I am the Tutor of Mr. Arrogan...

By SheWritesLove26

120K 1.8K 154

"I used to be confident, then you came and it's gone." Rio Jed Nolasco only knows one place to stay- at the t... More

I am the Tutor of Mr. Arrogant
-Prologue-
Lesson Number One -Miss Rank Number One-
Lesson Number Two -A Match Made in Heaven or in Hell?-
Lesson Number Three -Lesson Plan-
Lesson Number Four -Teach him to be patient.-
Lesson Number Five -Teach him to be helpful.-
Lesson Number Six -Teach him to be generous.-
Lesson Number Seven -Scrambled Feelings-
Lesson Number Eight -Teach Mr. Arrogant to be thankful.-
Lesson Number Eight - 2
Lesson Number Nine -She's Special-
Lesson Number Ten -A Night With Mister Arrogant-
Lesson Number Ten - 2
Lesson Number Eleven -The Crazy Fans-
Lesson Number Twelve -Accident and Goodbye-
Lesson Number Thirteen -Friends or Foes?-
Lesson Number Fourteen -Teach him to persevere.-
Lesson Number Sixteen -Learn to forgive.-
Lesson Number Sixteen-2
Lesson Number Seventeen -The Greatest Lesson-
Lesson Number Seventeen - 2
Lesson Number Eighteen
Lesson Number Eighteen- 2
Lesson Number Nineteen
Lesson Number Nineteen -2
Lesson Number Nineteen- 3
Lesson Number Twenty One
Lesson Number Twenty One -2
Lesson Number Twenty Two
Lesson Number Twenty Two - 2
Lesson Number Twenty three
-Epilogue-
Bonus Chapter

Lesson Number Twenty

616 11 2
By SheWritesLove26

Teach him to persevere.

"If you want something, you have to work hard for it. Hindi lalapit na lang basta sa iyo ang bagay na gusto mo, dapat ay ikaw mismo ang kumilos para makuha iyon."

Maka-ilang ulit na naglaro sa isipan ni Rio ang mga katagang iyon. Iyon mismo ang sinabi sa kanya ni Monica noong tutor pa niya ito. Noong una ay wala siyang paki-alam sa mga pangaral nito pero ngayon ay parang palaso na nasapul siya niyon. Tama si Monica, hindi niya basta-basta makukuha ang gusto niya— isa lang naman ang gusto niya.

"Anak, ito na ang passport mo," nag-angat ng tingin si Rio. Nasa harapan niya ang kanyang Mommy. Kunot noong tiningnan siya nito.

"Ibalik mo na iyan, Ma. Hindi ako tutuloy."

"Pero katatawag lang ni Hero, hinihintay ka na ng mga kaibigan mo."

"I'll call him later, hindi na ako sasamang magbakasyon sa Thailand. Sige, Ma, mauna na ako," aniya at dinampot ang susi ng kanyang kotse.

"Rio Jed, where are you going? Kung hindi ka pupunta sa Thailand, bakit mukhang ang dami mong dala?" ngumiti lamang si Rio sa kanyang ina.

"I'm going to Batangas, wish me luck, Mommy," hinalikan niya ito sa pisngi pagkatapos ay lumabas na ng kanyang silid.

He really must do something to get what he wants.

...♥...

"Manong, saan po ang daan patungong Malabrigo?" tanong ni Rio sa isang matandang lalaki sa may sidewalk. Pansamantala niyang inihinto ang kanyang kotse. Ilang oras din ang kanyang biyahe bago niya narating ang bayan ng Lobo kung saan nakatira si Monica.

"Ala eh, doon sa kabilang kanto ay may paradahan ng tricycle, doon ang daan papuntang Malabrigo." Sagot ng matanda.

"Sige po, maraming salamat," aniya. Tinanguan lamang siya nito.

Nagpapawis ang kanyang mga palad nang muling pinihit niya ang manibela ng kotse. Naka-full blast ang aircon pero pinagpapawisan siya. Anak ng tokwa! Ano ba itong pinapasok niya?!

Pero pursigido siyang makuha ang bagay na gusto niya kaya kahit gaano pa kalayo ang biyahe at walang kasiguraduhan ay sumugal pa rin siya... baka sakaling mabigyan siya ng pagkakataon.

Inihinto ni Rio ang kotse nang marating niya ang Malabrigo beach. Bumaba siya at sinukbit ang backpack sa kanyang likuran. Iginala niya ang paningin. Hindi ito pangkaraniwan. Imbes na buhangin ang nasa baybay dagat ay mga pebbles ang nandoon.

Inihakbang niya ang mga paa. Saan kaya nakatira si Monica? Ayon sa records niya sa BIA ay sa bayan na ito siya nakatira. Saan niya kaya ito puwedeng makita? Umiling si Rio at sinimulang maghanap.

"Nasa Punta de Malabrigo raw si ate Nik-nik. Tara, puntahan natin siya."

"Kasama kaya niya si Kuya Allen? May dala kaya silang books?"

Nahinto sa paglalakad si Rio nang marinig iyon. Lumingon siya at nakita ang dalawang batang babae na nag-uusap. Marahil ay alam ng mga ito kung nasaan si Monica.

"Bata," pagtawag niya sa mga ito. Kaagad naman siyang nilingon ng dalawang bata.

"Ano po iyon, Kuya pogi?"

"Saan 'yung Punta de Malabrigo?" malakas ang kutob niya na nasa lugar na iyon si Monica.

"Dumeretso lang po kayo tapos kumaliwa," sagot ng isa.

"Samahan na lang po namin kayo, Kuya. Pupunta rin po kami, nandoon daw kasi 'yung ate namin," sagot naman ng isa.

Tumango siya at sinundan ang dalawang bata. Mabibigat ang kanyang mga paa. Pakiramdam niya ay susuungin niya ang isang giyera na walang baong armas. Wala ring kasiguraduhan kung magtatagumpay siya.

...♥...

Napangiti si Monica nang matanaw ang parola. Ilang buwan din siyang hindi nagawi roon mula nang tumuntong siya sa kolehiyo. Naging abala siya sa napakaraming bagay. Ang light house na iyon ang kanyang safe haven. Doon siya madalas pumunta para mag-unwind. Doon din niya tinitipon ang mga bata sa kanilang lugar para turuan ang mga ito na bumasa at sumulat.

Nakangiting inakyat niya ang hagdan patungo sa tuktok ng lighthouse. Mula roon ay tanaw ang malawak na dagat. Dinama niya ang malamig na hangin at pinakinggan ang paghampas ng alon. It's good to be back home. Iba pa rin ang buhay sa probinsiya.

"Ate Nik-nik!" kaagad na nakilala ni Monica ang boses na iyon. Lumingon siya at nakita ang batang si Rina na tumatakbo papunta sa kanya.

"Na-miss ka namin, ate. Iba pa rin kapag kayo ni Kuya Allen ang nagtuturo sa amin," niyakap niya ang bata.

"Miss ko na rin kayo."

"Nasa baba sina Darla at Yumi pati na rin 'yung ibang bata. Ate Nik-nik, story-telling ulit tayo," ngumiti siya at hinawakan ang kamay nito.

"Sige ba," inalalayan niya rin ito na bumaba sa hagdan.

Pagdating nila sa garden ay nakita siya ang ilang batang nagtitipon doon, tumakbo ang mga ito papalapit sa kanya at sabay-sabay siyang niyakap.

"Welcome home, ate!"

"Sabi ni ate, mag-story telling daw tayo ngayon." Masayang balita ni Rina. Kinapa ni Monica ang kanyang cellphone sa bulsa. Wala siyang dalang libro dahil hindi niya napaghandaan ang pagpunta roon. Nag-research na lamang siya ng ilang kuwentong pambata. Naupo ang mga bata sa malalaking bato sa lilim ng puno. Ganoon din siya at sinimulan niyang magkuwento. Tahimik lang na nakinig sa kanya ang mga bata, paminsan-minsan ay tinatanong siya ng mga ito.

"Sino pang may tanong?" ani Monica.

"Ako, may tanong ako." Napapitlag si Monica nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Malalim at hindi niya mawari ang emosyong hatid niyon ngunit dinig na dinig niya ang pagrarambulan sa kanyang dibdib.

"Kailan mo ako papansinin?" tanong pa nito.

Nakakunot ang noo na hinarap niya ang bagong dating. Wala man lang ekspresyon ang mukha nito. Sa likod nito ay isang malaking travel bag. Magulo ang buhok nito at malalim ang mga mata.

"Hindi ba't nasa Thailand ka? Ano'ng ginagawa mo rito?" ngumisi si Rio sa kanya.

"Somebody told me that with perseverance, you can surely get what you want. And I'm here because I want something..." Rio flashed a good-boy grin. Narinig niya ang pagsisigawan at pagkakantsawan ng mga bata ngunit sa kabila niyon ay dinig rin niya ang dagundong ng kanyang dibdib.

Pansamantalang umalis siya ng Maynila para makalimutan si Rio ngunit heto naman ang binata't mukhang sinundan pa siya.

...♥...

"A.YO.KO," matigas na wika ni Monica. Sinundan lamang siya ni Rio. Nakaalis na ang mga bata. Naiwan silang dalawa sa lighthouse. Pinipilit ni Rio na makipag-usap sa kanya ngunit wala siyang balak na muling maki-pag-unayan dito. Buo na ang desisyon niya. Iiwan na rin niya ang Taekwondo team huwag lamang niyang makasalamuha si Rio. She has to forget her feelings for him. Kaunting pagpupursigi lang at paniguradong makakalimutan niya ito. Ngunit nagpupursigi rin ang binata na magsumiksik sa buhay niya.

"What do I have to do for you to talk to me? Ano bang nangyari, Nicz? I can't understand you. I can't understand everything. I was always the smartest. I had always known what to do. I used to be confident then you came and it's gone. You are the only person who can scare the shit out of me, Monica. I had always believed that I could get whatever I want with just a snap of a finger, but now, I am no longer confident. Fuck, you are driving me crazy..."

"Mahirap ipaliwanag. Maging ako, hindi ko rin ito maintindihan. Pero tama na, Freak. Ayoko nang mas maguluhan pa ako. Umuwi ka na lang sa Maynila." Umiling lamang si Rio. He had always been stubborn. Alam niya kung gaano katigas ang bungo nito. He would never stop at nothing.

"You've taught me a lot of things, Nicz and giving up is never one of them. If you can't understand it... then let's sort things out together. Sabay nating intindihin ang lahat ng ito."

Umiling lamang si Monica. Hindi lang si Rio ang matigas ang bungo sa kanilang dalawa. "Still a no," mabigat niyang sagot pagkatapos ay tinalikuran niya na ito.

Humugot siya nang malalim na buntong hininga. She lied. Alam niya ang sitwasyon, alam niyang nahuhulog na siya kay Rio kaya't habang maaga pa ay kailangan na niyang turuan ang kanyang puso na umiwas sa binata. But she also knew that the heart is the hardest thing to teach. She could teach a lot of kids, a lot of students but not her heart.

"Nica?" nagising ang naglalakbay na diwa ni Monica nang marinig niya ang boses ni Allen. Nakarating na pala siya sa kanilang bahay nang hindi niya namamalayan. Nakatayo ang binata sa harap ng gate na yari sa kawayan. Kapit bahay niya lang ito.

"Okay ka lang ba? You don't look like yourself," tila nag-aalala nitong tanong.

"Okay lang ako," mahina niyang bulong. Tinanguan lang niya si Allen at nilagpasan na ito. Pumasok siya sa kabilang gate.

"Monica!"

"Rio Jed?"

"Allen?"

Nilingon ni Monica ang dalawang lalaki na parehong natigilan at nagsusukatan ng tingin.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"None of your business, Nerd," nanunuyang wika ni Rio at hinatak ang braso ni Monica papasok sa loob ng gate.

"Bitiwan mo nga ako, freak!" sigaw niya nang makapasok sila sa loob. Kaagad din naman siyang binitiwan nito.

"Anak, nandito ka na pala," sabay na nilingon nina Monica at Rio ang kanyang ina. Nakatayo ito sa may hamba ng pinto. Dumapo ang mga mata nito kay Rio.

Ngumiti ito, "May bisita ka pala,"

"Magandang araw po," nakangiting bati ni Rio. Inirapan lang niya ito.

 "Bakit nandiyan pa kayo sa labas? Bakit hindi mo pinapapasok ang bisita mo, halika, hijo, dito tayo sa loob," umismid si Monica nang makita ang malapad na ngiti ng kanyang ina. Nakasimangot na sinundan niya ang mga ito.

Puwede bang kahit ngayon lang ay hindi maging hospitable ang kanyang ina. Hindi naman niya bisita si Rio Jed Nolasco... buwisita ito!

Continue Reading

You'll Also Like

343K 7.1K 81
Lindsay Samonte was impregnated by accident due to an unfortunate event one night with Dwayne Jimenez. 3 years later, Lindsay showed up in front of...
3.2K 161 17
Xandria Valerie Cleereth 2020 Story Morgan's Story Side Story / Short Story kisstelm 2020 ▪️Completed ▪️
955K 19.7K 60
Gaano ba kahirap maging batang ina? Ano ba ang mararamdaman mo lalo na kung natatakot ka dahil ang pamilyang dapat nasa tabi mo para gabayan ka ay wa...
13K 1K 32
Tila pinapaboran si Dionne ng pagkakataon nang magkaroon siya ng pangalawang buhay matapos maaksidente. Idagdag pa roon ang pagliligtas sa kanya ng i...