Against the Heart (Azucarera...

By jonaxx

42.9M 1.4M 953K

Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all... More

Against the Heart (Azucarera Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 27

865K 36.2K 54K
By jonaxx

Kabanata 27

Kill

Naghintay nga ako gaya ng sinabi ko. Hindi ko alam na marami pala talagang uhaw sa propesyunal at siguradong pagkakabit ng kuryente. Naisip ko tuloy kung patingnan ko kaya kay Leandro iyong sa old building ng asukarera?

Nababaliw ka na ba, Chayo? You are not here for his professional skills, you are here to push him out of town. Kung hindi ko gagawin ito ngayon, kalaunan si Daddy na ang gagawa ng paraan. When that time comes, I can't tell what he can do just to get rid of a Castanier.

Pero dahil nakakabagot maghintay sa lobby ng walang kausap at walang ginagawa, hindi ko na yata napigilan ang antok ko.

Nasaan ba ako? Unang tanong ko noong nagising at nang naalala na kaya hindi ako nakahiga ay dahil nasa sofa ako ng lobby, unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. My neck hurts because of my position yet the sofa was incredibly comfortable enough to slowly drive me into a nap.

Kaya lang, saglit lang, at bakit imbes na ang buong lugar ang makita ko nang dumilat ako, mukha ni Leandro ang naaninag ko. Looking menacing as he stared at me, his touch I felt somewhere on my cheek, pero kalaunan mukhang buhok ko lang pala iyong naramdaman o guni-guni ko lang. Baka pati itong si Leandro sa harap ko, guni-guni lang din?

Hinaplos ko ang pisngi kung saan ko naramdaman ang buhok na nahulog. Aayos na sana ako sa pagkakaupo kaso nagustuhan ko ang anggulo ni Leandro. Nakahilig ang ulo ko sa sofa at siya'y nasa tabi ko, sitting slanted just to face me.

"Anong oras na? Tapos na ang trabaho mo?" the first thing I uttered because why else would he be beside me on the sofa of that lobby.

I tried to close my eyes to cover my guilt. Puwede na kasi talaga akong tumayo pero nanatili akong nakahilig doon.

"Mag aalas tres. Uuwi na ako," aniya.

I should be shocked and I should get up because of that but I didn't. Naramdaman ko lalo ang sakit ng batok ko dahil sa pagkakatulog doon.

"Bakit? Anong oras ba natatapos ang trabaho mo?"

"Five but I've decided to go home early just for today so I'm going home."

Slowly, he gathered the few strands of my hair out of my face. Nakita ko ang ginawa niya, hindi gaya sa nauna na parang panaginip lang. This time, I saw his eyes move on to my cheek and his hand gently put the strands of my hair behind my ear. Naramdaman ko rin ang mabagal na paghaplos niya sa aking panga.

Gusto ko nang umayos nang maputol ang nararamdamang pangungulila kung saan pero pinigilan ko ang sarili ko. Why would I seriously want to stop it? And... which one is the voice of my heart? The one wanting to stop him from being gentle? Or the one telling me to stay in this position? I'm confused!

Pumikit ako para lang matigil ang pangungulilang hindi kayang itago ng aking mga mata.

"Sasama ako."

I was sure he'd say no. I'm sure he'd push me away and make me leave. He didn't want to see me here in his office. It will be his nightmare to see me in his house. Alam niya rin naman ang pakay ko kaya alam ko na rin ang sasabihin niya.

"Saglit lang," dagdag ko sabay diin pa lalo sa mga mata.

Hindi pa yata ako nahimasmasan galing sa pagtulog! I need to get my shit together.

"Take your time. We're not in a hurry," he said.

Napadilat ako roon. Nakita ko siyang hinilig na ang katawan sa sofa, nakatitig pa rin sa akin! His body is angled towards me. Napasulyap ako sa reception at nakitang wala na roon ang babae at lalaki na receptionist niya. Tapos na talaga ang trabaho? Umuwi na sila?

"Ang aga n'yong nag close. Huwag mo na kayang buksan kahit kailan?" medyo nahahapo ko pang sinabi.

He smirked. Akala ko aahon siya pero nanatili siyang nakahilig doon.

"I intend to do business here and branch out more in other parts of Negros in the future. This is a long term plan."

Pagod akong umirap. "Ipapakita ko sa'yo ang nakita kong property sa Cebu. It's better. Why do you have to put up a business here in Altagracia?"

Hindi siya sumagot. Nagkatinginan kaming dalawa kaya nagpatuloy ako.

"This is a small town. It's a good idea but not the best. Especially for someone as brilliant as you. And I know that you have money now, you certainly can afford a better property in larger cities. Kaya... bakit pa rito? Mas yayaman ka sa ibang siyudad."

His lips parted. I expected for his reply but it did not come immediately. I gazed at him for a few more moments and noticed how he aged. Ilang taon na ba ang lumipas? I lost count. Sinadya kong hindi na rin bilangin dahil para saan pa? Hindi na rin naman kami magkikita. Hindi na rin naman siya babalik. Imposible. Pero ngayon... nandito siya sa harapan ko.

"May babalikan ako," he said slowly.

I blinked twice and lowered my gaze. Umawang din ang labi ko at sa wakas, inahon ang nakahilig na ulo galing sa sofa. Umayos ako sa pagkakaupo at naramdaman ko ang paninikip ng dibdib.

"May binalikan ako rito sa Altagracia."

Kahit may pakiramdam akong alam ko ang tinutukoy niya, pinili ko pa rin ang mas madaling mga salita.

"Wala na kayong properties dito. Nabili na ang bahay n'yo kaya ano pang... babalikan."

"I'm here for someone, Chayo."

I swallowed hard when I heard the whole statement. It hurt. And it hurt more when I heard him call me that way. Parang may naaalala ko. Ang mga alaalang matagal ko nang ibinaon. It's like the Leandro of my precious childhood memories again. Si Leandro na mayabang pero matalino, suplado pero mabait, at mahirap pero hindi ko maabot.

I am a del Real, the richest of Altagracia and of Negros, and yet I am staring at a man that I think I don't deserve. Today, he reminds me of that feeling again.

"I'm back in Altagracia because I'm... still in love..." he trailed off.

He said that clearly. Hindi ko tuloy siya matingnan ng mabuti. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero walang lumabas sa aking bibig.

Naghintay din siya sa'yo. Ilang taon na pero wala akong narinig na nagkaboyfriend siya. Ibig ba nitong sabihin hindi talaga sila nag-usap man lang noong umalis siya? All this time, every night, thoughts of Leandro communicating with the love of his life haunted me. He never called me after Ruins. And never after the tragedies.

Sobrang sakit noong marinig ko minsan na nagkakausap sila ni Kuya. Pero noon pa man, ibinaon ko na sa puso ko ang lahat. Kasi bakit niya naman ako tatawagan o kukumustahin? Kailan ba siya nag-alala para sa akin? In my dreams? So maybe I fell for the Leandro my mind is making up for me. For my loneliness. Not him! But still... this hurts so much.

After all these years, it still hurts like hell.

"S-So... you're waiting for... your reunion?"

Hindi na kailangan. Imposibleng hindi sila nagkita simula noong dumating siya.

"Hindi na kailangan no'n."

Natawa ako dahil tama nga ako. I pulled the elastic band out of my ponytailed hair and renewed it. Huminga ako ng malalim bago siya nilingon, nang tapos na ang pag-aayos. His eyes darkened and I can only imagine how confessing to me about his love made him feel.

"Tara na sa inyo. Pag-uusapan natin ang property na tinutukoy ko sa Cebu. Wala akong pakealam sa nararamdaman mo. Ang gusto ko, umalis ka rito," sabi ko at tumayo na.

Dire-diretso ang lakad ko palabas at nakita kong naroon ang mga receptionist niya, kausap ang ilang tindera ng kanyang shop. Natahimik sila nang nakitang lumabas ako. Dumiretso ako sa aking sasakyan at pinaandar na ito.

Pinanood ko si Leandro na lumabas na rin. May binilin siya sa dalawang naroon at pumasok na ang mga ito bago pa nakalapit si Leandro sa sasakyan niya. I pulled the stick for reverse and began driving out of the parking lot.

Malapit lang ang bahay niya. Nakita kong may isang lalaki ang nagbukas ng gate kahit na nauna ako kaysa kay Leandro. Hindi ko na kinuwestyon iyon. Pinapasok ko na ang sasakyan ko sa bakuran niya at inayos sa pagkaka parking. He parked his SUV on the other side, too. Nauna siyang lumabas at kinausap ang lalaking nagbukas ng gate.

Lumabas ako nang umalis na ang lalaki at sumunod na ako kay Leandro sa loob. I don't need to memorize the whole house's architecture because I admired it for months. Nang nagsimula na ang finishing touches at nakita na ang ganda ng modernong bahay, lagi ko itong nililingon noon.

Malaki ang bahay. I would say it is around 400 square meters or more. Not as big as our mansion but really enough for a big and tight family. Inalis ko sa isipan ko iyon dahil alam ko kung saan ang tungo noon.

Patungo siya sa kitchen kaya sumunod na rin ako roon. Amoy bagong-bago pa ang kabahayan. Sa kitchen man, naamoy ko ang katutuyong pintura. Wala nang alikabok galing sa finishing pero may ganoong amoy pa rin.

I comfortably sat on a round chair on his counter top. Sumulyap siya sa akin at nakita kong kumuha siya ng pitsel ng tubig. Nilapag niya iyon sa harap ko, sinamahan niya ng isang baso. Nagsalin siya roon at inilahad sa akin.

"Magluluto na ako ng hapunan," he said.

Sumimsim ako sa tubig pero binaba ko kaagad.

"Mamaya na. Mag-usap muna tayo tungkol sa property sa Cebu!" giit ko.

"Hindi nga ako lilipat ng Cebu. Hindi ako aalis dito."

Umirap ako. Alam kong ganito na talaga ang lagi niyang sasabihin. Tinalikuran niya ako at kumuha siya ng frying pan.

"E 'di dalhin mo siya! Kung dahil lang sa kanya kaya ka nandito, dalhin mo!"

I'll pay for the two of you! Labag sa kalooban kong pag-aksayahan din ng pera ang babaeng iyon pero kung eto lang ang paraan, e 'di sige! Take my damn money!

He turned and left the pan on his new, fancy stove. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Napaayos ako sa pagkakaupo. Humawak naman siya sa counter top, kumikilos na para bang may nasabi akong hindi dapat.

"Dalhin ko? You think it's that easy?" he asked me darkly.

Natawa ako roon. Every girl is easy to get when it's Leandro Castanier. Anais proved me that!

"Yes, it is."

"Sasama ka sa akin?"

Natigilan ako. My eyes narrowed. Anong sinabi niya?

His lips curved slowly. It was like he's mocking the obvious questions on my expression.

"You want to live here in Altagracia, right?"

My heart pounded. There's something about this conversation. His lips protruded, not allowing himself to curve its corners more.

"Then I'll live here."

"My Daddy wants you out. I'm here pushing you away because his therapy is still on going. Kapag nakatayo na si Daddy, ano na lang ang gagawin niya sa'yo? Our men do not follow his orders anymore because I'm here but... I certainly can't make him obey me!"

Sa pagkakataranta ko, dire-diretso kong nasabi iyon.

"You think he's capable to kill someone?" he said it so lightly.

Hindi ko alam kung tinutukoy niya ba ang pagkamatay ni Tito Carlos o ano. I know he has the right to accuse my father of murder kahit pa sinabi ng batas at inamin ng mga tauhan na hindi.

"I know he didn't kill my father. Galit ako sa Daddy mo dahil sa ginawa niya sa pamilya ko pero iniisip ko kung ano rin kaya ang gagawin ko kapag nagtaksil ng ganoon ang asawa ko."

Nagulat ako roon. He... put himself on the shoes of my father?

"What he did was unjust but I will probably resort to that if that was me."

"I-I don't think so..." agap ko dahil hindi ko naman maimagine na magiging ganoon ka lupit si Leandro. "Kuya Levi, maybe. Not... you."

He licked his lips. Nanatili rin ang titig niya sa akin. Tinanggal niya ang mga kamay niya sa counter top at lumapit. Napaatras ako ng bahagya, kinakabahan na ulit.

"You think so highly of me, huh?"

"I just... mean that my father was awful. Hindi niya dapat ginawa sa inyo iyon ni Chantal. Hindi niya rin dapat pinahuli si Tito Carlos. What he did lead to Tito Carlos' death. Hindi niya man pinatay si Tito, he's still to blame for it," I explained.


Binalik ko sa kanya ang tingin ko at napansin ang titig niya. I'm not sure now if he's even listening to me. And my heart boomed like thunder as I continued.

"I can understand if you're here to mock him. O-Or... maybe to have your revenge!"

"Galit ako at hindi na mababago iyon. Tama ka at sinisi namin siya ni Chantal sa pagkamatay ni Papa, kahit pa hindi niya naman ito pinatay."

Tama nga ako!

"But I told you, I'm here for someone. Not for a revenge or to even mock your father. Hindi ko pag-aaksayahan ng panahon. I would want revenge especially now that he hasn't moved on from it... but I am not here for that."

"E 'di umalis na nga lang kayo?" ulit ko.

"You think he'll kill me if I stay here?"

Napasinghap ako. You think I'd let that happen, Leandro? If I had to get in the way in between my Dad's shotgun and him, I'd probably... do it.

Umiling ako. Nang ibalik ko ang tingin sa harap ko, wala na siya roon. His hand went to the countertop in front of me, then I realized that he's beside me now. Malapit kami kanina nang gumising ako sa sofa pero mas malapit ngayon!

Umatras ako na para bang may iaatras pa sa maliit na bar stool. Dahil sa kagustuhan kong umatras at makawala sa kanya, muntik na akong mahulog sa upuan! Kung hindi niya lang ako hinawakan sa likod at inalalayan, nabuwal na ako roon! At... hinawakan niya nga ako sa likod!

"I like Altagracia, Chayo. Like how you love it. It's our hometown. Even with the bitter memories, I still want it. Pero hindi sapat iyon para pabalikin ako rito. And you know what's the strongest reason why I'm here now?"

Hindi ako kumibo. I'm too overwhelmed to say anything. Leandro... is so close to me.

"I'm back even when I know your Dad will probably kill me. I'm back even when right now, you want to push me away."

"Nasabi m-mo na, hindi ba? Kaya sinasabi ko sa'yo ngayon. Isama mo nga siya!" my last brave attempt.

His grip on my waist tightened.

"Gusto mo rito manirahan, hindi ba? Kaya... sasama ka ba?"

My mouth dropped open. I'm going crazy I'm hearing or comprehending other things. He licked his lips again, and tightened his hold of me more.

"Hindi ka sasama, hindi ba? Dito mo gustong tumira. Sinabi mo sa akin noon."

Now I think I turned into a statue.

"Dito na rin ako titira, kung ganoon."

My questions flooded. At hindi ko alam kung dati ba'y natitigan ko siya ng ganito katagal. His lips curved for another disarming smile. His eyes softened.

"I miss you," he whispered.

Before I could even understand it, I heard the doorbell ring. Hindi siya gumalaw samantalang ako, kung saan saan na inilipat ang tingin.

"M-May tao!"

He didn't seem to mind it. He remained in front of me, looking at me like I'm some crazy hypnotic movie. Bahagya ko siyang itinulak. Lalo pa nang nag doorbell ulit. Pinilit kong umalis sa bar stool at tumayo.

"May tao!" ulit ko.

Hinilot niya ang kanyang batok at pairap na nilingon ang pintuan sa tanggapan. Umulit pa ang doorbell, this time, hindi tinigilan sa pagpindot.

Lumabas si Leandro ng bahay. Sumunod ako pero nanatili sa pintuan. Nang nakita kung sino ang naroon, bahagya akong nalito sa gagawin. I did not prepare for this.

Tinawanan ni Axel ang ginawa sa doorbell. Hindi lang siya ang naroon. Kasama nito ang mga dating kaibigan ni Leandro. Si Adriano, Axel, George, Anais, Patti, Ciara... at... si Keira!

"Si Chayo?" I heard Adriano said.

Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang paglingon nila sa aking Raptor.

"Oo nga, si Chayo? Nandito?" si Anais.

Lumabas ako ng walang pag-aalinlangan. I saw Keira's eyes move towards me, the uneasiness was evident and I knew. Nilingon ako ni Leandro. His gaze darkened and his jaw clenched.

Don't worry about it. Obvious sa mga mata ni Keira ang nararamdaman at alam ko naman paano itama ang lahat ng ito.

"Chayo? Nandito ka pala!" si Adriano.

I smiled a bit before clicking my Raptor's keys. Sumulyap ako kay Keira. Any girl would get jealous to know that her boyfriend or apple of the eye is alone with another girl. Nagkibit ako ng balikat.

"Bakit ka nandito, Chayo?" si Anais na medyo kritikal ang tono.

"May pinag-usapan lang kami-"

Sinapawan ko si Leandro. "I presented properties in Cebu, for him. Bibilhin ko ang bahay na 'to at ang commercial building. You all know my father doesn't want him here so I'm just here to negotiate."

Bumaling ako kay Keira. Nakita ko ang pagginhawa niya. Don't be jealous now. Ayokong makasira ng relasyon. Baka isipin niyang... teka lang. Leandro has said something... something else. When we were alone a while ago. Tama pa ba itong iniisip ko?

Bago ko pa madugtungan ang iniisip ko, naglakad na ako patungo sa aking Raptor.

"I'll search for more, Leandro. I'll show it to you next time," sabi ko at hindi na nilingon pa sila.

Nang nakapasok na ako sa aking sasakyan, nakita kong nasa harap na sila ng pintuan ng bahay ni Leandro. Halatang bibisita talaga sila. However, they are all looking at my Raptor. Then I realized why... Leandro is beside it. I opened my windows and glanced at him.

"Bumisita ka ulit bukas," aniya.

Umirap ako. "Babalik naman talaga ako. Sinabi ko nga kanina, 'di ba?"

Then I started the engine. I don't want to stay anymore, anyway.

Continue Reading

You'll Also Like

875K 32.9K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
3.4M 56.4K 18
"LIFE begins when I met you. DESTINY starts when I saw you in my office wearing a sinful two-piece red bikini. My FOREVER triggered when you smiled a...
62.7M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...
742K 11.8K 56
Collection of K-pop.. Tagalog Ver. & etc. LOLOLOL