A Herrera's Secret

By YuiChizuru

5.2M 44.5K 3.3K

Story of Dreigan Herrera.. More

A Herrera's secret
Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI (Part 1)
Chapter XVI (Part 2)
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI

Chapter VII

123K 1.8K 134
By YuiChizuru

Aizelle's POV

"Oh you should see this! This one is my favorite. Tignan mo, ang cute cute nila." She looks so happy and excited to share it. It was so nice to see this side of Drei. Sabay kaming napahagikgik nang makita ko si Drei sa video. "My kids are really adorable. Ang sarap sa pakiramdam na maging ina nila." Tita Bella giggled. Natawa ako at napatingin kay Dreigan na kunot na kunot ang noo habang patuloy na kumakain. Para bang hiyang hiya siya. Bakit naman kaya siya mahihiya eh napaka cute cute nila nung kambal niya lalo na nung baby sila. Sobrang taba ni Drei nung bata siya, nagsimula na lang daw itong pumayat noong elementary na.

Tita Bella played another video; noong nagpropose ulit si Tito sa kanya. Dalawang beses sila kinasal. I never imagined Drei could dance like that. Natawa ako ng malakas. I took another glance at Drei who's now looking daggers at me. Sumimangot siya kaya lalo akong natawa.

"Ganyang ganyan din ako sa'yo nung kabataan ko Aizelle." She moved closer to me and gently tucked a strand of my hair behind my ear. We went to their lanai for some dessert, kami lang ni Tita Bella. Ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "I couldn't do this to my daughter. Si Arella ayaw niya ng inaayusan ko siya." Nahiya ako sa ginagawa niya, naiilang ako. Hindi ako sanay na may nagaayos sa buhok ko. I was also intimidated by her beauty. She looks brave and independent, very sweet and caring, plus she has this positive glow surrounding her. Siya ang nagbabalance ng atmosphere sa tahanan nila.

Wala na ang mga bisita, tita Bella looks sad. Hindi kasi dumating si Arella noong malaman na may welcome party. Whatever her reasons are, sana kinausap niya ang parents niya. Napakaswerte nga nila at may mga magulang sila na ginagawa ito para sa kanila. I feel somehow envious. I was so curious about the feeling of having a mother beside you. "You are so beautiful, hija. I'm so happy Drei invited you here. Alam mo bang ilang araw siyang bumebwelo sa daddy niya para sabihin na pupunta ka. That was so unusual of him." Natatawa niyang sabi.

"Talaga po? Kahit ako nga po nabigla noong sinabi niya. He is full of surprises" I answered.

"He is. Ganyan lang siya pero alam ko, when the time comes, lalabas din ang pagiging isang Herrera niya." She stated. I don't understand.

"M-mbait naman po si Drei."I lied. Pag natutulog mabait talaga 'yun. Siguro kaya ito sinasabi sa akin ng nanay niya kasi alam niyang mahirap pakisamahan ito. She looked at me and smiled. Her eyes twinkled. Nalulungkot ako para kay Tita Bella. Parang may gusto siyang sabihin at parang malungkot ito.

"We will see more of that, sabi ko nga, when the time comes." She said. She looked down, pinatalikod niya ako and she started untangling my hair using her fingers. I wish I could be her daughter. Kapag nagkaroon ako ng isang ina, hindi ko hahayaan na malungkot siya ng ganito dahil sa akin. "Anong sabi ng parents mo noong nagpaalam ka na pupunta rito?" She suddenly asked.

"Tita ko na lang po ang guardian ko. Sa kanya po ako nagpaalam. Pinayagan naman po niya ako. My parents," I started. To others, I would never say this, I would never open a topic about my private life especially my parents. I remember, I did it once-it was our school retreat, we went camping and had to share something while watching the bonfire but a girl started crying right there and then. I had to give her a hanky and made her stop. She couldn't stop sobbing and I hate the feeling. I did get over it and I feel irritated that they feel sorry for me. I hate it. "they're gone.." I said to put an end to it. Naramdaman kong napahinto si Tita Bella sa pagsuklay sa akin.

I fisted my hands "I'm sure they are very proud of what you've become.." I was taken aback. Napaharap ako sa kanya. She was smiling. "You have been granted full scholarship right? Sabi pa ni Drei you are working part time. Sino pa ba sa panahon ngayon ang batang handang magsakripisyo ng ganyan? Nakakaawa tuloy ang mga anak ko," She continued while giving a bright smile.

Nakwento ni Drei sa mommy niya 'yun? How did she know all that? "N-nakwento niya po?" I couldn't believe it.

"Of course! He also told me you are consistent and always on top of your class. Hindi ka nga niya matalo-talo. Kung ako ang nanay mo, proud na proud ako sa'yo." It was the first time someone told me that. Tuwang tuwa ako. Pakiramdam ko kausap ko si Mommy. I hugged her. Namuo ang luha sa sulok ng mga mata ko.

"Salamat po," I say happily. At first, she was taken aback pero hindi nagtagal ay niyakap niya rin ako.

Biglang dumating ang Daddy ni Drei, may kausap ito sa phone. Palihim kong pinunasan ang gilid ng mga mata ko at humiwalay sa pagkakayakap kay Tita Bella. Ngumiti sa akin si Tito habang may kausap. Tumabi siya sa asawa at saka umakbay. Para pa rin ako'ng nanonood ng teleserye sa kanilang dalawa. Ang bata nilang tignan parehas. Sana lang talaga ganyan din ako pagtanda ko.

"Carlos, give me a break. Three days lang ang hinihingi ko. Ngayon lang ako magkaka-oras sa pamilya ko. I don't want you calling me because of an issue you can solve. It was the reason why I hired you." He said. There was a short pause. "Well, take care of it. I'm sure that can wait."Sabay patay n'ya ng phone. Mabilis s'yang humalik kay Tita Bella at napatingin sa akin. "Aizelle, finally makakaharap na rin kita ng matino. I'm sorry about that." Natatawang sabi ni Tito.

Kung titignan ko si Tito Andrei halos magkamuka sila ni Drei, magkaiba nga lang ng ugali. Para bang sanay na sanay itong makipagusap sa mga tao, palabiro at palaging nakangiti. Bakit kaya hindi namana ni Drei ito sa Daddy n'ya? Malayo naman na ganun ang ugali ni Tita.

"Ang dami ko po nakain. Baka hanggang bukas ako busog nito" Tumawa ako. Tito Andrei chuckled.

"I'm glad nagustuhan mo. Dalasan mo ang punta dito, ipagluluto ka namin." Grabe kamukhang kamukha niya si Drei. Pati ang pag ngisi nito. Kung ngingiti lang palagi si Drei, parang pinaliit lang siyang version ni Tito Andrei. "Teka, Dreigan. Come here."

Unti-unti nawala ang ngiti ko. Si Drei kanina pa pala nanonood sa amin. He was leaning against the door frame. Lumapit naman siya pagkatawag ng Daddy niya. Parang ayoko na nga umuwi dahil gustong gusto ko nakikita ang ganitong side niya. Masunurin siya sa mga magulang niya. Mas matigas ang ulo 'nung kambal niya, si Arella. Naiinis nga si Drei sa ginawa nito. Nalungkot kasi ang Mommy nila. Matagal hindi umuuwi si Arella at sure ako na miss na miss na siya ng pamilya niya. Akala ko nga si Drei ang magbibigay ng sakit ng ulo sa kanila pero mukhang hindi. Pagdating kay Drei mukhang kampante sila na susunod ito sa lahat ng kanilang sabihin.

Umupo siya sa tapat ko. Nakapamulsa at maamong nakatingin sa kanyang ama. I could say that he really look up to his Daddy. Malaki ang respeto niya rito at overprotective naman siya sa kanyang ina. He glanced at his mom and his features softened. "Mommy, stop thinking about her. She's old enough to know better." Naiinis na sabi ni Drei sa kanyang ina. Matipid na ngumiti si Tita. "I'll call her later and talk to her," He assured. He tapped his mother's hand and smiled. My heart melted because of his gesture. Napakabait niyang tignan kapag kausap ang mga magulang niya. Sana lagi siyang ganito. Drei looked at me surreptitiously, as if he's asking for help. Alalang-alala ito sa kanyang ina.

"It's getting late, magpahinga na po kayo Tita. Uuwi na rin po ako." I said.

Napatingin silang lahat sa akin. Tito Andrei nodded and turned to Drei. "Huwag mo na gamitin ito." He waved the keys to Drei, susi iyon ng big bike niya. "You can use your car from now on. Hindi maganda na iyon ang ginagamit mong panghatid sa girlfriend mo.." I cleared my throat. Muntik ko ng makagat ang sariling dila. Kanina pa ako naiilang pag iyon ang sinasabi nila. Gusto ko magprotesta.

"Hindi ko po siya–"

"Thanks Dad.." Drei cuts me off. He smiled and took the car keys from his dad. He looked at me and nodded a little. Inaaya na niya akong lumabas.

"Thank you Aizelle for coming, sana maulit pa 'yung pagpunta mo." Tumayo ang magasawa at nginitian ako. Nagpaalam na ako sa kanila at naglakad na kami ni Drei palabas. Parang walang nangyari. Ano na naman 'yun? Anong ganap? Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya.

"What?" He asked innocently.

"Ewan ko sa'yo Drei." I answered.

Laking gulat ko noong lumabas kami ng garahe nila. Ito ba ang kotse niya? Ang ganda ganda! Bakit hindi niya ginagamit? The logo is ceiling rings entwined together. Nakalimutan ko kung ano 'yun but I think I've read it somewhere from a book na ang location ay sa Germany. Audi? I think that's the brand. I'm just not really sure what model. I'm no expert when it comes to cars.

Tahimik lang si Drei buong byahe pauwi sa amin. Nag-park kami sa hindi kalayuan, hindi na kasi makakapasok ang kotse ni Drei at masikip na ang daan. Isa pa, maraming makakakita sa amin at baka ano pa ang gawin sa kanya ng mga tamabay doon.

We stayed there in silence.

"Drei, bakit?" I asked all of a sudden, curious. Hanggang ngayon kasi hindi ko maintindihan ang mga ipinapakita niya sa akin. Ginawa niya rin ba 'yun kay Daphne bago sila mag anuhan? The thought made my stomach churned.  Sana pala naitanong ko kay tita Bella kung pang ilan na akong babae na dinala ni Drei doon. Kaya lang baka hindi maging maganda ang dating ng tanong ko.

Hindi naman s'ya nagsalita. Hindi man lang n'ya ako nilingon.

"Thank you.." He replied. I'm confused. Why thank you? Thank you for what?

"Bakit thank you?" I asked.

"Thank you for not ditching me." He said. Nakahawak siya sa manibela. I sighed, a bit frustrated. I have questions, so many unanswered question that only him can answer. I always ended up disappointed, maybe because my questions remained unanswered. I'm not scared to ask him, I just think it's inappropriate for me to ask.

"It's fine. I have to go." I said coldly. I started undoing my seatbelt but I couldn't. Nakakainosente, ang daming kaartehan pag maganda ang kotse. Lumingon siya sa akin and he moved closer to help me, his natural scent invading my nostrils. I could hear the gentle sound of his breathing. He successfully undid my seatbelt. Then he looked at me, he's very close, very close that I feel suffocated in a good way. My heart started beating very fast. As his hair rasps the skin on my face, he moved closer. Inch by inch, centimeter by centimeter until the smallest unit of measurement. This is how we talk, for us, talking doesn't mean we need to speak. There are no words. I closed my eyes and I almost sunk down to the spot. I've felt his lips on my forehead. It was firm against my skin but it remained gentle, slow and soft.

Then he moved away, acting like nothing happened again. We are both breathless and panting as though we exactly kissed.

I got out of the car. Bumaba rin siya. "I'm fine, Drei. Kaya ko na." I told him. Hindi siya nakinig. Iniwan niya ang kotse doon at hinatid pa rin ako hanggang sa bahay. Hindi ko na siya pinapasok, malayo pa lang ay naririnig ko na kasi si Auntie na nagwawala. "Normal na 'yan. Don't worry. Kusa naman siya natutulog pagkatapos umiyak." I assured him because he looks worried. Huminto ako sa paglalakad at nginitian siya. "Umuwi ka na, late na."

"Good night.." He said casually. Akma na siyang tatalikod.

"G-good night" I responded. Huminga ako ng malalim. Kinulbit ko ang balikat niya at humarap siya sa akin na takang taka.

I pointed my toes and kissed his cheek. It was fast but sure. Tumalikod ako at patakbo na pumasok sa amin. Sinarado ko agad ang pinto at napamura sa ginawa ko. Nakakainis ang landi ko! Nagiinit ang buong mukha ko.

Para bang nagkaroon ng sarili isip ang katawan ko at ginawa iyon. Umakyat ako sa kwarto na gulat na gulat sa aking inasal. Naligo ako para mabawasan ang init ng pakiramdam ko.

Umupo ako sa kama habang nagpupunas ng buhok gamit ang towel. I sighed. I miss him already. Nasasanay na ako na lagi ko siyang kasama. Nalulungkot ako kapag hindi ko na siya kasama. Nahuhulog na nga yata ako sa kanya. I shook my head. Hindi pwede. I need to pull myself together. Hindi pa nga pala ako nakakapag aral para sa exams, hindi ko na iyon magagawa bukas dahil magiging busy ako sa College Night. Tinatamad akong pumunta dahil alam kong hindi naman pupunta si Drei.

I sighed again.

Napahinto ako nang makita ang phone ko, may mga missed calls at messages. My brows are almost touching each other when I grabbed it. His name. My heart was like a train pounding down the tracks.

From: Dreigan Herrera

Aizelle.. :)

From: Dreigan Herrera

I'm home

From: Dreigan Herrera

Are you still awake? What are you doing?

From: Dreigan Herrera

You're not answering. :(

From: Dreigan Herrera

Wanna hear your voice

I was hesitant at first. I bit my lower lip and started typing

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 152K 60
Zera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to...
858K 32.5K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
93.9K 3.2K 14
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
255K 5.7K 44
Status: [SOON TO BE COMPLETED] Isa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip mag...