The Wrong One (BOS: New World...

By JFstories

10.5M 391K 94.2K

Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeo... More

Prologue
Rix Montenegro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 [Part 1]
Chapter 22 [Part 2]
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
EPILOGUE
New World

Chapter 29

305K 12.1K 2.8K
By JFstories

MATAPOS MAG-LIBRARY para mag-review sa nalalapit na exam ay dumeretso na ako sa last subject. Nakapagtataka na pagpasok ko pa lang sa room ay kakaiba na ang mga tingin sa akin ng aking mga kaklase. Nang tingnan ko ang mga ito isa-isa, ay isa-isa rin ang mga ito na nag-iwas ng mata.


Anong problema ng mga ito? Kilala ko lahat dahil sa liit ng university system na pinapasukan namin ay halos kami-kami rin ang magkakasama sa room. Ngayon lang naging ganito ang mga ito sa akin. Ang wirdo. Ipinilig ko na lang ang ulo at hindi na lang pinansin ang mga ito.


Nagsimula na ang huling klase. Wala si Gracia kaya wala tuloy akong katabi. Ibinuhos ko na lang ang atensyon sa lesson, umaasa na may matututunan ako. Desidido ako na matuto. Hindi ko na tatapusin pa ang hanggang fourth year dahil hindi na talaga kaya ng pera. Ang importante ay nakadalawang taon mahigit na ako. Maghahanap na muna ako ng fulltime na trabaho. Mag-iipon, lilipat ng mas matinong apartment, at magsisimula ng maliit na negosyo.


Kailangan kong magsakripisyo pero hindi nangangahuluhan na susuko na ako sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Gusto ko lang matulungan ang kuya ko sa ngayon. Dalawang taon lang ang palugit ko sa sarili para makabuwelo, at pagkatapos ay mag-aaral ulit ako. Iyon ang aking plano.


Pagkatapos ng klase ay parang may mga lakad na nauna at mga nagmamadaling nagsitayuan ang aking mga kasama sa room. Naunang lumabas ang mga ito sa akin. Nagngingitian, nagbubulungan, at mukhang mga excited na hindi maintindihan. Muli ay inignora ko ang mga ito. Mas gusto ko na ituon ang atensyon sa mas may kabuluhang bagay sa ngayon.


Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit sa aking armchair ay bumalik ako sa library. Humiram ako ng libro na babasahin sa bahay mamaya. Umalis na rin ako ng university pagkuwan. Nag-text pa ako kay Gracia para itanong kung bakit hindi ito pumasok, wala akong natanggap dito na reply. Mamaya ko na lang ito kukulitin ulit. Anong oras na at kailangan ko nang pumasok sa coffee shop.


Pagkarating sa cofee shop ay sarado pa iyon. Gabi pa kasi magbubukas. Pumasok na ako sa glass door para lang magtaka dahil bakit sobrang dilim? Wala pa ba ang ibang staff? Nang biglang bumukas ang mga ilaw.


"Surprise!!!" sigaw ng mga katrabaho ko na bumungad sa aking harapan. Nagsilabasan sila mula sa employee's lounge.


Napatanga ako sa kanila. Kompleto sila. Pero hindi iyon ang mas ikinagulat ko, kundi dahil hindi lang sila ang naririto. Naririto rin pati ang mga kaklase ko! Lahat sila ay nakangiti sa akin at binabati rin ako!


"Happy birthday, 'insan!" Si Gracia na biglang sumulpot sa aking tagiliran. Bigla niya akong niyapos.


"'Insan..." Gilalas na napatitig ako sa kanya. Bakit siya nandito? Hindi ba at absent siya kanina?!


Ngumisi siya. "Nandito ako sa shop kanina pa! Tumulong ako nang kaunti sa pag-aayos dito! Saka excited kasi ako dahil ngayon ka na lang ulit nagka-party!"


Tama si Gracia. Ngayon na lang ulit ako nakaranas ng party. Bata pa kasi ako noong huli. Buhay pa noon ang mga magulang namin ng kuya ko. Napalingap ang aking paningin sa paligid. Puno ng dekorasyon ang buong cofee shop. Napapalibutan ng lobo ang paligid, may iba pang party decorations na palawit sa kisame, at may tarpaulin pa sa pader kung saan naroon ang naka-wacky kong picture! Malamang si Gracia ang source niyon, walang duda!


Naluha ang aking mga mata nang mapatingin sa apat na mesa ay pinagdikit-dikit at kinalalagyan ng napakaraming handa. May cake at iba-ibang putahe na mukhang lahat ay masasarap. Ang nasa gitna ay ginataang alimasag na paborito ko!


"Lapang na kami, ah! Kanina pa kami tom-guts!" Nagpaalam na sa akin si Gracia. Mukhang gutom na gutom na siya talaga.


Pati ang mga kaklase namin ay mga umatake na sa mesa matapos akong batiin. Nagbibiruan ang mga ito habang kumukuha ng pagkain. Masasaya dahil nakalibre ng meryenda. Si Gracia ang nangunguna. Malawak ang pagkakangiti habang punong-puno ng pagkain ang plato ng pinsan ko.


Lumapit sa akin si Shena at inabutan ako ng bulaklak na tulip. "Happy birthday, Martina!"


Tigagal ako sa babae. Hindi ako makapaniwala. Kinaaasaran ko siya pero siya pa ang nagbigay sa akin ng bulaklak. At saka paano nga pala niya nalaman na mas paborito ko ang tulip kaysa sa rose?


"S-salamat, Shena. Mahal ito. Hindi ka na sana nag-abala—"


"Actually, galing 'yan kay Rix."


"Ha?" Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ng lalaki.


"At kung nag-aalala ka kung paano tayo mag-o-open ng coffee shop mamaya pagkatapos ng party mo, ay wag mo na iyong alalahanin pa. Sarado tayo ngayong gabi dahil birthday mo. Inupahan ang buong coffee shop at paid na rin ang mga sweldo natin in double pay pa. And the one who paid for everything ay walang iba kundi ang dati nating manager and shop owner... and also the man who loves you so much!"


Napanganga ako.


"See those designs up there?" Inginuso niya ang mga disenyong nakadikit sa paligid. Naayon din ang kulay niyon sa favorite color ko, violet. "Gawa iyan ni Rix. Pinagpuyatan niya 'yan."


Nakanganga pa rin ako. Parang umi-echo sa aking tainga ang mga pinagsasasabi ni Shena. Pasimple ko pang kinurot ang sarili dahil baka lahat ng nagaganap ngayon ay panaginip lang.


"Ilang gabi niyang ginawa 'yan. Itinuro ko sa kanya ang disenyo. Ayaw naman niyang magpatulong dahil gusto niya, pinaghirapan niya."


Biglang nagtubig ang mga mata ko. "H-hindi ko maintindihan."


"He paid me to teach him about the designs. Sa totoo lang, tinanggihan ko siya. Kasi marami namang iba diyan na pwedeng mag-design. Pero ako ang kinuha niya para hindi halata. Gusto niya kasing isurpresa ka. At alam mo? Ang laki ng ibinayad niya sa akin! Nakabili na ako ng lupa at nakapagpatayo ng bahay!"


Iyon ang dahilan kaya siya binigyan ng pera ni Rix? Hindi dahil sa may relasyon silang dalawa? Lalong nagluha ang aking mga mata dahil sa naririnig na sinasabi ni Shena.


"Pinaghandaan niya ang birthday mong ito, Martina. Pati iyang nakikita mong drawing, siya ang may gawa niyan."


Nilingon ko ang mga iyon. Parang grade school ang may gawa.


"Wala siyang alam sa arts, Martina, kaya ganyan ang kinalabasan."


Nilapitan ko ang isang painting na nakadikit sa pader. Akala ko eroplano, professor pala 'yon. Katabi nito ang isa pang painting na akala ko tutubi. Scooter pala 'yon.


"If only you could see his effort, Martina," ani Shena na nasa likuran ko. "Halos hindi siya natutulog dahil parehas kaliwa ang kamay niya sa pagpipinta."


Tumulo ang luha ko ngunit agad ko rin itong pinunasan. "Eh ano 'yong tumawag ako sa phone niya at ikaw ang nakasagot. Bakit siya nasa banyo?" Hindi ko nilingon si Shena. Ayaw kong makita niya ang mga luha ko.


Mahinang napahalakhak ang babae. "Kinapos kami sa water color kaya napatakbo kami sa isang convenience store. Nang tumunog ang cell phone niya, nakita ko ang pangalan mo sa screen. Itinakbo ko sa kanya ang phone niya, kaso nasa comfort room pala siya."


Nangatal ang aking mga labi. Ang tanga ko. Bakit ako nagpadala sa selos? Sa insecurity? Bakit ganoon iyong naramdaman ko nang pagkakataong iyon? Pero akala ko kasi...


Maski ako ay hindi maintindihan ang sarili. Nagririgodon ang emosyon ko. Nagpadala ako sa hinala. Nag-isip nang nag-isip. Hiyang-hiya ako kay Rix. Bakit pinag-isipan ko siya nang masama?! Bakit ba palagi ko na lang siyang hinuhusgahan?!


Mahina akong suminghot saka sa maliit na boses ay muling nagsalita. "Kaya mo ba tinatanong ang mga favorites ko dahil utos niya?" Nilingon ko siya.


"Yup. Para may idea kami sa mga ihahanda namin para sa 'yo." Napahalukipkip siya. "Don't tell me, Martina, pinagselosan mo ko sa kanya?"


Hindi ako makasagot sa hiya.


Napabuga siya ng hangin. "Malaki ang ibinayad sa akin ni Rix para maging designer niya sa birthday mong ito. Iyon lang 'yong reason kung bakit lagi kaming magkasama. Pinagpupuyatan niya 'yong mga designs na siya mismo ang gumawa. Pinag-aaralan niyang lutuin 'yong mga pagkain na paborito mo."


Napalingon ako sa mga pagkain. "I-ibig sabihin, siya ang nagluto ng mga ito?"


"Hindi siya marunong magluto, Martina. Kaya inabot siya nang ilang araw bago niya natutuhan 'yan."


Hindi na ako makasagot. Gusto ko na lang umiyak. Lahat ng ito ay kagagawan ni Rix. Hindi lang ito tungkol sa perang nagastos niya, kundi higit sa lahat ay sa effort niya. Nagpagod, naghirap, at gumawa ng mga bagay na dating hindi naman niya ginagawa.


Siya si Rix Montenegro na taong yelo, walang emosyon, at walang pakialam sa ibang tao... pero heto, pinaghandaan niya ang birthday ko. Sa kabila ng pagtanggi ko sa kanya, pinaglaanan niya pa rin ng panahon ang lahat ng ito para lang mapasaya ako. Lahat-lahat na walang hinihinging kapalit. Kung hindi ito pag-ibig, ano?


Niyakap ako ni Shena. "Mahal na mahal ka niya, Martina. Kahit hindi siya gaanong nagsasalita, alam ko sa kilos niya mahal ka niya talaga."


Kumalas ako sa kanya. Pagkuwan ay patakbo akong lumabas ng pinto.


Hinabol ako ni Shena. "Saan ka pupunta? Ikaw ang celebrant dito kaya 'wag mo kaming iwan!"


Nilingon ko siya matapos kong punasan ang aking mga luha. "Thank you, Shena."


Ang mga katrabaho ko, mga kaklase, at maging si Gracia ay napatingin sa akin. Nahinto sila sa kasiyahan at nagtataka.


"Thank you, Shena."


Ang mga katrabaho ko, mga kaklase, at maging si Gracia ay napatingin sa akin. Nahinto sila sa kasiyahan. Nasa mukha nila ang pagtataka kung bakit ako paalis.


Naluluha na nginitian ko silang lahat. "Thank you rin sa lahat ng mga pumunta ngayon sa birthday ko. Na-appreciate ko ang lahat-lahat. Masaya ako. Sobrang saya ko. Hindi ko ito makakalimutan... Pero puwede bang humingi ng pabor sa inyo? Ito sana ang gusto kong regalo... Ang wish ko... Please enjoy the party kahit wala ako..."


Pagkasabi ay iniwan ko na sila at lumabas na ako ng pinto. Aalis ako. Pupuntahan ko ang tao na may dahilan ng lahat ng ito... at hihingi ako ng tawad sa kanya!


jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

377K 26.6K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
124K 2.6K 21
Duke & Izza
180K 4.3K 54
What will you do if you end up in someone else body?
956K 32.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.