If I Fall (Taglish)

Von shirlengtearjerky

13.9M 234K 47K

Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017] Mehr

If I Fall
0.5: You're The One That I Want
Chapter 1: First Day High(way to hell) Part 1
Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2
If I Fall Chapter .5 (#2) - You're The One That I Want
Chapter 3: Second Day's The Charm?
Chapter 4: SASSA
Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!
Chapter 6 - Honors Class
Chapter 7 - Uh oh.. Secret Revealed?!
Chapter 8: Ex Marks The Spot
Chapter 9 - What Goes Around Must Come Back Around
Chapter 10: Friday I'm in...?
Chapter 11: The Devil Made Me Do It
Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three
Chapter 13 - Not My Cup of Tea
Chapter 14: Knight in Shining.. NOT!
Chapter 15: A Night Like This
Chapter 16: The Thing With First Impressions
Chapter 17: Picture To Burn
Chapter 18: Academics For Dummies
If I Fall Chapter .5: You're The One That I Want (#3)
If I Fall Chapter 19: Stuck With You
If I Fall Chapter 20: Hot For Hoops, Not For You
If I Fall Chapter 21: August Rush
If I Fall Chapter 22: Tipping Point
If I Fall Chapter 23: The Clash
If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)
If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape
If I Fall Chapter 26: Twelve Hours
If I Fall Chapter 27: No Good Without You
You're The One That I Want Update (#6)
If I Fall Chapter 28: Who's Who
If I Fall Chapter 29: Every Night Is Another Story
If I Fall Chapter 30: To Date Or Not To Date, That Is The Question
If I Fall Chapter 31: Switcheroo
If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony
You're The One That I Want Update #7
If I Fall Chapter 33: Fourth Comings
Chapter 34: Harder To Breathe
Chapter 35: Your Ex Girlfriend Sucks
Chapter 36: Inexpressible Love (n)
Chapter 37: All The Small Things
Chapter 38.1: On The Side Of Me
Chapter 38.2: Please, Please, Please Let Me Get What I Want
Chapter 38.3: Lost In Space
Chapter 38.4: You And I
Chapter 39: October Blues
Chapter 40: Hands All Over
Chapter 41: Pep Rally
Chapter 42: Rumor Has It
Chapter 43: Flashbacks (Vivien)
Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing
Chapter 45: MTF.. BCWSBF?
Chapter 46: What Are You Willing To Lose?
You're The One That I Want Updated #8
Chapter 47: Weights And Measures
Chapter 48: The First Cut Is The Deepest
Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01
Chapter 50: The Unopened Letter To The World
You're The One That I DO NOT Want
Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends
Chapter 52: I Know It's True, But I'm Sorry
Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]
Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]
Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]
Chapter 54: Are You True?
Chapter 55: Turning My Safety Off
Chapter 56: Twenty Three
Chapter 57: Truth, Bitter Truth
Chapter 58: (I Just) Died In Your Arms
Chapter 59: Yet
Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out
Chapter 61: Love Is A Losing Game
Chapter 62: Perfect Little Secret
Chapter 63: Bad News For People Who Love Good News
Chapter 64: You Know I'm No Good
Chapter 66: I Can't Lie
Chapter 67: Show Me What I'm Looking For
Chapter 68: Steal Your Heart
Chapter 69: As Long As It Matters
Chapter 70: I Can't Make Me
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)
Chapter 72: I Would Do Anything For You
Chapter 73: Stand By Me
Chapter 74: Forever Young
Chapter 75: Time Of Our Lives
One Last Angry Look
Author's Note: If I Fall Sequel

Chapter 65: Evidence

113K 2.6K 443
Von shirlengtearjerky

Chapter 65: Evidence

THIS IS IT! 10 CHAPTERS TO GO!
And sorry kung late 'to, busy lang.

I typed this chapter while listening to Urbandub's Under Southern Lights album, hence the chapter's title. May certain line kasi sa kantang yon na.. basta. Magegets nyo na rin sana 

Comment and vote if you liked the chapter XD


**


Isang problema natin (aware ka man o hindi) ay ang LABELS.

Bakit nga ba kailangan ng labels? Para malaman kung anong posisyon mo? For branding's sake? O isa lang 'tong epal ba bagay?

Sabi ng karamihan, kailangang bigyan ng label ang LAHAT ng bagay, to avoid confusion. To mark the necessary territories. Para walang umepal na China sa pag-aari nyo.

Kaso.. ano kaya ang feeling nung mga taong ninilabelan? Okay lang ba sa kanila ang may label sila o ikaw lang talaga ang may trip na yun?

Sige, tignan natin sila at ang kanilang labels. Kung kumportable ba sila sa labels.. or lack of labels.

**
LABEL #1: MORE THAN FRIENDS, LESS THAN LOVERS (EH KELAN BA MAGIGING LOVERS?)


Nangangatog si Rocky pagkagising nya, Monday morning. Ngayong araw na kasi lalabas ang DLSUCET results nya. Feeling naman nya papasa sya.. kaso may something na hindi sya maintindihan.

She got up and opened her laptop na kinakabahan pa rin. This is about her future.

Her na lang ba? Di ba may 'us'? - naimagine nya na boses ni Wes ang nagsabi nun. Ilang araw na rin since nung inannounce ang UPCAT results. Of course, masaya sya kasi pasado silang dalawa ni Janine sa LB. Masaya rin sya na pasado si Wes sa Diliman, at least maganda ang resulta ng ilang linggo nilang pagrereview. Pero.. something's bothering her. So--


"ATE!! PASADO KA!! PASADO KA!!!"


Hindi pa nga nagregister sa kanya ang sinabi ni Brylle sa labas ng kwarto nya. After 5 seconds pa nya narealize yun.

She passed. Chemical Engineering.

Of course her reaction: happy. For like 5 seconds.

Napaisip sya. She somehow wants to be a Chemical Engineer in the future. Maganda kasi ang tunog ng Engr. Rachel Anne Rodriguez eh. Ngayong pasado sya sa Devcom.. she's not that ecstatic. Kinuha lang nya ang course na yun para may malagay lang sa form. Wala nga syang background about Devcom!

"Transfer ka na lang after a year sa Diliman. One year lang naman eh!"

Yan yung sabi sa kanya ni Wes nung pauwi sila last Friday. Tumahimik kasi sya tungkol sa results.

"Sure. Siguro madali lang namang magtransfer sa Diliman, ata." Of course, half-hearted lang yan.

Ganto yung naramdaman nya last year, nang makapasa si Podi sa La Salle. Ang reason nya para makipagbreak? Ayaw nyang matali si Podi sa isang relationship pag papasok sya ng college. Baka kasi makakilala pa sya ng better kesa sa kanya, and she wants to save herself from the heartache. Nagulat na lang sya na pumayag si Podi sa sinabi nya. She expected (more of wanted) him to retaliate, but the opposite happened. Friends naman sila after ng break up, pero alam nila sa isa't isa na hindi na kagaya ng dati yun.

"Paano kaya kami ni Wes?" she asked herself while combing her hair. Teka, napaisip ulit sya, di pa nga sila ni Wes eh! Sure, they both like (love?) each other, but is that enough? Kung sabagay may punto rin naman si Rocky, high school pa sila, marami ka pang makikilalang iba. Magmamature ka pa. Mag-iiba pa ang preference mo for a partner. Magpapatali ka ba agad?

Siguro kung si Wes ang tatanungin nya, he would say yes. Mukha namang sure na sure ito sa feelings nya para kay Rocky. Kaso si Rocky kaya? Oo, mahal nya ito (na di nya masabi) kaso.. palagi na lang may kaso. At dun nagsisimula ang doubts.

LABEL #2: "Ay-ang-swerte-mo-sa-kanya"

Maraming nagsasabi na swerte si Janine kay Chester. Kung tutuusin totoo ito. Chester's a catch! Matalino, gwapo.. magaling kumanta.. dependable. Lahat na ng kailangan nya na kay Chester na!

Pero minsan di nya maiwasang isipin.. swerte nga sya kay Chester, oo given na yun. Pero ganun na lang ba talaga? Hindi ba pwedeng the other way around? Sa tingin nya maraming nag-iisip na isa syang dakilang user. Feeling nya tuloy nasa isa syang sitcom or worst, cliched teen movie na kung saan inuuto ng isang Queen Bee ang nerd boy. That thought makes her sick in the gut.
 

Ang dami namang pwedeng problemahin: graduation, college, grades.. pero pag-ibig? Wag muna! Love makes you think too are below average. Hindi naman tumatanggap ang UP ng extra curricular points. Di rin nya natapos ang Math part ng UPCAT. Paano sya nakapasa?

Imposible man pero naisip ni Janine na baka may kinalaman si Chester sa pagkapasa nya ng UP. Nagtatrabaho kasi sa UP ang bestfriend ng mommy nito, at baka inilakad sya. Pero.. magagawa nga ba ni Chester yun?

Ayaw nyang itanong kay Chester ang concerns na 'to, baka kasi tawanan lang sya. Eto ngang agit sya sa reaction ng tatay nya, ang nasabi lang eh "Wag mo nang isipin yun.." paano pa kaya kung eto?

"9! 9!" tawag sa kanya ng kagroup nya sa Physics nang dumating sya sa classroom. "May assignment ka na ba?"

Nilabas ni Janine ang notebook nya sa Physics. "Yup. It took me 2 hours bago magets yan!"

"Grabe buti ka pa nasagutan mo! Oh well tinuruan ka naman ni Chester kaya nagets mo agad! Swerte mo teh!!"

Gusto nyang sabihin na sya ang nagsagot ng assignment nya, na  walang tulong ni Chester. Nagresearch at pinagtuunan nya ng pansin ang assignment nya yun! Tapos naattribute na naman kay Chester?

Bumalik na naman ang takot nya dati, na baka sobrang dumepende na sya kay Chester. Na wala na syang identity pag wala si Chester. Kumbaga luma-loveteam lang ang peg na di gaanong malakas ang hatak ng artista kumpara pag may kaloveteam sya.

Habang kinukopya ng groupmate nya ang assignment, napaisip sya.. "Swerte kaya sakin si Chester?" Inisip nyang mabuti yung mga sinasabi ng tao tungkol sa kanila. Kesyo akala nila matagal na silang mag-on pero di pa pala. Pag kino-congrats silang dalawa di nya alam kung para kanino ba yun, sa kanya o kay Chester?

Ayaw nyang mag-isip ng negative na bagay ngayon. Gusto lang nya na ienjoy ang natitira pang oras na kasama nya ang mga kaibigan. Positive vibes lang. Kaso may nararamdaman syang iba.. natatakot sya for an unknown reason.

"Salamat, Ja!" nadistract na si Janine sa kaklase nyang epal. Tahimik nyang tinago ang notebook sa ilalim ng desk at nagrest na lang. Matutulog na lang sya, para masaya.


LABEL #3: "HANGGANG-DITO-LANG-TAYO" relationship


Kung pwede lang nyang ibalik ang nakaraan.. e di sana ginawa na nya.

Busy si Lean sa pagcocompute ng grades ng graduating Honors students nya. Hanggang ngayon kasi ay nakatengga pa rin sa table nya ang evaluation sheet, wala syang malagay. Never nyang inexpect (or more likely he ignored this) na kailangan pa nyang gumawa ng evaluation. Bagong teacher lang sya, bakit pa nya kailangang mag-evaluate? Dapat pa nga sya na lang ang i-evaluate ng mga estudyante!

Bored na sya kaya nilabas nya ang laptop at nagdecide na magtype na lang ng Those Three Words. Halos 2 months na rin syang di nag-uupdate at kinukulit na sya ni Barbs. And speaking of Barbs, hindi pala sya kinulit nito the past week. Natatawa nga sya sa sarili nya, eto sya: lalaking teacher na imbis magcompute ng grades ay eto, nagtatype ng isang Romance story. Di nya talaga mapigilan, outlet nya ang pagsusulat ng mga bagay na di nya naeexperience. Ang weird lang.

Those Three Words Chapter XX, he typed.

Kaso wala syang maisip na kwento.

Ilang linggo na rin syang ganyan. He was disturbed by this annoying.. something. He can't put a finger on it. Basta, alam nyang may nagbago sa kanya. Ayaw lang nyang alamin, natatakot sya.

Pinuntahan na lang nya ang WP profile ni Vivien. Stalkerish man ang dating pero natutuwa sya sa comments ng estudyante nya sa mga binabasa nito. Di mo kasi akalain na ganyan sya kaaffected sa mga binabasa nya. Todo punctuation marks, at minsan pa nga naka-all caps sa comments. Tago ata talaga ang pagka-aggressive nito.

He found himself smiling. Agad syang nagtaka, bakit? Seeing her profile makes him so elated. Matagal na rin nyang hindi nakikita si Vivien since naging busy ito sa pagrereview para sa exams. He was glad na nakapasa ito sa Diliman kaso sa course pa na ayaw nito, Electrical Engineering. Agad nya tong tinawagan nang marelease ang results at medyo malungkot ito. Afterwards di na nya ito nakausap.

A "what if" passed his thoughts na agad nyang inalis sa isip nya. Tama na ang pag-iisip nya.

A second later, nagsimula na syang magtype. Tuluy-tuloy lang, as if may sumapi na espiritu sa kanya. Type lang, mamaya na ang edit. Five minutes later, tumigil na sya. At binasa nya.


"I'll be eighteen," mahinang sabi ni Red kay Tres. Hinigit pa nya ito palapit sa kanya. "You can wait, right? Tres.. ilang buwan mawawala na rin 'tong sumpa or whatever na 'to. We can walk through this world together."

Tinitigan lang sya ni Tres, ni hindi nya maintindihan ang expression ng mukha nito. Bigla syang natakot. Iba ang nararamdaman nya.

"This isn't right. Paano ka nakakasigurado na mawawala yan pag nag-18 ka? Sinong nagsabi? I can't risk your life again. Sabihin nating mawawala nga, paano kung bumalik?"

Her tears started to well up. "You're being unfair! Ni hindi pa nga natin nasusubukan! Ano b--"

"Isa nga 'to sa mga bagay na di pwede ang trial and error kasi mamamatay ka!" he screamed. "Ano bang di mo maintindihan dun, Red? Magkasama nga tayo pero bawat segundo nasa pahamak ka! Sa tingin mo kaya ko yun? I can't afford to see you hurt because of me. This may sound so hurtful but you're not normal. Spending time with me could kill you. Para matakasan natin ang kumplikasyon.. siguro wag na lang tayo, Red. Wag na lang tayo. Iba na lang. Mas magiging masaya pa ako na di tayo magkatuluyan kesa tayo nga pero mamamatay ka naman. Intindihin mo, Red. Masakit man pero.. mas gusto kong mabuhay ka kesa.. kesa mamatay ka dahil sakin."

Wala nang nasabi pa si Red. Ano nga bang masasabi pa dun? Tinatapos na. Wala nang pag-asa pa.


Napatulala na lang si Lean sa tinype nya. Di nya akalain na ganto ang lumabas sa isip nya. If you could read and decipher between the lines.. malalaman mo kung ano talaga ang nararamdaman nya.

Puro "kung" na lang. Wala bang konkretong sagot?

**

LABEL #4: "We-understand-each-other but.. it's complicated" relationship


Para kay Cyrus, mas nahihirapan sya sa sitwasyon nila kesa kay Barbs.


Mas nauna syang pumasok kesa kay Barbs kanina. Una nyang napansin dito ang pagiging balisa nito. Wala ito sa mood na gumawa ng ano, kahit magtaray di nito ginawa. Basta na lang itong umupo at natulog.

Huli silang nag-usap nung Friday dahil sa UPCAT results. Di nga nya alam kung matutuwa sya o ano na parehas silang nakapasa sa Diliman. Feeling nya galit sa kanya si Barbs.

Sino nga ba naman ang matutuwa kung palaging paligoy-ligoy ang kausap mo? Pati sya naiinis na sa sarili nya, di nya masabi-sabi kay Barbs ang gusto nyang sabihin.

In his defense, may kasalanan din si Barbs. Agad nitong sinasarado ang utak at tenga nya pag nag-eexplain sya. Kasalanan din nya, di sya straight to the point.

Madaling sabihin para sa spectators na makupad sya, na masyado syang paligoy-ligoy. Di rin kasi applicable sa lahat ang spontaneous moment eh. May mga bagay na kailangang pag-isipang mabuti, at para sa kanya ay ito yun, ang pag-amin kay Barbs. Call it over rationalizing but he's more comfortable that way. Lalo na pagdating kay Barbs. Lahat ng bagay ay may kumplikasyon, at alam nyang may consequence ang lahat ng gagawin nya. As much as possible ayaw nyang madamay si Barbs dun.

Buong umaga nyang pinagmasdan si Barbs. Kumain naman ito ng usual amount nung first break time. Madaldal nung English, tameme sa Math. Pero nakatingin ito sa labas ng classroom.


He approached her before Physics class.


"Barbs?"

Agad namang lumingon sa kanya si Barbs, halatang defensive. "Ano?"

"May meeting pala tayo sa Friday, just so you know."

Barbs shrugged. "I get it. Iaannounce ko na lang ulit mamaya sa iba. Makakaalis ka na."

Of course, hindi nya sasabihin ang gusto nyang sabihin that moment. Ayaw nyang agaw-atensyon, at halatang gusto na syang hambalusin ni Barbs right there. Kelan pa ba nya masasabi? Di rin nya alam. Basta ang gusto lang nya ngayon ay mag-ingat bago malaman ni Barbs ang nararamdaman nya.


At ang pinakahuling label sa lahat?


LABEL #5: The One Who Got Away Before Something Happened


Lutang pa rin si Barbs sa nalaman nya nung Sabado.


Ilang beses nagpaulit-ulit sa kanya ang sinabi dati ni Cyrus na "Don't ask questions if you're not ready for answers" nung weekend. Hell, she's not ready for something like that. Sino nga bang magiging ready dun? Biglaan eh!

Ayaw pa rin nyang maniwala na nanggaling kay Seth yun. Baka naman nagbibiro lang ito. Pero, naisip-isip nya, ang weird naman ng sense of humor nya. Di nya naabot! Kelan pa ba naging nakakatawa ang pagsasabi ng "I think I'm falling in love with you and I don't quite like it"?

Buong weekend nyang pinag-isipan kung ano ba talaga ang ibig sabihin nun. Baka kasi nagkamali lang sya ng rinig. In short, denial pa rin sya sa narinig nya.


"Why me?" tanong nya nang tumingin sya sa salamin nung nag-CR sya, first break. Ayaw pa naman nyang tumingin sa salamin, ang dami nyang naalala. Sa loob halos ng 3 weeks, bakit may nagsasabi sa kanya ng ganun? Iniisip nya kung ganto ba ang nararamdaman ni Vicky dati. She despises this feeling of being wanted. Paano nya maka-cater ang pangangailangan ng ibang tao kung maging sya di maintindihan ang kailangan nya. How can she reciprocate feelings that took her years to forget? Life's messy, but love's a hell hole of shitty things she couldn't handle.

Absent si Seth nung araw na yun. Di nya alam kung bakit nya ito hinahanap-hanap. Maybe because he left her hanging last Saturday. Maybe she wants to know why he said that. Or maybe, just a hypothetical maybe, she wants to know if she actually felt something.


"Barbs?"

That voice again. Naiirita sya pag naririnig ang boses ni Cyrus. "Ano?"

"May meeting tayo sa Friday, just so you know."

Pag nakikita nya si Cyrus.. para syang sinasampal ng mga mali nya. Minsan naiisip nya na self-righteous na 'tong Tuko na 'to. They don't think alike yet they understand each other.

Erase, she told herself. Di dapat ito ang pinoproblema nya. She shrugged. "I get it. Iaannounce ko na lang ulit mamaya sa iba. Makakaalis ka na."

He stood there for awhile, as if he's going to say something. Pero as alwyas, he opted to seal his mouth. Sanay na si Barbs sa ganyan ni Cyrus. Ang mga bagay, pag paulit-ulit, nakakapagod na rin.

As for the other one? Di pa rin nya alam.

**

WEDNESDAY


PE CLASS


"Okay class!" sigaw ni Rons nang makumpleto na ang Archi sa school gym. "In less than a month magaganap na ang last nyong Prom." Nag-boo naman ang ilang boys ng klase sa sinabi ni Rons. "..Bakit totoo naman, diba? February 23 ang JS Prom nyo diba? Dapat maghanap na kayo ng date!"

Lumakas na naman ang ingay mula sa mga taga-Archi. Big deal talaga sa Seniors ang Prom, kailangang may date.

"JANINE!!" tawag ng teacher na halatang inis na inis na. "Ikaw na nga dito! Iexplain mo na sa kanila ang pairings!"

Natigilan ang lahat dun. Last year kasi sila ang may freedom na pumili ng partners nila. Kaya ayun, puro "Awww" na naman ang boys.

"Grabe naman kayo makareact!" sigaw ni Janine nang makarating sya sa harapan. "Since ako rin naman ang magtuturo ng dance natin, sabi ni Sir Rons ako na rin ang magdesignate ng partners."

"Baka naman trip-trip yan!"

"Oo nga!! Walang freedom of choice!!"


Narindi na si Janine, di na nya napigilan pa na sumigaw. "Ano ba!! Don't worry, maayos naman ang partners nyo! 15 pairs tayo since 30 tayo sa class. Syempre, Chester's my partner na!!" Medyo napayuko pa si Chester nang magtinginan ang classmates nya sa kanya.

Minutes later inannounce na ni Janine ang pairs at pinapila ang mga ito sa right side ng gym.

"Of course, by request! Si Rocky and Wes!"

Medyo loading pa kay Rocky ang sinabi ng bestfriend nya. Narealize lang nya ito nang higitin sya ni Wes papunta sa right side. "Bakit?" she asked him.

"Partners kasi tayo this year," nakangising sagot ni Wes. "Last year kasi may nakabakod sayo." Last prom kasi partners sina Podi and Rocky since 29 pa lang sila sa klase noon.

Naging awkward tuloy si Rocky. "Suuus.. tampo! Di bagay!"

"Tsch. Ewan. Basta partner kita sa social dancing."


Patuloy pa rin si Janine sa pag-aannounce nang..


"Cyrus and Barbs!"


Literal na tumigil ang pag-ikot ng mundo sa announcement na yun. Nasa magkabilang side ng gym sina Cyrus at Barbs, at kokonti na lang sila na walang partner. Akala ng lahat mali ng announcement si Janine.

"Sure ka dyan?" maging si Rons nagulat sa sinabi ni Janine.

Tumango naman si Janine. "Affirmative po, Sir!"


Walang reaksyon si Cyrus, pero sa loob-loob nya ay gulat sya, di naman nya nirequest na partners sila ni Barbs. At alam nyang yun ang iisipin ni Barbs.

Si Barbs? Ang inis nya kanina ay naging galit na. Wala syang plano na umattend ng JS Prom tapos.. si Tuko pa ang partner nya? Lokohan?

"B!!" tawag ni Janine sa kaibigan. "Pila na kayo! Come on!"

Nagkatinginan ang dalawang ill-fated partners. Lahat ay nakatingin sa kanilang dalawa. Nag-eexpect ata sila na sumabog ang dalawa. Pero..

pumila ang dalawa. Of course, malayo sa isa't-isa.

Nasa harapan nilang dalawa ang ever partners na sina Vivien at Karl. Gusto sanang magtanong ni Vivien kaso nakakatakot ang aura ni Barbs, parang mangangain ng tao.

Nagsimula na ang demo nina Janine at Chester. Jive kasi ang napunta sa Archi, at medyo mahirap ito dahil sa footworks at mabilis ang tugtog. Kailangan ni Janine ng malaking pasensya sa pagtuturo ng sayaw kasi sya lang naman ang member ng PAC sa Archi girls.

Sina Barbs at Cyrus? Walang usap-usap. Tahimik lang silang nanonood sa demo. Buti na lang next week pa ang start ng totoong practice nila. Unti-unting kinukumbinsi ni Barbs ang sarili na umabsent next week, at every Wednesday para makatakas sya sa sayaw. Himalang nacontrol nya ang emosyon nya ngayon, kasi alam nyang may iba pang bagay na dapat nyang problemahin kesa sa sayaw at partner nya na di nya masabi ang pangalan.


**

Pero di na rin kinaya ni Barbs ang init ng ulo. Pagdating nya sa classroom...


"ANAK KA NI ZUMA KITAGAWA!! AYOKO NGANG SUMAYAW!!! BAKIT MO AKO NILAGAY DUN!!!"

Silang dalawa lang ni Janine ang natira nung breaktime sa classroom. Well, more of sinadya ni Barbs na magpaiwan silang dalawa.

"Barbs naman! Last prom na 'to oh! Sumama ka naman!"

"You know that I don't do prom shits! Bahala ka, hindi ako pupunta dyan!!! Nyeta!!!"

Sumimangot na lang si Janine. "Seriously Barbs.. sometimes I can't understand you. Ewan ko ba kung attributed to sa pagkatanga ko but.. can you loosen up a little? You're too uptight eh. Kahit kaibigan kita.. di ko maiwasang isipin kung paano ka ba nagiging masaya, yung totoong masaya," she paused, nagulat sa mga pinagsasabi nya. "Sorry B, I just have to let that out. Bye! Maglolocker lang ako!"

Those words somehow ticked her. Totoo naman ang sinabi ni Janine.. maging sya ay walang clue kung paano ba sya pag masaya.

**

THURSDAY


As usual, magkasabay na pumasok ang Wesky. Tuwang-tuwa pa rin si Wes kasi partners sila sa social dancing, pero hindi pa nya ito nayayaya bilang date nya.

"Psst," sutsot nya kay Rocky habang naglalakad sila papunta sa kanto nila. "Malapit na birthday ko."

"Oo nga. Advance!"

(_ _ ) "Grabe, yun lang masasabi mo? Okay ka lang!?"

"Eh ano namang gagawin ko ha? Tumambling?" natawa si Wes. "See? Tatawanan mo lang ako."

"Fine. Alam ko namang sure na 'to but I'll ask anyway.. will you be my prom date?"

Tumigil sa paglalakad si Rocky. Expected nyang yayayain sya ni Wes for Prom but not this early!! At hello, 6:13 am pa lang!!

Nang di sya makasagot, nagsalita ulit si Wes. "I know sobrang aga.. pero kasi prom falls on my 18th b--"

"So debut ang peg mo?"

"Patapusin mo muna ako, pwede?" binelatan sya ni Rocky. "Ayun nga, birthday ko sa prom. So.. gusto ko sana na ikaw ang date ko. Para pambawi dun sa last year."

"Ginagawa mo yang excuse na yan ah!"

"Syempre binakuran ka ni Podi last year, di kita nasaya--"

"Malamang babakuran ako nun, syempre kami."

"Kaya nga inagahan ko eh, baka kasi may magyaya sa'yo, wala naman akong karapatan na bakuran ka kasi di pa naman tayo."

Medyo ouch yun sa part ni Rocky. Alam nyang pabiro ang intensyon ni Wes dun pero considering her dilemma.. masakit. Napansin naman ni Wes ang discomfort ng kasama kaya binawi nya agad ang sinabi. "I didn't mea--"

"Okay lang. Ako naman talaga ang nagpapabuffer eh," she faintly smiled. "Sorry about that."

"Suus ayos lang. Alam kong iniisip mo ang college kaya natatagalan ka," magrereklamo sana si Rocky. "Wag na i-deny. I know you, Rachel Anne. Since lumabas yung UPCAT results medyo agit ka na sa mga bagay. Di naman ako pwedeng magdecide para sa'yo. La Salle or LB, it's up to you. Maganda ka pa rin naman."

Bumalik na ulit ang sigla ni Rocky. Kahit paano nakahinga sya ng maluwag. "Ayan ang gusto ko! Bumabawi sa dulo! About the thing earlier, fine. Ikaw na prom date ko. Okay na!"

Todo ngisi na lang si Wes. "Sus kanina ko pa alam yang sagot mo. Hinihintay ko lang na manggaling mismo sa'yo. Tara na beh, malelate na tayo! Patay tayo kay Ma'am Barbs!"

**

Maagang pumasok sina Janine at Chester para magpractice ng sayaw nila. Bukas kasi ituturo na nila ang second half ng sayaw sa klase.

"Teka lang Ja," halos hingalin na si Chester sa kakasayaw. "Break muna, please?"

Tinigil ni Janine ang music at umupo sa table. Buti na lang barkada nila si Barbs, excused sila sa CAT drills nung umaga na yon. "Okay ka lang?" she asked him. Inabutan pa nya ito ng tubig.

Halos maubos ni Chester yung tubig sa sobrang pagod. "Thanks. Hey, nagawa mo yung assignment sa Physics?"

Nilabas ni Janine yung notebook nya at pinakita kay Chester. "Kaya di mo ako makausap kagabi dahil dyan. Okay naman diba?"

"Yup. Tama yung ginawa mo dito. Naks! Kaya pala di mo ako pinatawag sa inyo ah!" he nudged her. "Galing naman!"

Nagblush tuloy sya. "Shut up nga. Syempre I have to do my assignment. Magcocollege na, alangan namang hanggang dun umasa ako sa'yo for my answers. Ang creepy lang diba? Feeling ko Nokia ako."

"Ha? Nokia?"

"Nokia.. user. Basta gets mo na yun!"

Narealize ni Chester yung sinabi ni Janine. "Hey, I'm your tutor. And don't thi-"

"I can't have you as my tutor forever, Ches. Hello, Intarmed ka kaya! Hinahanda ko na ang sarili ko sa isolation because of your schoolworks. Kaya I decided to do things on my own, tulad ng sinabi ko sa'yo last year. Para mabawasan din yang inaalala mo."

"Eto naman! Girlfriend kita, kasama yun sa duties ko."

"Kaya ko pa naman eh. Pag di na kinaya ng utak ko.. dun lang kita lalapitan, okay ba yun?"

Napangiti na lang si Chester. "Sure. But answer me honestly, ilang oras mong ginawa 'tong assignment?"

"Uuhh.. bordering to 2 hours. Why?"

"May shortcut kasi yan."

"WHAT!!!" pero kumalma kaagad sya. "Fine fine fine. Ituro mo na lang sakin, okay? At least I learned it the hard way."

"Okay fine. Wag ka kasing mag-alala. Tatapusin pa natin 'tong sayaw para mamotivate si Barbs sa pagsayaw!"

"Kausapin mo nga yang bestfriend mo!" napasimangot si Janine. "Aahh nevermind! Let's practice na lang!"

**

Magkausap sina Vivien at Karl tungkol sa Prom. Pinagpaplanuhan nila ang pagsayaw nilang dalawa. Di naman kasi sila marunong sumayaw eh, lamang lang ng dalawang paligong sayaw si Vivien sa kakayahan ni Karl.

"Ikaw na lang magsabi kay Janine na palipat tayo sa harap," suggestion ni Karl. Yun kasi ang number one problem nila, nasa harap sila. Last year kasi tumalsik pa ang heels ni Vivien habang sumasayaw sila.

"Sige, ako na bahala. Ayoko na rin maulit yung last year."

"Aahh ano Vivien.. may date ka na ba sa Prom?" nahihiyang tanong ng lalaki.

Nagulat si Vivien sa tanong na yun for 2 reasons. Una, first time lang nyang mayaya ng lalaki sa prom. Pangalawa, hindi nya inexpect na magagawa ni Karl yun.

"A-ako?!" nag-aalangan nyang tanong. "B-bakit naman?"

Nahiya na rin si Karl. "L-last prom na kasi.. tas ang panget naman kung walang date. Sorry Vivien, disregard mo na lang. That was out of line. Baka may ka-date ka na."

"Wala naman akong ka-date. In fact.." natigilan si Karl dun. Then she sheepishly added, "First time ko lang kasing mayaya sa ganyan. I went alone last year."

"So.. okay lang sa'yo?" nabuhayan ng loob si Karl. "Sure ka?"

She nodded. "Last naman 'to, diba? Ayos lang sakin! Kesa forever alone tayo sa prom."


"Thanks ha, Viv! Pag nakapagdecide ka na sa color ng damit mo.. sabihan mo lang ako. Una na ako, ha?" di na nya napigilang ngumiti.

Vivien bid him goodbye. Nang makaalis si Karl dun lang nya narealize na nagbublush sya. Di nya maexplain yung feeling! First time nya yun, na mayaya ng lalaki. At least this coming JS, di na sya maiiwan sa table habang nagsasayaw ang mga kaibigan nya.

**

At dahil silang dalawa ang magkapartner, iniwasan na naman ni Barbs si Cyrus.

Kagabi pa sya nag-iisip ng valid excuse para di sya makaattend ng prom. Sabihin nya kayang may namatay syang kamag-anak? Wag, nagpapadala nga pala ang Charleston ng flowers pag ganun. Eh biglaang kasal? Baka maghanap sila ng pictures. Binyag? Graduation? Debut?

SASABOG NA ANG UTAK NYA SA KAKAISIP!!!


Hindi naman dahil kay Cyrus kung bakit ayaw nya umattend ng Prom. Ayaw lang talaga nya. Sayang sa oras, pagod at pera! That's not her thing. That would never be her thing. Bakit, she did skip Prom last year! Pwedeng-pwede nyang gawin yun this year! Graduating na sya, aba!

Pero.. dahil sa graduating nga sya.. yun pa ata ang magiging problema.

Kasi pinapatawag sya ni Mrs. Yap sa office nito bago mag-uwian.


"Sigurado ka!?" paninigurado nya kay Wes sa locker area. Wala silang Honors ngayon kasi may inaasikaso si Lean sa masteral nya. "Baka naman may pa-activity si Lean!! DI AKO PINAPATAWAG NI MRS YAP!!!"

Tinignan lang sya ni Wes nang weird. "Pumunta ka nga raw dun bago umuwi. Baka may itatanong lang about your club activities. Saglit lang naman yun."

"PWEDE AKONG MAMATAY WITHIN 10 SECONDS!!! PABABAYAAN MO BA AKONG GANUN!?"

"Wag ka nga, Barbs. Di ka lalamunin nun nang buhay. Pumunta ka na nga!!"


Mabigat sa loob ni Barbs ang pagpunta sa office ng teacher. Alam nyang di tungkol sa club ativities ang pakay nun. Tungkol s--

She suddenly stopped walking.

Kasi nakita nyang pumasok si Seth sa office ni Mrs. Yap.

"P*tangina bakit!?!" usal nya. "May nakaalam ba nung kagaguhan nya!? Nagreklamo ba yung mall!?!"

Nanlamig ang mga kalamnan nya. Di sya makapagconcentrate ng maayos. Bakit nandun si Seth!? Bakit pati sya nadamay? No choice sya kundi pumunta na rin sa loob ng office para masagot ang mga tanong nya.


Nagulat din si Seth nang makita nya si Barbs na pumasok sa office. Ngayon lang kasi ulit sya pumasok since nung Friday, at ngayon lang din nya nakita si Barbs. Nagkatinginan sila saglit.

"Ms. Ramirez," mahinahon na sabi ni Mrs. Yap sa kanya. "Please sit down."

Umupo na lang si Barbs, opposite ni Seth. Ni hindi nya kayang tignan si Seth. Todo naiilang sya. "Bakit po, Ma'am?"

Sumeryoso na si Mrs. Yap. "Ayoko na magpaligoy-ligoy pa, Barbara. And sa'yo rin Seth. Siguro may clue na kayo kung bakit kayo andito diba?"

"Wala po," sabay nilang sagot, na lalong nagpa-awkward sa atmosphere nila.

"I know na idedeny nyo ito.. pero gusto lang naming agapan. It's about the Prom."


Parang sabay na natauhan ang dalawa. "P-po?!"

"Last year, kayong dalawa lang ang hindi umattend ng prom without a valid excuse. Pinalagpas namin yun before pero ngayon, I think we can't."

Uminit ang tenga ni Barbs sa narinig. Di nya nagugustuhan kung saan papunta ang usapan na 'to. "So ibig sabihin po.. we have to attend this year's prom?"

Mrs. Yap nodded. "Yes. You must attend this year or else the two of you won't march."

"WHAT!?!"

"Requirement sa MAPEH ang Prom. Tsaka Seniors na kayo, ayaw nyo bang makaranas ng prom bago kayo grumaduate?"

"Okay lang sakin hindi," diretsong sagot ni Seth. "Dances bore me."

"A-ako rin po, Ma'am. Willing naman po akong magtake ng written exam!!"

Napailing na lang ang teachere. "I'm sorry guys but you have to attend the prom. Sayang naman ang binayaran nyo for the prom kung di nyo gagamitin. Wag nyo na ring balakin na kausapin si Rons at Sir Mercado, di na rin magbabago ang isip nila. You have to attend this year. No excuses."

Magrereklamo pa sana silang dalawa pero nagsarado na ang utak ng teacher. Tahimik na lang silang lumabas ng office nito.

"Nakakainis!!" sigaw ni Barbs nang medyo makalayo na sila sa office ni Mrs. Yap. "Ayoko nang mag-Prom!!"

Akala nya titigil si Seth sa paglalakad pero hindi, nagpatuloy lang ito sa paglalakad. "Hoy Bello!" she called him. "Wala ka bang gagawin?!"

"Wala. Bahala na," sagot nito. Pero di sya tumingin kay Barbs.

Nabastusan naman dun si Barbs kaya hinabol nya ang lalaki. "Kinakausap ka naman kasi eh!"

"Di ba sabi ko wag mo na akong kausapin!" sigaw ni Seth sa kanya. Napalayo tuloy sya. "Ano bang di mo naiintindihan dun ha? Di naman equation ang sinabi ko sayo!"

"Eh bakit nga nagkaganun!? Bakit ayaw mong sabihin sakin ha!?" yan na lang ang lumabas sa bibig ni Barbs. "Ang gulo mo rin eh! Pwede bang paki-explain? Gusto ko lang maintindihan! Kasi ngayon wala na akong maintindihan sa mga ba--"


Naramdaman na lang ni Barbs na nakasandal na sya sa pader, at medyo iniipit pa sya ni Seth. Eto na ang pinakamalapit nilang nagkatabi.

"I.. I can't do this, Barbara. I really can't. Kung pwede ko lang pigilan pero hindi eh. Don't push me too much, because you won't handle this anyway."

Bumilis na lang ang tibok ng puso ni Barbs. Iba ang impact sa kanya ng mga sinasabi ni Seth. Hindi pa sya makatingin sa mga mata nito ah! "B-bakit ba kayo ganyan.. bakit di nyo masagot mga tanong ko?" she whispered.

"Nyo? Sinong nyo?" tanong ni Seth.

Pumasok sa isip nya si Cyrus. At sa sobrang intense ng emotions nya naiimagine nya ito na nasa may gilid nila ni Seth.

Pero.. hindi lang pala imagination yun.


Kasi malapit nga lang sa kanila si Cyrus.

Na nakatingin sa kanila.

Sa tapat pala sila ng Boys' CR tumigil ni Seth. Saktong lumabas si Cyrus nang magkausap sina Barbs.

Di na kailangan pang sumagot ni Barbs, sapat na ang stunned silence nya na sagot sa tanong ni Seth. Binitiwan nya si Barbs at lumingon, at nakita nga nya si Cyrus.

Sa pagkakataong 'yon wala nang kailangang salita. Okay na ang katahimikan. Mas ramdam mo ang intensity ng eksena pag walang nagsasalita. Ramdam ang takot, ang anticipation..

Pero mas malaman ang mga tingin.

At kung idedecipher ni Barbs ang mga tingin sa kanya ni Cyrus, eto ang transcribed version nito, salamat kay Gabby Alipe.


Caught you in the arms of another. I've been dying everyday since then.


**

HAHAHAHA don't expect too much! I might post the other 2 chaps on Sunday! Kung di ko kayanin baka Ch66 lang sa Sunday. Depende pa! :))

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

32.2K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
2.1M 55.3K 47
"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"
5.2K 472 60
Katulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masa...
2.2M 15.6K 11
Naniniwala si Kyleen Ylkivia Tuazon, o Kai, na magulo na ang buhay niya gawa ng mga pangyayaring nakapagpawala ng kanyang mga alaala at ng buhay ng i...