Devin High [REVISING]

By wannabeangel

112K 404 62

Currently revising. More

Devin High
[Chapter 1]: Welcome To Devin High
[Chapter 2]: First day with crazy girls
[Chapter 4]: Getting close

[Chapter 3]: The Snow Princess

4K 67 7
By wannabeangel

[Chapter 3]: The Snow Princess

-Third Person's Point of View-

"Aisht!"

Sabay-sabay humiga sa kanyang-kanyang kama sina Hero, Dark and Blood sa kanilang dormitory.

"TANGINANG FIRST DAY NAMAN TO OH!" naiiritang reklamo ni Dark.

Bumuntong-hininga si Hero. "We need to get out of this school as soon as possible."

"YEAH WE HAVE TO! Shit! Bawas na kaagad ang uniform natin ng isa! Tsk." -Blood.

Tiningnan ni Dark si Hero. "Sigurado ba si Tito na andidito ang Red Angel na pinapahanap niya?"

Nagkibit-balikat lang si Hero. That was his dad said based on their investigation.

"PAG YANG RED ANGEL WALA DITO, BAKA PAPASUNOG KO TONG SCHOOL NA TO!" banta ni Blood.

Umupo si Dark sa kama niya. "Ilang taon na siya hinahanap at dose-dosena tayong naghahanap sakanya pero bat di pa rin siya nakikita?!"

Napaisip si Blood. "I think isa siya sa mga gangster na magaling mag disguise. No one knows kung ano ang tunay niyang itsura. That's why she's hard to find."

"Pag nakita mo na siya, will it seems familiar?" tanong ni Dark kay Hero.

"Oo." seryosong sabi ni Hero.

-Hero's Point of View-

Inangat ko yung kanang kamay ko at tiningnan yung pulso ko.

May tattoo ng isang apoy at sa ibabaw nito ay crown. Simbolo ito ng pagiging isa sa mga malakas na gangster.

Red Angel..

Nag flash sa utak ko yung image niya. Napahinto ako at napaisip. Her red hair and red eye.

Red eye lang dahil yung kanang mata niya lang ang expose. Yung kaliwang mata niya ay naka cover ng eye patch. Yan ang disguise niya.

Depende saamin kung gusto namin mag disguise pag nasa rising ground. Ito ang lugar kung san nag titipon at naglalaban ang mga gangsters. Pero ako, i chose not to disguise. Wala naman ako tinatago at alam ng tatay ko na pampalipas oras ko ang pagpunta sa rising ground. Sina Dark at Blood ay mga kaibigan ko na simula pa nung pinasok namin ang mundo ng mga gangsters. At gaya ko, hindi din sila nag d-disguise.

"Malaki ang Devin High. May mga middle school pa dito. Paano natin malalaman kung sino siya dito?" tanong ni Dark.

Napaisip ako.. pano nga ba? Red angel is one of the strongest gangster in rising ground. Lahat ng mga nasa top 20 ay nilalagyan ng tattoo para maging simbolo ng pagiging malakas nila.

Ang tanong, san kaya magiging marka ng babaeng yon?

**

Kinabukasan, hindi na kami nag suot ng mga salamin dahil alam na naman nila ang tunay naming mga itsura. At ayaw na namin maulit yung nangyari.

Habang naglalakad kami sa corridor ay pinagtitinginan pa rin kami ng mga babae. So much for keeping a low profile huh? Binalewala nalang namin dahil sanay na kami sa mga tingin ng mga tao nung nasa sherlock academy pa kami.

Pagkapasok palang namin sa loob ng school ay kaagad kong nakita yung babaeng puti ang buhok. As usual, she looks emotionless while watching us enter the room. Nakapatong ang kanyang kanang pisngi sa kanyang palad habang ang kanang siko ay nakapatong sa kanyang mesa. Nung nagtama ang tingin namin ay kaagad niyang tinanggal ang tingin saaming direksyon at tumigin sa malapit na bintana sakanya tila ba'y wala siyang pakialam sa presensya namin.

Umupo na kami sa mga seats namin.

"I hope second day won't be bad as yesterday." mahinang sabi ni Blood habang iniikot ang tingin sa classroom.

Pinagmasdan naming tatlo ang ibang mga maiingay at magulo naming classmates. Ilang minuto lang ay tumunog na ang bell hudyat ng pagsimula ng klase. Pumasok na saaming classroom ang aming teacher na si Mr. Saavedra.

"Goodmorning class. Please settle down. I have an announcement."

Tumahimik naman yung iba at nagsipwesto sakanilang mga upuan.

"Since it's a new school year, all of you will also have your new partner."

Nagtaka naman kaming tatlo at nagkatinginan. Partner para saan?

Mr. Saavedra explained. "Para sa mga new students na hindi alam, a classmate will be assigned as your partner for the whole school year. Your ranking in your batch will be based on ranking points. These points will be coming from your academic performance, extra curricular activities and merits demerits when it comes school rules." then he smiled. "Academic performance will be an individual points while the extracurricular activities and merits demerits will affect both students."

"Hindi ba parang unfair yun?" mahinang tanong ni Dark saamin ni Blood.

Napaisip ako. Unfair nga. Tila narinig ng teacher ang mga nasa isip namin kaya sinagot nya. "I know you might think it's unfair but this partner system actually improved the school performance of the students. Your partner can also help and guide you in this school especially when it comes to academic. No one will be left alone in this school because your partner will be there for you. You are now junior students and most of you already know how the partner system actually helped you, right?"

Tumango yung mga kaklase namin. Nagsalita muli si Mr. Saavedra. "Before this day ends, malalaman niyong kung sino ang mga partner niyo. It will be posted sa bulletin board sa labas."

Pagkatapos ng announcement na yon, ay nagsimula na siya mag discuss ng English subject.

"Damn. I didn't expect i would have a companion in this school other than you guys. Ya know?" mahinang sabi ni Blood.

Sumang-ayon naman si Dark. "I don't have plans on making friends."

Napaisip naman ako habang nag d-discuss ang teacher sa harap. Damn it. Masyado akong nag focus sa idea na hanapin ang red angel dito. Our only plan was to keep a low profile habang hinahanap siya. Medyo nawala sa isip ko na we need to totally adapt here as students. Hindi ako sanay sa mga rules na yan at halos wala akong pakialam nung nasa Sherlock academy kami dahil pag mamay-ari namin yon. I could burn a classroom there and my father won't expelled me.

Napatingin ako banda dun sa babaeng may puting buhok. Same as yesterday, nakadapa lang ang ulo nya sa table kahit na may discussion sa harap. I guess she's always sleeping in the class huh? I wonder what's her student rank?

Nung nag break time na ay dumeretso kaming tatlo sa cafeteria. Pagkatapos namin bumili ng pagkain ay umupo kami sa may gilid kung saan may isang square na table at apat na upuan.

Habang kumakain kami ay napapansin pa rin namin na madaming babae na napapatingin banda samin.

"I know we're goodlooking but can they just stop?" reklamo ni Dark pagkatapos kumagat ng sandwich.

"Sanay naman tayo sa mga tingin dun sa sherlock academy. Pero hanggang dito ganun pa rin. Our disguise yesterday was very fail." sagot ni Blood.

"So you guys are the famous new students of junior batch huh?" napatigil kaming tatlo sa pagkain at tiningnan ang nagsalita na nasa harap ng table namin.

"Hi mga tol!" ngumiti siya saamin at umupo sa bakanteng upuan.

Nagkatinginan kaming tatlo. Who is this guy?Nagkibit-balikat naman yung dalawa.

"I'm Gio." the guy smiled at nakipag shake hands saamin. Tiningnan lang namin siya. We are not really known as friendly.

Gio just smiled awkwardly at binawi ang kanyang kamay. "So.. i heard what happened to you guys yesterday."

Medyo uminit yung ulo ko sa tanong niya dahil naalala ko na naman. "Andito ka ba para pag-usapan yun?"

"Whoa whoa" tinaas niya yung dalawang kamay niya na parang nag su-surrender. "Andito ako para maging kaibigan niyo. I'm also a junior student."

"Tsk." uminom nalang ako ng Coke.

"Alam niyo ba na hindi kayo ang unang students na nakaranas nyan? Last year din may nangyaring ganun sa batch natin. I think this is the only batch na masyadong napapansin kapag may salamin yung tao. Especially the boys. May mga freshmen nga ngayon na may suot na salamin. But they weren't treated like you."

"Do you have any idea bat masyadong napapansin yung mga naka salamin sa batch na to?" tanong ni Dark.

Nagkibit balikat si Gio. "Di ko din alam kung ano yung real reason since baguhan lang ako dito..last year lang. Men, mas malala yung nangyari last year dun sa kasabayan kong new student." Umiling iling siya. "Isang araw palang, umalis na siya kaagad sa school. He was a real nerd. Sobrang mahiyain talaga at introvert kaya na trauma sa nangyari."

"Isang taon ka na dito pero hindi mo nalaman kung bakit ginagawa yun sa batch natin?" tanong ni Blood.

Umiling si Gio. "Well, i tried to ask pero sagot nung iba ay trip lang daw? Weird diba? This school really ain't ordinary especially sa highschool division. Sometimes, something fishy is happening but most of the students decide not to care."

So ang red angel ay namamasukan sa isang weird na school?

"At saka..." salita muli ni Gio.

"At saka ano?"

Nilapit niya yung mukha niya saamin. Nilayo namin tatlo yung mukha namin sakanya. The heck? Is this guy also weird like some of our batchmates?

"May ibubulong lang ako mga tol!"

Oh okay. Nilapit namin yung mga tenga namin sakanya.

"The other thing na hindi dapat gagawin dito ay...don't ever mess with the dangerous clan."

"Dangerous clan? What the hell is that?" medyo natawa si Blood habang tinatanong yun. 

Me and Dark also chuckled. What a corny name for a group.

Nagtaka si Gio kung bakit medyo natawa kami. "Eto ay grupo ng mga students dito sa Devin High. Don't mess with them coz they're seriously dangerous. Mas okay pa na umiwas nalang sakanila kaysa naman ma involve sa mga students na yan. All students are afraid of them. They're popular kahit sa middle school division.

"Sinu-sino naman sila?" curious na tanong ko.

Sasagot pa sana siya kaso naramdaman namin na parang biglang nagkaroon ng katahimikan sa cafeteria. Nagtaka kami at tumingin sa paligid kung anong meron.

Nakita namin na may pumasok sa cafeteria na tatlong babae...isa na dun yung babae na may puting buhok.

Sa may gitnang table sila umupo pagkatapos bumili ng pagkain. Bago umupo yung babae na puti ang buhok ay nagtama yung tingin namin ng ilang segundo. Di ko alam kung sadya ba na napatingin siya sa direksiyon ko kahit na sobrang layo nung pagitan ng table namin sakanila. Di ko alam kung napansin din ba yun ng iba.

Bumulong saakin si Gio. "See that white hair girl? She's the Snow Princess."

Tiningnan ko siya. "Snow Princess?"

He nodded.

Snow Princess? Bakit? Dahil cold siya?

"Bat biglang tumahimik nung pumasok sila?" tanong ni Blood.

"Cause they're the three girls from the dangerous clan." mahinang sagot ni Gio.

"They're hot..." nakangiting sabi ni Dark. "Especially the girl with the white hair."

Napataas yung isang kilay ko sa sinabi niya.

Gio chuckled. "Nagkaroon ng poll dito sa Devin High at siya yung nakareceive ng pinakamaraming boto as The Most Beautiful Girl here in the campus although she's a member of dangerous clan. Her name is Rose Angel Yvanez. Everyone either calls her Snow princess or Ray."

Napatigil ako at napaisip. Rose angel? Red angel? Damn. Just because may angel din sa pangalan niya ay ibig sabihin ba nito ay iisa lang sila? Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ako pwede mag assume nalang ng basta-basta kung sino ang red angel.

"Bakit naman Snow Princess?" tanong ni Dark.

"Easy.. because she's cold. Sobra. Kasing lamig ng niyebe."

"But why is her hair white?" tanong ni Blood.

"Di ko din alam. Nung pumasok ako last year. Ganyan na ang kulay ng buhok niya eh."

I'm starting to get curious about the snow princess of this campus. But alam kong ang tanging pakay ko dito mahanap si Red Angel.

Pagkatapos ng break ay nagsimula na kaming bumalik saaming classroom. Hindi namin kaklase si Gio kaya humiwalay na siya at nagtungo sa classroom niya. He's from 3-B.

"Hi Hero!!!" bati saakin ng isang babae habang paakyat kami sa hagdan.

Hindi ko siya pinansin. Tinaas ko lang yung isang kilay ko. I wanna have a new image in this school but I guess it can't be helped. I have the same attitude towards girls katulad sa Sherlock academy. Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan. They're known as playboys in sherlock kaya napapaisip ako kung magiiba ba ang mga gawain nila dito sa Devin High. Based sa experience namin kahapon with the weird girls, baka hindi sila interesado.

Thank God our second day went smoothly. Most of the girls stare at us pero buti nalang hindi katulad kahapon na pinunit pa mga damit namin.

Pagkatapos ng dismissal namin ay dederetso sana kami pababa at naisipan pumunta sa Devin High town para maglaro ng arcade nang mapansin namin na madaming students nagkukumpulan sa bulletin board ng buong 3rd year.

"Ohh... nakapost na ata yung listahan ng mga partners." tumungo na si Blood dun sa bulletin board.

I'm not really interested about the partner system dahil wala naman talaga akong pakialam sa school ranking na yan. Bored akong tumungo sa bulletin board. Well, I guess it won't hurt me kung malaman ko sino ang partner ko.

"Omygod!!! Faith is sooo lucky!! Partner niya si Lay!!!!" narinig kong sabi ng isang babae.

Ano daw? Lay?? or Ray?? Di ako sigurado kung anong pangalan yung narinig ko.

Tiningnan ko listahan sa section namin... hinanap ko pangalan ko.

Hero Alexis Sychua. I moved my eyes to see the name next to mine.

Rose Angel Yvanez....

Napataas isa kong kilay. So siya ang partner ko? So much for not involving with the members of dangerous clan huh?

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's note: Dedicated po kay miss sielalstreim :D One of my favorite stories ay yung Montello High: School of Gangsters na sinulat niya :D Sobrang ganda nun guys promise! Try niyo basahin! =)) :D

Continue Reading

You'll Also Like

561K 14.8K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...