Flademian Monarchy 5: Dealing...

By LadyHawthornewall

20.6K 403 16

As the Middle child of a Duke, Being a second child means that he has no right over his father's dukedom or a... More

Prologue
I
II
III
IV
V
VI
VII
IX-Final Chapter

VIII

1.3K 31 0
By LadyHawthornewall

Robert was entertaining some friends he didn't know would show up in the banquet. Ang totoo, akala niya ay simpleng lunch lang ang magaganap sa tahanan ng mga magulang niya ngunit hindi pala.

Nakalimuta niyang wala nga palang salitang 'simple' para sa mga ito. Naging isang party iyon para kay Maximilian, isini-selebra ang pagkakagawad rito ng marquessate ng Melfast.

The other thing he didn't expect to see there was Mildred, one his exes. Sa labis na pagkataranta, agad niyang hinatak ang babae papunta tagong lugar upang pagsabihan ito. Nataranta siya, ayaw niyang makita ito ni Phoebe.

Midred was one of those crazy exes of his. Possessive ito at demanding kaya nga't hiniwalayan niya ito agad. Ngunit nang namakarating sila sa dati niyang silid ay bigla nalang siya nitong sinunggaban at hinalikan. Kulang ang sabihin na-turn off si Robert sa ginawa ng babae. Napaka-agresibo nito, sa paraang papunta na sa pandidiri ang nararammadaman niya para dito. Basta, ayaw na niyang pa kung ano na ang babae sa kanya.

Tuloy, aa inis niya ay hindi sinasadyang naitulak niya ito. Medyo napalakas iyon, mabuti na lamang ay sa kama niya ito bumagsak. Pinagsabihan niya itong tigilan na siya, na wala na itong aashan sa kanya. He knew why was she there, to see him. Matagal na siya nitong kinukulit na makipagkita, hindi lang niya ito pinagbibigyan.

Sinabihan niya ito, kinlaro na niya kailanman ay hinding-hindi na siya makikipagbalikan pa dito.

Alam niyang wala siyang ginawang masama ngunit hindi niya maiwasang makaramdam ng guilt dahil sa ginawa ni Midred. Sa palagay niya, hindi na dapat pang malaman ni Phoebe ang nangyari.

Nagmadali siyang lumabas sa silid na iyon upang hanapin si Phoebe. Nakita niya itong kasama ng kanyang kuya Maximilian, mukhang nagkakasayahan ang mga ito. Nagtatawanan.

Tila bigla siyang nakaramdam ng pagiinit ng kanyang ulo. Dahil sa kanyang pagmamadali at pagkakunsensiya, kung anu-anong ideya ang pumasok sa isip niya.

Nang makita niya ang kanyang kapatid pati na ang babaeng mahal niya na magkausap, bigla siyang nakaramdam ng takot na baka maging si Phoebe ay mapunta sa kanyang kuya.

He knew now that he was just being paranoid but he was not aware of that at the time. Pinangunahan agad ng kanyang emosyon at pangamba.

He basically grew with people saying that his older brother was better in everything and every way that they do. He didn't care about that before. Pero dahil sa bagay na iyon, naisip niyang baka maisip ng dalagang mas magandang choice ang kuya kaysa sa kanya. Na piliin ni Phoebe si Maximilian kaysa sa kanya.

He didn't know how to deal with that paranoia that was why he told Phoebe that she was being flirty. Hindi niya iyon sinasadya.

Talagang natakot lang siya. Naisip niyang, sino ba siyang kumpara sa kanyang kuya na dalawa ang hinahawakang titolo, at balang araw ay magiging duque pa ito?Noon pa man ay may silent competition na sa pagitan nilang magkapatid, hindi niya maiwasang hindi maisip na baka nga mangyari nga ang kanyang kinatatakutan.

Ang daming pumasok isip niya nang mga oras na iyon. Lalo na nang makita niya si Phoebe na kausap ng kuya niya, mistulang ang saya-saya nito. Katunayan, hindi pa niya ito napatawa nang ganoon. Hindi iyon mawala sa isip niya. He felt insecure.

Because of the unpleasant thing he told Phoebe, he was the one who was now suffering. Ni ayaw siyang kausapin nito at maghapon na siyang hindi pinapansin. Nasa silid lamang nito ito buong araw, ayaw siyang harapin.

Nang sa wakas ay lumabas ito roon kinahapunan ay pinansin narin siya nito. Kahit papaano, nakahinga na siya nang maluwang.

Hiningi nito ang susi ng kangyang kotse pagkat may naiwan raw ito roon. Agad niyang ibinigay dito ang susi, umaasang makikipagusap na sila sa pagbalik nito. Kampante naman siyang mangyayari ang iniisip, hindi naman ito mukhang galit sa kanya bagkos, mukhang nagtampo lang.

But, he was wring again. Hindi niya inaasahang sa pagbalik nito ay tila wala ito sa sarili at bigla itong nagalit nang i-approach niya. Hindi niya maintidihan kung bakit ito galit na galit ngayon na nakatingin sa kanya.

"Don't touch me!" Puno ng iritasyon ang boses nito, tila nangingilabot na hahawakan niya ito.

"Let me explain. I know I've been jerk and all that. I'm sorry, okay? 'Wag na tayong mag-away. Come here." Muli ay nagtangka siyang lapitan ang babae ngunit umatras ito. Nasaktan siya sa naging reaksyon nito.

Tumalikod si Phoebe at patakbong bumalik sa sa silid nito. Ganoon ba talaga kalaking kasalanan ang kanyang nagawa para maging ganoon ito sa kanya? Para siyang pinandidirihan nito kung makatingin sa kanya. Kalahating oras pa ang lumipas nang lumabas muli si Phoebe mula sa silid nito, dala ang lahat ng gamit nito sa maleta.

"Phoebs, please. Pagusapan natin 'to." Biglang binalot ng kaba ang kanyang sistema nang makita itong dala ang mga gamit nito.

"No. I'm leaving you. Hindi ako makapaniwalang nagpauto ako sayo at sa mga kasinungalin mo. You manipulative prick!" Iyon lang at iniwan na siya nito roon.

Gusto man niya itong sundan, mas nanaig sa kanyang ang kanyang pride. Ito pala ang tingin sa kanya ng babae, isang manipulative na lalaki.

Ganoon ba talaga kasama ang kanyang nagawa para dito? Hindi ba't kahapon lang ay ayos pa sila? He felt like crying. Durog na durog ang puso niya dahil sa mga paratang na iyon sa kanya ni Phoebe. At ngayon, iniwan pa siya nito.

Sa unang pagkakataon, naramdaman niya kung paano madurog nang husto ang kanyang puso. Ideyang tinatawanan lang niya noon. Ito na yata ang kanyang karma. Kasalanan din niya. Masyado yata naging mabilis ang pagbibigay niya ng kanyang puso sa dalaga. Tuloy, siya ngayon ang higit na nasasaktan.

~•~•~•~•

Ganoon nalang ang iyak ni Phoebe nang muling makita ang kanyang mga magulang. Agad niyang inakap ang mga ito at pinugpog ng halik sa mukha. Miss na miss niya ang mga ito.

Sa labis na pangungulila sa mga ito ay hindi na niya napagilang mapahagulgol. Sa dami ng emosyong kanyang nadarama ngayon, hindi na niya kinaya pang pigilin iyon.

"Aw, anak, ganyan mo ba kami ng daddy mo?" Tila panunukso ng kanyang ina sa kanya. Kahit kailan, hindi siya naging ganoon ka-clingy sa mga ito. Ngayon lang. Tumango na lamang siya rito kahit higit pa roon ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

Nagtataka siyang hindi naging masyadong matanong ang kanyang magulang, taliwas sa inisiip niyang gagawin ng mga ito sa oras na makauwi siya sa kanilam.

Inalam lang ng mga ito kung ganoon nalang daw ba talaga siya nag-enjoy doon sa poder ng lolo niya at ngayon lang niya naisipang umuwi. Wala parin palang alam ang mga ito sa nangyari sa kanya sa England.

Muli, oo lang ang sagot niya sa lahat sa tanong ng mga ito sa kanya. Ayaw niyang pagalalahanin pa ang mga ito, naisip niyang ililim nalang ang tunay na nangyari sa kanya sa nakalipas na buwan, mas maigi na iyon.

Ang akala niya, sa oras na makabalik siya sa kanila ay tuluyan nang matatahimik ang kanyang kalooban. Bukod parin sa pangambang baka nasa paligid lang ang mga tauhan ng kanyang lolo ay labis na pighati naman ang kanyang nadarama sa kanyabg loob.

She cried silently. Ayaw niyang isipin ng mga magulang niyang may nangyayari sa kanya. Pero ang totoo ay labis na para sa kanya ang nangyari ngayong maghapon, hindi na niya kaya pang i-contain iyon sa kanyang loob. Umiyak siya nang umiyak.

Nais na sana niyang patawarin si Robert sa nasabi nito sa kanya. Hindi naman iyon ganoon ka-big deal sa kanya ngayon, pareho lang silang nabigla kagabi.

Hindi naman niya ito kayang tiisin nang matagal ngunit tila lalo lang nadagdagan ang kanyang sama ng loob para sa binata.

Nakita niyang ang litrato nito sa social media, may kuha ito kasama ang isang babae papasok sa isang kwarto. Alam niyang kuha iyon sa banquet ng pamilya ng binata pagkat parehas ang suot ni Robert sa suot nito sa litrato.

Binasa niya ang caption. Kuha iyon ng isang paparazzi at ayon dito, ang babaeng iyon ay ex-girlfriend ni Robert at mukhang nagkabalikan na raw ang dalawa.

Doon palang ay nangingilid ang kanyang luha ngunit bago pa siya pangunahan ng kanyang emosyon ay naisip niyang kumprontahin ang lalaki at tanungin ito ng personal tungkol sa litrato. Batid niyang hindi ito magsisinungaling sa bagay na iyon.

Kahit kinakabahan siya sa maaaring isagot sa kanya ng binata, pinili niyang harapin si Robert. Ang akala niya ang handa na siyang gawin iyon ngunit tila bigla siyang dinaga. Natakot siyang baka hindi niya kayanin ang katotohanang malalaman mula dito. Naisip niyang magpa-delay nang kaunti kahit papaano.

Sa labis na pagkataranta ay wala na siyang naisip na alibi kung hindi hiramin ang susi ng kotse nito at nagkunwaring may kung ano siyang naiwan roon at nais niyang kunin iyon. She needed to relax herself for a bit. Doon niya sa kotse gagawin iyon.

So she went there and stayed there for a moment. Kailangan niyang pagisipan at paghandaan sakali mang hindi niya magustuhan ang isasagot sa kanya ni Robert. She prepared herself. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa paningin nito pagkatapos.

Handa na siyang bumalik sa loob ng bahay nang hindi sinasadyang matuhod niya ang glove compartment ng sasakyan nito dahilan upang bigla iyong bumukas.

Naisip niyang baka mahalagang papeles iyon na naiwan doon ni Robert. Binuksan niya iyon at sinilip ang laman. Ganoon nalang ang panghihina niya nang makita ang laman.

It was her and everything about her. Bigla siyang kinutuban. Did he just profiled her? Naguguluhan siya, ganoon pa man, hinalungkat niya ang ibang pang laman ng envelope na iyon.

Lalo siyang nanghina nang makita roon ang isang calling card na naglalaman ng number ng sekretarya ng kanyang lolo, alam niya iyon pagkat minsan na siyang tumulong sa sekretarya nito pagkat nais niyang magpa-impress noon sa matanda.

Maging ang kontratang naglalahad ng kasunduan sa pagitan ng matanda at ni Robert ay naroroon din. Classified information ang nakalagay doon, nakasulat din doon na kapag tagumpay siyang mahanap ni Robert at maiharap sa matandang duque ay tsaka nito ibebenta kay Robert ang lupang nais nitong bilhin.

Napangiti siya ng mapakla. Of course, a businessman like Robert would never approach someone like her if he would not gain something from it.

Kaya pala ganoon nalang ang pagpupumilit nitong sumama siya sa bahay nito. Ginamit nito ang kanyang sitwasyon para mapasunod siya sa gusto nito. Maybe, he even plotted everything from the beginning. Kaya nga hindi siya nito pinahiram ng pera para sa kanyang exhibit. That way, she couldn't go anywhere but to him. She didn't had the choice.

She didn't know the whole truth but she didn't care anymore. Para sa kanya ay iisang katotohanan lang ang dapat niyang malaman. Iyon ay ang katotohanang hindi mapapagkatiwalaan si Robert.

Nadurog ang kanyang puso sa nalaman. Hindi bali sana kung inihatid nalang kaagad siya nito sa kanyang lolo, hindi na sana mas lumalalim pa ang kanyang nadarama para dito. Ngunit masama ito. Sinadya nitong paibiginn siya para makuha nito ang loob niya.

HINDI INAKALA ni Phoebe na makikita pang muli si Robert pagkatapos niyang layasan ito. Naroroon ito ngayon sa kanyang bahay. Nasa hapag ito, sinasaluhan ang kanyang mga magulang sa agahan. Nagtawanan pa ang mga ito. Anong ginagawa ng lalaking ito sa bahay niya?

Ganoon nalang ang kanyang pagtitimping at nanahimik na lamang na huwag itong singhalan. Ang kapal ng pagmumukha nitong magpakita pang muli sa kanya.

Nagngingitngit man ang kanyang kalooban, wala siyang magawa sa ngayon. Binati na lamang niya ang kanyang mga magulang at sinaluhan ang mga ito roon.

"Hija, si Robert nga pala. Siya ang bagong makakasosyo ko sa bago naming venture." Sabi ng kanyang ama.

Hangga't sa maaari, ayaw sana niyang salubungin ang tingin ni Robert. Ni ayaw niyang tingnan ito. Ngunit para sa kanyang mga magulang, napilitan siyang harapin ito nang diretso at batiin ng pormal.

"I didn't know you have such a beautiful daughter, Mr. Dewan. Shame, I already given my heart to someone." Komento ni Robert, napakahambog ng dating. Natawa ang kanyang mga magulang sa birong iyon ni Robert.

Ang kapal talaga ng pagmumukha nito. Harap-harapan nitong ipinamumukha sa kanyang nagkabalikan nga ito at ang ex nito. Sa harap pa ng kanyang mga magulang!

Not that she care, she didn't! Pero kailangan niya itong mapamukhaan na hindi siya kawawa bagkos ito iyon pagkat nawala na siya sa buhay nito. Patas lang iyon sa mga ginawa nitong panguuto sa kanya at pagpapaasa. Babawian niya ito.

She called Maximilian later that day. She didn't had a choice. Alam niyang sa pamamagitan lang nito siya makakabawi kay Robert.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
286K 15.6K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.