Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 30

4.3K 177 127
By peachxvision

Hindi kami nakapagdate noong weekend na 'yon dahil nga nagkasakit ako at pinili ko na lang magpahinga. Hindi rin naman makapunta si Theo sa amin dahil hindi naman kami legal.

Kailan ko kaya masasabi yung tungkol sa amin?

Nagpagaling ako dahil ayokong abutin ng Monday. Mahirap na maiwanan sa acads. Sipon at ubo na lang naman na ang meron ako, pero hindi na ako nilalagnat. Kinamusta agad ako ni Petty nang nakita niya ako sa room tapos tumitig sa 'kin na parang may gusto siyang sabihin ko.

"A-ano?" tanong ko nang sobrang tagal na niyang nakatitig.

"Wala ka bang ikukuwento? Kung ano nangyari no'ng Friday?" sabi niya. "Usually, mga friends ko may paganyan sa mga jowa nila, may post agad sa Facebook ng sobrang habang message e. Pero ikaw ni picture, ni kuwento, wala."

Ngumiti lang ako. "Fail e."

Kinuwento ko kay Petty lahat—yung paghatid sa 'kin ni Hudson, yung pagtulog ko hanggang alas-onse at nagising sa halik niya, yung medyo away namin, yung fail pero semi-sweet na dahilan kung bakit hindi pumasok agad si Theo, at yung pasorpresa ng org niya.

"Pasorpresa ng org pero itong dalawang orgmate niya, walang alam?" tanong ni Petty.

Tumango ako.

"Weh," naiinis na dagdag niya, "if I know, plinano 'yon ng pusa na 'yon. Te, ano na? Parang unti-unti mo na lang na pinapanood na mawala siya sa 'yo. Ako 'tong nasasaktan para sa 'yo, e."

Nagbuntonghininga ako. "Gusto ko siyang pagkatiwalaan. Ayokong maging immature para magselos sa isang bagay na hindi naman pala nag-e-exist. Hindi naman niya ako mundo."

"Oo, hindi ka niya mundo, pero parte ka. Hindi puwedeng ikaw lang 'tong adjust nang adjust. Oo, siya 'tong nakapasa sa magandang university at maraming expectations sa kanya. Pero . . . paano ka?"

Paano . . . ako . . .

Bigla na lang ako naiyak. Naiyak dahil naguguluhan na ako. Paano ba? Ang sakit, ang sakit—yung alam kong ako naman yung girlfriend niya, na ang sabi niya, mahal niya ako . . . pero bakit hindi ko na siya nararamdaman? Ano ba, ano bang gusto ko? Kailangan ba pisikal siyang nasa tabi ko para maramdaman ko? Ako ba ang mali? Ako lang ba ang may mali? Kami ba pareho?

Ang sakit . . .

Na sobrang nagseselos ako, pero ayoko matawag na "possessive," kaya dinadaan ko na lang sa paghinga at nagtitiwala ako . . . pero hanggang saan? Paano ko malalaman na nawawala na pala siya sa 'kin? Anong hangganan?

Na gusto ko ng oras niya, pero naiintindihan ko yung mga expectations sa kanya dahil mula sa pagiging "normal," heto siya, may biglang naabot . . . at sobrang proud ako sa kanya kaya nga tinutulungan ko siya hanggat kaya ko. Pero paano ako? Hanggang kailan ako mag-a-adjust?

May hangganan ba ang pag-iintindi?

Paano ba balansehin lahat ng 'to?

What's the borderline between selfishness and self-love?

Mali bang itanong ko 'yon?

Sinabi ko 'tong lahat kay Petty na walang nagawa kundi ang tapikin at himasin ang likod ko para tumahan. Hindi pa man din nangangalahati ang buong araw, heto, ganito na.

"Bakit ganito?" sabi ko habang pinupunasan yung mga mata ko. "Noong una, ang saya-saya naman namin. Dapat ba hindi ako nag-risk?"

"Gano'n naman talaga 'yon e. Iyon lang naman ang gusto ng tao sa isang relasyon—yung kilig. Pero paano yung sakit na hindi maiiwasang kasama? Kapag hindi nila pinaghandaan 'yon, susuko talaga sila agad."

"Talaga bang kailangan kasama yung sakit?"

"Ideally, hindi. Meron naman siguro. Hindi natin 'yon alam. Ang alam natin, hindi iyon yung klase ng relasyon na meron ka kay Theo."

"Kailan . . . kailan dapat sumuko? Kailan dapat kumapit? Ano yung signal para masabing 'tama na'? Ito, ititigil ko na ba 'to dahil nasasaktan ako . . . o ipagpapatuloy ko pa rin dahil pagsubok lang 'to sa 'kin?"

"Hay! Leche ka naman e," sabi ni Petty na edyo naiiyak na rin. "Kahit ako, ginugulo mo. I suggest . . . kausapin mo si Theo. Huwag kang matakot, okay? Kung naiintindihan ka niya, pakikinggan ka niya muna. Siguro dedepensahan ang sarili niya nang kaunti, pero ang mas mahalaga, maayos niyo kung ano man 'to nang mawala 'yang tinik sa dibdib mo."

Pinunasan ko ang mga luha ko. Dito ko naisipan na sa maling tao ko sinasabi ang lahat ng 'to.

Dapat sa kanya.

"Sorry, Pet," sabi ko. "Kakausapin ko siya sa weekend tungkol dito."

"Makikinig ba siya?" tanong niya.

"Sana."

"Dapat," pagdidiin ni Pet.

Buong araw ko inisip ang lahat ng sinabi ko. Alam ko namang valid ang mga nararamdaman ko, and at the same time, valid din ang mga dahilan niya. Kailangan naming mag-compromise kung gusto talaga namin 'to magtagal.

Ako kasi gusto ko.

Siya ang first boyfriend ko, first legit na kalandian, first kiss, first ultimate crush, at sana, siya rin ang magiging last ko sa lahat ng 'yon—including first and last na asawa. Na-judge ako nang kinuwento ko 'to sa ibang kaibigan ko. Ang sabi nila, "Asawa kaagad?"

Ang sagot ko, "Bakit, saan pa ba pupunta 'to?"

Bakit ka makikipagrelasyon kung hindi rin naman doon ang punta? Ano, ma-enjoy ang buhay? E di sana friends na lang. Sex life? E di sana nilinaw na lang sa isa't isa na "sex friends" sila.

Basta ako, kaya ko sinagot si Theo ay dahil gusto ko siya yung haharapin ko sa altar sa mga susunod na taon.

O kung magbago man ang pananaw ko sa kasal, basta si Theo yung nasa tabi ko hanggang sa matigok ako.

Kararating ko lang ng bahay, at sa dami ng iniisip ko, nakalimutan ko na tingnan yung cell phone ko. Pagtingin ko, may missed call siya.

Ngumiti naman ako.

Tumawag ako pabalik at sinagot naman niya agad.

"Love," sabi ko, "tapos na class?"

"Yep," sagot naman niya. "Pauwi na kami."

Kami. Ayan na naman. Pero hindi. TIWALA lang.

"Aaaaah . . . okay, ingat. Bakit ka pala napatawag kanina?"

"Ano kasi . . . sa Sabado . . ."

Sa umpisa pa lang niya, alam kong hindi na kami magkikita.

"May exam kami," tuloy niya. "Sorry . . ."

"Anong oras? Baka naman puwede kitang puntahan pagkatapos?"

"Four nga ng hapon e. E major. Siyempre, magre-review ako sa umaga."

Ang sikip sa dibdib kapag alam mong hati na yung oras ng mahal mo para sa 'yo, pero gano'n talaga e. Bilang partner niya na nag-aaral din, dapat intindihin ko na acads first. Ibang iba ang college sa high school. Dito nakasalalay records namin na titingnan ng mga employee.

Kaya kahit masakit, ngumiti ako at sumagot, "Sure. Okay lang. Video call na lang tayo kapag nakauwi ka na sa bahay."

"Haaaay!" bigla niyang sigaw sa telepono. "Alam mo, sobrang suweeeeerte ko sa 'yo!"

"Hala siya!"

"Alam mo ba na may ka-org ako tapos kaka-break lang nila ng girlfriend niya. Nagbreak sila dahil nawawalan na raw sila ng oras para sa isa't isa. E taga-rito din naman yung babae."

"Bakit daw?"

"Ewan. Di na raw sila madalas magkita."

"Sus ko. Magkaparehas ng school tapos di madalas magkita? OA ha."

"Oo nga! High school din sila nag-umpisa. Siguro sa sobrang dalas nila magkasama noon, nanibago sila dito."

"E tayo nga, magkabilang ibayo e."

"Iyon ngaaa," diin niya. "O siguro kasi parang rason nga raw ng babae, nasa parehas na sila ng school, pero parang wala sila sa isa't isa. Basta, parang nagiging cold daw."

"E ikaw," pag-iiba ko ng usapan, "tingin mo ba nagiging cold na ako?"

"Hindi no," sabi niya. "Suwerte ko sa 'yo. Sabi nga nila, ang guwapo ko raw kasi sinusundo mo raw ako."

"Kahit hindi kita sinusundo, guwapo ka pa rin," dahilan ko. "Isa pa, anong issue nila? Ano ngayon kung sinusundo kita? Kasi babae ako?"

"Mga tipong di mo raw ako kaya mawala kasi spoiled ako sa 'yo."

Tumaas yung kilay ko.

"Oo, di kita kayang mawala, pero nakakainis naman 'yang dahilan na 'yan! Anong gusto nila palabasin? Kapag babae ang sumusundo, desperate for love, gano'n? Tapos suwerte yung lalaki? Tapos kapag lalaki ang sumusundo, sweet. Ang babae, wala—normal?"

"O, love, kumukulo ka na. Baka makapagprito na ako ng isda sa 'yo."

"Talaga! Kanser ng lipunan!"

"Di mo naman masisisi na may gano'n pa rin mag-isip."

"At dapat sinasabi sa kanila na hindi gano'n. Oo, siguro, biologically, may restrictions ang babae. Pero hindi ba puwedeng dahil choice namin 'to?"

"Naks! 'Yan ang girlfriend ko! Palabaaaaan!" sabi niya. "Na-tu-turn on ako sa mga sinasabi mo e."

Napatigil ako at napangiti. Nako, walang kupas pa rin mga ganyang banat niya na ganyan.

"Landi mo forevs," biro ko.

"Ikaw lang naman nilalandi at lalandiin ko e."

"Wooooo! Big words. Totohanin mo 'yan."

"Totoo naman."

"E bakit si Cat?"

"Anong meron kay Cat?"

"E kasi lagi kayong magkasama tapos may crush pa siya sa 'yo noong high school."

"Alam naman niyang ikaw lang ang crush ko. Binasted ko na nga e, di ba?"

Natawa ako. "Nakooooo, The Orpheus Romeo . . ."

"Bakit, Ma. Natasha?"

Ngumiti ako at nagbuntonghininga bago sumagot ng "Wala . . . mahal na maha—"

Pero bago ko pa man nakumpleto yung sasabihin ko, biglang nawala yung linya. Nag-text ako pero wala siyang reply. Huminga ako nang malalim. Nawalan ng signal? Nawalan ng load? isip-isip ko. Wala rin naman akong pantawag, puro pantext lang. Hindi rin naman siya online.

Siguro after one hour, nakatanggap ako ng message online na naputulan siya ng load. Grabe naman 'yang load na 'yan. Timing talaga sa "I love you" ko? sabi ko sa isip ko.

Sign kaya 'yon na . . .

"Hala, self? Gumagawa tayo ng sarili nating issue?" sabi ko sa sarili ko.

Wala naman akong nagawa kundi palipasin ang isa pang linggo bago kami magkita.

Pero . . .

Ang isang Sabado, naging tatlong weekend na hindi na kami nagkikita. Iyong una, may exam nga siya. Pangalawa, exam ulit. (Bakit ba kasi puro Sabado exam ng mga major niya?) Pangatlo, may event yung org niya. Hindi na rin ako nakakapunta ng Friday kasi sasabihin niya, marami siyang papel na ginagawa (dahil parang lagi namang hell week sa kanila) at video call na muna.

Sa loob ng halos isang buwan, nagtiis ako na video call na lang. Naiintindihan ko, naiintindihan ko. Nagiging proud naman ako kapag sinasabi niyang "ang suwerte ko sa 'yo kasi naiintindihan mo ako."

Pero noong pang-apat na Sabado na sinabi niyang may org event ulit siya . . .

"Theo," sabi ko, "iniiwasan mo ba ako?" Hindi ko na napigilang itanong sa video call.

"Ha? Bakit naman kita iiwasan? Natakot ako sa pangalan ko a. Parang di na ako sanay na tawagin mo akong gano'n."

"Isang buwan na tayong nagtitiis sa video call," sabi ko.

"Akala ko ba naiintindihan mo yung sitwasyon ko?"

"Naiintindihan ko . . . kaya nga ako nag-adjust for the past few weeks, di ba? At isa pa, org event 'yan. Hindi naman na acads. Baka naman puwedeng mong ipagpaliban muna 'yan para sa 'kin?"

"Outreach kasi 'to ng org. Di ba may contest last Saturday? Yung kinita doon, ibibigay na—"

"Agad-agad? Like, grabe naman 'yang org niyo kung magplano."

"Totoo naman. Itanong mo pa kina . . . Vien."

"Kay Cat, puwede kong itanong?"

"May pinupunto ka ba?"

Natahimik ako. Oo, may gusto akong ipunto. "Alam mo kung anong dating sa 'kin? Na mas gusto mo siyang kasama kesa sa 'kin. Iyon! Iyon na! I finally let it out!"

"Ha? Bakit naman? Di ko nga siya gusto, paulit-ulit tayo sa issue natin kay Cat e."

"Dahil ipinamumukha mo sa 'kin na background lang ako, Theo."

"Bahala ka nga."

Tapos namatay yung video call.

What.

The.

Actual.

F—

Napatingin lang ako sa cell phone ko. Seryoso bang binabaan niya ako? Ngayon lang niya ata ako binabaan ever. Putek, ayan na naman. Sumisikip na naman ang dibdib ko.

Torn na naman ako. Parang tanga lang na feeling ko, naguguluhan na ako sa pagkakaiba ng pride at dignity. Like, ano ba, "hindi naman ako ang may kasalanan . . . bakit ako ang tatawag?" versus "porke hindi na ikaw ang may kasalanan, hindi mo na itatanong kung anong nangyari?"

Nanaig yung pangalawa.

Tinawagan ko siya pero hindi na niya ako sinasagot. Tapos biglang di na siya online. Naluluha na naman ako, tipong gusto kong magalit at kung ano-ano na lang sabihin sa kanya sa text. Pero sabi nga nila, Do not make decisions when you're angry . . . dahil iyon ang mga desisyon na pag-iisipan—o pagsisisihan—mo habambuhay.

Huminga ako nang malalim.


kung ok ka na...usap tayo.

pls...sana if you have free time magkausap tayo

i really miss u

do you miss me as much as i miss you?

hay.

good night.

ingat ka

iloveyou...theo


Napatingin ako sa bintana. Ano na, ano na ba? Bakit nagkakaganito? Punyetang proximity 'yan.

Lumamig na yung hangin, pero wala pa rin siyang sagot.

Kinabukasan, tiningnan ko yung messenger ko, at voila, may messages siya.


im sorry. di ko lang kasi gets bat ka nagseselos kay cat. high school pa lang, ikaw na ang pinili ko.

sorry kung binabaan kita. wala ako sa mood kagabi. natulog na lang ako.

i miss you too

i promise, no excuses...next saturday

love you


Wow—i . . . miss . . . you . . . too. Too.

Dapat ata matuwa ako doon pero . . . hindi ko na alam kung kailan ko nakita yung "I miss you" niya na hiwa-hiwalay, small letter lang yugn "i," at "too" yung nasa huli. Madalas kasi, dikit-dikit, malaki yung "i," at "more" yung sagot niya.

At hindi niya nakakalimutan yung "I" sa "I love you" niya.

Ngayon lang.

Nasisiraan na ata ako ng bait.

Maybe I'm thinking too much of this.

Parang . . . ngayon lang ata ako hindi na-excite mag-Sabado.

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 1.3K 188
Aeri Miyawaki loves to have her daily morning walk. During her walk, a car stopped and asked for directions. Aeri was left speechless when the person...
55.6K 2.4K 16
C O M P L E T E D You have to keep your faith in order to experience the best fate.
102K 7.4K 101
Hindi typical school guy si Jose Primitivo Legarda Regidor IV at hindi rin basta-bastang estudyante si Kim Tsu. Magkasundo kaya ang dalawa kung wala...
39.3K 2.6K 53
in which a kiss under the mistletoe brings two strangers together. a jung jaehyun fanfic. © moansta 2018.