan niya ako eh. I actually asked sa kilala kong mataas na opisyal sa school kung pwede palitan ang partner ko, but he refused and asked instead to treat him nicely. I didn't follow his order at pinapakiramdaman kung anong balak niya.

Parehas kami tumigil nang nakarating na kami sa building ng girls dormitory. Nilingon ko siya.

"Salamat." mahinang sabi ko

Kitang kita ko ang gulat sakanyang mata. Tinalikuran ko na siya. Napatigil ang hakbang ko nung narinig ko siya sumagot.

"Walang anuman."

Napayuko ako. I don't want to think that he's a nice person.

Nagsimula na ulit ako maglakad papasok ng building. Pagkapasok ko sa aking room ay kaagad ako napahiga sa kama.

What was that? Did i just say thank you to a person that i barely knew?

Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko yun at binasa ang text na dumating.

'Good job. I see you're finally getting close to your partner.'

Napabuntong hininga ako at pinikit ang mga mata ko.

Continue Reading

You'll Also Like

16.7K 930 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
333K 22.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...