SECTION ABCD [COMPLETE]

By asrah028

454K 12K 1.3K

SECTION A, B,C,D? Saang section ka nababagay? More

Alphabet Academy [Sister Company ng Labyrinth Academy]
PAGE 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4:TASK
CHAPTER 5:YAHIRO
CHAPTER 6: COMMONER
CHAPTER 7: WALANG PAMAGAT
CHAPTER 8: WULIBULLY
CHAPTER 9:GETTING CLOSER?
CHAPTER 10: CONFUSED
CHAPTER 10:ON RAINY DAYS
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25

CHAPTER 1

44.7K 981 95
By asrah028

Majority sa mga scene dito ay base sa experience ko at sa mga na experience ng mga kaibigan ko. Kaya sana mag enjoy kayo.

---

CHAPTER 1

AOME

Minsan hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ihiwalay yung mga kagaya ko sa ibang section(D).

Pareho lang naman kaming kumain ng KANIN ah! Yun nga lang yung sa kanila JASMINE RICE yung amin ANGELICA, pero iisa lang din yung itsura nun pag labas sa katawan natin. Diba?

''Aome, paki hatid nga tong order nung nasa table 38, tutal wala ka namang ginagawa at naka tunganga ka nanaman!'' Yes, thats my name.. AOME, short for APPLE OF MY EYE.

''Bat di kaya siya yung mag hatid..'' pabulong na sabi ko sa sarili ko, kinuha ko yung tray ng pag kain at mabilis na nag tungo dun sa table 38.

''He---'' napatigil ako sa pag lapag ng pag kain sa table nila ng marinig ko ang isang pamilyar na boses, nakaka inis na boses to be exact.

''Ohh, Aome! Bagay na bagay sayo yang suot mo.. Bat hindi mo try isuot yan pag pasok mo sa school??'' naka skinny jeans, puting plain t-shirt at naka suot ako ng apron, with matching cap pa.

''Bat di ikaw mag try? Ikaw naka isip e.'' sabay lapag ko ng pabadabog yung mga pag kain nila.

Pag talaga galing sa section A at B, asahan mo puro ganyan mga ugali nila..

''sumasagot ka pa hah? Gusto mo bang ma sisante aura mismo? Baka nakaka limutan mo, CUSTOMER AKO, AT WAITER ka lang..'' I just gave this fugly creature a devilish-deadly glare.

''Nasa free country tayo, mag sasalita ako kung kailan ko gusto, at SASAGOT AKO KUNG GUSTO KO. E ano naman kung costumer ka dito?'' tumayo ito at pinag duduro ako na ANIMO KUNG SINO SIYA.

''baka nakaka limutan mong sa costumer nang gagaling yang sinasahod niyo.'' mataray na sabi nito sa akin.

''So? Pinag hirapan naman namin yun e.'' tapos sabi niya pa Kesyo daw di ako bagay sa mga gantong lugar na PANG MAMAYAN ONLY lang daw, E wala naman akong sinasabing bagay ako dito e! Yung akin lang gusto kong makapag trabaho at makapag aral TAPOS.

''Hindi na po ako mag cocomment mam. Enjoy your food nalang po. Mabilaukan po sana kayo, yung tipong dahan-dahan pero siguradong matutuluyan po ako.'' nag head bow na lang ako sa mga ito at umalis na.

Nag madali nalang akong pumasok dun sa staff room at kinausap ako nung manager namin.

''Aome, Ano nanaman yung reklamong natanggap namin galing dun sa mga customers sa table 38?'' inilapag ko yung tray dun sa may mahabang table.

''sorry po sir. Iniinsulto po kase nila yung pag katao ko, natural lang po siguro na ipagtanggol ko yung sarili ko.'' Pangagatwiran ko..

''Cut it, surrender your apron.''

''ANO PO?! Ang bilis naman yata sir, Kung ikaw ba yung ginanun di niyo rin ba po gagawin yung ginawa ko? Kahit naman po Costumers are always right, may limitation naman po yun e!''

''Hindi mo ba ako narinig? You're fired! Now Get out!!!''

''O sige na nga! Pesteng kalbo ka! Kalamo kung sino ka, e manager ka lang naman. Kung maka asta ka kala mo iyo tong restaurant na to!''

''Aba, at talagang ikaw pa tong malakas ang loob na magalit ha?!''

''Talaga..'' pag ka tanggal ko nung apron ko, linapag ko yung apron sa lapag, at dinikdik ko yun! Yung tipong inapak apakan at sinipa sipa.

''LUMAYAS KANA DITO!!''

“LALAYAS TALAGA AKO!’

tutal, nasisante na rin man lang ako. Siguro wala ng masama kung gaganti ako sa mga babaitang yun!  Kinuha ko yung jar nung gravy, nag hahanap ako yung kumukulo, kaya lang wala..

''Look who just lost her precious job. Opps, sorry kung nawalan ka ng trabaho. You're such a bitch kase..'' maarteng sabi ni girl. Nginitian ko lang siya..

''You look so awful.. Wait..'' kinuha niya yung wallet niya..

''here o, 20 pesos.. Wala naman sigurong masama kung mag bigay ako sa nanga-ngailangan.'' nag tawanan pa yung mga kasama niya..

Dahil baliw ako, nakitawa na rin ako. Agad kong tinanggal yung takip nung lalagyan ng gravy, at isinabog yun sa pag mumukha niya.

''NOW, WE'RE EVEN. Have a great day BITCHES.'' pag katapos nun lumabas na ako ng restaurant.

''akala mo kung sino sila.. Pag ako yumamaman?! tatabunan ko ng pera yung mga yun.'' galit na galit na sabi ko habang papalabas ako ng restaurant.

Nag tungo ako sa sakayan ng jeep at dumetso na ka agad sa A.A(Alphabet Academy). Nag madali akong tumakbo papunta sa Registrar Office.

''Sana tanggapin promissory note ko.'' sabi ko habang yakap-yakap ko yung promissory note ko, at paikot ikot sa labas ng R.O..

''bat kase sinagot sagot mo pa si Bokal? Ayan tuloy.. Wala kang pambayad ng tuition fee mo.'' Kung tutuusin nga kame na sa section D ang may pinaka mababang binabayaran.

Libre na yung miscellnous fee at almost 97% yung discount namin sa tuition fee, Kaya laking menos na yun para sa kagaya kong hampas lupa. Plus sa private school pa..

''Miss Nicholas, ikaw na..'' pag ka pasok na pag kapasok dun, nakita ko agad si

Abcde (pronounce as AB-SI-D), ang may ari ng school na to. Estudyante din siya kagaya ko pero siya na yung may ari ng school na ‘toh. Gwapo, actually crush ko siya..

Kaya lang, hindi naman ako magugustuhan nun! Kase kung isama mo ako sa mga ibang babae hindi ako mag sta-stand out.. Hindi ako maganda e! Naganda-gandahan lang..

''You again, miss Nicholas.'' ngumiti ako dito. Habang siya naka tingin lang dun sa laptop niya, siguro nanonood ito ng xrated films.

''ahh, ano kase e..''

''Don't tell me wala ka nanamang pambayad ng tuition fee mo?'' madalas kase ako dito.. Alam niyo naman HAMPAS LUPA NGA AKO.

''o-o, ayy... Opo, nawalan kase ako ng trabaho.. Kaya. Please..'' pinag lapat ko yung mga palad ko.

''bigyan mo ako ng temporary permit.. mag babayad ako next week.. PROMISE!'' nang aktong luluhod na ako.. Kinihua niya na yung promisory note ko..

''Last na ‘to Miss Nicholas.. Sa susunod kung wala ka pang pang bayad, tumigil ka nalang muna. Nang hindi ka balik ng balik dito'' pag ka bigay niya ng temporary permit ko.. Hinawakan ko yung kamay niya, kaya lang.. Tinanggal niya agad ito..

WALA NAMAN AKONG SAKIT A! ARTE NETO! >__<

''may temporary permit kana.. Pwede ka ng lumabas.'' hindi niya pa rin ako tinignan, ano ba kasing pinag kaka abalahan niya??

Pasimple akong sumilip dun sa ginagawa niya.

''GirlFriend mo si Nicoline?!!!''

Dahil sa lakas ng boses ko, bigla niyang sinara yung laptop niya dahilan para magalit ito.

''Wala ka bang manners at basta basta ka nalang sumisilip sa ginagawa ng iba?!'' napayuko nalang ako, dahil kasalanan ko naman e..

''so---...'' hindi ko paman natatapos yung sasabihin ko, pero pinutol niya na!!!!

''get out..''

''Hindi ko naman sinasadya..''

''GET out...''

''hindi ko naman lahat nabasa, dun sa may I MISS YOU part lang..'' nginitian ko pa siya..

''I SAID, GET THE HELL OUT OF HERE!!! O GUSTO MO PANG KALADKARIN KITA PAPALABAS DITO?!!!!!!!!''

Sa sobrang takot, mabilis akong kumaripas ng takbo papalabas ng R.O

''akala ko, babawiin niya..'' napa hawak ako sa dibdib ko.. At huminga ng napaka lalim.

''bat kase na curious kapa Aome?? Kailan kapa natutong maging tsismosa at maki alam sa business ng iba?'' inayos ko na yung sarili ko..

''what happened in registrar office stays on registrar office. Kaya move on Aome.. Move on.''

-----

''God Aome, wala ka nanamang pambayad?? Kawawa ka naman'' naka salubong ko sa may hagdaanan ang kaibigan kong si  CLOVER.

 

Hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit niyang kumaibigan sa mga impaktitang puro plastic na section A at section B, e isa lang naman siyang kagaya ko.. Isang kahid isang tuka..

''Saan ka pupunta??'' tanong ko dito.

''I'm going to meet my friends.. I mean my rich and famous friends..'' napa buntong hininga nalang ako.

''ewan ko sayo. Sige..mauna na ako mag te-test pa ako.''

 

 

 

-       SA CLASSS ROOM NG SECTION D

''Miss Nicholas, bute naka abot ka.. Mag sta-start pa lang kami.. Paki kabit nalang yung permit mo sa table ko.''

''Okay mam.'' habang papalapit ako sa table

''Teka nga..'' kinapa ko ng kinapa yung bulsa ng skirt ko. Binaliktad ko na rin yun.. Tinray ko din sa bag ko.. Pero..WALA DIN..

''Miss Nicholas.. May problema ba??''

''E maam..'' karma ko na yata to sa pag silip dun sa ginagawa ni Abcde kanina.. Paano na ako neto???

T__T

''nawawala po yung permit ko.''

''Miss Nicholas.. You know the rules.. No permit.. No exam. Kaya kung pwede dun ka muna sa labas at mag sta-start na kami.''

''Maam pwede bang pag nahanap ko na lang yung permit ko dun ko ibibigay sayo?? Sige na maam..'' pag mamakaawa ko dito.

''Ilang beses na ba kitang pinag bigyan Miss Nicholas? Napaka unfair dun sa nag bayad on time.. Lumabas kana miss Nicholas, bago ko pa i-65 yung grade mo.''

Wala na akong magawa dahil totoo naman yung sinabi niya.

“Saan ba kase yun naiwan?”

NOW PLAYING: KAILANMAN AKUZTIKZ

“Sayo to diba?”

In slow motion kong liningon yung nag salita. At hawak-hawak ni ABCDE yung temporary permit ko!!  Sa sobrang saya ko… Tumakbo ako papunta kay Abcde para yakapin siya..

Kaya lang umilag ito.. Dahilan para mabatbat ako sa lapag. ANG SAMA NAMAN NIYA!!! Habang kasalukuyan akong naka handusay sa semento, umupo ito sa tabi ko

“para sabihin ko sayo, hindi nakikipag halubilo ang isang katulad ko sa katulad mo. At sino ka para hawakan ako? At subukan mong ipag sabi ang nakita mo.. bukas na bukas din sa gate palang hindi ka na papa pasukin” pag katapos nun, umalis na siya.

Hindi man lang ako tinulungan!!

Sayang crush ko pa naman siya…

Pero sayang din kase may girlfriend na siya..


e as if naman kung wala siyang girlfriend magugustuhan ka niya, huwag ka ngang assuming! Mag hanap ka yung ka uri mo! 

p.s TANGA KO.

Continue Reading

You'll Also Like

59.1K 1.4K 56
Ako yung laging nandyan kapag nasasaktan siya. Kapag nasusugatan siya. Kapag may problema siya. Kapag may sama siya ng loob. Ako lagi yung inaasahan...
1.5M 23.6K 41
Ang kwento ni Ekang, ang kanyang no-gart panty, pustiso at ang kanyang tatlong prinsepe!
The Lust Alphabet By Elmo

Mystery / Thriller

387K 8.8K 33
May mga bagay na makukuha natin kapag ginusto ngunit hindi natin alam kung ano ang kapalit nito. Cover made by: @NielXX
958K 7.9K 24
Alfred wakes up from a deep sleep and finds himself in year 2012, a period quite ahead of his time. His body never changed for he is still a young, 2...