Beautiful Goodbye

By ShadowlessPersona

127K 5.2K 333

Not all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 32

2K 98 5
By ShadowlessPersona

MAAGANG pumasok si Huffle sa Emery's kinabukasan kaya naman wala pa rin ang ibang empleyado na nandoon.

They usually opens at 9 AM, tumingin siya sa relo at nakitang 7:30 pa lang nang umaga. Her staff will be around at 8 AM, may thirty minutes pa para matapos niya ang ineedit na libro.

She would be publishing her first cook book. It's all about desserts. Nasa last editing na siya pagkuwa'y ipapasa na sa proofreader para masikaso na ng team.

She's still at the middle. Kaya naman tumayo na muna siya at nagpunta sa counter para gumawa ng kape. She needs a boost.

"Excuse me?" She heard the door opened, "I'm sorry, but are you already open?" Isang Ginang ang pumasok doon, nakasuot ng pantalon at puting blusa. Tinignan niya ang signage at nakitang naka-close sign pa rin.

Oh, well. Baka hindi lang nito napansin, "I'm sorry , Ma'am but the shop will open at 9AM. However, is there anything that I can do for you?" tugon niya rito. Customer is customer. Mukhang gusto din naman nitong magkape talaga.

Isang oras pa bago mag-9 AM. Kaya pinaupo na muna niya ito, "Oh, thank you"

"Coffee? Sandwhich? We also serve breakfast" She smiled.

"Are you sure, hija? I can wait until your store opens" sagot naman nito.

"No worries, Ma'am" she smiled widely, "I'll be very glad to assist you"

"Thank you" sagot naman nito at sinagot ang cellphone nang tumunog ito. She instantly prepares what she asked, kape lang naman ang gusto nito.

"Anong balita?" Tanong nito sa kausap sa kabilang linya, "It's been seven years, P.H. Seven years mo nang sinasabi sa akin iyan, You know that I won't buy that!"

Mukhang mabigat ang pinaghuhugutan nang tinig nito. She's a sweet woman who came by yet because of a phone call nagbago iyon bigla.

"Hindi pa patay ang anak ko. That airline has 6 missing passengers. Isa doon ang anak ko at hangga't walang katawan, hindi ako maniniwalang wala siya"

Nabitawan niya bigla ang hawak at nahulog ito sa sahig. Tama ba ang narinig niya? May anak itong kasama sa nagcrash na eroplano?

Hinarap niya ito at tinignan sa mga mata. Did she come here on purpose? Is this a coincedence?

"I-I'm sorry, napalakas yata ang boses ko..." anito sa kanya nang ibaba ang tawag, "Thank you.." sambit nito nang ilapag niya ang kape na inorder.

"M-Ma'am? I'm sorry to eavesdrop but... Tama po ba ang rinig ko na... you have a child..." Papaano ba niya sasabihin? "What airline were you pertaining with?"

She said a certain name of an airline na kinalaki niya nang mata. Kasama ang anak nito sa 6 na nawawala.

Where would they be, really? Siguro napansin ng ginang ang reaksyon niya kaya naman agad na itong natanong, "I-Ikaw ba si Huffle Delaverde?"

"Harrison" aniya, "Huffle Harrison, Ma'am. How did you know my name?"

"Harrison..." she sighed, "Isa siya sa nawawala. My daughter is one of the six as well..."

"H-Hinahanap niyo rin po siya..."

Tumango ito, "and so are you" she locked their eyes at kahit walang sabihin ay tila nagkaroon sila ng pagkakaintindihan.

"What do you need?" Tanong niya rito, "You looked for me, there must be a reason..."

Nangilid ang luha sa mga mata nito, "The first couple of years, hindi lang ako ang nagiisang umaasang buhay pa ang anak ko" nanginginig ang tinig nitong sambit, "Marami kami, tulong tulong... lalo na hindi lang siya ang nawawala kundi anim sila. Anim na pamilya.. Anim na pamilya ang kakampi ko..."

Isa siya doon at biglang naalala na niya ito! Naglabas ito ng isang litrato, halos kasing edad lang niya yata ang anak nitong babae.

Balingkinitan at mahaba ang buhok. Mapungay ang mata at makinis ang balat. Malaki ang ngiti sa labi kasama ang magulang nito.

"She's my only child..." Bumuhos na ulit ang luha sa mga mata nito, "After those years, they were already presumed dead. Halos lahat bumitaw na pero ako..." umiling ito, "Hindi ko kaya.. that's why I hired my own investigation team... my own search team.."

Hinawakan siya nito sa kamay, "Kaya ako nandito ngayon para kumbinsihin kang tulungan ako. Hanapin natin sila"

She has her own at hindi naman siya bumitaw, niluwagan lang niya ang pagkakahawak sa kaso because she has to keep going and focus on Eliz, too. May anak siyang kailangan isipin.

"Ginagawa ko na iyon" aniya, "I'm looking for my husband as well..."

"Hindi mo kailangan hanapin siyang magisa. They must be altogether, the six of them! Kailangan natin magtulong tulong..." Sambit nito. Nakakakumbinsi. "Hindi nila tayo naiintindihan, pero tayo... tayo lang ang magdadamayan..."

"Good morning!" Natigil sila sa paguusap nang dumating si Cath, "Oh, I-I'm sorry..."

Tumayo na ang Ginang at may iniwang card sa counter, "In case you change your mind" kinuha nito ang bag at umalis na.

Lumapit si Catherine sa kanya, "Who's she?"

Kinuha niya ang calling card, "Geniva Frias" she's a training and development specialist.

"What's her concern?"

"Isa sa anim na nawawala ang anak niya nang magcrash ang eroplano na sinasakyan ni Theo" Kwento niya, "Cath--"

"Huffle" putol agad ng kaibigan sa kanya, "Hindi na kita kinokontra sa patuloy na paghahanap pa rin kay Theo, but you're considering calling that woman.. Naloko ka na noon, paano kung isa na naman iyan sa mga nagtatake advantage sa kagaya mong umaasa pa rin na buhay si Theo?"

"Cath..."

"That's why the other families decided to move on! Hindi ka ba nadadala? Muntik ka nang mawalan ng anak sa ginagawa mo..."

That's the hard truth. Totoo naman ang sinasabi ni Catherine. There were people who would take advantage of the situation, isa doon ay nagtutulak pala ng child trafficking.

What could happen if hindi sila sinundan ni Kuya Slyther? Baka narape na siya and worst, ang anak niya nakuha na rin ng mga ito.

That forced her to move on.

Pero hindi talaga natuturuan ang puso na sumuko lalo na kung kaya pa nito lumaban. But this time, she would do this on her own at sa paraang hindi sila mapapahamak magina.

She looked at her ring. This was the engagement ring that Theo gave her. No, they weren't married. But for her, that night, she married him.

That night, they became official, but it was only for her. Dahil bago pa matuloy ay nagising na siya bigla sa panaginip. Wala na si Theo.

Noon, hindi siya ineentertain kapag hindi immediate family. That's why, kapag ang usapan ay tungkol kay Theo, she would introduce herself as his wife para kahit papaano ay magkaroon siya ng impormasyon.

Paguwi sa bahay kinahapunan ay naabutan niyang nagaassignment si Eliz. Nasa bahay din si  Pray at nakikiassignment sa pinsan.

She sat on the couch as Eliz welcomed her with a warm embrace. Hindi niya masabi sa anak ang totoong kalagayan ng ama, dahil kahit nga siya ay hindi naniniwala.

"Mama, okay ka lang po ba?" tanong nito.

She brushed his hair, kasing lago ito kagaya nang kay Theo, she kissed his forehead, "I am. How about you? How's school?"

He smiled, "It's fun! Anyway, Ma. We will have our family day next month! Promise me you'll be there!"

Family Day? "I'll call your Tito Raven--"

"No!" pigil nito, "Ayoko na pong sila Tito ang sumasama sa akin..."

"Why? Kami naman ang lagi mong kasama doon"

He sighed, "My classmates were making fun of me. They said I don't have any Papa.."

Napatingin siya sa mata ng anak. Puno nang pangugulila rito, "Papa will come home soon, anak"

Nagliwanag ang mata nito, "Really?"

"Mama will look for him" she caressed his cheeks, "Okay?"

Yumakap muli ito sa kanya, "Thank you, Mama!" Bumalik na ito sa pagaassignment kasama ang pinsan. Tutok na tutok ito sa ginagawa kaya parang hindi maabala.

She went upstairs and changed her clothes when a piece of paper fell on the ground.

Nang pulutin niya iyon ay calling card pala ni Ma'am Geniva. She sighed and prayed.

God, what should I do?

She ended up dialing that number, "Hello" sagot nito.

"I-I'm in"

Continue Reading

You'll Also Like

152K 605 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
72.5K 2K 40
Everyone thinks that they are such a perfect couple. But what if they come to a point that love is all they have? Will they fight for each other or l...
8.5K 266 45
a phase of; series #1 Yukari Fleur. -- Date started: March 16, 2021. Date Ended: June 14, 2021. (UNDER REVISION!!!)