Married to a Stranger [R-18]...

By PsychedelicDistress

1.4M 34.1K 2.7K

HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a drea... More

Published By Bookware Corporation
Synopsis
1 Estranghero
2 Casper
3 Tinig
4 Pagbasa ng Isip
5 Lunas
6 Kayabangan
7 Tindahan ni Aling Nena
8 Paghalik
9 Rebelasyon
10 Transpormasyon
12 Dominic
13 Vernice
14 Magkapatid
15 Inosente
16 Impakta
17 Balloons
18 Hinala
19 Salpukan
20 Althea
21 Chenesan
22 The Man In Her Nightmares
23 Missing Bride
24 Panaginip
25 Kasalan
26 Face Swap
27 Pagpapanggap
28 Muling Pagkikita
29 Warmth
30 Ending (Promises)

11 Pagkabunyag

45.1K 1K 87
By PsychedelicDistress

11

Pagkabunyag

NAALIMPUNGATAN AKO SA huni ng mga ibon sa labas. Nagbalik na ang aking kakahayahan na makakakita kaya nakikita ko na ang aking kapaligiran. Inilibot ko ang aking paningin sa aking paligid. Wala si Casper sa kahit saang sulok ng kuwarto kaya nakahinga ako ng maluwag. Hinanap ko ang aking cellphone ngunit hindi ko iyon makita kaya sumilip na lang ako sa labas ng bintana para tantiyahin ang oras. Makulimlim na ang kalangitan at malakas ding hinahangin ang mga damo sa labas. Siguro ay nasa bandang alas cuatro na ng hapon ang oras.

Lumabas ako ng kuwarto para hanapin si Casper. Nakita ko ang pamilyar na hagdan na nalakaran ko na rati noong inaakala ko na panaginip lang ang lahat ng nagaganap. I heard indistinct voices talking, it is coming from a room near me. Marahan akong naglakad papalapit sa kuwartong pinanggagalingan ng mga boses na naririnig ko. Iniwasan kong lumikha ng kahit anong ingay habang sumisilip ako sa nakaawang na pinto para hindi nila malaman na nagising na ako. Mula sa pintong sinisilip ko ay nakita kong nakatayo si Casper. May kausap si Casper na dalawang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ang mga ito sa direksiyon ko.

Mukhang abala si Casper sa pakikipag-usap kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon para libutin ang buong bahay at makapaghanap ng pintong maaari kong labasan sa oras ng aking pagtakas. Nagpunta ako sa bandang likod ng bahay. May nakita akong isang pinto na maaari kong labasan kaya hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis na akong umakyat pabalik sa kuwarto sa taas. Binuksan ko ang isang malaking aparador na matatagpuan dito sa loob ng kuwarto para maghanap ng damit na isusuot ko. Kumuha ako ng isang plain white dress saka ko iyon ipinalit sa suot kong uniform. Kumuha ako ng bag saka ko isinilid doon ang uniform ko. Bumalik na ako sa baba. Pinakiramdaman ko ang aking paligid. Mukhang abala pa rin si Casper sa pakikipag-usap sa mga kasama niya kaya nagpunta na ako sa likod ng bahay at lumabas sa pintong naroon.

Kakahuyan ang agad na sumalubong sa akin. Kahit walang sapin ang aking paa ay tinahak ko iyon. Mas naging mabilis ang aking pagtakbo ngayon kaysa sa pagtakbo ko noong tao pa ako. Wala akong suot na sapatos kaya nagkasugat-sugat ang aking mga paa dahil sa mga matatalim na bato at mga nakakalat na matutulis na putol na sangang nadaraanan ko habang ako ay tumatakbo. Nasugatan ang mga paa ko ngunit mabilis ding gumagaling iyon dahil bampira na ako ngayon. I regenerate faster than before.

Madilim ang loob ng gubat dahil sa mga nagtataasang mga puno na humaharang sa liwanag ng araw. Nang makalabas ako sa gubat ay nakakita ako ng isang patag na kalsada. Nilakad ko ang mahabang daan na iyon. Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng ugong ng sasakyan na papalapit sa akin. Huminto iyon sa gilid ko. Isa iyong truck na may kargang mga gulay sa likod. A handsome man with gray eyes stared at me.

"Binibini," tawag sa akin ng lalaking may kulay abo na mga mata. Ang tantiya ko ay nasa treinta na ang edad nito, ngunit gwapo pa ring tingnan. "Kailangan mo ba ng masasakyan?"

Tatanggi sana ako sa alok nito ngunit nagbago ang isip ko nang ma nakita akong isang cute na maliit na bata na nakadungaw din sa bintana para tingnan ako. Siguro hindi naman masama ang lalaking kaharap ko dahil may kasama siyang bata. "Puwede niyo po ako ng dalhin sa pinakamalapit na bayan dito?"

Ngumiti ang lalaki sa akin. "Tamang-tama, sa bayan din ang punta namin ng anak ko. Sumakay ka na sa likod dahil wala nang puwesto rito sa harapan."

Tumango ako rito saka nagpasalamat. Sumakay ako sa likuran ng truck. Puro kahon ng iba't ibang uri ng gulay ang naroon. Pumuwesto ako sa sulok ng truck kung saan walang masyadong kahon. Bumaba ang lalaki sa truck saka nagpunta sa akin. Buhat buhat nito ang bata niyang anak na babae.

"Anak, huwag kang maglilikot dahil baka mahulog ka sa daan, tumabi ka lang sa ate," sabi nito sa batang babae habang isinasakay niya ito sa likod ng truck. Nakangiting tumakbo ang bata papalapit sa akin. "Huwag kang malikot baka pagalitan ka ng ate," bilin ng lalaki bago ito tuluyang bumalik sa loob ng sasakyan para magmaneho.

Nakangiting kumandong sa akin ang batang babae. "Annyeong!"

"Ha?"

"Pagbati 'yon ate sa salitang Korean," paliwanag nito. "Ate, Polly po ang pangalan ko. Ikaw po ate, ano po ang pangalan mo? Ilan taon ka na ate? Ako ate ganito!" Ipinakita niya sa akin ang kanyang maliit na kamay na nakaturo ang tatlong daliri. "Four!"

"Four years old ka na? Bakit tatlong daliri lang akong ipinapakita mo sa akin? Dapat apat din kasi apat na taon ka na."

Namilog ang mga mata ni Polly. "Oo nga ate! Mali ako! Dapat ganito!" Ipinakita niya sa akin ang apat na daliri niya. "Tama na ate 'di ba?"

I nodded my head. "Rica nga pala ang pangalan ko at labing-anim na taon na ako," sagot ko sa sunud-sunod na tanong nito sa akin kanina.

Napakadaldal na bata ni Polly. Marami itong mga bagay na ikinukwento sa akin na minsan ay madalas ko na lang tanguan. Nabanggit din nito sa akin na may alaga silang aso. Mangiyak-ngiyak pa nga ito habang nagkukwento dahil may sakit daw ang kanyang aso. May sipon ang aso niya kaya nag-aalala raw siya sa kalagayan nito.

"Ate bakit nga pala mag-isa ka lang na naglalakad kanina? Buti na lang nakita ka namin ni Papa kasi baka kanina ka pa nakuha ng mga mangkukulam."

"Hindi naman totoo ang mga mangkukulam."

"Totoo sila ate! Nakakatakot sila kasi kinukuha nila ang mga mata natin para ipanghalo sa mga gamot na ginagawa nila."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng bata, baka likha lang ng imagination niya ang kuwento niyang iyon. Dumaan kami sa isang tulay. Sa dulo ay may mga nakaharang na guwardiya. Tiningnan lang ng mga ito ang mga kargadang sakay ng truck pagkatapos ay pinaraan na rin kami.

Maraming nagtataasang gusali. Parang nasa Manila lang rin ako ngunit hindi ko alam kung saang parte ito ng Manila dahil hindi ako pamilyar sa mga street signs na nababasa ko. The sky is getting dark. Papadilim na kaya isa-isa nang nagbubukasan ang mga ilaw sa daan. Huminto ang sasakyan namin sa isang malaking palengke. Doon ay nagpaalam na ako sa mag-ama.

Pumasok ako sa loob ng palengke para magtanong. Habang naglalakad ako sa loob ng palengke ay ipinagtatanong ko sa mga nakakasalubong ko kung saan ang daan pabalik sa Makati ngunit walang nag-aabalang pumansin sa akin. Napadpad ako sa lugar kung saan puro damit at sapatos ang itinitinda ng lahat. Natulala ako sa pagkamangha sa ma naggagandahang damit at sapatos.

Natigil ang pagpapantasya ko sa mga damit na iyon nang may biglang humatak sa braso ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ng humila sa akin. Makikipag-away na dapat ako dahil nasaktan ako sa ginawa nitong paghila sa akin ngunit nagbago ang isip ko nang malaman kong si Althea pala ang kaharap ko.

"A-althea? Ikaw ba 'yan?" tanong ko rito para makasigurado. Para kasing fluent ito sa salitang Tagalog kaya nagtataka ako.

"Oo ako 'to. Sabihin mo sa akin Rica, bakit ka narito?" muling tanong nito sa akin. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.

"Mapagkakatiwalaan ba kita, Althea?"

Tumango si Althea. "Huwag kang mag-alinlangan na magsabi sa akin. Baka nga matulungan pa kita."

Nagdalawang isip ako sa pagtitiwala kay Althea, pero tama siya, siya lang ang makakatulong ngayon sa akin dahil wala na akong ibang kakilala rito bukod sa kanya. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Althea, bampira si Casper," panimula ko. Namilog ang mga mata ni Althea. "Nalaman ko 'yon nang sundan ko siya minsan habang papauwi siya. Alam niyang alam ko na bampira siya kaya dinala niya ako sa bahay niya. Kinagat niya ako kaya bampira na rin ako, pero 'wag kang matakot sa akin dahil hindi naman kita sasaktan. Althea, natatakot ako. Gusto ko nang umuwi."

Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip ni Althea sa mga sinabi ko. Hindi ko alam kung nagulat ito sa mga sinabi ko o nawiweirduhan na siya sa akin. "Rica," saad nito matapos ang ilang saglit. "May kapangyarihan ang mga bampira na mabasa ang isip ng ibang tao kaya siguro ay iniisip mong Tagalog na ang aking mga salitang ibinibigkas kahit Ingles pa rin ang salitang gamit ko." Hinawakan nito ang isa kong kamay. "Maaari kitang tulungan ngunit kailangan mong ipangako sa akin na hindi mo sasabihin sa kahit na sino na ako ang tumulong sa'yo."

"'Wag kang mag-alala Althea. Wala talaga akong pagsasabihan dahil hindi ko gustong ipahamak ang nag-iisang taong tutulong sa akin."

Naglakad si Althea at sumunod ako sa kanya. May mga masisikip na eskinita kaming dinaanan kung saan marami kaming nakakabungguan dahil siksikan sa daan. Halos maiwan ako dahil hindi ako makasingit sa mga taong nagdaraan din, buti na lang ay matiyaga akong hinihintay ni Althea na makahabol sa kanya. Pumasok kami ni Althea sa isang madilim na tunnel kung saan kami huminto ng paglalakad.

"Rica, 'wag mong kakalimutan ang pangako mo sa akin na hindi mo sasabihin sa kahit na sino na akong ang tumulong sa'yo dahil siguradong ikapapahamak ko iyon."

"Sinabi ko na sa'yo na hindi kita ilalagay sa pahamak 'di ba? Huwag ka kasing mag-alala. Hindi ko sasabihin sa kahit na sino na ikaw ang tumulong sa akin."

"Ipikit mo ang mga mata mo," biglang utos nito.

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang ako inuutusan ni Althea na gumawa ng ganitong bagay, pero sinunod ko na lang. I closed my eyes, sunod ay ang malakas na pagtulak sa akin ni Althea sa pader. Tumama sa matigas na pader ang aking katawan. Bumagsak ako sa sahig at ang unang naitukod ko ay ang aking siko kaya napahiyaw ako sa sakit. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa gilid na ako ng bahay namin.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong agad ako ng nanay kong galit na galit. "Saan ka galing kagabi ha?! Bakit hindi ka umuwi?! Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin?! Nakitulog ka ba sa boyfriend mo?!"

Umuusok sa ang ilong ng aking ina sa galit ngunit hindi ko na lang pinansin iyon. Natutuwa akong makita ulit ito kaya niyakap ko ito ng mahigpit sa kabila ng pagsesermon niya sa akin. Natigil sa pagsasalita ang aking ina nang yakapin ko siya. Ngunit nang makabawi ito ay umariba na naman sa pagdakdak ang bibig nito.

+ + +

SUMASAKIT NA ANG mga paa ko dahil kanina pa ako palakad lakad. Umalis kasi ako sa bahay dahil natutulili na ang tenga ko sa sermon ni Mommy. Naglibot ako kung saan-saan. Hindi ko na alam kung saan ako nagpunta basta lakad lang ako nang lakad.

Nagugutom na ako, pero wala akong dalang pera. Mula kaninang paggising ko, hindi pa ako kumakain!

Napansin kong malapit na ang daan papunta sa antique shop. Dahil nagugutom na ako, bituka na ang nagdikta sa buong katawan ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta roon. Pagpasok ko ay tumunog ang bell na nakasabit sa pinto kaya lumabas agad ang matandang magnanakaw na killer. Killer daw siya sabi ng dalawang lalaking nakausap ko noon na hindi ko na matandaan ang pangalan, pero walang killer-killer sa taong gutom!

"'Yong wallet ko po," magalang na bungad ko sa matanda kahit alam kong magnanakaw siya.

"Wallet?" ulit nito sa sinabi ko na para bang hindi niya ako naiintindihan.

"Opo, 'yong wallet ko po na dinukot niyo sa bag ko. Nagugutom po kasi ako ngayon kaya kailangan ko ng pera, pero promise po ibabalik ko rin sa inyo ang ninenok niyong pera sa akin."

"Hindi ko maintindihan kung bakit mo hinahanap sa akin ang wallet mo dahil hindi ko naman iyon kinuha." Umupo ang matanda sa silyang katabi niya. "Halika, maupo ka at mag-uusap tayo."

Matapang kong sinunod ang sinabi nito. Umupo ako sa silyang kaharap nito. "Alam ko pong nasa inyo ang pera ko, may five thousand pong laman 'yon pero fifty pesos na lang ang hihingin ko para makabili ako ng burger steak sa tindahan ng kaklase kong si Shaira."

"Bakit mo naman iniisip na ako ang kumuha ng wallet mo?"

Nag-alangan akong sagutin ang tanong nito, pero kailangan ko talaga ng pera dahil nagugutom na ako kaya sinagot ko na rin. "May nakapagsabi po kasi sa akin na ninanakawan niyo ang lahat ng pumapasok dito sa tindahan niyo. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi ko naman po kayo isusumbong sa pulis o sa kung sino, fifty pesos lang naman po ang kailangan ko."

"Sino ang nagsabi sa iyon n'yan? Ang mga lalaking nagpunta ba rito? Kung sila ang nagsabi sa'yo, huwag mo silang paniwalaan. Noong una ay hindi mo alam na bampira ka hindi ba?"

"Hindi naman po talaga ako bampira noon." Nanlaki ang mga mata ko ng may mapagtanto ako. "Teka! Bakit mo alam?!"

"Bampira ka na noong nagkita tayo, hindi lang ganap ang iyong transpormasyon noon. Mga bampira rin ang mga lalaking nagpunta rito. Siguro ay kaya ka nila pinuntahan dito ay para hindi ko masabi sa'yo na isa kang bampira, at gumawa pa sila ng kuwento na ako ay isang magnanakaw para lang hindi ka na bumalik dito."

Napaisip ako sa sinabi ng matanda. Maaring totoo ang mga sinasabi niya dahil iba ang naging trato niya sa akin noong magkita kami. Laking pagtataka pa nga nito nang manghingi ako sa kanya ng kape. At ang mga lalaking nagpunta noon, bakit bigla na lang silang dumating at paanong nalaman nilang pumunta ako rito kung hindi naman nila ako sinusundan? Hindi kaya totoo ang sinasabi ng matanda. Nagsasabi nga talaga siguro ito ng totoo dahil ramdam kong mabait naman siyang tao, 'yon siguro ang dahilan kung bakit naglakas loob akong bumalik dito.

"Totoo po ba ang sinasabi niyo?"

"Oo, totoo ang sinasabi ko. Hindi ako ang kumuha ng wallet mo, baka sila. Ito ang fifty pesos," iniabot nito sa akin ang pera. "Bumili ka na ng pagkain mo at umuwi ka na sa bahay niyo para magpahinga."

Nahiya ako ng sobra nang malaman ko ang totoo. It all makes sense, totoo ang lahat ng sinasabi ng matanda. Magalang na nagpaalam na ako rito. Naisahan ako ng mga hayop na lalaking 'yon! Patay sa akin ang dalawang iyong kapag nakita ko sila! Ninakaw nila ang pera ko tapos nagsinungaling pa sila sa akin kaya pinag-isipan ko ng masama ang matanda!

Buwisit. Makauwi na nga lang.

Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nag-aabang sa akin si Mama. "Rica! Kanina ka pa namin hinihintay! Saan ka na naman ba nagsuot?"

Patay, makakatikim na naman yata ako ng sermon. "Namasyal lang po ako saglit," palusot ko.

"May bisita ka. Nasa kusina ang kaibigan mo, kumakain na siya kasama namin. Ikaw naman kasi, gabing-gabi na umaalis ka pa! Puntahan mo na ang kaibigan mo dahil kanina ka pa niya hinihintay!"

Napangiti ako nang malaman kong dinalaw ako ni Kassie. Nagmadali akong nagpunta sa kusina para puntahan ito. Ngunit nawala ang mga ngiti sa labi ko nang si Casper ang makita ko.

_________________________

DON'T FORGET TO VOTE 😀


Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
1.9M 11.9K 8
Jerome Hoffman is one of the most successful bachelor in his genaration. Siya ang kauna-unahang pinaka-batang negosyante sa buong bansa. He started d...
1.3M 19.8K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...
9.2M 164K 58
Lauren Cassidy Imperial, a junior college student who later had a very exciting yet complicated life after she met the 'God's gift to women' hot prof...