Diary of A Hopeless Romantic Weirdo Chapter 3

192 11 0
                                    

Chapter 3

Dear Diary,

                Masama bang maniwalang may totoong fairy tale? Na maaring mapansin ng isang prince ang isang babaeng hindi kabilang sa mundong kanyang ginagalawan?

                Siguro nga masyado akong umasa na may Cinderella sa totoong buhay. Pero nagkamali na naman ako. A prince like him would settle for someone fit with his qualities and standards. Hindi siya basta-basta na lang magkakagusto sa isang tulad ko.

                But life must go on. I’ll try my very best na maitago sa kanya na nasasaktan ako. He should see a happy version of myself. Malay natin, in the end mapansin niya rin ang good qualities ko at magustuhan niya ako.

                Gosh! Eto na naman ako! Umaasa na naman. Pwede bang maasar muna sandali sa sarili ko? Nakapataas ata talaga ng determination ko na hindi ako agad-agad sumusuko.

                Anyway, life must go on. Kahit ano pang problema ‘yan, kailangan pa ding maging matapang para harapin ito. Sana nga lang maging OK na ang lahat. Ang hirap kayang magdrama gabi-gabi.

                O sige, hanggang dito muna.

                                                                                                Hanna

WALANG kabuhay-buhay na pumasok si Hanna sa kanilang eskwelahan. Naiisip pa din niya kasi ang nangyari nung isang araw nang magkikita dapat sila ni Martin. Hanggang sa magsimula na ang klase nila ay malungkot pa din siya.

                Napansin ito ng kanyang kamag-aral at katabi niya din sa upuan na si Clarize,. “O, anong problema? Bakit parang nalugi yang pamu-mukha mo,” tanong nito.

                “Wala. Kulang lang siguro ako sa tulog,” sagot ni Hanna. Alam niya ang ugali ni Clarize. Medyo mausisa din ito tulad ni Rochelle. Kaya wala din siyang balak magkuwento dito.

             Ang totoo niyan, wala talaga siyang balak pagkwentuhan ng pangyayaring iyon. Ayaw niyang may ibang tao na magpapamukha sa kanya kung gaano ka-imposible na magiging sila ng taong gusto niya. At hindi pa din naman niya nakukumpirma kung sino ang babaeng iyon sa buhay ni Martin.

                “Hay naku! Yan na nga ba ang sinasabi ko! Iniisip mo kasi palagi si Martin kaya hindi ka nakakatulog ng maayos.” At saka inayos ni Clarize ang kanyang gamit. “O! Sasabay ka ba mag lunch sa amin?”

KATATAPOS lang kumain ni Hanna kasama ang kanyang mga kamag-aral at naisip niyang pumunta sa office nila. Kailangan niya pa kasing tapusin ang mga proposal para sa events ng org nila.

                Sa ganoong oras, lahat ng officers ay may mga klase pa kaya wala siyang nadatnang tao nang magpunta siya doon. Agad niyang nilapag ang kanyang mga gamit at nilabas ang laptop na niregalo sa kanya ng kanyang ate noong nag debut siya.

                Abala si Hanna sa paggawa ng proposal nang may narinig siyang kumatok sa pintuan. Agad na napasulyap si Hanna sa gawi ng pinto.

                Kulang na lang ay malaglag si Hanna sa kanyang kinauupuhan ng mapag-sino ang kumakatok na iyon. Nagulat talaga siya nang makita na ang iniluwa ng pintuang iyon ay ang babaeng kausap ni Martin sa restaurant na dapat ay kanilang pagkikitaan.

                She is wearing a simple pants and blouse matched with her sandals but it fits well to her. Parang kahit ano atang suotin nito ay babagay sa kanya at lilitaw pa rin kung gaano ito kaganda.

Diary of A Hopeless Romantic WeirdoWhere stories live. Discover now