The Devil's Angel (ON HOLD)

Av MissyJokerMissy

9.2K 289 45

Si Angelina Joaquin. Na may maamong mukha, kaya nahuhumaling sa kanya ang mga kalalakihan. Na may, magaganda... Mer

The Devil's Angel
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 1

854 22 0
Av MissyJokerMissy

"Angel, timplahan mo nga ko ng kape." Utos sakin ni Ma'am Joyce.

Nandito ako ngayon sa station nila dahil nagma-mop ako nadumihan kasi ang sahig gawa ng umuulan sa labas. Janitress kasi ako dito sa J.E Real Estate Company.

Mag tatatlong buwan na din ako dito mula nong tanggalin ako sa trabaho nong fiance ng dati kong boss dahil sabi niya inaakit ko daw ang fiance niya. Lagi nalang gano'n ang nangyayari. Lagi akong natatanggal dahil gano'n ang eksena. Inaakit, nilalandi ko daw kahit hindi naman. Hindi naman ako ganong klaseng tao at hinding hindi ko magagawang manira ng relasyon.

"Hoy Angel! Kape ko ano na?"

Dali dali ko nalang sinunod at baka masigawan pa ako umagang umaga pa naman mapapagalitan pa ko. Mahirap na.

"Ma'am Joyce, eto na po yung kape niyo"

"Lapag mo muna diyan. Tsk bakit ba ang tagal mo gawin tong kape ko?"

"Sorry po ma'am may iniisip lang."

"Sa susunod gawin mo nalang agad. Pinaiinit mo agad ulo ko ang aga aga ha!"

"Opo. Sorry po."

Mainit lagi ulo nila sa akin. Laging ganon naman.

"Grabe ka naman makautos kay Angel, Joyce! Di mo naman sekretarya yan eh!" Sabat ni Sir Allan.

"Shut up, Allan. Wag kang dumagdag sa pagpapainit ng ulo ko."

Girlfriend ni Sir Allan si Ma'am Joyce. Mabait naman si Ma'am Joyce sa akin dati, kaso nong simulang kausapin ako at laging lapit lapitan ni Sir Allan eh naging ganyan na siya sa akin.

"Angel, pagpasensyahan mo nalang muna yang Ma'am Joyce mo ha? Kinulang ata sa tulog."

Napangiti naman ako don. Mabait talaga to si Sir Allan.

"Opo. Baba po muna ako Sir. Salamat po."

Tinanguan niya naman ako kaya naglakad na ako pababa.

~~~

ALAS DOS ng hapon nang magpatawag ng meeting ang may ari nitong kompanya. Mag iisang oras na rin mula nong magsimula ang meeting nila.

"Gosh! Naeexcite na ko next week!"

"Ako din! Grabeeee! Big event yon! Kaloka. Magsimula na tayong maghanap ng masusuot."


"Tama ka sis!"


Huh? May event? Ano kayang meron? Para saan naman 'yong event na 'yon?

Isa isa na silang nagsisibalikan sa mga area nila. At ako? Nandito lang sa quarters nag aantay ng lilinisan.

"ANGEL, pakiayos paglilinis dito sa area ko ha? Tignan mo nang maiigi mga papers baka may maitapon kang importante"

"Yes po, Ma'am Grace."

Papauwi na sila. Samantalang ako, magsisimula nang gawin ang trabaho ko. Nac-curious talaga ako kung anong event ang mangyayari next week. Bukas pa kasi panigurado sila magpapaskil ng mga announcement. Naeexcite na din ako dahil base sa pagkakarinig ko big event daw yon!






MATAPOS kong maglinis ay umuwi na rin ako.


Pagbaba ko sa may kanto ng tinitirhan ko ay may nakita akong mga tindang damit. May mga dress din. Tiyak na babagay para sa big event na mangyayari sa kompanya next week.

Dumiretso ako don at tumingin tingin.

"Ganda anong hanap mo?" Tanong ni ateng nagtitinda.


Nginitian ko muna siya bago sumagot. "Dress po, ate."


"Ah dress ba kamo? Halika dito! Maraming dress dito."


Tumuloy ako at nakita kong marami nga silang tindang dress. Nagtingin tingin ako hanggang sa maagaw ng atensyon ko ang isang sleeveless white dress.


"Ate, magkano po yon?" Sabay turo ko sa white na dress."


"Ah ito ba? 250 lang ineng." Sagot niya.


Agad ko namang tinignan ang wallet ko kung sasakto ba ang pera ko kasi bibilhin ko na agad baka kasi maunahan pa ko ng iba na mabili ito.


Pero pagkatingin ko sa wallet ko eh 500 pesos nalang ang pera ko. Kulang pa to pangkain at pamasahe bukas papasok sa trabaho. Pero buti nalang may stock ako ng delata sa bahay, tatawaran ko nalang ito baka pumayag.


"Ate, baka bwede 200 nalang?"


"Nakuuu 230 ineng, pwede pa."


"Ate 200 nalang, sige na." Pamimilit ko.


"Sige na nga. Tutal maganda ka naman e." Napangiti naman ako don. Hindi dahil sa sinabi niyang maganda ako, kundi dahil sa pumayag siya. Sakto! May pamasahe pa ko hanggang sa sabado!


NAGLALAKAD ako nang nakangiti habang dala dala ang supot ng binili kong dress. Ang saya ko dahil hindi na ako mamomroblema ng susuotin ko para sa big event next week. Pero teka, bakit ba ako bumili? E mukhang hindi naman ata kami sakop sa mga makakadalo dahil "janitress" lang naman kami? Bahala na nga.


~~~~


Kinabukasan, maaga akong pumasok sa trabaho.


Pagkarating ko palang sa may lobby ng building nakita ko na agad ang mga nakapaskil. Pero isa don ang umagaw ng atensyon ko. 'Yon ay ang big event na gaganapin na this Saturday!!!


Nakangiti ako habang papunta sa area ko. Pero nakasalubong ko yung isa kong kasamahan.


"Uy, Angel! Tara may announcement si Ma'am Anne"


Iyon na ata 'yong tungkol sa big event na gaganapin sa sabado.


"Ah, sige." ani ko at saka sumunod na.


~~



"Siguro naman nabasa niyo na ang nakapaskil na announcement diba?" Tanong ni ma'am Anne.


"Yes ma'am."


"Opo"


"Good. So now, my announcement is all of us, including you guys, are part of this event--"


"Hala! Totoo nga! Nakakaexcite naman."


"Omg first time ko sa ganito."



"Grabe nakakatuwa at kasama tayo ngayon."



Nakangiti ko namang pinagmamasdan ang mga kasamahan ko, dahil ako mismo ay masaya din dahil sa narinig na balita.


"Quiet!"


Nagsitahimikan naman silang lahat.


"As I was saying, you guys are part of the said event. Magsimula na kayo na maghanap ng susuotin, see you there!" Nakangiting sabi samin ni ma'am, at nagpaalam na siya para bumalik sa trabaho.


"Jusko nakakatuwa. Ano kayang nakain ni big boss at sinali tayo?"


"Naku kung ano man yon sana lagi na niyang kainin."



Hindi sila maka get over sa narinig na magandang balita, ako din naman e. Naeexcite na ako ng sobra.


Nakangiti akong lumabas ng quarters para pumuntang banyo. Nang makapasok ay agad kong sinipat ang repleksiyon ko sa salamin. Tinitigan kong maigi ang aking sarili na dahan dahang nabubura ang ngiting nakapaskil. Yumuko ako at saka huminga ng malalim. Ngayon ko nalang ulit nakita ang sarili kong mayroong tunay na ngiti, it's been a while huh? Inangat ko ang aking ulo at muling pinagmasdan ang sarili, muli kong nginitian ang sarili bago lumabas ang gawin ang trabahong nakaatas. 













Fortsett Ă¥ les

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...