Diary of A Hopeless Romantic...

By MsSimpleWriter

3.8K 117 17

Mahilig ka ba maniwala sa mga sign? Yung tipong umaasa ka na makikita mo ang iyong prince charming sa pinakam... More

Diary of A Hopeless Romantic Weirdo Chapter 1
Diary of A Hopeless Romantic Weirdo
Diary of A Hopeless Romantic Weirdo
Diary of A Hopeless Romantic Weirdo Chapter 3
Diary of A Hopeless Romantic Weirdo
Diary of A Hopeless Romantic Weirdo Chapter 4
Diary of A Hopeless Romantic Weirdo
Diary of A Hopeless Romantic Weirdo Chapter 5
Diary of A Hopeless Romantic Weirdo

Diary of A Hopeless Romantic Weirdo Chapter 2

289 12 2
By MsSimpleWriter

Chapter 2

Dear Diary,

                Gosh! Naaalala mo ba yung nakwento ko sa iyo na sa tingin ko, nakita ko na ang man of my dreams?

                Grabe, ang saya- saya ko. Tinawagan niya kasi ako kanina. At tinanong niya ko kung gusto ko siya samahan bukas. Although alam ko namang hindi talaga date yun, ang saya-saya ko pa din. Ang sabi niya maghahanap daw kami ng magandang venue para sa isang event namin sa school.

                Ayun, sinabi ko sa kanyang pwede ako bukas. OK lang naman yung ginawa ko diba? Para naman yun sa event namin eh. Kunwari na lang walang malisya sa akin yun kahit na meron talaga. Wag ka maingay hah. Kapag nalaman niya ito, susunugin talaga kita.

                Anyway, excited na talaga ko. Feeling ko nga baka hindi ako makatulog. Pero sana magising ako ng maaga bukas.

                                                                                                Hanna

NAGKALAT ang mga damit ni Hanna sa kanyang kwarto ng dumating si Rochelle sa tinutuluyang nilang dormitory. Nakita ni Rochelle si Hanna na nasa harap ng salamin. Nakasuot ito ng isang blouse na kulay dilaw at naka-pants.

                “Bakit mukhang pinasok ng bagyo itong kwarto mo? Anong nangyari dito,” tanong ni Rochelle habang inuusog nito ang mga damit sa kanyang kama at naupo.

                Hindi nag-abala si Hanna na tingnan ang kaibigan at nagpatuloy pa ito sa paghahalungkat ng mga damit sa cabinet nito, “Wala ka bang mapapahiram na damit sa akin?” At saka lang ito humarap sa kaibigan.

                “Saan mo ba gagamitin yan? Alam mo namang simple lang din ang mga damit ko.”

                Lumapit si Hanna sa kaibigan at umupo sa tabi nito na napakangiti ng matamis, “Kagabi, tinawagan ako ni Martin at niyaya niya ako na makipag-date sa kanya!”

                “Weh? Gusto mo mabatukan para magising ka. Mukhang tulog ka pa din ata ngayon,” sabi ni Rochelle na halatang hindi maniniwala kahit anong gawin niya.

                Napaismid si Hanna na halatang naasar sa tinuran ng kaibigan, “Sabihin mo nga yung totoo. Kaibigan ba talaga kita?”

                “Ewan ko nga din eh. Nagtataka din ako kung paano ako nagkarooon ng kaibigan na tulad mo.” Ganting asar ni Rochelle sa kanya. “Pero maiba ako, para nga saan at kailangan mo pang guluhin ng ganito ang mga damit mo?”

                “Diba sinabi ko naman sa iyo na may date kami ni Martin,” usal ni Hanna.

                “At mukhang hindi ka titigil hah. Babatukan na talaga kita.”

                Akmang hahampasin na talaga siya ni Rochelle nang nagsalita siya. “Oo na! Hindi na kami magde-date. Pero magkikita nga talaga kami ngayon,” paliwanag niya.

                Nagtaka si Rochelle, “Bakit kayo magkikita?”

      “Nagpapasama siya akin. Kailangan na daw namin makahanap ng venue para sa acquaintance party. Diba kami nga ang project head nun?” At isa-isa nang inililigpit ni Hanna ang mga nagkalat niyang damit.

           “Alam mo Hanna, hindi naman sa binibigyan kita ng dahilan na umaasa kay Martin. Pero bakit gusto ka pa niyang isama? Alam natin diba na mas gusto niyang ginagawa yung task niya nang siya lang mag-isa,” nagtatakang sabi nito sa kaibigan.

            Biglang natuwa si Hanna pagkarinig sa tinuran ng kaibigan. “Iyan ang sinasabi ko sa yo! Ayaw mo lang maniwala. Lahat naman ng bagay may chance mangyari. Basta tiwala lang,” puno ng pag-asang sabi nito.

               “Basta hinay-hinay lang Hanna. Para hindi ka masaktan ng sobra in the end. As your friend, I also want you to be happy. Just make sure na gagamitin mo nang sabay ang puso at isip mo, hindi yung puro emotions lang,” paalala ng kaibigan sa kanya.

                “Salamat, friend. Thank you talaga,” at niyakap ni Hanna si Rochelle.

                "At isa pa. Hindi mo kailangang magpa-impress sa kanya! Just be yourself. Kung simple ka lang. ipakita mo. Para magustuhan ka ng tao sa totoong ikaw."

                 Napaisip si Hanna. Tama nga ang sinabi ni Rochelle.  

NAPAGKASUNDUAN ni Hanna at Martin na magkita sa isang restaurant sa isang mall sa Makati. Alam ni Hanna na maganda ang ambiance ng restaurant dahil nakapunta na sila ng kanyang pamilya dito noong high school pa lamang.

Magaling talaga pumili ng lugar si Martin. Kaya siguro siya ang pinaghanap ng venue para sa party.

                Naunang dumating si Hanna sa restaurant. Tiningnan niya muna kung nandun na si Martin ngunit wala pa ito dahil sinadya niya talagang agahan para makapaglibot muna siya sandali. Matagal na din kasi nang huling magpunta sa mall si Hanna dahil naging busy siya sa kanyang pag-aaral.

                Naisipan niya na pumunta muna sa department store para tumingin ng mga bagong damit na nasa market ngayon. “Grabe! Halatang hindi na ko updated sa mga uso ngayon. Ganoon na ba ko ka-busy ngayon,” sabi niya sa sarili habang abalang tumutingin sa mga damit doon.

                Tumingin si Hanna sa kanyang relo at nakita niya na 11:30am na kaya umalis na siya sa department store at dumiretso na sa restaurant na pagkikitaan nila ni Martin.

PAGDATING ni Hanna sa restaurant , agad niyang nakita si Martin sa may dulong bahagi ng restaurant. Napangiti siya dahil bumagay sa lalaki ang suot nitong white tshirt at maong pants. Sa school kasi laging uniform ang nakikita niyang suot nito.

                Lalapitan na sana niya si Martin nang nakita niyang may lumapit ditong isang magandang babae. Ikinagulat pa ni Hanna nang humalik ang babae sa pisngi ng lalaki habang ito naman ay mukhang masayang-masaya na makita ang babaeng iyon.

               That girl is very beautiful. She has long straight hair and tall. She looks like a beauty queen, indeed. She is also wearing a very classy black dress that shows her status in life. She also shows elegance and finesse in her gestures and movements.

                Hindi malaman ni Hanna ang gagawin. Nanliliit siya sa kanyang sarili dahil sa presensiya ng babae. Hindi niya magawang lapitan si Martin dahil mukhang ang saya-saya nito kasama ang babae. Buti na lang at hindi siya nakita ni Martin.

“SO, what are you doing here Martin,” tanong ng babae sa kanya matapos nitong humalik sa kanyang pisngi.

                “Well, I am about to meet someone, Sophie” paliwanag ni Martin. “How are you? It’s been a year since I last saw you.”

                “I am doing really good in New York but I am here for vacation,”  napapangiting sabi nito. “And who are you meeting here? Must be someone really special, I must say.”

             Napangiti na din si Martin sa tinuran ng babae, “She’s just a friend. Ikaw talaga.” At tiningnan nito si Sophie. “But I do find her fascinating.”

                “Pero iba yung nakikita kong kislap sa mata mo ngayon,” panunudyo nito sa lalaki at saka hinawakan ang mga kamay nito. “Martin, I just want to say that I am happy for you na makita kang ganito ngayon.”

                “Me too,” sinserong sabi nito kay Sophie. “I heard boyfriend mo na daw si Jerome. I wish for your happiness, both.”

                “Thank you,” at luminga-linga si Sophie sa paligid. “So, where is she? Gusto ko siya makilala. She must be really beautiful.”

                Tumingin si Martin sa relo niya, “I don’t know. Dapat nandito na siya ngayon.”

                “Then call her,” sabi ni Sophie habang nakangiti pa rin. “O sige. I have to go. May pupuntahan pa kasi ako. I know I’ll meet this girl soon.”

GUSTONG umiyak ni Hanna kanina pa lalo na nang makita niyang hinawakan ng babae sa restaurant ang mga kamay ni Martin na parang ikinatutuwa pa ng lalaki.

                Agad siyang tumakbo palayo sa restaurant na iyon at nagpunta sa restroom. Nagkulong siya sa isang cubicle.

                “Bakit niya ito ginagawa sa akin?” Saka napahagulgol na ng iyak si Hanna. “Por que hindi ako ganoon kaganda at kasosyal? Dahil alam ng lahat na gusto ko siya kaya he’s taking me for granted?”

                Iyak nang iyak si Hanna nang narinig niya ang ringtone ng kanyang cellphone. Tiningnan niya ito nang makitang si Martin ang tumatawag.

                Ayaw sana niyang sagutin ang tawag nito pero naisip niya na ding kausapin ang lalaki. “Hanna, nasan ka na? Malapit ka na ba?”

                “Martin, sorry hah. Sumama ang pakiramdam ko. Hindi na ko makakapunta.” Pinilit ni Hanna itago sa kanyang boses na umiyak siya.

                “Ah ganoon ba. I hope you’re fine. Wag mo alalahanin yung venue. Ako na bahala.”

                Hindi maintindihan ni Hanna kung bakit may nababakas siyang  pag-aalala sa boses ng lalaki, samantalang kanina lang ay kitang-kita niya kung gaano ito kasaya na makita ang babaeng iyon. “Pasensya na hah kung hindi na ako makakapunta.”

                “OK lang basta magpagaling ka,” ani nito.

TULUYAN nang napaiyak si Hanna pagkadating niya sa kanyang kwarto sa tinutuluyan niyang dormitory. Buti na lang at hindi pa siya nakikita ni Rochelle. Alam niyang walang tigil ang gagawin nitong pagtatanong sa kanya at wala siyang ganang magpaliwanag kung bakit siya nalulungkot ngayon.

                “I thought this would be the happiest day of my life. Na finally meron na siguro akong dahilan para umaasa na maybe pwedeng magkagusto si Martin sa akin. Pero kabaligtaran yung nangyari,” wika ni Hanna sa sarili. Napahagulgol na naman si Hanna at nakatulugan na niya ang pag-iisip sa lalaking nagpapasaya at nagpapaluha sa kanya ng sabay.

Continue Reading