Enclave Series 1 : Rush Villa...

By _AyEnNe_

34K 1.5K 223

"It hurts when you have someone in your heart, but you can't have them in your arms" - Rush More

Introduction
Chapter ONE
Chapter TWO
Chapter THREE
Chapter FOUR
Chapter SIX
Chapter SEVEN
Chapter EIGHT
Chapter NINE
Chapter TEN
Chapter ELEVEN
Chapter TWELVE
Chapter THIRTEEN
Chapter FOURTEEN
Chapter FIFTEEN
Chapter SIXTEEN
Chapter SEVENTEEN
Chapter EIGHTEEN
Chapter NINETEEN
Chapter TWENTY
Chapter TWENTY ONE
Chapter TWENTY TWO
Chapter TWENTY THREE
Chapter TWENTY FOUR
Chapter TWENTY-FIVE
Chapter TWENTY SIX
Chapter TWENTY SEVEN
Chapter TWENTY EIGHT

Chapter FIVE

995 41 0
By _AyEnNe_

Rush (POV)

"sure ka? ikaw ng ang maghahatid sa kanya?" alanganing tanong ni Alice akin.

"yeah, don't worry harmless ako, I won't do anything bad to your friend." biro ko dito.

Tinabig nito ang balikat ko at tumawa " sira! alam ko naman iyon. Ang sa akin lang eh baka naaabala ka na ng sobra ng gagang iyan" pagbawi nya. Sabay nguso sa kaibigan nyang nakaupo na sa passenger sit ng aking sasakyan.

"Hindi sya abala sa akin Alice. You know that" makahulugan kong tugon then smile.

Tumango-tango ito at akmang magpapaalam ng aking pigilan.

"sumabay ka na din sa amin, ako ng maghahatid sayo" I offer.

"wag' na, kila Chord na lang ako para hindi ko na kayo maistorbo" tudyo nito na pinipigilan ang pagngiti.

"loko mo, ano bang istorbo eh kita mong bagsak na iyang kaibigan mo" sambot ko dito.

"sumakay ka na sa likod at ako na magsasabi kila Chord" pakiusap ko para hindi na ito makatanggi pa.

Nagkibit ito ng balikat " okay sige, out of the way din naman kasi ako kila Chord, pa south iyang mga iyan eh." Pag-agree nito.

"iyon naman pala eh" sagot ko.

Nangingiti akong pinagbuksan ito ng pintuan. "hop in" I requested.

She enters and as soon as I closed the door ay pinuntahan ko sila Chord sa kabilang side ng parking na iyon para mai-paalam na sa amin sya sasabay pauwi.

Naabutan ko duon si Wynona na nakapanglumbaba at pipikit-pikit.

"Si Chord?" malumanay kong tanong . Matapos sumilip sa likurang ng sasakyan. Si Jezzy at Clay lang ang nanduon na halos bulagta na dahil sa dami ng nainom na alak.

"oh hi R-Rush" nakangiting pagbati ng kausap. Maski ito ay namumungay na ang mga mata pero tantiya ko ay dahil sa pagkaantok at hindi dahil sa alak. Pareho lang kmi ng level ng nainom nito dahil kagaya ko ay mababa lang din ang tolerance nito sa alcohol. " bumalik sya sa loob eh" aniya " may nakalimutan sa Vip Room na ginamit natin, where's Alice?" tanong nito.

Im about to answer her ng may tumapik sa balikat ko. "are you going home now buddy?" maangas na tanong ni Chord.

Animo, walang epekto ang isang katerbang alak na ininom nito dahil sa normal na pagkilos.

"oo eh, ako na maghahatid duon sa dalawa " diretso kong paalam.

"ganun ba? "

"eh sige, tutal iba sila ng way sa amin eh. Sa gawing North ka din hindi ba?"

Tumango ako " Makati "

"okay that's good, nasa iisang Area lang din pala kayo. Oh paano mauna na kami ha? Ingat sa pag-da drive" paalam nito.

"yeah, kayo din ha. Thanks sa time, nag-enjoy ako" tugon ko.

"same here, buddy. Join us next time, okay"

"I will" masaya kong tugon.

I didn't know na ganito kaayos makisama ang kaibigan nila Bree dahil aaminin ko kaninang dumating kami ay halos ma-intimidate nila ako. But that didn't took long dahil habang papalalim ang gabi I realized na okay naman pala silang kasama.

Inihatid ko ng tanaw ang sasakyan nilang papalayo until I went back to my car.

Maingat akong pumasok duon only to see Bree and Alice in a deep sleep.

Ang lakas makainom ng mga ito.

I bet maski si Storm o Gap ay hindi sila kakayanin.

As if on que, I received a message from the latter one.

"Rush, are you home?"

I paused for a while, nag-isip pansumandali atsaka ako nagreply.

"yeah! Just arrived" pagsisinungaling ko.

It's better this way, dahil baka kapag nalaman nyang nasa galaan pa ko ay hindi ito lumubay.

I pull out of the parking lot at maingat na nag-maneho pero dahil hindi ko alam kung saan ihahatid si Alice ay marahan ko itong tinawag.

Nagising naman ito at kagyat na ibinigay ang address at direction ng aking tanungin.

Hindi nagtagal ay pumasok kami sa isang eksclusibong subdivision. Nakailang pagliko ako when I stop the car in front of a modern house.

Nagpaalam si Alice atsaka tuluyan ng lumabas ng aking sasakyan.

As soon as I saw her entered to their gate ay umarangkada na ako.

Halos kakalabas lang namin ng subdivision when Bree change her sleeping position. Humarap ito sa gawi ko na aking ikinatuwa.

This will give me the right angle to glance at her freely. Panaka-naka ko itong tinitignan habang nagda drive and it make me smile.

Her beautiful face never fails to make's my heart warmth. Kahit mas madalas ay pagsusungit lang ang alam nitong iganti sa lahat ng panunuyo ko sa kanya ay hindi nuon nababawasan ang pagtingin ko para dito.

Bree for me is painfully attractive and I couldn't do anything about it.

Nasa ganuon akong ayos when I heard her groan, she mumbles something like beau, lou or you pero hindi ko maintindihan until I felt her hands on my arm na nasa kambiyo.

"please hold me, l-love" she whispers which send shivers to my spine.

She must be hallucinating.

Animo ako namatanda on her request, thinking if ill obliged on her or not.

I rattled for a while na lalong umigting when Bree gently grip my arm. Without thinking, I gently grab her hand and intertwine with mine making her look like contented when she moves without awakening and plaster a half smile habang natutulog.

Sa buong biyahe namin papunta sa kanila ay ganuon lang ang ayos naming dalawa.

Nahirapan ako magmaneho lalo na kapag magpapalit ng gear dahil sa magkahawak naming kamay but I did'nt mind kung ang kapalit naman niyon ay hindi matawaran na saya.

Gustong magcomplain ng isang panig ko ng pumasok na kami sa village na iyon at matanawan ang harapan ng kanilang maalwang bahay.

Ayoko pa sana matapos ang ganitong moment namin pero alam kong hindi pwede. Malalim na ang gabi at kinakailangan ko na din umuwi at magpahinga.

Bumusina ako ng tatlong beses at lumabas ang isang guwardiya, I opened the window on my side and motioned Bree na mahimbing na natutulog. Sinipat ito ng kanilang guwardiya until the guy landed his eyes on our intertwine hands. He smiles at magalang na tumango and assist me inside the carporch area.

Bumalik lang ito sa station nya ng maayos kong maiparada ang sasakyan sa maalwang porch na nanduon. I went outside the car and open Bree's doorside.

Namomoblema pa ako kung paano itong maipapasok when I heard a voice of an old woman.

"Bree?".

Nilingon ko ito na kagyat nyang ikinatigil habang sinisipat ako.

"good evening po. Ako po si Rush. Kaibigan po ni Bree " magalang kong tugon but the woman just stare at me at alanganing ngumiti.

"pwede nyo ho ba akong tulungang maipasok si Bree?" walang inhibisyon kong pakiusap.

Hindi ito kumibo ni hindi napuknat sa pagtitig sa akin pero tumango ng dahan-dahan.

Magkaagapa'y namin iniakyat si Bree, and as soon as we place her on her bed ay humingi ako sa kasambahay nila ng maligamgam na tubig para malinisan ito.

--------

"ang tigas talaga ng ulo mong bata ka" himutok ni Manang Gigi.

Ang babaeng tumulong sa akin. Animo kinakausap nito ang sarili disregarding my presence.

"kapag nalaman ng Daddy mong nagpapasa-way ka na naman , pareho tayong malilintikan " dugtong nito habang binibihisan ang dalaga.

Nagprisinta itong sya na ang gumawa ng bagay na iyon matapos kong mapunasan si Bree. Malamang nakita nya ang aking pag-aalangan kanina na gawin iyon.

Inabala ko na lamang ang sarili sa pagtingin sa maluwag na kwartong iyon habang inaantay syang matapos.

My eyes rested on the side table ng mapansin ang isang bagay na nanduon. At kahit alam ko na kung ano iyon ay nakuha ko pa ring damputin.

A gasped escape out of my mouth ng makompirmang tama ang aking hinala kasabay ng pagkirot ng aking puso.

Saglit ko lang iyon pinagmasdan at kapagkuwan ay malungkot na ibinaba at itinaob.

"gusto mo bang magkape?" pukaw sa akin ni Manang Gigi.

I turned around at nahagip ng aking mga mata na nabihisan na nito si Bree.

Nagbaling ako ng tingin sa kaharap, shook my head and smile " wag' na po kayong mag-abala, aalis na rin po ako pamaya-maya" magalang kong tugon.

Alanganin itong ngumiti sa akin at nagpaalam "mauna na akong lumabas"

"oh" ang daglian kong react ng ma-realized na baka gusto na nitong magpahinga. Akma akong susunod sa kanya ng muli itong magsalita " ayos lang kung gusto mo pang mamalagi" then she smile at me.

I pause for a while at alanganing ngumiti dito. "Salamat po"

Iyon lang at lumabas na ito.

I sighed at binalingan si Bree na mahimbing ng natutulog. Gusto ko munang i-take ang pagkakataong ito para makasama sya kahit sandali.

I walk towards her, sat beside her at marahang hinaplos ang maganda nitong mukha.

Why is it everything didn't fell on the right places, Bree?

Bakit kailangang makilala mo ako sa panahong hindi mo na yata kaya pang magmahal?

Bakit nga ba, Rush ? Tanong ng isang panig ko which I quickly shrugged.

Bakit nga ba kailangan kong tanungin kung alam na alam ko naman ang sagot sa lahat ng bakit na nakapagitan sa amin.

I sighed deeply at napatigil ng animo may sumabit na masakit na bagay sa aking puso. I shoudn't entertain this kind of thoughts dahil hindi pwede. Kastigo ko sa sarili.

Napayuko ako and calm myself when Bree moved. I glance at her and saw her eyes half open at direktang nakatitig sa akin.

Nataranta ako at akmang lalayo when she pull me towards her at siniil ng nag-aalab na halik. Kagaya kanina ay mapusok iyon at puno ng pananabik.

Napapikit ako when she lick my lower lip at wala sa sariling tinugon ang mga iyon. I open my mouth and give her enough access na kaagad nyang sinamantala.

She gently insert her soft tongue which tasted so sweet.

Hindi pa ito nakuntento dahil ang sumundo nyang ginawa ay nagpabalik ng pagkalabog sa aking puso.

Buong lakas nya akong hinatak until my body rested on top of her pero sandali lang iyon dahil sa isang iglap ay nagkapalit na kami ng aming pwesto. She straddle me habang hindi inihihiwallay ang labi sa akin.

I was totally taken aback at hindi malaman kung paano pipigilan ang nagwawala kong puso when she said something.

"B-Blue...." She mumbles out of breath which cause my body to stiffened.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig kasabay ng paghinto ng aking hininga.

I stop responding to her kisses and felt tremble all over my body na animo hindi nya napansin dahil bumaba ang kanyang mga halik sa aking jawline.

Hindi pa ako halos nakakabawi sa aking nadinig when I abruplty felt a drop of liquid on my neck.

Napamaang ako and about to pull her away but she whimpered kasunod ng paghigpit ng yakap nito sa akin.

" Blue.."

" i-im sorry .." she whispers.

Pain quickly strike when I heard the Familiar name but I didn't react. I just stay still didn't know what to do on that particular moment.

Lost in confussion along with my aching heart ay napakurap-kurap ako para pigilan ang pagdaloy ng aking mga luha. It hit my heart badly which cause me hard to deal with my breathing.

Bree and I remain on that position until maramdaman ko ang mabini nitong paghinga sa gilid ng aking tenga.

She fell asleep crying.

Sa naghihirap na kalooban ay marahan ko itong inialis sa pagkakadagan sa akin at inihaga ng maayos.

My breathing almost normal pero ang puso ko ay hindi. Sumasakit pa din iyon dahil sa nalaman at nangyari.

Umupo ako ng maiayos ko si Bree at kagyat na tumalikod dito while calming myself pero hindi humupa ang aking emosyon.

Awtomatikong gumalaw ang aking katawan until I found myself staring at her again. Suddenly, My tears fell down. Hinayaan ko iyon at ninamnam ang bawat pagpatak na mainit na likido habang nakatunghay sa babaeng minamahal.

Ilang minuto ako sa ganuon ayos ng mapagpasyahang umuwi.

Nakatayo na ako at lalabas na lamang ng pintuan ng muli akong bumaling kay Bree.

Walang pag aalinlangan ako lumapit dito.

I lean on her carefully avoiding to wake her up and planted a soft kiss on her forehead.

" I will always love you, no matter what " bulong ko then wipe the tears that about to fell and stormed out of her bedroom.

Continue Reading

You'll Also Like

745K 26.1K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
858K 29.6K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
9.6M 291K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...