Dayanghirang

By lawrence087770

173K 4.5K 2K

=Book 1 of 2 of the Babaylan Duology Parating na ang katuparan sa napagkasunduan.... Ihanda ang daanan n... More

Prologo
Mga Tauhan (as of 27 Mar 2014)
Unang Kabanata: Mga Babalang Dala ng Ihip ng Hangin
Ikalawang Kabanata: At Tinawag Siyang Dayanghirang
Ikatlong Kabanata: Ang Arnis at Kaperosa
Ikaapat na Kabanata: Ang Tatlong Kumakatok
Ikalimang Kabanata: Ang Lakan ng Kawalan at Kawakasan
Ikaanim na Kabanata: Ang Alamat ng Dayanghirang
Ikapitong Kabanata: Ang Babaeng Pintados
Ikawalong Kabanata: At Dumilim ang Kalangitan
Ikasiyam na Kabanata: Ang Huling Binukot
Ikasampung Kabanata: Huling Paghahatid
Ikalabing-isang Kabanata: Ang Lupa ng Hilaga
Ikalabing-dalawang Kabanata: Lihim ng Liham
Ikalabing-tatlong Kabanata: At Babagyo
Ikalabing-apat na Kabanata: Realisasyon
Ikalabing-limang Kabanata: Ang Ibon at ang Pagsisiyasat
Ikalabing-anim na Kabanata: Pagsubok
Ikalabing-pitong Kabanata: Tugo at Nabir
Ikalabing-walong Kabanata: Alaala
Ikalabing-siyam na Kabanata: Aghoy at Buringcantada
Ikadalawampung Kabanata: Sanib-Puwersa
Bente Uno: Alamat ng Tengang-daga
Bente Dos: Panglima
Bente Tres: Araw ng Patay
Bente Kwatro: Damdamin at Hangarin
Bente Singko: Ang Sinumpang Magkapatid
Bente Seis: Pasya
Bente Siyete: Mananawal
Bente Otso: Ang Apat na Tresmaria
Bente Nuwebe: Determinasyon
Trenta: Halmista at Saturnina
Trenta y Uno: Loos Klagan
Trenta y Dos: Damdaming Tinanikala
Trente y Tres: Ang Kalma Bago ang Bagyo
Trente y Kwatro: Usok
Trente y Singko: Dalangin ng Kapayapaan
Trente y Sais: Ang Konseho
Trente y Siyete: 0.59
Trente y Otso: Oh Aking Laguna
Trente y Nuwebe: Ang Banwa
Kuwarenta: Malamig na Pamamaalam
Kuwarenta y Uno: Paghamon
Kuwarenta y Dos: Sarangay
Kuwarenta y Tres: Ginoong Ganay
Kuwarenta y Kuwatro: Kapos sa Kapalaran
­­Kuwarenta y Singko: Mga Ganyak at Dahilan
­­Kuwarenta y Sais: Saribulkan at Lumang-dila
PAALALA/ANNOUNCEMENT:
­­Kuwarenta y Siyete: Piitan
­­Kuwarenta y Otso: Lalahon
­­Kuwarenta y Nuwebe: Pilat ng Nakaraan
Sinkuenta: Patungo sa Nyebes
Sinkuenta y Uno: Pabunyag na Lihim
Sinkuenta y Dos: Ang Dalawang Indrapura
Sinkuenta y Tres: Jamil
Sinkuenta y Kuwatro: Ang Halimaw sa Banga
Sinkuenta y Singko: Nyebes at Amansinaya
Sinkuenta y Sais: Bitag
Sinkuenta y Siyete: Galang Kaluluwa
Sinkuenta y Otso: Paalam, Ina
Sinkuenta y Nuwebe: Naidang Pugot
Sesenta: Pangadlip
Sesenta y Uno: Ang Labi ng Nakaraan
Sesenta y Dos: Pumarito Muli
Sesenta y Tres: Kataw, Berkakan at Berberoka
Sesenta y Kuwarto: Ang Lakambini ng Nag-uumapaw na Paggalang
Sesenta y Singko: Ang Bakal na Palasyo
Sesenta y Sais: Ang Hatid ng Tinumbaga
Sesenta y Otso: Pangako
Sesenta y Nuwebe: Ang Unang Bertud
Setenta: Ang Sugong Kinatawan
Setenta y Uno: Pagtatapat
Setenta y Dos: Prologo ng Labanan
Setenta y Tres: Namwaran
Setenta y Kuwatro: Halik sa Hiliraw
Epilogo: Ang Nagbabadyang Digmaan

Sesenta y Siyete: Taksil

1K 53 30
By lawrence087770

Hello guys! Ssalamat (nagagaya na ako kay Ran Hadi, hehe) sa lahat ng suporta ninyo sa akin. Congrats, 79k reads na tayo. Let's keep it up! I offer this update kay @88season_lovers88, sana maibigan mo! Malapit na tayo sa rurok ng mga kanagapan, palapit na nang palapit ang katuparan sa napagkasunduan!

-Kuya Lawrence =)

----

            Maliksing hinahambalos ni Zenaida ang kanyang higanteng palakol kay Blanga. Sa bawat indayog at taga ng matandang babaylan, sinasalag naman ito ng bruskong braso ng sarangay.

            Mula sa hindi kalayuan, winasiwas bago tinarak ni Orasyones Zita ang kanyang latigo sa lupa. Mabilis itong lumabas mula sa ilalim at muntik nang hindi maiwasan ni Blanga ang atake ng reyna ng mananawal. Saglit man, nakadama ang sarangay na natapyasan ng bahagya ang kanyang espiritwal na lakas.

            “Inaagaw ni Naida ang aking atensyon habang unti-unti namang ninanakaw ng mananawal ang aking lakas…” sambit ni Blanga sa kanyang sarili habang iniiwasan ang mga atake ni Zenaida. “Hindi mauubos ang aking lakas; hangga’t nasa aking kapangyarihan si Kasimira, makakakuha ako ng espiritwal na enerhiya mula sa kanya. Hindi ako magagapi!”

            Sa magkabilang dulo ni Blanga ay pasalubong na pasugod sina Saturnina at Guadalupe sa sarangay. Sunod-sunod na nagpakawala ng pulang-pulang bola ng enerhiya ang mangkukulam habang gumawa naman ng malaking harang ang nakatatandang Tresmaria upang malimitahan ang galaw ng halimaw. Habang abala sa sabay-sabay na atake nina Tandang Naida, Orasyones, Nina at Lupe, biglang napatigil ang bakulaw at naagaw ang kanyang kamalayan ng sumisirit na espiritwal na kapangyarihan sa kanyang likod; may nagha-halmista!

            “Manahan sa aking katawan; gagamitin ka panandalian, Amansinaya!

            Nabuo ang isang malaking tipak ng yelo at mula sa tuktok niyon ay nakaupo si Selena, balot sa niyebe ang kalahati ng kanyang mukha. Naging kulay asul ang kanyang humaba at lumilipad sa hangin na buhok at gawa sa nanigas na yelo ang katawan niya, mula sa kanyang dibdib patakip sa kanyang tiyan. Nakasuot din siya ng isang mahaba at asul na kalahating palda na tumakip hanggang sa kanyang kaliwang paa at balot ng yelo ang kalahating kanan ng kanyang pambaba.

“Ikumot sa niyebe ang sanlibutan! Pawalan ang mga mapighating punyal ng kalangitan!” usal ni Selena na sinundan ng pagbagsak ng malalaking bloke ng yelo na nagpira-piraso bilang hindi mabilang na punyal na walang-awang sinaksak ang katawan ni Blanga. Hindi na nagawang maipagtanggol ng bakulaw ang sarili nito ng maayos gawa na din ng pagkahapo mula sa atake nina Orasyones, Tandang Naida, Lupe at Nina. Lubhang nagtaka ang sarangay, bakit wala itong makuhang lakas mula kay Kasimira?

“Marahil nagtataka ka kung bakit wala kang makuhang kapangyarihan mula kay Kasimira. Madali lang ang paliwanag sa katanungan mo; pinipigilan ko ang daloy ng enerhiya papunta sa katawan mo. Gamit ang halamang hawak ko sa aking kamay, sinisipsip nito ang lakas na dapat ay papunta sa iyo.” paliwanag naman ni Simeon kay Blanga. Hindi naman makawala ang heneral sa halaman ng doktor dahil nakagapos ito sa lupa habang sinusupil ang kakayahan ni Kasimira na gumawa ng apoy.

Matapos ang atake ni Selena at manumbalik siya sa dati niyang anyo, biglang dumilim ang alapaap. Nasa himpapawid habang lumilipad si Lilagretha, na binabalot ng kidlat sa bawat kawala nito mula sa mga maitim at nagngingitngit na mga ulap. Matuling sumisid pababa ang rani na lumiwanag ang buong katawan at nag-anyong malaking sibat na gawa sa purong kuryente. Ang inasinta ng atake, ang diyamanteng nakalagay sa tenga ng sarangay. Mabilis ang mga pangyayari; matapos bumagsak at mawasak ng makapangyarihang atake ni Lilagretha ang mahiwagang bato ni Blanga, biglang nabasag ang kaparehong diyamanteng nakabaon sa katawan ni Kasimira.

“Hin…di…i…to…ma…a…a…ri…Isa…a…akong…”

Makalipas ang sandaling nakakabinging katahimikan, binasag ng dumadagungdong na pagsabog ang buong kapaligiran. Kasabay ng maningning na liwanag mula sa katawan ni Blanga, nilamon ng kawalan ang kanyang katawan na walang nagawa sa pinagsama-samang lakas ng mga babaylan.

Nanginig sa sobrang pagkahapo ang katawan ni Lilagretha; bakas sa kanyang mukha ang galak at pagod dala ng kanilang tagumpay mula sa bakulaw ng Konseho. “Simeon… Si… Ibalik ninyo siya sa Mino—” at biglang bumulagta ang rani sa lupa na hindi nagawang tapusin ang kanyang pahayag. Lumangoy sa sariling dugo si Lilagretha, said na said sa espiritwal na lakas ang kanyang katawan. Kahit makapangyarihan, hindi kinaya ng mortal at hapong katawan ng rani ng sabay na pasakit na dala ng pagpapanatili niya ng kurtinang kidlat ng Minolo at ng laban niya kay Blanga.

Tumakbo patungo kay Lilagretha si Saturnina at mabilis niyang pinagaling ang rani. Pinahiram naman ni Lupe ang iba niyang lakas upang mapabilis ang paglapat ng lunas sa reyna ng Minolo. Bago lapitan upang suriin ang rani; napukaw ang atensyon ni Simeon, nawala si Kasimira! Saan napunta ang heneral ng Kayumanggi?

----

            Nagtayo ng hindi-mabilang na mga pader na tubig si Mayari upang hadlangan ang mga atake ni Paros na mga bayo ng hangin at mga nabunot na puno sa kabundukan. Bago pa man tuluyang makumpleto ang halmista ng heneral, nanakaw ng maliwanag at maingay na pagputok mula sa kapitolyo ng Guinto ang mga mata nito. Napatigil ang Hangin ng Kanluran, habang nakakadama ng kakatwang presensya sa malayo.

            “Heneral?” nagtatakang tanong ni Mayari kay Paros na tila natigilan mula sa kinatatayuan nito habang nakatitig sa malayong walang madatnan.

            Marahas na bumulusok ang malalakas na hampas ng hangin sa katawan ni Paros. Maingay na pinuno ng tunog ng mga kampanilya ang kanyang paligid; kasunod ng ingay na ito ay lumipad ang heneral patungo sa kung saan niya nararamdaman ang kakaibang presensyang lubos na bumagabag sa kanya. Pamilyar ang pakiramdam na iyon. “Nagbalik ka na ba?” tanong niya sa sarili habang nagmamadali sa lugar kung saan nagmula ang kakaibang lakas.

----

            Hirap na hirap si Sarry na panatilihin ang kanyang huwisyo sa harap ng Palasyong Asero ng Guinto. Pinilit ng dalaga na huwag malunod sa kapangyarihan ni Kadaklan; lalo pa’t napapaligiran siya ng mga sinaunang bakal. Ito ay parehong-pareho sa insidente niya noon sa Minolo ngunit determinado ang dalagang babaylan na mapagtagumpayan ang kanyang kahinaan.

            “Mabubukas ko ang pinto ng mausoleo.” umpisa ni Sarry habang nakapikit siya sa harap ng pinto. Makalipas ang ilang sandali, umungol ang mga naglalangitngit at nagkikiskisang aserong pinto ng palasyo. Dahan-dahan itong bumubukas.

            Nakadama ng masamang presensya sa paligid si Sidapa, Hinambalos niya ang isang ahas na lumipad papunta sa kinatatayuan ni Sarry. Tila pinapaputok katulad ng mga bala ng kanyon ang mga ahas; sunud-sunod itong bumirada patungo sa dalagang Indrapura. Isa-isa naman itong pinigilan ni Sidapa gamit ang kanyang mga kadena. “Sino ka!” galit na sigaw ng lakan matapos niyang dispatiyahin ang mga ahas.

            “Hindi ko kayo papayagang makaussap ssi Kadaklan, dayanghirang.” tugon naman ng isang babaeng-ahas sa tanong ni Sidapa. Pinitik ni Ran Hadi ang kanyang kaliwang kamay at lumabas mula sa ilalim ng lupa ang isang demonyong ahas, ang marcupo.

            “Hindi kita hahayaang guluhin si Sarry. Ipagtatanggol namin ni Sarry mula sa iyo.” determinadong pahayag ni Haliya na matapang na humarap kay Ran Hadi. “Ang Konseho; kayo at ang kaguluhang binuhos ninyo sa mundo, pipigilan naming lahat ito! Manahan sa aking katawan; gagamitin ka panandalian, Kidu!” pagtatapos ni Haliya na nag-halmista gamit ang lakan ng kidlat.

            Napangiti si Sidapa sa deklerasyong narinig niya mula kay Haliya. Hindi makapaniwala ang lakan sa taglay na lakas ng loob ng dalaga. Ang dayanghirang na walang-magawa at lagi niya lamang pinagtatanggol noon ay kaakibat na din niyang lumalaban para makamit ang wagas na kapayapaan sa sanlibutan. “Hindi ko pahihintulutan na saktan mo si Haliya, mameleu. Walang dahas na babagsak sa babaeng tinatanging lubos ng aking puso.”

            Imbis na umatake ay natorete si Haliya mula sa kanyang narinig mula kay Sidapa. Muntik pa nga siyang malaglag mula sa pagkakaupo niya sa tengang daga matapos marinig ang mga sinabi ng lakan. Dagdagan pa ito ng nag-aalab na mga titig ng lakan sa kanya at kaunti na lang at malulusaw na siya sa kanyang kinauupuan. Lumundag ng ilang beses ang kanyang puso habang paulit-ulit sa kanyang isip ang mga katagang namutawi sa mga labi ng lakan. “Pareho ba tayo ng nararamdaman, Sidapa? Pero; hindi ito ang lugar para sa mga ganito, pag-uusapan na lang namin ito mamaya.”

            “Nakakatuwang marinig ssa iyo na may mahalaga kang pagtingin ssa dayanghirang, lakan. Total naman at patay ka na, pagssassamahin ko na kayong dalawa na magkayap ssa malamig ninyong libingan!” sigaw ni Ran Hadi na kinumpasan ang kanyang alagang marcupo upang sumugod kina Iya at Sidapa.

            Bumuga ng dagat-dagatang apoy mula sa bibig nito ang marcupo. Sinangga naman ito isang malaking pader na lupa. Nagkandapira-piraso ang halimaw na ahas at biglang sumiklab sa alab ang katawan nito. Napuno ng galit ang mga mata ni Ran Hadi. Bukod sa tuluyan nang nabukas ni Sarry ang pintuan ng mausoleo ni Kadaklan, kilala ng mameleu kung sinu-sino ang pumigil sa kanyang alagang marcupo.

            “ANONG GINGAWA NINYO! ANONG IBIG SSABIHIN NITO!” nanggagalaiting bulalas ni Ran Hadi sa tatlong babaylan na hindi lamang pumigil kundi pumatay na din sa alaga niyang marcupo.

            Natigilan din pansumandali si Sidapa; inisip mabuti ng lakan kung ano ang nagaganap sa kanyang paligid. Isa ba itong patibong? Ngunit kakaiba ang nadadama niya mula sa nagaganap na iyon. Isa itong tahasan at lantarang pahayag ng pagsuway sa Konseho ang kinilos ng tatlong iyon. “Anong nangyayari? Matapos nila kaming labanan muntik pang patayin, ngayon ginagawa nila ito? Bakit?” naguguluhang tanong ng lakan sa kanyang sarili habang pilit siyang nag-iisip ng maayos na dahilan para sa lahat ng ito.

Kinailangan pang pumikit at kusutin ni Haliya ang kanyang mga mata upang matiyak kung sinu-sino ang mga tumulong sa kanila ni Sidapa. Hindi makapaniwalang-lubos ang dayanghirang sa kanyang nakita. wala itong iba kundi sina Melinda, Paros at Kasimira! Anong nangyayari, bakit nila nilalaban si Ran Hadi, miyembro ng Konseho?

Continue Reading

You'll Also Like

70K 2.6K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
394K 28.7K 46
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
11.4K 521 35
Meet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous...
4.1M 192K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...