Stuck in the Moment (Stuck Se...

By NerdyIrel

16.8M 209K 42.4K

Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pa... More

Stuck Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Author's Note
PUBLISHED BOOK

Epilogue

251K 3.5K 1.2K
By NerdyIrel


Sa totoo lang, hindi talaga ako marunong magpaiyak eh. Hehehe.


------------------------------------


Epilogue


Daniel's POV


Nabagsak bigla ni Julia yung cellphone niya tapos umiyak na siya ng umiyak.


Shet.

Kinakabahan ako ah.


Niyakap ng mahigpit ni Albie si Juls tapos parang pinapatahan niya.


"Loves, si Kath....." Yun lang yung paulit-ulit na sinasabi ni Julia.


A-anong mayroon kay Kathryn?

Bakit walang may gustong magsabi sakin?

Porket ba nagbreak na kami ni Kath, wala na kong karapatang malaman?


Si Zharm na yung may kausap sa phone ngayon. Halos naiiyak na rin sila ni Bea. Tapos parang hindi sila makapaniwala sa mga naririnig nila.


ANO BANG NANGYAYARI?


"D...umalis na tayo please" Iyak naman nitong katabi ko na medyo hinihila na ko.


Tinignan ko lang siya.

Parang hindi ako makakaalis hangga't walang nagsasabi sakin kung anong nangyayari.


Kinakabahan na talaga ako dahil bakit parang si Kathryn yung iniiyakan nila.


"UMALIS? Kapal din naman ng mukha mo noh?" Sigaw ni Julia.


Shit. Pinagtitinginan na talaga kami ng mga tao dito.

Sumigaw kasi si Juls eh.


Bea: "Di ka na ba marunong makonsensya? You're a psycho!"

Zharm: "Bwisit ka! Ang tagal ko ng nagtitimpi sayo, ito ang nararapat sayo eh!"


Nagulat ako nung sinampal ni Z si Sofia tapos sinabunutan niya. Kinaladkad pa nila Bea. Tapos dumagdag na ulit si Julia.


Syempre nagulat kami nila Diego. Nung nagkatinginan kaming mga boys, tsaka lang namin naisip na pigilan yung mga babaeng ito.


Sofia: "ARAY!!! AAAHHH! BITIWAN NIYO NGA AKO!!"

Zharm: "Mamatay ka na BITCH!"

Julia: "IKAW DAPAT NASA SITWASYON NI KATHRYN!"

Bea: "DI KA NA MAKAKAALIS DITO NG BUHAY!"


Kahit hinihila na namin sila para lumayo sa isa't-isa, naabot pa rin nila si Sofia na iyak na iyak na. Lumapit na nga samin yung mga guards para pigilan itong mga ito.


"STOP! Ano ba kayo! Sinabi ko ng walang kinalaman si Sofia dito eh! Itigil niyo na!" Sigaw ko. Bakit ba nila sinisisi si Ya at parang galit na galit sila?


"Alam mo DJ, hindi rin kita masisisi kung bakit mo nasasabi yan kasi wala ka naman talagang alam!! Baka nga ikaw pa makapatay kay Sofia kapag nalaman mo ginawa niya" Sigaw sakin ni Julia.


"D, tara na! Ayoko na dito! Ang freak namin mga kaibigan mo! Yan na naman sila eh! Gumagawa ng kwento" Angal sakin ni Sofia.


Lalapitan na ulit nila Julia si Sofia pero pinigilan na nila Albie yung mga yun.


"Sige nga Juls, sabihin mo sakin. Ano bang ginawa ni Sofia?"


Sofia: "Wag na! They're all liars! Tara na!"

Zharm: "Natatakot kang malaman ni DJ noh?"

Bea: "Shut up Sofia! Bwisit na bwisit na ko sayo! Isa pa, susungalngalin na talaga kita!"


"Pwede ba! Naririnde ako sa inyo! Julia, magexplain ka na nga! Hindi ako aalis papuntang New York hangga't hindi ko nalalaman kung ano yang problema. Tsaka ano bang nangyayare kay kath?"


Julia: "DJ, I know Kathryn broke up with you yesterday. Diba nagulat ka pa nga? Kasi hindi naman talaga niya gustong gawin yun. She was forced to do it kasi sa tingin niya, yun ang ikabubuti mo"


Sofia: "Tsk! Manahimik ka nga! Gumagawa ka pa ng kwento eh! D! TARA NA----"


"Teka nga sofia, bakit ba ayaw mong pagexplain-in si Juls? Ano naman ngayon kung puros kasinungalingan mga sinasabi niya? Nasa akin naman yun kung maniniwala ako"


Nanahimik lang siya tapos napansin ko pang umirap siya kay Julia.

"Juls, anong sinasabi mong Kath was forced to break up with me. Hindi naman tunay yun eh. She love someone else....and she never loved me"


Each words took seconds before I told them na may mahal na iba si Kath.

Ang sakit eh...


"And you believed her? DJ, kung mahal mo naman talaga si Kathryn...diba mararamdaman mo yun? Mararamdaman mo kung mahal ka talaga niya or hindi"


"Pero siya na mismo nagsabi. Hindi niya ko mahal at nagpapanggap lang siya"


"Ugh. Kathryn told me everything! Pumasok yang mahaderang babaeng yan sa kwarto mo habang nandun ka sa may kitchen yesterday morning. She told Kath about a lie! Meron daw kayong IBA pang deal ng father mo"


I frowned when she said that.

I saw Sofia bago ako pumasok sa kwarto ko kahapon. I saw her na nagmamadali...


Pero teka lang...Another Deal?


"Deal? What deal? Wala na kaming iba pang deal ni papa"


"ARGH! Sinasabi ko na nga ba eh! TAMA YUNG HINALA KO!!! Nagsinungaling yang bestfriend mo! She told Kath na may nililihim kang deal mo with your father. That you're not allowed to fall inlove sa mga hindi mayayaman like Kathryn. Kapag daw nalaman ni Tito Rommel na seryoso ka sa bestfriend ko, itatakwil ka daw ni Tito. KINONSENYA NI SOFIA SI KATHRYN! And that's the real reason why she broke up with you. She stopped your relationship with her for your own good and not because she doesn't love you anymore"


I stayed stunned and shocked.

Naalala ko na lang bigla yung itsura ni Kath.


Yung itsura niya na nakikipagbreak at gustong lumayo pero may something about her eyes na sobrang nasasaktan. It's like she still wanted to stay.


Oo, nagtaka ako dun. Kasi kung hindi nga niya ako mahal, hindi siya iiyak ng iiyak ng ganun.

Pero kasi....akala ko talaga....akala ko talaga hindi niya na ko mahal.


Yung mga salitang sinabi niya...first time kong narinig mula sa kanya kaya nagulat ako.

So all this time, mahal talaga ako ni Kath?


At gumawa lang siya ng kwento para pumayag akong makipaghiwalay?

I looked at Sofia who is quite scared now.


"Ya, totoo ba ito?"


"Of course not! Bitch please! Sinisiraan niya lang ako dahil alam niyang aalis na tayo! Syempre gagawin nila lahat para lang hindi ka umalis! D, maniwala ka naman sakin kahit ngayon lang!"


Hindi ko alam kung bakit pero mas pinaniniwalaan ko talaga si...Julia.

I'm not biased or anything but, even though I accepted what Kath said, deep inside me...alam kong mahal niya pa rin ako eh.

At hindi manloloko si Kathryn.


Tinitigan ko si Sofia for a bit. She looks scared and nervous. The kind of stuffs liars feel when they lie.

I'm not an expert sa mga bagay na ganyan pero kahit sinong nasa posisyon ko ngayon, kapag nakita si Sofia, malalaman mong nagsinungaling nga siya.


"Ya, I trusted you. Paano mo nagawa ito sakin?" 


Hindi pa ako lubos naniniwala. I'm just challenging her. 

Kapag nag-sorry siya, it means na tama si Julia.


Kapag hindi, ibig sabihin...mali si Julia.

Tinitigan ko si Ya and she suddenly cried.

Tapos niyakap niya ko ng mahigpit.


"DJ!! Hindi ko naman alam na ganun ang mga mangyayare! Nagulat lang kasi ako dahil pagdating ko sa pilipinas, may mahal ka ng iba!! SANAY AKONG AKO LANG ANG CENTER OF ATTENTION! SANAY AKONG AKO LANG ANG MINAMAHAL! Tapos bigla na lang dumating si Kath na inagaw lahat sakin! The popularity! The attention!! YOU!!! I hate her! Dapat lahat ng nasa kanya, AKIN! I'm sorry DJ! Napilitan lang akong gawin yun dahil wala na kong ibang choice!"


I stared at Sofia tapos napansin kong nakayakap pa rin siya sakin.

I pushed her away.


Hindi naman malakas but enough for her to step back.

Tumitig sakin si Ya na may mga luha sa mata niya.


"I'm really sorry Daniel. Sobrang natakot kasi akong mawala ka. Sobrang minahal kita eh. Pinaglaban ko lang naman yun....kaso siguro, mali yun. Mali na ginawa ko kasi mas lalong umayaw ka na sakin. Hindi kita masisisi at hindi ko rin masisisi yung sarili ko na ma-inlove sayo. Sorry. Sorry sa inyong dalawa ni Kathryn. I won't ask for your forgiveness today, pero sana someday, mapatawad niyo rin ako"


Bea: "Pakshet! Insecure ka gaga! Patayin kaya kita ng maging sikat ka? Ma-news ka? You like?"


Zharm: "Lakas ng sira mo sa utak! Dun ka sa mental, lahat ng atensyon at pagmamahal, ibibigay sayo! BALIW!"


Julia: "Gosh sofia! You're such a selfish bitch! Don't pretend na you feel sorry for Kath dahil we both know na galit ka talaga sa bestfriend ko! Dahil sayo nasa hospital si Kathryn!"


Bago ko makausap si Sofia, napatingin ako kay Julia.


Si K-kathryn?

Nasa hospital?

Bakit?


"Juls, a-anong nasa hospital? Bakit? Anong nangyare kay Kath?"

"Daniel..."


"SABIHIN MO SAKIN!"

"DJ, nasagasaan ng truck si Kathryn. Ngayon lang"


I felt like my world suddenly stopped.

Everything.


Hindi ko alam kung ano yung dapat kong unahin.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.


I wanted her to say na joke lang ito.

The same feeling I felt when kath told me she wanted a break up.


"Julia...tell me you're lying" Dahan-dahan kong sinabi.


"I wish I am. DJ, yung bestfriend ko naaksidente! DAHIL DIYAN SA BESTFRIEND MO! Ilayo mo talaga sakin yan kundi siya ang masasagasaan dito"


"Ya, How can you do this to me? YOU WERE MY BESTFRIEND! Tayo ang palaging magkasama sa New York! All the secrets we shared, we trusted each other tapos ganyan! Ganyan na lang basta ang ginawa mo! Nanira ka ng relasyon! Umamin ka nga sakin, totoo bang may nangyare sa papa mo?" Sigaw ko.


She cried again tapos yumuko siya.

"Yes. Pero....pero okay na siya....last week pa"


*speechless*


Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react dun.

So yung araw na sinabi ko kay Kathryn yung tungkol sa 7-days...yun yung araw na okay na pala yung papa ni Sofia.


"Hindi mo ba alam kung gaano kahirap samin ni Kathryn ang mabigyan ng deadline ng pagsasama namin dahil sayo! Hindi mo man lang inisip yung nararamdaman namin! SINO KA BA? Hindi na kita kilala Sofia. You're not my bestfriend anymore"


Hinawakan niya yung right hand ko tapos parang sobrang nagulat siya sa sinabi ko.


"No Daniel, I'm still the same girl you---"


"Stop this. I don't want to see you ever again. Tama nga lang siguro na pumunta ka na ng New York. Dun ka! Magisa ka dun! AYOKO SAYO! AYOKO NG MAKITA KA!"


"DJ, don't! Wag kang magsalita ng ganyan" Humagulgol na siya ng iyak sa sinabi ko.


I don't like to use those words to her but she forced me to.

Akala ko natanggap na niya na mahal ko na si Kath, yun pala hindi.

Galit na galit ako sa kanya dahil pinaikot niya lang pala kaming lahat.

Pinaglaruan.


At kung hindi pa pumunta si Julia dito, hindi ko malalaman lahat ng ito.

Tinanggal ko yung kamay niya sa right hand ko tapos tinitigan ko siya.


"Kung hindi ka lang babae, naupakan na kita. I don't want to hurt you kaya please....umalis ka na"

"DJ....a-aray...." Napansin kong mahigpit na pala pagkakahawak ko sa hand niya.


Diego: "Dre, relax. Babae yan"

Albie: "Kahit dapat bugbugin yan, wag na, bitawan mo na si Sofia"


Ayoko rin namang hawakan kamay ni Sofia eh kaya binitawan ko nay un.


"Ya, umuwi ka na sa New York" Yun na lang sinabi ko sa kanya.


Kahit naman galit ako, wala na rin naman akong magagawa.


"DJ! Don't leave me please! Magbabago na ko promise!"


Umiling na lang ako at tumalikod na kay Sofia.

The last image I saw sa face niya ay umiiyak siya ng sobra.


Sumakay na ko sa limousine ko tapos yung barkada, ganun din.

Ang tahimik lang naming lahat.


"Juls, si K-kathryn? Nasan siya ngayon?"

"Nasa Asian Hospital"

"Okay lang ba siya?"

"Hindi ko alam. Nasa operating room kasi siya nung tumawag si Tita Min"


Operating room.

So....so ibig sabihin...hindi siya okay.


TSK!

ANG TANGA MO KASI DANIEL EH!


KASALANAN MO LAHAT!

SANA NUNG UNA PA LANG, HINDI KA NA PUMAYAG KAY SOFIA!

EH DI SANA HINDI NAAKSIDENTE SI KATHRYN!


Nanahimik na lang ako at tumawag ako kay Kuya Neil pati kay Tita Min pero kahit isa sa kanila, hindi sinasagot yung call ko.


Yung driver ko naman, nag-drive na papunta sa Asian Hospital.


Lord, sana okay lang si Kathryn.

Aayusin ko po lahat ng ito...promise.


Enrique's POV


Naiyak lang si Tita Min while pinapatahan siya ni Kuya Neil.

Nandito kami ngayon sa labas ng operating room.


Tsk.

Oo, may dugo pa yung t-shirt ko pero wala akong pakielam.


"Quen, ano ba kasing nangyare? Bakit nandun si Kathryn ng ganitong oras?" Tanong ni Kuya Neil.

"Hindi ko rin alam kuya kasi ganito lang nakita ko"


--------------Flashback---------------


Tumayo na ko at nag-decide ng umuwi.

Anong oras na, baka magalala parents ko kapag tumawag sila sa bahay at malaman na wala ako ng ganitong oras.


Habang naglalakad, nakita ko si Kathryn.

"A-anong ginagawa niya dito? Madaling araw pa lang pero naglalakad na siya"


Tulala lang siya tapos parang ang lalim ng iniisip niya.

Nagii-sleep walking ba siya? Or...

Hindi kaya dahil sa aalis na si Daniel?


Nagulat ako nung bigla siyang tumawid.


Teka, hindi naman naka-stop yung mga kotse.

Green pa nga yung kulay sa stop light.


O_O

Napansin kong pumikit siya!


TEKA, MAGPAPAKAMATAY BA SIYA?

Tumakbo ako kaagad papunta sa kanya pero napatigil din ako kaagad.


"KATH!!!"


Late na ako.

Nasagasaan na siya ng truck.


Tumakbo ako kaagad papunta kay Kathryn tapos tinignan ko kung may pulso pa siya.

BUHAY PA SIYA!


Pero may dugo sa paligid niya at nawalan na siya ng malay!


PUTEK! KATHRYN NAMAN EH!

ANO BANG INIISIP MO?


Kinuha ko kaagad yung phone ko tapos tumawag ako sa hospital.


Tsk.

Hindi ako pwedeng maghintay na lang dito.


"Okay lang ba siya?"

"OMG What happened?"

"Buhay pa ba?"

"Bigla na lang siya tumawid"


Yung mga tao, nakiki-tsimis pa.

Imbis tumawag ng tulong, nagusap usap lang.


Binuhat ko ng dahan-dahan si Kathryn tapos may isang lalake na tumulong sakin.

Sumakay kami sa likudan nung sasakyan nung lalake then nag-drive na siya ng mabilis.


Hinawakan ko yung mukha ni Kath.


"Kath, promise mo sakin na magiging okay ka. Kailangan ka namin. Kailangan ka ni Daniel. Kailangan pa kita..."


------------End of Flashback---------


"Eh yung nakasagasa? Nasaan?" Tanong ni Kuya Neil

"May mga dumating na daw na police dun. Nasa presinto na yata. Teka lang kuya, aasikasuhin ko"


"No, wag na. Sapat na yung tulong na ginawa mo. Salamat Enrique. Kung hindi dahil sayo, baka mas lalong maraming dugo ang nawala kay Kathryn. Baka...."


"Okay lang kuya. Sana lang maging okay na siya...."


Biglang may lumabas na doctor kaya tumayo kaming tatlo nila Tita min.


"Kayo po ba ang kamag-anak?" Tanong ni dok.

"Nanay niya pa ko"

"Mam...yung anak niyo po...."


Shet.

Subukan niya lang talagang sabihing hindi okay si Kath, mapapatay ko itong doctor na ito.


Daniel's POV


Pagdating namin dun, nagtanong na kaagad sila Zharm kung anong room si Kathryn.

Lahat kami nagmadaling pumunta sa room 206.


Pagdating dun, nakita ko si Tita Min. Pati si Kuya Neil at si Enrique.

Nung nakita ako ni Kuya Neil, napatayo siya tapos bigla na lang niya kong sinuntok.


Napaupo ako sa lakas ng suntok niya.

PUTEK!


Dun pa talaga sa part kung saan sinuntok ako ni Quen nung Friday.

Shemay, ANG SAKIT!


Julia: "Kuya Neil, bakit?"

Bea: "Itigil niyo nga!"

Zharm: "Hindi kami pumunta dito para makipagaway"


"Itigil? Hoy Daniel, ang lakas din ng loob mong pumunta dito! Kahit walang sinasabi sakin si Kathryn, alam kong ikaw ang dahilan kung bakit siya nasagasaan! Kapal mo! Umalis ka nga dito!" Sigaw sakin ni Kuya Neil.


Napayuko na lang ako.

Tama siya.

Kasalanan ko lahat.


"Neil, tama na. Daniel, bakit ka ba nandito?" Nagulat ako nung si Tita Min na yung nagsalita. Nakita kong namamaga yung mga mata niya, siguro dahil sa kakaiyak.


"Tita, gusto ko lang po malaman kung...kung okay na po si Kath. Don't worry, kapag po okay na siya, aalis na rin po ako para wala ng gulo"


Kumunot bigla yung noo ni Tita Min. "Pumasok ka na lang"

"PERO MA----" Tita cut Kuya Neil immediately.


"Anak, wag tayong makielam sa kanila. Hindi natin alam yung tunay na nangyari kaya wag mong sisihin si DJ. Hayaan mong ang kapatid mo ang magpalayo kay Daniel kung gugustuhin niya" Sabi ni Tita kay Kuya Neil.


Tumingin sakin si Tita tapos pumasok na ko sa room ni Kath.


Pagpasok ko, nakita ko si Kathryn na natutulog.

Naiinis ako sa sarili ko dahil ayoko ng nakikita ko.


May dexstrose siya tapos yung right arm niya...nabali yata.

May mga gasgas din siya at may tahi yung left na braso niya.


I frowned tapos umupo ako dun sa tabi niya. Hinawakan ko yung right hand niya tapos tinitigan ko siya.


"Ano bang nangyari sayo? Bakit ka ba kasi hindi marunong tumingin sa daan?" Tanong ko.


Still no response.

She's still sleeping.


"Dapat talaga nasa airport na ko kaso hindi kita kaya matiis eh. Alam mo naman yan diba? Ako ba? Kaya mo kong matiis? Kung hindi, dapat gumigising ka na ngayon. Sige ka, kapag hindi ka nagsalita, ibig sabihin nun, gusto mo na ko umalis"


Hay.

Para akong sira ulo dito.

Syempre hindi pa siya magigising niyan.


Kathryn's POV


Naramdaman kong may humawak sa mukha ko.

I slowly opened my eyes and smiled when I saw Daniel.


Hindi ko alam kung bakit nandito siya pero masaya na ako.

Tama lang pala na nagpakamatay ako. Atleast dito, kahit kami lang...okay na.


"Kamukhang-kamukha mo yung Daniel ko"


Nagulat ako nung natawa siya. "Kailan ka pa naging joker? Haha. Wala kang nabanggit ah!"


I frowned at that.

Grabe, parang katulad na katulad niya talaga si DJ.

Kung nandito talaga si Daniel, ganyan din sasabihin niya.


"Isa ka lang illusion or imagination ko pero hindi ko alam na sobrang magkapareho kayo nung tunay na DJ"


"Huh? Tunay na DJ?"


"Oo. Yung tunay na Daniel, nasa America na ngayon. Ako naman, ito...hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko, patay na ako. Pero okay lang, kasama naman kita. Yung imaginary DJ ko"


He frowned at me. Why? May sinabi ba akong mali?


"Kath...hindi ka pa patay"


"Lokohin mo sarili mo. Alam kong patay na ko dahil nagpasagasa ako sa truck. Tumawid ako ng nakapikit"


Mas lalo siyang nag-frown tapos parang galit pa nga siya.


"Anong sabi mo? Nagpasagasa ka?"

"Oo..."

"Bakit? BAKIT MO GINAWA YUN?"


"Whoah. Chillax. Wala na rin naman tayong magagawa dahil patay na nga ako. Hindi mo na pwedeng ibalik yung nakaraan okay?"


He looked away for a minute tapos nung tumingin siya sakin then he cupped my face.


"Hindi ka pa patay. Makinig ka sakin, buhay ka pa. Hindi ako imaginary Daniel dahil nararamdaman mo ko. Nasa hospital ka okay? Nadala ka sa hospital"


Ayokong lumayo yung paningin ko sa kanya pero tumingin ako sa paligid ko. Tapos nakita kong may dextrose yung left hand ko...


Tumingin ako ulit kay DJ tapos sa room tapos kay Daniel ulit.

Nag-process muna yung utak ko bago ako nakumbinse na buhay nga talaga ako.

Pero paano?


"Bakit??"

"Anong bakit? Kath, anong bakit?"


"Bakit ako nabuhay? DJ, dapat patay na ko! Patay na dapat ako eh!" 

Bigla na lang ako nag-panic at napaiyak. Umupo ako bigla para tumayo pero pinigilan din ako kaagad ni DJ.


"Sshh kath, stop. Ano bang pinagsasabi mo? Anong dapat patay ka na?"

"Gusto ko ng mamatay!!! Gusto ko ng mamatay!!!"

"Kath ano ba! Itigil mo nga! Magagalit ako sayo kapag hindi ka tumahimik"


Tinitigan ko siya tapos unti-onting uminahon ako.

Pinunasan niya yung mga luha ko tapos yumuko ako.


Bakit ba siya nandito? Ang alam ko, hindi ito tama.

Dapat nasa America na siya ngayon kasama ni Sofia.


Bakit pa siya nag-stay?

Hindi ba siya galit sakin?


"Bakit ka nagpakamatay? Sagutin mo nga ako!"

"DJ, ayoko na kasi....ayoko na! Nahihirapan ako! Hindi ko kaya!"

"Hindi mo man lang ba naisip ang mama mo? Si Kuya Neil? Ang tropa?"


"Bakit ba iba na lang dapat ang lagi kong isipin? Huh? Kahit minsan, hindi ko naman inisip sarili ko eh! Dapat lang mamatay ako kasi hindi ko na nga kaya!"


"Kathryn, naririnig mo ba sarili mo?!!!"


"Teka nga, diba dapat wala ka ng pakielam sakin? Kasi galit ka sakin! Kasi sinaktan kita! Niloko lang kita! Umalis ka na dito Daniel, ayokong makita yang pagmumukha mo!"


Kahit ayoko, dapat ko pa rin siyang palayuin.

Ayokong mahirapan siya kapag nalaman ni Tito Rommel na nandito siya.


"Kathryn, itigil mo na. Hindi mo na kailangan gawin lahat ng ito"

I was a little bit confused nung nagsalita siya na medyo calm siya.


"Hindi kita maintindihan. Anong pinagsasasabi mo? Anong itigil?"


"Sinabi na sakin ni Julia ang lahat...at alam mo, Tama ka. Medyo galit ako sayo kasi gumawa ka ng desisyon without telling me. Galit din ako sayo dahil muntikan mo ng patayin sarili mo. Muntik ka ng mawala sa buhay ko"


I stayed stunned and quiet.

B-bakit sinabi ni Julia kay Daniel?

Hindi ko ba nasabi sa kanya na para sa kabutin ni DJ yun!!


"Hindi ko alam sinasabi mo DJ. Hindi ko alam yan..."


"ANO BA KATH! Hindi totoo yung sinabi sayo ni Sofia! Kahit isa dun, hindi totoo! Hindi totoo na kailangan magmahal ako ng mayaman! Hindi totoo na itatakwil ako ng tatay ko kapag pinagpatuloy natin ang relasyon natin! You hear me? Alam kong mahal mo pa ko kaya mo nga nagawang makipagbreak sakin. Pero yung magpakamatay ka? Bakit mo nagawa yun? Hindi mo man lang ba ko inisip? Ano na lang mangyayare sakin kung tuluyan ka ng nawala? Sa tingin mo ba, kakayanin kong mamatay ka? Kakayanin kong tuluyan kang mawala?"


Tears suddenly appeared from my eyes.

Hindi totoo lahat ng yun?


"PUTEK NA SOFIA YAN! PAPATAYIN KO SIYA! PAPATAYIN KO YUNG GAGANG YUN!!!!"


Tumayo na ko pero hinarangan ako ni DJ. Napatigil din naman ako kaagad dahil may dextrose nga yung kamay ko.


Niyakap ako ng mahigpit ni Daniel and he let me cry over his shoulders.


"Sshh kath, okay lang"


Umiyak na lang ako ng umiyak.

Sinaktan ko si Daniel para lang sa wala!

Nakipagbreak ako para lang sa wala!!

Lahat ng ginawa ko, wala lang!!!


"Ang tanga tanga ko DJ! Naniwala ako kaagad kay Sofia!!"


"Kathryn, wag mong sisihin sarili mo. I understand kung bakit mo nagawa yun! Wala kang kasalanan"


"Daniel...bakit niya nagawa yun satin? Ganun na ba siya kadesperada? DJ, hindi man lang ba niya naisip kung anong pwedeng mangyare sa ginawa niya?"


Iyak na ko ng iyak at hindi ko na alam kung naiintindihan pa ko ni Daniel.


"Siguro nga desperado na siya masyado. Hindi natin siya masisisi, masyadong gwapo itong boyfriend mo" Biro niya kaya medyo natawa ako.


"Ex boyfriend" I corrected.


He suddenly frowned pero pinaupo niya muna ako sa kama.


"So ang ibig sabihin nito, hindi mo na nga talaga ako boyfriend?"

"Malamang. Diba nakipagbreak na ko sayo?"

"Eh kung sabihin kong hindi ako papayag"


Ngumiti siya ng nakakaloko kaya medyo nailang ako.

Hindi siya papayag?


"Hindi ko alam..."

"Kath, alam kong galit na sakin si Kuya Neil kasi sinuntok niya nga ako pero----"

"ANO? Tawagin mo nga si kuya! Ngayon na!!"

"Tsss wag na. Ikaw naman oh! Worried na worried ka kaagad sakin"

"Mali kasi yung ginawa niya"

"Tama rin yun Kath kasi I deserved it. Kasalanan ko lahat"

"Kakasabi mo lang sakin na wag kong sisihin sarili ko pero tignan mo ikaw, sinisi mo naman sarili mo"


"Hay...Back to the main topic. What if gusto kong maging girlfriend pa rin kita?"


I stared at him for a moment.

Why do I get this feeling na may binabalak na naman siya.


Bigla na lang akong napangiti.


"Eh di manligaw ka ulit" Asar ko.

"Kailangan pa ba yun?"

"Malamang. Old school ako eh! Pero teka lang, bakit mo naman gustong manligaw ulit? Diba uuwi ka na sa Amerika?"


Umupo siya sa gilid ko tapos nilapit niya yung mukha niya.

O_O


"Sa tingin mo ba, kakayanin ko pang umalis at mawalay sayo kung wala ng dahilan para umalis pa ko? Tsaka paano ako manliligaw kung malayo ako?"


"Yun lang?"

"May isa pa" Bulong niya.


Hala!

Bakit kaya siya bumubulong?

Eh kaming dalawa lang naman ang nandito?


Mas nilapit niya yung mukha niya sakin sabay nag-playful smile siya.

O////////O


"Kasi mahal kita kaya liligawan kita eventhough it'll take forever, pwede ba yun?"


He slowly leaned it until muntikan ng magdikit yung upper lips namin.

A-W-K-W-A-R-D!


I smiled at him, yung mas nakakalokong look.

"Pwedeng pwede, basta sincere ah!"

"Sinabi mo yan ah"

"Oo nga"


"Mabuti naman at malinaw ang usapan. Pero atleast, may advantage na ko sa ibang magta-try manligaw sayo"


0_o

"Katulad ng ano?"

"Pwede ko na ulit gawin ito..."

"Ang alin???"


Okay sige, matanong nga ako!

Pero nalilito lang kasi ako...


"Ito"


He suddenly kissed me.

Uy! Hindi talaga mawawala yung pagiging Kissing Monster niya oh!


I admit, medyo parang sira ulo lang ako dahil gusto ko pang manligaw siya.

Eh alam naman naming dalawa na baka nga mamaya, kami na agad.


Baka wala pa siyang ginagawa, sinagot ko na ulit siya.

^_^


I wrapped my arms around his neck tapos I felt him smile.


"Hungry much?" Tanong niya.

"Na-miss kita eh! One day?? Tsk. Sakit sa puso!"

"Sinabi mo pa...Na-miss kong sabihin sayo ito. I LOVE YOU SO MUCH KATHRYN!"

"I love you too, hindi naman nawala yun eh"

"Ang sarap namang marinig yun, eh di tayo na ulit?"

"In your dreams! Manligaw ka muna!"

"Tsk, ito naman oh! Pahihirapan pa ko"

"Pinahirapan mo rin naman ako ah! Fair lang!"

"Sige na nga, DEAL! Basta pwede ito ah"


I laughed at that. He was looking at my lips eh! Ang kulit!

He was about to kiss me again when we heard a fake cough.


We both frowned tapos tumingin kami sa likuran niya.

O_O


Well, natatawang tropa lang naman ang nakita ko. Yung iba, kinikilig.

Tapos si Kuya Neil, nakakunot ang ulo.


Si Enrique, poker face.

Si Mama, nakangiti.


I guess, okay na sila samin...


KASO NAKAKAHIYA YUNG NAKITA NILA!!

FOR SURE, NAKITA NILA YUN!!!

Wahahaha.


Daniel looked at me tapos napangiti kaming dalawa.

Atleast, wala na kaming problema ngayon.


Wala ng epal na Sofia. Wala ng masasaktang Khalil. Wala na ring magagawa si Enrique.

At kung meron mang problemang dadating, SUS.


Sisiw na samin yun ni Daniel.

Basta ang mahalaga, mahal talaga namin ang isa't-isa.


 ----------------------------------------------------------


The End.


Sa mga nagtatanong, may BOOK 2 itech! K?

Title: Stuck Forever With You. Nasa profile po ang link ^_^


Written by: Irel B./Nerdyirel 

All rights reserved. 2012.

Continue Reading

You'll Also Like

119K 3K 25
Cavios Archilles Costiño, a handsome son but a serious type of man. There is a girl who is having a crush on him. That girl is always saying the word...
36.1K 1.5K 21
always his friend, never his girl
2.8M 94.5K 88
Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story.
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.