Stranger [BTS-Jungkook FF] [C...

By Jeiara

22.6K 680 84

[BTS-Jungkook FF] [Completed] "I'm invisible to everyone and to him. A stranger that he just met and passed b... More

Stranger [BTS-Jungkook FF]
C h a p t e r - T w o
C h a p t e r - T h r e e
C h a p t e r - F o u r
C h a p t e r - F i v e
C h a p t e r - S i x
C h a p t e r - S e v e n
C h a p t e r - E i g h t
C h a p t e r - N i ne
C h a p t e r - T e n
C h a p t e r - E l e v e n
C h a p t e r - T w e l v e
E p i l o g u e
Important Note
Special Chapter

C h a p t e r - O n e

2.6K 58 5
By Jeiara

Dedicated to her kasi po nagagandahan ako sa FF niya. Lalo na ang Trolled Heart. Na'inlove ako kay Chen doon! Myehehe :"> 

C h a p t e r – O n e

-Kristen-

 

 

‘Kristen tinatawag ka ni ma’am.”  Bulong ni Jackie sa akin kaya napa’angat ako ng tingin.

 

“Paki solve ang nasa harap.” Sabi ni ma’am. Napatingin ako kay Jackie at sinsabing kaya ko ito.

Tumayo na ako at naglakad papuntang harap para I’solve ang nasa blackboard. Pero biglang nagtawanan ang mga classmates ko kaya nilingon ko sila. Napatingin ako kay Jackie na kagat kagat ang ibabang labi. Tumingin ako sa nasa likuran ng upuan ko nakangise lang siya. May mali ba?

 

“Ms. Dimalanta I think nakalimutan mong may dalaw ka today?” nagkataas kilay na sabi ni ma’am. Biglang nanlaki ang mata ko sabay tingin sa likuran ng palda ko. Halos manlambot ang tuhod ko dahil may tagos ako at nakita nilang lahat iyon, pati siya.

Nakakahiya ako! Nakakahiya!!!

Nagexcuse ako kay ma’am at tumakbo na ako palabas ng classroom at nagtungo’ng cr. Anong gagawin ko? Paano ba ito! Aish! Tinanggal ko ang palda ko mabuti na lang at naka short ako. binasa ko ang part na may tagos at ni’rub iyon. Parang naglalaba lang. Kulay yellow kasi itong skirt namin kaya kitang kita ang pulang mantsa dito. Napatingin ako sa short ko. Nakakainis naman bakit diko alam na dadalawin pala ako ngayon?

Sinuot ko na ulit ang palda ko at nagtungo akong canteen para bumili ng pad. Nagtungo ulit ako ng c.r para suotin iyon.

Nakakahiya talaga ako! Nakita niya pa tuloy yung tagos ko. Nakakainis.

Padabog akong naglakad papuntang garden ng school. Hindi muna ako papasok ngayon sa next subject nahihiya pa kasi ako sa mga classmates ko. At tsaka ayoko muna ang umupo baka matagusan ulit yung palda ko galing sa tagos sa short ko.

Ilang oras kaya ako tatayo dito? Tss. Naglakad lakad muna ako ng may mapansin akong parang may nakasunod sa akin kaya napalingon ako at nakita ko siya nakatingin ng seryoso sa akin. Hala ano kaya ginagawa niya dito? Tinalikuran ko siya at naglakad ulit ako. Tumigil ako nung napansin kong wala na siya sa likod ko kaya nilingon ko ulit siya at tama nga ako wala na siya sa likod ko. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad pero pagharap ko halos mawalan na ako ng hininga.

 

“WaahhhHmpppp!”kasi naman eh nakakagulat yung pagtalikod mo bigla bigla na lang may nakatayong gwapo na lalaki sa harap mo at sobrang lapit ng mukha niyo?

Binitawan niya ang pagkakatakip sa bunganga ko

 

“Tss. Oh.”Inabot niya sa akin yung bag ko. Huh? Bag ko? Ang bait naman niya.

 

“S-salamat. B-babalik din naman a-ako sa classroom e-ehh.”Nauutal na sabi ko pinunasan ko din yung tumulong pawis sa noo ko.

 

“Sinabi sa akin ni Ma’am Valdes na ibigay itong bag mo sa’yo.”Sabi niya at agad akong tinalikuran.

Sabi ko nga napag utusan lang siya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang secret exit sa school. Dito lumulusot ang mga laging nagka’cut class. Mag cut class kaya ako? Sa bahay naman ang diretso ko eh.

**

 

“Ang aga mo naman ata ngayon anak?” tanong ni Mama sa akin. Napatingin ako sa wrist watch ko. 10:30 pa lang pala.

 

“Nakatagos po kasi ako, Ma.” Sabi ko at yumuko ako.

Narinig ko na tumawa si Mama at lumapit sa akin tapos pinatalikod ako.

 

“Sige na umakyat ka na maglinis ka ng katawan mo may naamoy ako eh.” Tapos tumawa pa. baliw lang ang nanay ko.

Napapailing na lang ako habang umaakyat papunta sa kwarto ko. Naligo na din ako at naglagay ng panibagong pad.

Haayyy. Kumusta naman yung pagbitbit niya ng bag ko? mabuti naman at nahanap niya kung nasaan ako ano? Haayyy itatago ko yung bag ko di muna gagamitin gagawin kong unan ko yun hinawakan ni Jungkook eh.! Waahhhh! Kilig much ang lola niyo. Hihi :”>

**

Kinaumagahan maaga akong nagising. Sinisigurado ko ngayon na hindi na ako matatagusan. Huehue T_T

Pagpasok ko ng classroom ganun pa rin maiingay pa rin sila. Isa lang ang tahimik. Yung lalaking matagal ko ng pinagpapantasyahan. :D Yung mga barkada niya ang iingay pero siya ang tahi-tahimik.

“Hi Kristen! Bakit dika na pumasok kahapon?” tanong ni Taehyung sa akin. Waahhh! Ang cute niya. Lagi siyang naka eyeliner. Parang anak ni Baekhyun, yung member ng EXO? Yung sikat na Boyband sa Korea? Idol niya siguro! *u*

“H-ha? Ah eh… A-alam mo naman siguro k-kung ano yung n-nangyari sa akin.” Halos pabulong na sabi ko. Naramdaman ko ding nag init yung pisngi ko.

Narinig kong nagtawanan silang magbabarkada.

“Bes pren!!!”  tawag ni Jackie sa akin. Nilingon ko siya at halos lumuwa na ang mata.

“Oh anyare sa mukha mo?”  tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya. Umiling iling pa siya tapos tumingin sa likuran ko kaya pati ako napalingon doon. Andun ang bangtan boys naghaharutan haha. Tinignan ko ulit siya na ngayon ay nakangise na.

“Don’t tell me sinagot ka na ni Jungkook?” pumapalakpak pa na sabi niya. agad kong tinakpan yung bunganga niya. ang ingay nakakahiya baka marinig nila. Binanggit pa man din yung pangalan niya.

“Jackie! Wag ka nga! Kinausap lang ako ni Taehyung.” Sabi ko at umupo na sa upuan ko.

Tinignan lang niya ako ng nakakaloko. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Tumahimik na ang klase dahil dumating na ang teacher namin. Hindi ako maka concentrate sa pakikinig dahil feeling ko may nakatingin sa akin. Pasimple kong nilingon ang left side kopero may kanya kanya silang gawawin ganun din sa right side ko. Baka naman sa likod? Lumingon ako sa likod at nakita kong nakatingin siya sa akin pero agad siyang nag iwas ng tingin. Napalunok ako at agad na umayos ng upo. Pinunasan ko din yung namoong pawis ko.Huminga ako ng malalim. Sinundot ako ni Jackie sa may tagiliran, thank god di ako pinanganak na nag iingay pag nagugulat.

“Ayos ka lang?” bulong niya. tumango lang ako at kinompose ko ang sarili ko.

Tinuon ko ang atensyon ko sa pagdidiskus ng guro namin. Halos mahulog ako sa upuan ko ng may sumipa dito galing sa likod. Sino pa nga ba ang nasa likod ko kundi siya? May problema ba siya sa akin? Nilingon ko siya na ngayon ay natutulog. Siya kaya yung sumipa sa upuan ko? Eh paano namang siya eh natutulog yung tao?

Napapailing na lang ako habang tuminginulit sa harap. Natapos na din ang klase at break time na. agad akong hinila ni Jackie papuntang canteen para mauna kami sa pila. Nag order siya ng spaghetti at ako naman sandwich at juice lang. naglakad na kami patungo sa upuan namin ng biglang may bumangga sa akin kaya tumilapon sa akin yung isang plato ng spaghetti at juice. Narinig ko yung pagsigaw ng mga kaklase ko. Tinignan ko yung blouse ko at halos mapaiyak na ako sa nakita ko. Natapon sa putting blouse ko yung spaghetti at juice. Waahhh! Natapon yung pagkain ng bespren ko sa damit ko!

“K-kristen.” Narinig kong bulong ni Jackie. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko ang Bangtan Boys. Nakatingin sila sa akin maliban siya. Nakatingin siya sa iba na mukhang bored na bored. Kelan pa kasi siya nagka interes na tignan ako?

“J-jackie s-sorry n-natapon y-yung pagkain mo.” Mahinang sabi ko. Tatayo na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko para tulungan akong tumayo. Tinignan ko kung sino si Taehyung pala.

Ng makatayo na ako nginitian niya ako “Mag-ingat ka minsan.” Payo niya sa akin.

Tumango ako tsaka nagpasalamat “S-salamat Tae—

 

“V. V na lang. hehe” napakamot pa siya sa ulo niya.

“A-ah. S-salamat, V” sabi ko ulit. Ngumiti lang siya tapos tumalikod na pabalik sa mga kaibigan niya.

Nilingon ko si Jackie na laglag ang panga.

“J-jackie! O-oyy Sorry ha? Sorry natapon ko yu—

 

“Bes pren! Lumapit si V dito sa atin! Alam mo bang heaven iyon? Yieehhh!” nangisay na siya sa kilig. Umiling na lang ako. lumabas na akong canteen at nagtungo’ng c.r para linisin ang blouse ko.

Buti pa si V lumapit at tinulungan ako. pero siya? Ni tignan ako hindi niya magawa. Eh sino ba ako para tulungan niya at tignan niya? Isa lang naman akong simpleng babae na palihim na nagkakagusto sa kanya. Hindi nga ako papasa sa taste niya eh. Hindi ako yung tipo ng babaeng papansinin niya. Kaya nga nawalan na ako ng pag-asa para mapansin niya. Dahil kahit kailan isa lang akong stranger sa kanya. Siguro kahit pangalan ko hindi pa niya alam. Hindi niya daw kasi trip ang mag memorize ng pangalan kaya minsan pag may tinatawag siyang isa sa mga classmate naming hini-hoy lang niya. :3

--

Continue Reading

You'll Also Like

190K 5.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
99.8K 4.2K 104
【bangtan epistolary series #4】+ Taehyung just chatted you, ❝magdedeact ka? magdeact ka na rin pati sa buhay ko❞ ↪ Our relationship to someone is like...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
117K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...