C h a p t e r - S e v e n

1.1K 39 2
                                    

C h a p t e r – S e v e n

“Haayyy. Kelangan ba talagang pumasok ngayon” tanong ko sa sarili ko.

February na at kelangan naming pumasok para sa practice namin sa J.S Prom. Putakte naman eh! Sino kaya magiging date ko? Pwedeng wag na lang pumasok? Tch. Kasi naman eh. Sa dalawang araw na naging tutor ako ni Jungkook di man lang ako niyaya or tinanong na “May date ka na ba sa Prom? Tayo na lang kaya?” tsss. Namaaannn ehhh! Kainisss!

“K-kristen…” bungad sa akin ni Jackie. Pinilit kong ngumiti.

“May date ka na sa prom mamayang gabi?” tanong niya sa akin. Umiling ako. wala pang nag ask sa akin. Hindi nga ako kapansin pansin. Baka hindi na din ako yayain ni V. Duh? Binasted ko na kaya hindi na niya ako yayayain. Sana naman makaramdam si Jungkook! Omg!

“i-ikaw? M-may date ka na?” tanong ko. Tumango siya ng marahan. Pero nakasimangot.

“Oh eh bakit ka nakasimangot? Siguro pangit yung nag ask sa’yo? Hahaha. Bes pren naman last JS na natin ito. Bakit pangit pa yung biningwit mo?” tawang tawa ako.  sinapak lang niya ako.

“sorry Kristen.” Tapos lumabas na siya ng classroom. Anyare doon?

Sinundan ko lang siya ng tingin. Nahinto siya ng magkasalubong sila ni Jungkook. Nagkatinginan sila tapos tumakbo na siya ng tuluyan palabas ng classroom. Huh? Anong meron?

“May partner ka na sa Prom Kristen?” tanong sa akin ni JB. Umiling ako. Si JB ka schoolmate ko siya member siya ng Got7. Medyo playboy .

“So will you be my date tonight?” yaya niya. papayag ba ako? Eh paano na si Jungkook? Gusto ko siyang maging partner! Pero baka may partner na siya. Tumango ako sa kanya.

“alright! Susunduin na lang kita mamaya.” Masayang sabi niya. nginitian ko na lang siya.

Nakakainis naman kasi eh. Nag expect ako na siya ang magiging Prom date ko!

**

“Ang ganda talaga ng anak ko.” Sabi ni Mama. Tuwang tuwa siya kasi siya lang nag ayos sa akin.

Nakasuot ako ng light pink na cocktail dress hanggang taas tuhod. Yung malambot yung tela niya. tapos naka heels ako ng kulay pink din na 3 inches. Yung buhok ko kulot sa baba nilagyan niya din ako ng floral crown. Yung make up ko light lang. pero may nagiba naman sa hitsura ko kahit papaano.

Stranger [BTS-Jungkook FF] [Completed]Where stories live. Discover now