Babala:
May rebelasyon na mailalantad sa chapter na to. ;D
Next update? I dunno. It depends sa schedule ni otor. hohoho!
==========> Chapter FORTY-TWO --> Her Fiancé <--
[ Cassidy’s POV ]
“Ma, ano ba kasi yung pangalan niya?”
“You’ll know later, baby,” nakangiting sabi ni Mama.
Napabuntung-hininga nalang ako at sumandal sa upuan.
Kagagaling lang namin sa isang sikat na clothing line at saka sa salon.
Gaya nga ng sabi ni Mama, ngayong araw, makikita ko na din yung fiancé ko.
Pero nakakainis naman eh, kahit isang clue ayaw magbigay ni Mama! ( > 3 < )
“Ma naman! Kahit isang maliit na maliit na clue lang..” ( TT 3 TT )
Nailing si Mama habang nakangiti. “Okay..”
Agad naman akong napalingon sa kanya. Nakatitig ako kay Mama, inaabangan yung pangalan na manggagaling mula sa bibig niya.
Parang kinakabahan ako na excited na ewan. Hindi ko alam yung feeling na nararamdaman ko ngayon...
Tumingin sakin si Mama. “He’s...”
Medyo lumakas yung tibok ng puso ko.
“He is...” Mama
*lub dub lub dub*
“He’s someone that you know.” Mama
Biglang tumaas yung kilay ko.
Pagkatapos ay narinig kong tumawa si Mama. “Oh dear, you’ll know his name later. Wag kang magmadali. Pero alam kong matutuwa ka..” She smiled at me.
Kung hindi ko lang Mama to kanina ko pa siya nabatukan. ~( > __ < )~
Pero nakuha ni Mama yung atensyon ko don...
‘He’s someone that you know.’
Lalo tuloy tumindi yung kakaibang feeling na umiikot sa loob ng dibdib ko ngayon.
At lalo akong nacu-curious...
Sino kaya siya?
*********** After a few minutes...
Napatingin ako sa harapan...
Tumigil kami sa labas ng isang malaking gate...
May guard na lumapit sa may driver at kinausap ito.
“I’m Evelyn Villamayor,” sabi ni Mama.
“Welcome ma’am,” sabi nung guard.
“Thank you..” Mama
May sinabi yung gwardya sa walkie talkie niya. Maya-maya lang ay bumukas na yung malaking gate.
Pumasok na yung kotse namin.
Hindi ko maiwasang tumingin sa paligid.
Ang lawak talaga ng lugar... Para siyang hacienda...
Sa di kalayuan, may natanaw akong isang malaking mansyon.
Umikot yung kotse dun sa may fountain at tumapat sa engrandeng double door ng mansyon.
Bumaba yung driver at pinagbuksan kami ng pintuan.
Unang bumaba si Mama, sumunod ako tapos si Papa.
Medyo makati yung suot kong flesh dress, tapos may ribbon pang ka-ek ekan sa ulo. Psh. ( = __ = ) Hindi tuloy ako komportable...
Binuksan ng dalawang maid yung double door.
Pumasok kaming tatlo sa loob.
Hindi ko mapigilang humanga sa laki ng mansyon.
Makalaglag panga yung malalaki at kumikislap na chandelier sa itaas.
Tapos yung vases parang galing pa sa iba’t ibang parte ng mundo.
Wow.. ( * ^ * )
“Welcome, Mr. And Ms. Villamayor,” bati ng isang matandang mayordomo.
“Thank you. Where’s Carol, my dear?” sabi ni Mama.
“She’s at her room. Please wait here while I call her. Excuse me,” sabi nung mayordomo, nag-bow at saka umakyat sa engrandeng staircase.
Umupo kaming tatlo sa leather sofa. Wow, jaguar pa yung design. ( > 3 < )
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.
Napalingon ako kay Mama.
“Baby, be a good girl okay? Be nice to your fiancé..” Mama
Huminga ako ng malalim. “Yes Ma..”
Ngumiti siya at piniga ng mahina yung kamay ko.
“Evelyn?”
Napalingon ako sa babaeng bumababa mula sa staircase.
Napanganga ako dahil sa sobrang gulat.
Yung babae din napahinto noong makita niya ko.
“She’s your daughter?” tanong nung babae.
“Yes, Carol dear.” Tumayo si Mama at nakipagbeso-beso. “Why? Do you know my little baby?”
“Uh, yes. I’ve met her before.” Carol
“Really? That’s nice! Come on Cassidy, give your Tita Carol a hug.” Mama
Dahan-dahan akong tumayo habang nakatingin kay Tita Carol...
Ang mommy ni Den...
Inakap niya ko at hinalikan sa pisngi. “Welcome hija.” Then she smiled. Pinilit ko nalang ding ngumiti. I don’t know if her smile is real or not. Mahirap kasing basahin yung mommy ni Den.. Parang siya..
“Cassidy?” May lalaking lumapit samin. “You’re Evelyn and Robert’s daughter?”
“Yes, Ricky. Mukhang nagkita na din kayo nitong unica hija namin?” sabi ni Papa at tinapik ako sa braso.
“Yes, actually..” Tiningnan ako ni Tito Ricky, ang Daddy ni Den. He smiled at me. “I’m glad that our daughter-in-law will be this beautiful.”
Hindi ako makapagsalita. Parang hindi kasi ma-digest ng utak ko yung mga pangyayari. Mommy at Daddy ni Den yung magiging byenan ko? Ibig sabihin....?
Umupo kaming lima sa sofa. Nag-usap-usap muna silang matatanda habang ako ay tahimik lang na nakaupo, nag-iisip kung tama ba yung hinala ko.
“So, where’s the groom?” tanong ni Mama.
“He’s there at his room. Bababa na din siya pamaya-maya.” Carol
*blag blag blag*
Napalingon kaming lahat sa lalaking bumababa sa staircase.
Nakablack-suit siya at maayos yung pagkaka-gel ng buhok.
Kumabog ng malakas yung dibdib ko.
Hindi ko alam yung mararamdaman ko habang tinitingnan ko siyang lumakad palapit sakin.
Then his eyes landed on me...
Parang nanigas yung buong katawan ko.
Bigla akong napatayo.
“Den?!” sabi ko.
Napahinto siya sa paglalakad.
“Cassidy!” saway sakin ni Mama. “Sit down..”
“No, Tita..” sabi nung lalaking nasa harapan ko at lumapit sakin.
Bago pa man ako makapagsalita, kinuha na agad niya yung kamay ko at hinalikan yon.
Lalo naman lumakas yung pagkabog ng dibdib ko.
Si Den ang... fiancé ko? Pero hindi ba fiancée na niya si Chloe? Kaya panung nangyaring...?
Gusto kong matuwa. Pero bakit parang... May pumipigil sakin. Sobrang gulat kaya?
Tinitigan niya ko.
Ang itim ng mata niya. Katulad ng dati... Pero parang may kakaiba.. Parang hindi ako sanay sa mga titig niya.
*blag blag blag*
May bumabang babae’t lalaki mula sa staircase.
Napatingin ako dun at...
Napanganga.
“Den! Chloe!” tawag ni Tita Carol. “Join us!”
Nagtataka akong tumingin sa lalaking kaharap ko ngayon at sa lalaking bumaba mula sa hagdan.
Tiningnan ko sila. Pabalik-balik...
Sino ba si Den?! ( 0 __ 0 )!!!!!
“Pleased to meet you. You’re Cassidy right? Do you remember me?” sabi nung lalaking nasa harapan ko.
“H-Hindi.” Yun lang yung nasabi ko kasi naguguluhan talaga ko.
“I’m Den’s brother.”
BROTHER?! M-May kapatid si Den?! ( 0 __ 0 )!!!
“I’m his twin actually. Maybe that’s why you mistaken me as him.”
TWIN?! May kakambal si Den?! Holy sh.t! ( > __ < )!!!
Parang ibig-ibig nang bumigay ng tuhod ko.
Hindi ko masyadong ma-absorb yung mga pangyayari ngayon. Masyado akong nabigla...
“Are you sure you don’t remember me?” tanong niya.
Tiningnan ko ulit siya. Pero ang nakikita ko lang ay si Den. Magkamukhang magkamukha kasi sila!
“N-No..”
Hinawakan niya yung kamay ko.
“Once, I met a silly little girl in Palawan. She asked me to play with her because her parents were arranging their business and couldn’t give her enough time..”
Kahit na yun palang yung sinabi niya, agad-agad namang bumalik yung alaalang yon sakin.
Napakabilis ng tibok ng puso ko. Para akong tumatakbo ng isang milya...
“You’re...”
He smiled at me. “You remember now?”
I nodded slowly as I stared at him with great shock.
Tumabi sakin si Mama. “Well, isn’t it great Cassidy? You became reunited with your childhood friend!” masayang sabi ni Mama.
“Nice to see you again after a long time, Cassidy.. I’ve missed you,” sabi ni Brye at muling ngumiti sakin.
<=======================>
MISS AUTHOR'S NOTE:
Ow em lumitaw na si Brye! Remember him? ( > u ^ )
Akala niyo si Den talaga yung fiancé ni Cassidy noh? Mwahaha! Ansabe din ng Twins daw si Den at Brye?? Parang kambal-engot lang? Nyahaha! xD
Pero ang tanong.. Bakit hindi kilala ni Den si Brye? Remember? Nung nasa bahay sa tabi ng lake si Cassidy at Den, nag-react ng bongga si Master nung binanggit ni Cassidy yung pangalan ni Brye? Magaling daw kasing magluto si Brye pero si Den bopols sa pagluluto. Nyahaha! Hmm.. Bakit kaya? ;)
Ang makahula sa kanya next dedic! xD
~Nikkidoo