Welcome to chapter 20
Here are the another chracters to reveal.
Daniel Velasquez
(Park Jimin, Kpop Boy group BTS member)
Ella Pillas
(Jung Jiwoo, BTS Jhope sister)
Sino ang Daniel saka ella mo?
(More characters revelation soon....)
***********************
Napa sabunot na lang ako sa sarili ko nung pumasok si James sa loob at nandun din sa loob si Jasmin. Di ko alam kung ano sunod na magaganap.
"Dito ka lang?"
Napalingon ako sa pag labas ni James. Naiwan akong nakanganga at nanlalaki ang mata. Shit mukhang di niya nakita si Jasmin. Buti naman.
"Inaantay ko si Dean"-me
"Ganun ba? Sige mauna na ako"-James
Sabay alis ni James at sinundan ko siya ng tingin pababa ng hagdan.
"Jasmin"-me
Sigaw ko sabay katok.
"ARAY!"
Rinig kong sigaw ni Jasmin sa loob at saka ito lumabas habang humihimas himas ng ulo niya.
"Nauntog ako"-Jasmin
"Nice Job. Nakuha mo?"-me
Iniangat niya ang susi sabay ngiti kaya napa ngiti narin ako at napa High Five. Tumakbo kami palabas ng college building.
"Gustong gusto ko tong ginagawa natin para tayong agent"-Jasmin
Natawa naman ako sa sinabi niya. Maya maya pa ay nakarating na kami sa storage building.
"Wala ng CCTV dito"-Jasmin
Nakakatakot ang paligid at ang alikabok. Talaga nga na puwedeng puwede ang lugar na ito para sa mga horror film.
"Ate natatakot ako"-Jasmin
"May ideya kaba kung nasan yung documents room?"-me
"Nasa taas ata. Pero ate wag na tayo tumuloy dun natatakot ako. Walang pumupunta dun."-Jasmin
Nadadala naman ako sa takot dahil sa Jasmin na ito.
"Ano kaba? Tara na. Wag ka mag alala kasama mo ako. Basta isipin mo para kay Jonas"-me
Pang uuto ko sa kanya kaya inunahan niya pa ako sa pag akyat. Nakarating na kami sa second floor at tinakbo ang hallway.
"Ayun"-Jasmin
Walang hiya dun pa talaga sa dulo.
"Sino mga sinasabi mong nang huhuli dito?"-me
"Yung janitor madalas--"-Jasmin
Agad ko tinakpan ang bunganga niya at hinila siya papunta sa abandonadong CR ng may narinig akong mga boses.
"Lilinisin paba natin mga hallway dito? Wag na tayo lang naman madalas dito"
Ani ng isang Janitor at may kasama.pa ata ito.
"Mabilis lang nating linisin tapos wag na natin patuyuin"
Tugon naman ng isa. Tinanggal ko ang pag kakatakip sa bibig ni Jasmin at sabay kaming napatakip ng ilong nung marealize naming nasa lumang CR pala kami. Gosh ang baho.
Yaak..
Sumilip silip ako at nakita ko ang mabilis nila na pag kukuskos kaya mabilisang hintay lang toh.
"Tara na"
Saka umalis ang dalawang Janitor at bumaba. Agad kami lumabas ni Jasmin sa CR at tumakbo pero sabay din kamimg lumagapak sa pag kadulas. Ambobo oo nga pala basa yung sahig.
"Ahh napilayan ata ako"-Jasmin
Iika ika akong bumangon at inalalayan si Jasmin. Dahan dahan kaming nag lakad papunta sa dulo. Nilabas ni Jasmin ang susi at nag tinginan kami sabay hinga ng malalim. Napaka daming susi.
Inisa isa pa namin yun.
"Ilang minuto na tayo dito"-Jasmin
Umukit ang mga ngiti sa labi namin nung tumunog ang lock at bumukas ang pinto.
"Aaack--"-Jasmin
Titili sana siya pero agad ko pinigilan. Pumasok na kami sa loob at nilock ang pinto.
"Omg"-me
Tumambad sa amin ang pag karami raming papeles sa mga shelves.
Nag simula na kami mag hanap hanap.
"Ate puro nakaraang panahon pa toh"-Jasmin
Napakamot ako ng ulo.. oo nga sobrang luma. Shit badtrip.
"Alam mo ba kung anong year pumasok dito yung edgar"-Jasmin
Umiling ako. Sana pala sinama na namin si Ella dahil siya ang nakakaalam. Parehas lang kaming transfer ni Jasmin sa school na ito.
"Tignan mo toh"-Jasmin
Agad ako napalapit sa kanya.
"2011-2012. Diba eto yung year na nag Highschool ang batch niyo?"-Jasmin
Agad ko kinuha yun.
"Ano kaba di ako nag aral dito. Pero tama tong nakuha mo."-me
Agad ko binuksan ang envelope na yun at kinuha ang mga nasa loob
Jiyo Zaybien?
Napanganga ako at napatingin kay Jasmin
"Tama?"-Jasmin
"AHHH"-me
Napatili ako sa tuwa dahil nahanap niya. Napatili narin siya sa tuwa kahit alam kong wala siyang alam sa nangyari. Tumatalon talon kami sa tuwa.
"Ok ok shh"-me
Tinignan ko yun. Grabe ang gwapo pala ni Jiyo. Omg kung ako si Jonas baka nag karoon na ako ng lihim na pag tingin dito.
Hinanap ko ang name ni Hansel dito.
"Uuuuuy si Jonas"-Jasmin
Napatili sa kilig ni Jasmin ng makita ang document ni Jonas na may picture niya.
"OMG MY BABY"-Jasmin
"Tignan mo toh"-me
Sabay kuha ko ng isang document.
"Hansel Larmiento? Siya? Siya?"-Jasmin
Nagulat din ako sa nakita ko. Napatungo ako. Eto nga. Eto yung lalaking nasa wallpaper ng cellphone ni Mikey.
"Yung sa edgar na lang"-me
"Puwede bang akin na lang tong kay Jonas"-Jasmin
Bilang kapalit ng pag tulong niya sa akin ay pumayag na lang ako. Sunod namin na hinanap ang info nung edgar na teacher.
"Ito tignan mo documents ng mga dating prof"-Jasmin
Agad ko kinuha yun at mabilis na nag hanap.
"Yun"
Sabay naming tinabi ni Jasmin sabay apir. Inayos na namin ang lahat at umalis na sa lugar na yun.
"Paano natin ibabalik ang susi? Panigurado andun na yung Dean at baka hinahanap niya na itong mga susi"-Jasmin
"Ako na bahala. Salamat sa pag tulong mo. Mag kikita kayo ni Jonas mag tiwala ka sa akin"-me
Ngumiti siya at halatang umasa. Umalis na ako at tumakbo. Masyado ko atang pinapaasa si Jasmin kahit na alam kong di ko alam kung paano ko kikitain si Jonas. Napatingin ako sa paligid at nakapatay parin ang mga CCTV. Nilaglag ko ang susi sa labas ng Deans office at saka na ako umalis dun. Mission complete.
Kinagabihan
"Napaka galing mo"-Ella
Sabay apir namin ni Ella at kasalukuyan kaming nasa loob ng Unit ko ngayon at dala niya ang mga anik anik niya na ginagamit niya pang track at hack.
"May naging katulong ako sa pag hahanap ng mga yan. Pero bilang kapalit gusto niya daw makita si Jonas"-me
Kumunot ang noo ni ella. Sino nga ba ang gugustuhin makipag kita kay Jonas kung alam mong aawayin ka lang.
"Sino?"-ella
"Nag kakagusto sa kanya"-me
Napangiti naman si ella
"Talaga? Gwapo ba?"-ella
Ngiting alanganin ako sa sasabihin ko. Mygad.
"Amm.."-me
Sabay kamot ko sa ulo habang inaabangan ni ella ang sagot ko.
"Babae"-me
Napanganga si ella
"Babae Highschool student, nangako ako sa kanya na pag tinulungan niya ako makikita niya si Jonas. Ngayon di ko alam kung paano sila pag kikitain"-me
"Ahh"-ella
Halata naman kay ella na nashook siya. Ganun na ganun ang reaksiyon ko nung sabihin sa akin ni Jasmin na gusto siya ni Jonas.
"A-a-ano na nga balak mo gawin?"-me
"Oo nga pala. Sa mga documents kasi nila na toh andito yung address nila saka contact number. Kung di man toh gumana puwede nating hanapin ang mga taong toh. Eto oh yung mga nasa middle name nila. Edgar Gutierez Larmiento saka Hansel Leonardo Larmiento."-ella
"Eh ang hirap naman nun para narin tayong nag hanap ng mga larmiento"-me
"Nandidito naman ang specific address saka birth place nila kaya hindi tayo mahihirapan sa pag hahanap. Eto tignan mo asawa ni Mr.Larmiento"-ella
Sabay turo sa akin ni ella sa document
"Maari din nating kunin ang middle name ng asawa niya. Leonardo"-ella
Napatungo naman ako. Mukhang alam niya naman pinag gagawa niya. Sana lahat marunong mag hack hack at track track na ganyan.
"Pag nahanap natin sila anong balak mo?"-me
Napatigil sandali si ella at napaisip.
"Siguro sasabihin ko kila Jiyo kung nasaan sila"-ella
Pinanuod ko lang si ella habang sinasagawa niya yun.
"May itatanong lang ako"-me
"Ano yun?"-ella
"Tingin mo ba. May posibilidad yung sinasabi ni Mikey na pumatay at nang gahasa sina Jiyo?"-me
Kumunot ang noo niya at napatingin sa akin.
"Sinabi niya yun sayo?"-ella
Tumungo ako.
"Gaga talaga yung babaeng yun. Mas maniniwala pa ako na mas pinipili niya si Hansel kesa sa akin kumpara sa pumatay at nang gahasa sina Jiyo. Alam mo kung bakit?"-ella
Inabangan ko ang sasabihin niya. Mukhang interesting.
"Lahat ng nakaaway nina Jiyo ay ang mga nag hahamon sa kanila o nakikialam sa kanila. Never silang nag hamon o pumatay ng trip lang. Lalo na yung grupo ng Hansel na yun na black shark? Simula nung dumami sila hindi na nila tinantanan ang grupo nina Jiyo kasi ayaw nilang may mas nakakaangat sa kanila. Never nag karoon ng pake sina Jiyo sa kanila hanggang sa kinuha na nila ako. Hindi naman ako ililigtas nila Jiyo kung hindi ko kaibigan si Jason na kambal ni Jonas. Pinilit ni Jason si Jonas at pinakiusapan naman ni Jonas si Jiyo."-Ella
Natulala lang ako. Di ko alam pero parang nasa panig ako nila Jiyo kesa kay Mikey na parang hanggang ngayon obsses kay Hansel.
"Ibig sabihin. Walang pake sayo si Jiyo?"-me
"Naku wala namang pake yun sa lahat noh. Lahat ng ka-gang niya gusto ako tulungan pero siya ang lumalayo sa gulo. Kung di pa siya niyaya ni Jonas ng suntukan para pag nanalo si Jonas ililigtas ako hindi pa yata siya papayag."-ella
Ang sungit at napaka salbahe ng ugali ni Jonas pero di mo alam handa pala makipag patayan para sa isang kaibigan. Nakokonsensya talaga ako sa mga sinabi ko sa kanya.
"Pero naiitindihan ko naman si Jiyo. Narinig kong usapan nila ni Taya na hindi naman sa pagiging duwag kaya ayaw niya lumaban, kundi alam niyang dehado dahil doble ang dami nina hansel sa grupo nila. Ayaw niyang masira ang grupo niya at may isang mawala"-Ella
Napatungo ako. May punto naman. Hindi selfish si Jiyo sadyang mas pinapahalagahan niya lang ang mga taong mas nakasama niya ng matagal
"alam mo ba na muntik na mapatay ni Jonas si Hansel?"-ella
"Sinakal niya si Hansel nung bago sila nakulong yun ba? Kinwento sa akin yun ni Jonas"-me
"Totoo? Pero hindi ayun ang ikukwento ko."-Ella
"May ibang araw pa siya na binalak patayin si Hansel?"-me
"Oo. Ng dahil sa ginawa niyang yun dun na nag simulang i-build ni Hansel ang gang niya."-Ella
"Ikwento mo sa akin kung anong nangyari"-me
Bumwelo si Ella dahil nag loloading pa naman ang tinatrack niya kaya mukhang mahaba habang usapan toh.
"Highschool kami nun kaklase ko si Jason at lagi kami mag kasama sa tuwing kakain kami sa canteen kasabay sila Jiyo. Si Hansel nun ay manliligaw ko at kahit alam niya na si Jason ang gusto ko ay di niya parin ako tinatantanan..every day may bagong flowers at every week niya ako tinatanong kung kailan ko siya sasagutin. Na a-appreciate ko naman si Hansel pero nasabi sa akin ni Mikey na gusto niya si Hansel kaya hinayaan ko na lang dahil di naman ako interisado kay Hansel. Naging marahas si hansel sa mga kilos niya nung ilang beses ko siya iniiwasan at sinasabing si Jason ang gusto ko hindi siya. Dumating yung time na dinala ako ni Hansel sa isang silid habang hinahantay ko si Jason lumabas sa cr ng boys. Hinatak niya ako dun at pinag tangkaang halayin. Di ako makasigaw nun dahil tinatakpan niya ang bunganga ko. Apat silang lalaki na nandun sa silid na yun at ang isa ay nag babantay sa labas habang ang dalawa ay hinahawakan ang mga kamay ko. Akala ko mawawala na ang dignidad ko sa mga oras na yun pero nabuhayan ako nung dumating si Jason. Mahina siya at hindi marunong makipag laban pero nag lakas loob siyang pumasok sa loob. May nakapag sabi sa kanya na hinatak ako papunta sa kuwarto na yun kaya agad siyang pumunta. Pinag bubugbog nila si Jason nun. Alam kong hindi ayun ang mga oras para iwan ko siya pero mabilis akong tumakbo palabas papunta sa classroom nina Jiyo. Wala na akong pake kung anong itsura ko nun. Nag mamadali ako tapos hindi nag dalawang isip lumabas si Jonas sa room saka tumakbo. Sumunod ako at sumunod sa akin si Jiyo. Halos mangiyak ngiyak na ako pag dating namin dun. Wala ng malay si Jason. Di na nag dalawang isip si Jonas at inagaw ang kutsilyo na hawak ni Hansel saka sinaksak si Hansel sa Tiyan"-Ella
To be continued....