Innocent Criminals

By klaydom

45.7K 938 31

Welcome to the Book 1 of the "Innocent Criminals" This story is only available for age 18+ it contains Drugs... More

(((Prologue)))
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5 (Characters)
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 (Characters)
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Characters)
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 (Characters)
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Characters)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Ruyal Twins
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35 (Characters)
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 (Characters)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (Characters)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Big Dragons Boys
Chapter 50
Chapter 51
(Ang pag tatapos)
Announcement!!!!

Chapter 31

452 10 1
By klaydom

(Jonas Povs)
Bigo kami na mahuli ang mga larmiento dahil tuluyan na silang naka alis sa tinitirahan nila at sabi sabing ilang oras na daw nang umalis sila.

Pabalik na kami ng makatanggap ng mensahe si Jiyo dahilan para lahat kami ay mag panic

"Kukunin daw nila ulit si Ella"-Jiyo

Mangiyak ngiyak si Mikey habang naka angkas sa motor ko. Di ko alam kung paano siya patahanin. Alam kong masakit sa kaniya na malamang muling mawawala sa kaniya ang kapatid niya.

"Tumigil ka"-me

Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Na didistract ako at ayoko nang may umiiyak sa paligid ko.

"Sinabi nang tumigil kana"-me

Hininto ko ang pag mamaneho ng motor ko at nilingon siya.

"Di kaba titigil?"-me
"Akala ko nag bago na siya.. akala ko wala na siyang problema.. bakit ang ate ko nanaman ang pupuntiryahin niya? Ayoko ng mawala si ate"-Mikey

Tinignan ko lang siya habang umiiyak.

"Hindi na makakatakas sa atin ang nga larmiento tandaan mo yan. Basta lagi mong isipin, yang tiwala mo sa amin mo lang ibibigay"-me

Huminga ako ng malalim at saka nag maneho paalis. Tumigil naman siya pero ramdam kong humihikbi hikbi parin siya sa likod. Maya maya pa ay nakarating na kami sa mansyon at kami ang huli na nakarating. Sira na ang gate pati narin ang pinto. Agad na tumakbo papasok si Mikey dahilan para mapatakbo rin ako at sundan siya. Nakita naming nag kakagulo sila Jiyo sa taas kaya agad kaming nag tungo dun.

"Jonas wag ka lalapit"-Seun

Di na ako nag patinag at agad na ako pumunta dun. Nakita ko si Jason na nakahandusay at walang malay na naliligo sa dugo.

"JASON!"-me

Agad ako lumapit dun at tinapik ang pisngi niya.

"Jason Jason gumising ka"-me

Napatingin ako sa paligid at nakita ko si marie na umiiyak sa sulok habang si Up ay walang malay na inaasikaso nila Jiyo.

"Ahhhh"-me

Inis na inis ako na umalis dun dala ang katawan ni Jason. Saktong pag labas ko ay may nag datingan na ambulansya at sinalubong ko sila.

"Jason... please..wag kang mawawala."-me

Agad na nag labas ng stretcher ang ambulansya at inilapit sa amin.

"Yung kambal ko please.."-me

Pinatong ko siya agad dun at agad naman siya inasikaso ng mga medic.
Halos mabaliw ako kaka ikot ikot at kakalakad habang tinitignan si Jason na nag aagaw buhay. Tumutulo ang luha ko at sa tagal ng panahon ay ngayon lang ulit ako nag tawag sa diyos.

Panginoon ko, wag niyo po pababayaan si Jason. Mahal na mahal ko po yung kambal ko. Wag niyo po siya kunin sa akin. Kahit ako na lang po. Ilipat niyo sa akin ang lahat. Wag si Jason parang awa niyo na.

"Jonas pasensya na"

Umiiyak na lumapit sa akin si Marie sabay yakap ng mahigpit.

"Sinubukan niya kami ipag laban ni Ella pero nabigo siya.. kinuha nila si ella"-Marie

Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Mikey na umiiyak sa lupa at pinapatahan nila Dane.

"AHHHHHHH"-me

Inis na inis akong tinulak si Marie palayo ay sinuntok suntok ang lupa sa inis.
Unang beses ko yun na makita si Jason na ang aagaw buhay na siyang kinatatakutan ko. Mas matindi pa ang galit na nararamdaman ko ngayon kumpara sa nararamdaman ko noon.

"Jonas tumayo ka diyan"

Lumapit sa akin si Jiyo at tinulak ko siya palayo. Nakita kong pinasok na si Jason sa loob ng ambulansya ganun narin si Up.

"Yung kambal ko... ano na??"-me

Pinapasok ako sa loob kasama si Jiyo at sa ngayon ay nasa harapan namin si Jason na may nakakabit na kung ano ano sa kaniya.

"Ano na ho nangyayari sa kapatid ko?"-me
"Marami hong dugo ang nawala sa kaniya kaya kailangan niya na masalinan agad ng dugo at--"-medic
"Ako.. kunan niyo ako ng dugo. Kunin niyo na lahat ng dugo ko.. buhayin niyo yung kambal ko parang awa niyo na."-me
"Jonas..."-Jiyo

Niyakap ako ni Jiyo at pinatahan.

Nag simula akong kuhaan ng dugo bilang hiling ko.

"Wag ka muna sumigaw at mag wala please"-Jiyo
"Papatayin ko sila..."-me

Halos matuyo na ang mata ko kakaiyak at parang nawawasak ang dibdib ko habang iniisip na malaki ang posibilidad na mawala sa akin si Jason at di ko alam kung paano ko yun tatanggapin.

Nakarating na kami sa hospital at mabilis na itinakbo si Jason ng mga medic. Humabol ako hanggang sa mag dilim ang paningin ko..

"Jonas.."

Pangalan ko ang huling salitang narinig ko mula kay Jiyo. Nawalan na ako ng malay dahil kakatapos ko lang kuhaan ng napakaraming dugo.

Dumilat na lang lamang ako at liwanag lang ang nakikita ko.

Nasaan ako?

Sana patay na ako. Dahil di ko alam kung paano tatanggapin na baka wala na si Jason. Ayoko na magising at ayoko malaman ang lahat.

Kunin niyo na ako parang awa niyo na

"Jonas?"

Ilang beses ko sinara bukas ang mata ko hanggang sa tuluyan ko ng maaninag si Jiyo na umiiyak.

"Jonas..."-Jiyo

Umiiyak siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Akala ko mawawala kana rin"-Jiyo

Ano???

Mawawala kana rin?

Sino? Sinong nawala bukod sa akin na akala niyang mawawala?

"S-s-si Jason??"-me

Bulong ko sa kaniya. Napatingin siya sa isang banda at nakita ko si Jason sa kabilang kama na nakahiga at humihinga habang wala paring malay.

Tumulo ang luha ko.

Ganito pala ang tunay na halaga ng pag mamahal. Yung tutulo na lang ang luha mo sa saya at parang gusto mo ibayad ang kaluluwa mo sa pag kagalak

Diyos ko salamat

Hindi na naalis ang mga tingin ko kay Jason. Namumutla parin siya at medyo mahina ang heart beat niya.

"Ayos ka lang ba?"-Jiyo

Napatingin ako kay Jiyo at niyakap siya pabalik.

"Akala ko mawawala na si Jason..."-me

Muli nanamang bumuhos ang luha ko dahil akala ko talaga ay tuluyan ng mamamatay ang puso ko pagka nawala siya.

"Mag pagaling kana. Marami pa tayong gagawin"-Jiyo

Pinunasan ni Jiyo ang luha ko at hinaplos ang aking pisngi.

"Pinag alala mo ako.."-Jiyo

Napangiti na lang lamang ako ng makita ko ang mga ngiti ni Jiyo.

Narealize ko na hindi ko pa pala gustong mawala. Maraming tao ang di ko pa kayang iwan at kailangan ko pa ipag laban at isa na sila ni Jiyo dun. Silang dalawa na lang ata ni Jason ang natitirang mga mahal na mahal ko at di ko kayang mawala.

"G-g-gusto ko bumangon"-me

Inalalayan niya ako pabangon sa higaan ko at naupo ako. Dun ko na nakita ang mga tao sa paligid. Laking tuwa ko ng makita ko si Up na nakaupo sa gilid katabi si Taya,Dane at Seun. Mukhang matindi ang natamo niya dahil ang rami niyang bandages sa katawan at nabali ang isa niyang braso. Siya ba naman matira mag isa dun na marunong makipag laban talagang di na malayong matamo niya iyon.

Nakita ko sa isang banda si Mikey at Marie na mag kayakap. Ang sakit isipin na pinaasa mo si Mikey na ligtas silang mag kapatid sa aming dalawa.

"Kinausap mo ba si Mikey? Kailangan niya ang ate niya."-me
"Nakausap niya sa telepono ang mga larmiento kanina. Si Hansel na nag tatago bilang James Luroy"-Jiyo
"Anong nangyari? Anong sinabi?"-me
"Pinag hihinalaan siya na siya ang nag sabi sa atin kung nasaan sila pero tinanggi niya. Gusto nila kunin si Mikey ngayon"-Jiyo
"Ano? bakit?"-me
"Para sumama na sa kanila kasama ang ate niya"-Jiyo
"Huh? may gagawin ba silang masama? Papatayin ba nila silang dalawa?"-me
"Di ko alam. Pag nalaman nilang kasabwat natin si Mikey, panigurado papatayin nila si Ella. Tinakot nila si Mikey na wag mag salita at sumama na lang sa kanila"-Jiyo

Napakuyom ako ng kamao sa inis.

"Nasaan daw sila?"-me
"Paalis na daw sila ngayong gabi pabalik sa russia. Wala na tayong magagawa. Di na natin sila mahahabol. Hindi puwedeng sila Dane,Taya at Seun lang ang ipadala natin. Pakiramdam ko may mga bago silang tauhan na mas malalakas"-Jiyo
"May mga kasamahan parin sila?"-me
"Nakita ni Marie ang lahat. Binasuka daw ang pinto at tinamaan si Up ng mabigat na bagay. Marami daw silang pumasok at malalaking tao. Kinukuha nila si Ella pero nakialam si Jason kaya pinag sasaksak siya. Naitakas nila si Ella"-Jiyo
"Sino naman kaya ang mga yun? Imposibleng yung mga dating ka miyembro ni Hansel yun dahil marami sa kanila ang namatay at halos ang liliit ng katawan nun"-me
"Hindi korin alam. Sabi ni Marie ibang lenggwahe daw ang narinig niya. Di daw niya maitindihan. Kaya siguro nag pumilit si Jason makialam at di niya rin naitindihan"-Jiyo

Napaisip naman ako dahil dun. Sino kaya ang mga yun? At sino ang nag patawag sa kanila ng ganun kabilis para kalabanin kami at kunin si Ella sa amin.

"Ngayon iniisip ko. Ibibigay ba natin si Mikey?"-Jiyo

Napatingin sa amin si Marie at Mikey na di kalayuan ang puwesto sa amin.

"Ano kaba? siyempre hindi. Ibigay man natin siya o hindi nasa panganib parin sila at di natin alam ang puwede nilang gawin sa kanilang mag kapatid"-me
"Kailan tayo puwedeng pumunta dun?"-Jiyo
"Di ko kaya iwan si Jason at di korin kayo puwedeng hayaan"-me

Tumungo tungo si Jiyo at nag isip

"P-p-puwedeng mauna na ako dun? Gusto ko makausap sina Hansel na pakawalan si ate"-Mikey

Biglang nag lakad si Mikey papunta sa puwesto namin dahilan para sundan siya ni Marie

"Mauna na lang kayo"-me

Alam kong hindi magugustuhan ni Jiyo ang sinabi ko kaya agad narin ako nag salita.

"Susunod kami pag ayos na si Jason. Di ko talaga kaya maalis sa tabi niya ngayon. Gusto ko makasigurado na ligtas siya. Siguro isasabay na lang namin si Up dahil kailangan niya rin mag pagaling pa"-me
"Kung ganun sila na lang ang mauna at sasabay ako sa inyo"-Jiyo
"Jiyo hindi puwede. Kailangan ka nila. Di ka puwedeng umalis sa tabi nila dun."-me
"Oo nga Jiyo. Di namin kaya na kaming tatlo lang duon dahil hindi pa kaya ni Up"-Taya
"Pipilitin kong mag pagaling ng mabilis para makasunod agad dun"-Up

Di na nakasagot si Jiyo dahil ilan na kaming pumipilit sa kaniya.

"Please..."

Dagdag pa ng pag mamakaawa ni Mikey sa kaniya. Tinignan ko siya mata sa mata at nakiusap na pumayag.

"Sige.. tara na"-Jiyo

Agad na tumayo sa kinauupuan sina Dane at Seun at lumabas kasama si Taya.

"Mag ingat kayo"-Marie

Sabay yakap ni Marie sa kaibigan niya na si Mikey.

"Sige."-Mikey

Agad na lumabas si Mikey at bago pa man lumabas si Jiyo ay tumingin eto mula sa akin.

"Ipangako mo na susunod ka dun huh! Lagi mong titignan ang cellphone mo dahil lagi kita tatawagan at pag may hindi ka sinagot na tawag babalik at babalik ako dito"-Jiyo

Hindi oras toh para mapangiti pero di ko na napigilan. Kahit kailan talaga siya. Daig pa ang pamilya ko kung manermon at mag alala. Kala mo naman ay galing ako sa sinapupunan niya.

"Oo sige."-me

Palabas na siya ng nag pahabol ako.

"Mag ingat ka.. kayong lahat"-me

Tumungo siya at sinara na ang pinto. Tumayo si Up sa kinauupuan niya at umupo sa higaan ko ganun narin si Marie.

"Sorry kung di ko napag laban si Ella ah"-Up

Kitang kita ko sa mukha ni Up ang pag kadismaya dahil siya ang lagi naming inaasahan pag dating sa pag babantay.

"Hindi mo naman ginusto yun"-me
"Atsaka kung wala ka baka sa baba palang naaksidente na kami"-Marie

Tumungo si Up bilang pag sang ayon pero halata parin sa kaniya ang pag ka dismaya.

"Hayaan mo. Matatapos din ang lahat ng ito. Pag naging ayos na tayo sabay sabay tayong pupunta dun kasama si Jason dahil wala na puwedeng maiwan sa atin"-me

(Maries Povs)
Ang awkward naman na nag uusap sila na aalis tapos ako di kasama. Sabagay di naman ako belong sa grupo nila nakiki echosera lang ako.

"Uuwi na siguro ako"-me

Napatingin sila sa akin. Napayuko naman ako sa hiya dahil siguro naramdaman narin nila ang prisensya ko sa wakas.

"Oo nga pala. Hindi ba delikado pag humiwalay ka?"-Up
"Hindi naman siguro. Di nama nila ako kilala ng mga hinahanap niyo... I mean classmate ko si James-- este si Hansel tapos teacher ko naman si Mr.Larmiento pero alam naman nila na labas na ako sa gulo diba?"-me

Napatingin lang kami ni Up kay Jonas para kunin ang desisyon neto dahil halatang napapaisip.

"Alam ni Hansel na kaibigan kita."-Jonas

Tila umangat ang kaluluwa ko sa sinabi ni Jonas. K-k-kaibigan???

Tinawag niya akong kaibigan?

Agad ko tinakpan ang bibig ko bago pa niya ako makita ngumiti.

"Kasali kana dito dahil nakita kana nila na nakakasama mo kami lalo na ako. Paano kung iwan ka namin dito tapos nakuha nga namin si Ella pero ikaw ang isunod nila? Hindi ka namin puwede hayaan kasi di ka naman mapapasok sa gulong toh kung hindi dahil sa amin"-Jonas

Napatungo naman ako. May punto naman si Jonas

"Ibig sabihin..."-Up
"Isasama natin siya. Ako na bahala mag paliwanag kay Jiyo"-me

To be continued......

Continue Reading

You'll Also Like

41.6K 1K 23
(First Book!) This is an AU were Shoyo is a female and a 2nd year úwù.... This is a hinata harem fanfic Bᴏᴏᴋ ᴄᴏᴠᴇʀ ᴍᴀᴅᴇ ʙʏ ᴍᴇʜ | This is crappy as...
80.2K 3.1K 21
Midoriya has been confused. He thought he liked Ochaco, but that strange feeling from the past has disappeared. Strangely he starts to feel feelings...
3.9K 1.8K 33
(On-going) Ainee Davina Rae, the only daughter of the most dangerous and most influential mafia boss. When her parents died at the age of ten she inh...
2.3M 70.2K 98
Previously called Older Brothers Part 1 Completed (Alternate version) part 2 Ongoing "T-trust me?" "Always." It was the promise that they were never...