Against the Heart (Azucarera...

By jonaxx

43M 1.4M 953K

Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all... More

Against the Heart (Azucarera Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 29

937K 37.6K 36.5K
By jonaxx

Kabanata 29

Drunk

Titig na titig si Leandro sa akin nang palapit ako sa kanya. I saw his eyes drift slowly on my body down and back again. It was as if this is the first time he saw me on a nice dress. Pero oo nga pala at lagi akong naka jeans at boots kapag nagkikita kami kaya naninibago siguro siya sa suot ko.

While Julius is busy ordering at us, I slid on the chair next to Leandro's. Mabuti na lang at dahil nakatalikod si Julius dito, hindi niya makikita na hindi naman talaga ako pumunta ng bathroom at nandito lang ako.

"Bakit ka nandito?"

Umirap siya at inabala ang sarili sa inorder na alcoholic drinks. Ano 'yan? Panulak sa hapunan niya?

"Tinatanong kita, Leandro!" mariin kong sinabi kasi napansin ko ang pagsusuplado at pagkukunwari niyang hangin lang ako rito sa tabi niya.

He then looked at me with that arrogant glare. Bahagya akong napaatras dahil pakiramdam ko kahit ano yatang gawin niya, natataranta ako.

"Why are you so concerned? Balik ka na roon sa boyfriend mo!" balik niya sa akin bago uminom sa drinks niya.

Nagkasalubong ang kilay ko habang pinagmamasdan siya. He looked so arrogant and annoyed. Isang sulyap pa at inirapan niya ako.

"Hindi ba nagluluto ka sa inyo kanina? Anong nangyari sa hiniwa mong mga sibuyas? Bakit dito ka nag didinner bigla?"

"If you're concerned about it, why didn't you stay to see?"

Hindi ko maintindihan. Nagkatinginan kami pero talagang blanko ang utak ko sa ibig niyang sabihin.

"Saan naman kayo pagkatapos dito?" usisa niya.

"Uuwi? Saan pa ba? Wala namang mall dito kung saan puwedeng manood ng sine."

"Why? Would you want to watch a movie with him? Too bad, huh? No malls around?" he said mockingly.

Umismid ako. Ano ba ang problema nito at bakit ang dami niyang sinasabi?

"Umuwi na nga tayo," anyaya niyang bigla.

Napaatras ako.

"Anong uuwi? May usapan kami ni Julius kaya ang weird kung uuwi ako!"

"Ano bang pag-uusapan n'yo ngayon at bakit pa kayo nagkita niyang boyfriend mo?"

"Wala lang! At... tigilan mo ngang kaka boyfriend. Hindi ko boyfriend si Julius. Besides, kung boyfriend ko nga, ba't mo tinatanong kung bakit kami nagkikita? Ano ngayon kung kitain ko ang boyfriend ko? Isn't that a normal thing in a relationship?"

Iritadong-iritado talaga siya. Pabalik balik ang inom niya kahit na hindi pa nagagalaw ang pagkain.

"Pumunta ka rito para maglasing? Bumili ka sana ng inumin sa La Carlota at doon ka na sa bahay mo uminom!"

"Maghihintay ako hanggang sa nakauwi na kayo. Ihahatid kita hanggang sa inyo."

"Hanggang sa amin?!" gulantang kong sinabi. "Ihahatid ako ni Julius sa amin kaya hindi na kailangan. Ano bang problema mo? Hindi ko maintindihan."

Nakita kong umalis na ang waiter na dumalo sa amin. Hindi ko na hinintay ang isasagot ni Leandro. Tumayo na ako at dali-daling bumalik sa upuang iniwan ko sa tabi ni Julius.

Kung kanina na hindi ko alam na nandito si Leandro, hindi na ako makausap ng matino. Lalo pa ngayon, s'yempre!

"Chayo? Hello? You're spacing out again like what you're doing whenever I call you."

"I'm sorry, Julius. Marami lang talaga akong pinoproblema nitong nakaraan. You know... sa... asukarera."

"Bakit? Anong problema roon? Narinig ko kina Mommy at Daddy na it's doing really well under your leadership."

Kumakain ako pero hindi ko mapigilan ang ilang sulyap sa likod. Hindi ako sigurado kung kumain ba si Leandro. Hindi siya gaanong gumagalaw at nakatitig sa amin, para bang nakikinig sa usapan.

"Everyone expected that Levi would manage it. Alam din ng lahat na hahawakan 'yan ng maayos ng Kuya mo. Walang kahit na sino ang nag-isip na sa pagdating ng panahon, ikaw ang hahawak niyan. You're good at it, Chayo."

"Thank you, Julius. Iyon nga dahil pinagbubutihan ko kaya mas'yadong... marami akong iniisip tungkol doon."

Humaba pa ang usapan namin ni Julius with my occassional spacing out.

"Let's go home?" anyaya ko.

"Oh!" Natawa si Julius. "Ang bilis naman? Inuman muna tayo?"

"Medyo masakit ang ulo ko, eh," I said as an excuse.

"Come on, Chayo!" hindi makapaniwalang sinabi ni Julius.

Lagi ko siyang pinagbibiyan noon sa mga ganito. Wala rin naman kasi akong ibang libangan kaya natural na nagugulat siya sa kawalang gana ko ngayon.

"Hindi tayo maglalasing. Iinom lang ng kaunti."

"Maaga pa kasi ako bukas."

"Tss. As if that stopped you before!"

"Fine, Julius..."

My eyes drifted on where Leandro was and his face only grew darker. This time, I really need the bathroom, though.

"Anong sa'yo?" tanong ni Julius at tinataas na ang kamay para magtawag ulit ng waiter.

"Uh, strawberry martini. Bathroom muna ako," sabi ko.

Tumango lang si Julius habang binabasa ang menu. Sinundan ako ng tingin ni Leandro, baka iniisip na pupunta ulit ako sa kanya kaya lang pumasok ako sa loob ng Bistro.

Mahilig si Julius sa labas ng Bistro. Hindi ko maitatanggi gusto ko rin naman ang sariwang hangin kumpara sa aircon na loob. Ayos lang sa loob kapag umaga dahil mainit sa labas. Pero kapag gabi, mas gusto namin sa labas.

The manager realized that it's me walking towards their counter. Nakita ko ang bahagyang takot na dumaan sa kanyang mga mata. Alam niya rin siguro ang gusto kong mangyari kapag nariyan si Leandro pero hindi niya naisip na pupunta ako ngayong gabi at mabubuking ko sila.

Wala ako sa mood makipagbangayan sa walang labang manager. Papupuntahin ko na lang si Reynante rito bukas para balaan sila sa ginawang ito. But my thoughts about it lasted only for a few moments because I really can't stop thinking about Leandro.

Bakit siya nandito? Hindi ko makuha. Naghihiwa siya ng mga sibuyas at kamatis kanina. Anong nangyari roon? Kumain ba siya? Night snack niya ba itong nandito ngayon?

The bathroom of the Bistro is cramped. Isang cubicle lang para sa babae, isa naman para sa lalaki. Parehong ang labas ng dalawang pintuan ay ang sink kung saan sa harap ay may malaking salamin para makapag retouch o ano man. Dalawa hanggang tatlo lang ang puwedeng tumayo roon para mag-ayos, at kung may katabaan pa ang kasama mo, dalawa lang talaga ang puwede.

I almost had a heart attack when I saw Leandro standing there, waiting for me to come out of the washroom. Nakahalukipkip siya at madilim ang mga mata. Napahawak tuloy ako sa dibdib sa gulat.

"Umuwi na tayo."

Nang nakabawi ay humarap na lang ako sa salamin at doon siya tiningnan habang inaayos ang buhok ko. He looked at my reflection, too. I saw him watching my every move. The every comb of my hair, everything.

"Hindi nga puwede. Kung gusto mo umuwi ka na?"

"Ihahatid kita sa inyo."

"Si Julius nga ang maghahatid sa akin!" iritado ko nang sinabi. "Nakakahiya. Ako ang nagyaya sa kanya ngayon tapos biglang uuwi na ako at hindi pa siya ang maghahatid."

"Ano ngayon? Sabi mo hindi mo 'yan boyfriend?"

"Oo nga! Pero kaibigan ko. Where's your manners?"

Natahimik siya ng ilang sandali, pinagmamasdan pa rin ang repleksyon ko sa harap.

"Nanliligaw sa'yo? Sasagutin mo?"

Seriously? Kailan ba ito naging concerned sa mga nangyayari sa buhay ko. I put on my lipstick. Titig na titig siya sa salamin at nang madrama ko siyang binalingan, nakita kong nasa labi ko na ang mga mata niya ngayon.

"You're acting like a jealous boyfriend!"

Hindi siya kumibo. Umawang lang ang labi niya at bumaba ang tingin. Mas lalo pang kumunot ang noo ko. Humalukipkip ako pagkatapos ayusin ang bag sa aking balikat.

But of course, I know he's not my boyfriend nor is he jealous. Don't flatter yourself, Chayo. I'm waiting for him to deny what I just said but he didn't. Nanatili siyang tahimik. Ngumuso ako.

"Hindi kita pinakealaman sa kung sinong binalikan mo rito, ha! Kaya-"

He chuckled a bit. "Paano ka makekealam doon? May magagawa ka ba?"

Uminit ang pisngi ko. Hanggang ngayon talaga alam niyang wala nga akong magagawa sa bandang iyon!

I remember how I tried my best to make him forget Keira but in the end, he couldn't! Nagkabalikan sila noong nasa Ruins! Hindi ko alam kung nagkasiraan ba sila o sila pa ba hanggang ngayon wala na akong pakealam! I don't wanna touch that part of his life anymore.

So annoyed now, when I saw the waiters and waitresses watching us, I gave them my most intense glare. Mabilis silang umalis doon at pumasok sa kitchen, o 'di kaya'y inabala ang sarili sa ibang bagay. May hindi pa tumuloy sa washroom nang nakitang nakatayo kami roon.

"Wala! Kaya nga hindi ako nakekealam hindi ba?!"

He smirked, eyes bloodshot. I wonder if he's drunk? Naka ilang baso na kaya siya? Oh my! Is he drunk? I can smell the alcohol on his breath. Maybe he is! Magda-drive pa ito!

I'm so torn right now. I am extremely annoyed and at the same time concerned for him. Is that even possible?

"Hanggang sabi na lang ako na isama mo sa Cebu? E 'di gawin mo na-"

"Hindi ka sasama kaya hindi nga ako aalis ng Altagracia, Charlotta!" he spat, not making me finish what I wanna say.

I swallowed hard. There it is again!

He licked his lower lip and shut his eyes hard. He tilted his head a bit and then looked at me again. It was as if he's about to do something he did not plan on doing, based on the dismay on his expression.

"Ikaw ang binalikan ko rito sa Altagracia. Walang iba."

Hinawakan ng kamay niya ang dingding na parang bang sinusubukan niyang bakuran ako. As if I have plans to run right now when I couldn't even move my damn feet.

Did I hear that correctly or am I drunk? Pero... hindi pa ako nakakainom!

Is he drunk? He is. He should be!

Kitang-kita ko ang diin ng pagkagat niya sa kanyang labi bago sinabi ang sunod na kataga.

"Mahal kita. Matagal na!"

He is drunk! Ang saya niya palang malasing!

Tinawanan ko ang sinabi niya. Diin na diin ang pikit ko sa katatawanan, hindi alam kung dahil nababaliw na o ano. Basta natatawa lang ako. He watched me intensely while I was laughing so hard. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya katititig sa akin.

Nababaliw na yata ako sa kanya na nagdedeliryo na ako.

Kung wala lang ihing-ihing waiter ang lumapit ay tuluyan na akong nabaliw sa kinatatayuan ko. Nakawala ako at nakabalik kay Julius. Kung kanina'y wala ako sa sarili, lalo pa ngayon.

"Umuwi na nga lang tayo. You owe me another date! You spaced out too much, Chayo!"

"O-Okay."

Hindi ko alam kung bakit ayaw kong lingunin si Leandro. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko.

Habang nakaupo sa front seat ng sasakyan ni Julius at nakikita sa salamin ang pagsunod ng sasakyan ni Leandro, naririnig ko ang pintig ng puso ko.

At hanggang ngayong nasa kama ako, nakaupo sa dilim, gumagalaw lang ang katawan ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko.

"He's just drunk," kalma ko sa sarili ko.

I should research more now... for his... commercial building. And house! For Keira and Leandro!

He's just drunk!

Natawa ako at ginulo ko ang buhok ko. Imposible ito. Hindi siya maka move on kay Keira, e. Nagkabalikan sila. Umiyak nga ako noon. Si Keira ang nagbalita sa akin. Sinabi rin ni Leandro na kasalanan ng Daddy kaya umalis si Mommy. I remember how I felt about that. I remember everything now. What I heard earlier to night is just my imagination.

Bunga ng malikot na pag-iisip. Ilusyon ko. Nagdedeliryo ako. Sa dilim, nanginginig ang mga balikat ko sa katatawanan. Ilusyonada ka, Charlotta!

Or! Maybe he loves me! Like a brother? Like how Kuya Levi cares for me! Tama! Protective siya sa akin at ayaw niya kay Julius gaya ni Kuya Levi noon!

So... Leandro loves me, huh.

Bakit parang kumalma ako nang narealize iyon. Of course, I want him to... no... no... This is better this way.

Babalik pa ako bukas para sa commercial building at bahay at hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap kung patuloy kong iisipin na mahal niya nga ako sa ibang paraan!

Isa pa... sa CR nag confess? May ganoon bang... uh... nagmamahal ng... ganoong paraan na sa ganyang lugar aamin? Wala! It's familial love... indeed! Friendship!

Noong nagdate sila ni Keira sa Ruins nga, e. Imagine him whispering I love yous to Keira while the sun is setting on that place. Tapos sa akin... sa CR. Nakakatawa. Kaya... friendship!

Nababaliw na ako dahil kahit friendship lang, umuurong ako. Ang lakas ng bawat kalabog ng puso ko at ayaw ko nang bumalik sa opisina niya o sa bahay niya! Ayaw ko nang magpakita!

Should I just say yes to Julius so I won't be this crazy? Hinawakan ko ang dibdib ko na sobrang lakas ng pintig. I can't do that. This is my problem so why do I have to make someone else suffer?

"Nakausap ko na ang broker sa bawat subdivision na nakita ko," sabi ko, diretsahan pagkapasok pa lang ng opisina niya.

Sabado at kaunti lang ang kliyente. Siguro hindi inakala na open ito ng Sabado. Bago pa kasi kaya walang may alam.

He's watching me intently while I can't even glance at him. I'm bringing my iPad just so my eyes would be busy elsewhere, at the same time, it is where I store what I need.

"Maganda ang offer at maganda ang amenities. Medyo mahal pero ganyan talaga pag premium subdivision at sa malaking siyudad gaya ng Cebu."

Tumayo siya. Hindi ko pa rin siya tiningnan. Mahihimatay yata ako sa tindi ng kaba ko. Hindi ko na malaman alin ang pipindutin sa iPad ko. Wala na roon ang iniisip ko.

"S-Sa... mga commercial building-"

"Umuwi na tayo."

Now, I can't do it without glaring at him.

"Bakit? Dito lang!" natataranta na.

Nagtaas siya ng kilay, titig na titig sa akin, para bang naninimbang. Mabilis kong binawi ang tingin.

"Ayos lang dito sa opisina. Dito na lang tayo."

Heck. Now that my mind is corrupted with something else, I don't want to go to his house.

"Pagod na ako kaya umuwi na tayo. Wala na ring kliyente at sa bahay ko na gagawin ang mga nakuha ko sa linggong 'to."

Nagkibit ako ng balikat. Seems reasonable enough. Nevermind my corrupted mind. Sumang-ayon ako. Tumayo at tahimik na lumabas. Sumunod siya, nakasunod ang mga mata sa akin tahimik.

I'm really okay but I can't feel the earth. Bawat hakbang ko parang ulap ang natatapakan ko at wala ako sa sarili nang pumasok sa Raptor at pinaandar iyon. Kung hindi lang ako tinawagan noong kausap ko kaninang may-ari noong building sa Cebu, tuluyan na akong nawala sa wisyo.

Sinarado ko ang pintuan ng Raptor habang tumatawa sa katawagan.

"Hindi naman, Sir. But... anyone would want a discount!"

Seriously, I don't need it. But the businessmind in me is telling me that if there is a choice to have it in a lower price, who am I to say no to it?

"Talaga? Gusto mo? Hindi ba mayayaman ang mga del Real ng Negros? You're kidding me."

Madilim akong pinapanood ni Leandro habang binubuksan niya ang pintuan sa kanyang bahay. Sumunod siya sa akin ng dumiretso ako sa kusina, nasanay na dahil ilang araw na ring ganoon.

Naupo ulit ako sa bar stool at nakita ko siyang kumuha ng pitsel at baso.

"Mabibigyan kita dahil hindi naman talaga kami nangangailangan ng pera. Ibebenta lang dahil nakakapagod na ang maintenance at maliit na negosyo lang iyan kumpara sa mga pag-aari namin ngayon."

And I will give that commercial building, he just called small, to Leandro. Tama nga na maliit na negosyo ito kumpara rin sa aming azukarera at siguro kumpara na rin sa farm nitong kausap ko pero kailanman hindi ko naisip pa iyon. A business is a business and everything starts in small beginnings.

"Kahit ano po, Sir-"

"Sino ba 'yang kausap mo?" singit ni Leandro, pinapanood ako.

"Commercial building," I whispered and pointed at my phone. "May ari."

He was about to say something but I hushed him so I could hear more.

"May kasama ka ba? May narinig akong nagsalita? Boyfriend mo?"

"Ah!" tinawanan ko ang tanong ng nasa kabilang linya. "Hindi ko 'yon boyfriend. Wala akong boyfriend, Sir!"

"Sino 'yang kausap mo, Charlotta?!" Leandro's voice boomed. Pakiramdam ko kahit kabilang kanto narinig iyon ng buong-buo.

Natahimik ang kausap ko. Namilog ang mga mata ko kay Leandro. I saw him watching me greedily, staring at my phone, wanting to wreck it so bad or something.

"Uh..." my mind blanked that I have no other choice but to give up. "Sorry. I'll call back."

Pinutol ko ang tawag at tuluyan nang hinarap si Leandro. A small smile played on his lips, looking satisfied but still a bit irritated.

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 131K 67
Isang gabi ng lagim, Tahimik ang paligid, Pero sandali bago kayo mag-isip ng kung ano- ano, Hindi ito Horror. Kwento ito ng landian. In a sossy way...
62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...
64.8K 3.9K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
10.6K 1.3K 103
Happy endings doesn't exist... and if you agree with me, c'mon and enter my world.