Till Death Do Us Part (VhongA...

By BrightTwinklingStars

100K 3.3K 806

More

Till Death Do Us Part (VhongAnne Fan Fiction)
Introduction: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 21

1.9K 80 10
By BrightTwinklingStars

Till Death Do Us Part

~Chapter 21~

Anne's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula ng bumalik siya dito sa Showtime.

Kahit na labag sa kalooban ko ang makita siya araw araw,wala parin naman akong choice kundi ang makatambalan ulit siya sa ilang segments ng Showtime.

VhongAnne.

Matagal ko ng binaliwala yang tambalan na yan.

At kahit kailan ayoko na itong balikan.

"Sana ganto talaga tayo sa totoong buhay.Gusto ko sabay tayong tatanda.Gusto ko pag-gising ko sa umaga,yung maganda mong mukha yung unang maaaninag ng mga mata ko." mahinang saad niya sa akin habang nakasandal yung ulo niya sa balikat ko.

Sine Mo To na naman.At dahil nagbalik na siya.Syempre nagbalik na naman ang tambalan naming dalawa.

Matanda na kami sa istoryang ito,na sa dinami dami ng pinadaanan naming problema,hindi yun humadlang sa pagiibigan naming dalawa.

Sana nga totoo nalang lahat ng to.

Pero hanggang dito nalang ata kami.

Naghahawak kamay sa harap ng camera at fans.Pero sabay magbibitaw pag wala ng nakakakita.

"Pero parang hindi na pwede.Hindi na yata kita makakasamang tumanda." malungkot na saad niya sakin,ako lang ang nakakarinig nito.

"Pero kung papatawarin mo ko.Baka kayanin kong labanin yung hadlang na yun.Kakayanin ko lahat para sayo." saad niya ulit.Hindi kasi ako sumasagot sa mga sinasabi niyang yun.Kahit pa interisado akong malaman kung ano yung hadlang na sinasabi niyang yun.

Pagkaraan ng ilang minuto.Hindi na siya nagsalita pa.Nakasandal parin siya sa balikat ko.Ayoko man pero katabi lang ng tagapagsalaysay si Direk at kasalukuyan pang nakatingin ito saming dalawa.

"Vhong." mahinang tawag ko sakanya.Hindi ko masyadong maaninag yung mukha niya dahil nga nakasandal siya sakin.

"Vhong." medyo nilakasan ko yung pangalawang tawag ko sa kanya dahil hindi naman siya tumugon sa unang tawag ko sakanya.

Still.Wala parin.

"Magtatapos ang storyang ito ng maglalambingan ang dalawang matanda." saad ni Billy na kasalukuyang tagapagsalaysay.

"Vhong ano ba?" hindi parin ito sumasagot.

Bigla namang tinapat ang camera samin.Nakita ko sa ilang T.V na nakalibot sa studio kung ano bang ginagawa ng katabi ko at ayaw sumagot nung tinatawag ko.

Nakapikit yung mga mata niya habang nakasandal parin sa balikat ko.

Tulog ba siya?

"At dahil tulog na nga si Vhong.Hahalikan nalang ni Anne ito sa noo." saad ni Billy.I can't say no this time.

Hinawakan ko ang magkabilang bahagi ng mukha niya at tinanggal ko siya sa pagkakasandal sakin.

Hawak hawak ko parin ang magkabilang mukha niya at dahan dahan kong hinalikan ito sa noo.

Bigla naman siyang nagising.

Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Napansin kong namumutla yung buong mukha niya.Ang dating mamula mula niyang labi ngayo'y parang malapit ng mamuti.Yung mga mata niyang masaya.Hindi ko na yun makita.

Bigla kong binitawan yung pagkakahawak ko sa mukha niya ng biglang may pulang likido ang tumulo mula sa isang butas ng ilong niya.

"N-Nagdudugo yung ilong mo." nauutal kong saad.Natataranta kasi ako kapag nakakakita ako ng dugo.

Bigla niya namang pinunasan iyon gamit ang palad ng kamay niya.Nagulat din siya ng nakita niyang dumudugo nga ito.

Tumayo siya at naglakad patungong backstage.

Nakita ko naman ang reaksyon ng mga co-hosts ko.Pagdating kay Billy na tagapagsalaysay.Kay Karylle at Vice na kasama ko sa istorya.At kay Direk na nakaupo lang sa tabi.

Lahat sila mayroong pangangambang ekpresyon sa mukha.

"Sinasabi ko na nga ba eh." narinig kong bulong ni Vice sa likod ko.

"Sundan mo nga yun." mahinang saad ni Direk sabay turo kay Jhong na nakaupo lang rin sa gilid.

Hindi ko maintindihan kung bakit sobra naman ata ang pag aalala nila kay Vhong samantalang nagdugo lang naman ang ilong nito.

"At dahil diyan.Dito na nagtatapos ang ating istorya sa linggong ito." saad ni Billy.Breaking the short silence.Halata sa tono ng pagsasalita niya na nangangamba rin ito.

Nararamdaman kong may tinatago sila sakin.Na may mga bagay akong dapat malaman.

Pero ano?

------------

Showtime was over.Hindi na bumalik pa si Vhong pagkatapos kong mapuna yung pagdugo ng ilong niya.Pagod lang daw ito sabi nila.Baka daw dahil narin sa panahon.Puro nalang "daw"ang naririnig ko.Puro nalang mga salitang galing sa ibang tao.Gusto ko marinig mula sa kanya na ok lang siya at wala akong dapat ipagalala.

"Vice.Do you have any idea kung bakit bumalik si Vhong bigla?I mean.Alam kong sinasabi niya sakin lagi na babawi daw siya sakin kaya siya bumalik.Pero hindi ako naniniwala.May ilang libong rason pa kung bakit niya naisipang bumalik.Alam kong hindi lang para sakin." saad ko.I'm currently on my dressing room.May prod kasi kami bukas ni Viceral kaya hindi pa kami umuuwing dalawa.

"Wow teh.Libong rason talaga?Ikaw kaya mag-isip ng ganong karaming dahilan kung bakit siya bumalik dito.Tsaka,ba't ba hindi ka maniwalang paninindigan niya yung sinabi niyang babawi siya sayo?"saad ni Vice.

"Sa tingin mo ba maniniwala ulit ako sa kanya ng ganun kadali?Ano yun?Sinabi niyang babawi siya sakin,tas mageexpect naman ako,hanggang sa walang nangyari tas marerealize kong pinaasa niya na naman ako." saad ko naman.

"Pero for almost a week after his return,naramdaman mo ba na pinapanindigan niya nga yung sinabi niyang babawi siya sayo?" saad naman niya.

"Actually lagi niya kong inaalalayan,lagi niya kong nilalambing,lagi niyang tinatry na patawanin ako kapag malungkot ako.Lagi niyang sinasabing mahal niya daw ako at nagsisisi daw siya kung bakit niya ginawa sakin yun noon." saad ko naman.

"O yun naman pala eh.Ano pang sense ng pangangamba mo kung nararamdaman mo rin naman pala na totoo nga yung rason niya kung bakit siya nagbalik dito." saad naman ni Vice

Tama siya.Bakit pa ko nagtatanong kung alam ko rin naman pala ang sagot?

"May isa pa kong tanong.Ba't nagdugo yung ilong ni Vhong kanina?" saad ko naman.

"Teh?Mukha ba kong doctor at sakin mo tinatanong yan?Ba't di mo tanong sa ilong niya mismo kung bakit nagdugo nalang yun bigla?"saad naman niya,sarcastically.

"Eh kung ikaw kaya magtanong matuwa pa ko sayo." saad ko naman.

Di na siya sumagot pagtapos nun.

"Pansin mo ba.Simula ng bumalik siya dito ibang iba na siya.Di na siya kagaya ng dati.Nakakamiss lang." sabi ko.

"Itong tandaan mo.Lahat ng pagbabagong yun para lang sayo." saad niya.

"Lahat ng pagbabagong yun para sakin?Yung pagmumutla ng buong katawan niya?Yung pagkilos niya na laging nanghihina?Yung paggalaw niya na parang linta?Para sakin lahat ng yun?Sa tingin niya ba magugustuhan ko yung pagbabago niya?" saad ko.

"Ba't nagustuhan mo ba?" saad naman niya.Obvious ba?Halos sumigaw na nga ako dito tapos tatanungin niya kung nagustuhan ko ba?

"Sa tingin mo ba magugustuhan ko yun?Eh nagaalala na nga ako na baka may tinatago pala yun satin ng hindi natin alam eh."saad ko naman as I combed my hair infront of the mirror.

Napatingin siya sakin.Yung parang nagulat sa sinabi ko.Ano nga ba yung sinabi ko at bakit ang o.a naman magreact nito?

"Sa tingin ko wala.Walang itinatago satin yun.Siya pa.Hehe" saad niya naman.Nauutal pa ito at ang weird ng tono ng boses niya.

Napatingin nalang ako sa phone ko.A message suddenly pooped up infront of the screen.

[Vhong]

"Ingat ka.Wag kang papagabi ha?Mahal na mahal kita.Kakayanin ko lahat para sayo."

Napatingin ako sa salamin.Isang mukhang nakangiti ang nakita ko sa aking harapan.

"O ba't ka nakangiti?" biglang tanong ni Vice sakin.

I brushed some strands of my hair with my fingers.

Kinikilig ba ko?

Vhong's POV

Nasa hospital ako ngayon.Nagpadoktor ako matapos magdugo ng ilong ko sa Showtime kanina.

Actually hindi naman big deal ito kung normal lang ako.Pero hindi.

Meron akong cancer.Lung cancer to be exact.Nahihirapan na akong huminga,nanghihina na ang aking katawan.Hindi na ako kagaya ng dati.Gugustuhin ko mang ibalik yun pero kung ito ang nakatadhana sakin,tatanggapin ko yun.

"It seems like hindi na kakayanin pa ng katawan mo ang magtrabaho araw araw,Mr.Navarro.You better need some rest.Besides,kahit na isang persyento wala paring improvement sa inyong kalagayan,at lalo pang lalala kung hindi mo susundin ang bilin naming mga doktor." ipinaliwanag sakin ng doktor ko kung bakit nagdugo ang ilong ko kanina.Tama nga ang hinala ko,hindi ko dapat binabaliwala ang mga kakaibang nangyayari sakin,kahit na maliliit lang na bagay ang mga ito.

"Pero doc,2 weeks from now sisimulan ko naman na ang pagchechemo ko diba?So kahit isa o dalawang linggo nalang naman.Pagbigyan niyo na ko,kaya pa naman ng katawan ko eh." saad ko naman.Hindi ako pwedeng huminto.Lalo pa ngayong alam kong unti unti ko nang nakukuha ulit ang loob ni Anne.Hindi ako titigil hanggang sa maniwala siya sakin na talagang mahal ko siya.

"But Mr.Navarro,hindi pwedeng ikaw lang ang magdesisyon para sa sarili mo.Sa tingin niyo po ba pipigilan ka pa namin kung pwede naman?Pero sa puntong ito,lumalala na ang sakit ninyo,at trabaho namin bilang isang doktor,ang siguraduhing maayos ang kalagayan ng aming pasyente.But it's your choice.Sinasabi ko lang kung anong nakakabuti sa inyo." saad naman niya.Nararamdaman kong nakukulitan narin ito sakin.Pero sino nga ba siya para magdesisyon sa ikabubuti kalagayan ko?Ayokong mawala sa mundong ito ng hindi ko natatapos ang mga bagay na dapat kong tapusin.

Kakayanin ko lahat.Para lamang sa kanya.

--------------------------

Isang linggo narin ang nakalipas simula ng bumalik ako.

Maraming nagbago,aaminin ko.Pero kahit ganun pa man isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nagbalik dito.

Para kay Anne.

Sinusubukan kong bumawi sa kanya.Sa paraang pagbabalik kung paano kami naituring na loveteam noon.

Araw araw kong sinasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.Kahit alam ko namang hindi siya agad maniniwala sa pinagsasasabi ko.

Araw araw ko siyang tinatawagan,tinitext,para malaman kung ok lang ba siya at kung nasaan ba siya.

Pero ni isang reply mula sa kanya,wala parin akong natatanggap.

Oo,aaminin kong nahihirapan na ko.Pati na rin ang sariling katawan ko.Aakbay nalang ako sa mga co-host ko tuwing live episode dahil minsan nanghihina na ang katawan ko.Ayoko mang ipahalata sa kanila dahil alam kong pipilitin nila akong magpahinga pero minsan dumadating talaga sa punto na kahit iniisip kong kaya ko,yung sarili ko namang katawan ang kusang bumibigay.

Dalawang linggo nalang bago magsisimula ang pagchechemoteraphy ko.

Naghahanda na ako para dun.At sana may pag-asang pang gumaling ako.Sana lang...

Anne's POV

"Vhong umayos ka nga!" galit pero pabulong na saad ko kay Vhong na kasalukuyang nakasandal yung ulo sa balikat ko.

"Ha?" mahinang saad niya.

"Ba't ba nakasandal ka sa balikat ko?Ang bigat kaya ng ulo mo kung alam mo lang." saad ko naman.Lagi na niya kasing ginagawa yun.Ginagawa akong sandalan.Nakakainis!

"Ba't ikaw dati?Parang aakay ka na nga sakin nun,ang bigat bigat mo pa pero hindi naman ako nagagalit ah?" pabirong saad niya naman.At sumasagot na siya ngayon ha?

"Pwede bang manahimik ka na lang?" masungit na saad ko.Sabay basa ng spiels ko.Live ang Showtime kaya iniiwasan kong sigawan siya,pero lagot to sakin mamaya.

Kaya after nun hindi na siya kumibo pa.

Pero after a minute.

Yung mokong na ubod ng kulit na nakakainis na ang sarap hambalusin na epal na paasang yun eh sinandal ulit yung ulo niya sa balikat ko.

------------------------

Tapos na ang Showtime and i'm currently in my dressing room,busy playing with my phone,when suddenly,may kumatok sa pinto ko.

Binuksan ko yung pinto at nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko.

Nakapikit pa siya ng ilang segundo ng binuksan ko yung pinto.Namumutla ang mukha.At parang nanghihina.

"Ehem." I fake cough para malaman niyang nandito na ko.

Bigla naman niyang binuksan ang mga mata niya at nginitian ako bigla.As in bonggang ngiti.At take note,kita pa ang ngipin sa itaas at ibaba ha?

Naaalala ko tuloy yung dati.Kumatok rin siya sa pinto ko nun.Namumutla ang mukha pero nakangiti.May sasabihin daw siya saking importante nun pero hindi natuloy dahil kausap ko si Erwan sa phone.

Pero ngayon wala na akong kausap.

Wala na rin siyang sasabihin saking importante.

At hindi na kami close kumpara noon.

"Anong kailangan mo?" walang gana kong sabi.

"Ikaw." saad niya.Masaya at parang bata pa ang tono ng boses niya.

Napakagat labi ako.Pinipigil kong ipakita sa kanya na nakangiti ako.

"Pumasok ka nga.We need to talk.Kailangan ko ng tapusin to." seryosong saad ko.

Pumasok naman siya habang nakalagay yung magkabilang kamay sa likod niya na parang may tinatago sakin.

"Ano yan?" masungit na tono ng boses na saad ko as I close the door.

Ngumiti muna siya with eyes squinted na parang chinito.

"Secret." saad niya.Yung pagkasabi niya nun parang nakikipagkulitan pa siya sakin.And i'm not even in the mood to do this kind of stuff with him.Kailangan ko lang talagang tapusin to,yung pagtrato niya sakin na parang walang nangyari.Ayoko na.Tama na.

Pumunta ako sa likod niya para kunin iyon pero umiikot siya paraan para hindi ko ito makuha.

At pinagpatuloy niya yung ginagawa niya habang ako naman eh pilit na kuhanin yung nasa likod niya.

Hanggang sa nawalan siya ng balanse at natumba sa lapag...

Kasama ako.

Nakapikit lang siya habang nakapatong ako sa kanya.His eyebrows are upside down as if parang nasaktan siya sa pagkakabagsak naming dalawa a few seconds ago.

Dahan dahan niyang minulat yung mga mata niya.May namumuong luha dito pero hindi ko naman mawari kung ano yung dahilan.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo.

Tumitibok yung puso ko na parang wala ng bukas.

Itong lalaking to.Siya yung nagpatibok ng puso ko.Siya yung nagparamdam saking hindi hadlang ang kahit ano sa pag-ibig.Siya yung naging proweba ko na meron paring natitirang mabait at tapat na lalaking mamahalin ka at hindi ka iiwan kahit anong mangyari.

Tinuring niya kong prinsesa noon.

Inalalayan niya ko sa pagbaba ng isang hagdan patungong kaharian.

Pero bigla niya nalang akong binitawan ng hindi ko namamalayan.

Bigla akong nadapa.Ng dahil sa kanya.

At ngayon bumangon na ko bilang isang prinsesang hindi na kailangan pa ng isang prinsipeng aalalay sa kanya.

Sinaktan niya ko noon.

At hindi ko na hahayaang gawin niya ulit sakin yun ngayon.

"Ano ba.Ang kasat kasat mo!" saad ko habang umaalis sa kinapupwestuhan ko kanina.

Nakita ko namang dahan dahan siyang tumayo habang hawak hawak yung pader na pansuporta sa kanya.

Para siyang hinihingal.Hinahabol niya yung hininga niya at para bang pagod na pagod siya.

"Ano bang kailangan mo?Ha?" pagalit na saad ko.

"Ikaw...Anne ikaw ang kailangan ko." saad niya.Hinihingal parin siya habang sinasabi niya yun.At para bang iiyak na siya sa puntong iyon.

"Vhong naman!" napasabunot ako ng buhok ko at napaupo sa upuan malapit sakin.

"Hindi ba natin pwedeng ibalik yung dating tayo?Anne patawarin mo na ko.Anne mahal na mahal kita.Anne sorry.
Patawarin mo na ko." saad niya.Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang kamay ko.Umiiyak na siya nung nga oras na yun.Ramdam kong nagsisisi na nga siya pero hindi sapat yun para makumbinsi niya ko.

Tumutulo yung luha niya ng walang katapusan.Hinalikan niya pa ang kamay ko pero pilit kung alisin iyon sa pagkakahawak niya.

"Malapit na Anne.Gusto kong makasama kita habang andito pa ko.Patawarin mo na ko." saad niya habang umiiyak parin.Humihikbi pa ito at nakatingin ito sakin habang tumutulo yung luha sa magkabilang mata niya.

Nadala ako sa pagkakita ko sa mukha niya pero hindi ko ito pinahalata sa kanya.

"Pwede ba tumigil ka na?Wala na tayo sa nakaraan Vhong.Hindi na tayo kagaya ng dati kaya pwede ba wag mo ng ibalik pa yun?Kasi ako.Matagal ko ng tinalikuran yun.At kasama ka sa mga tinalikuran ko.Kaya kitang patawarin.Pero yung mahalin ka ulit?Sorry."saad ko.Controlling my temper.Tumayo ako.Tinalikuran ko siya at lumabas mula sa loob,leaving him behind.

Habang naglalakad ako palayo,nararamdaman kong gusto kong bumalik doon at bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya.

Nagsinungaling ako sa kanya.Niloko ko ang sarili ko.

Iba ang sinabi ko sa totoong tinitibok ng puso't isipan ko.

-----------------------

Pagkalipas ng isang oras bumalik ako dun.

Nakita kong may isang maliit na kahon na nakabalot sa dilaw na papel at may maliit na pulang laso ang nakadikit dito.

Iyon siguro yung tinatago niya sakin kanina.

Kinuha ko iyon mula sa lapag at binuksan.

May maliit na papel at isang susi ang nasa loob ng kahong ito.

"Buksan mo yung malaking cabinet malapit sa make-up table mo gamit itong susing ito."

Yan ang nakasulat sa maliit na papel.Hindi ko nga halos maintindihan dahil sa magulong sulat niya.

Nagtungo naman ako dun sa cabinet na itinutukoy niya.

Binuksan ko iyon gamit ang susing binigay niya sakin.

Tumambad sakin ang katamtamang laki na teddy bear.

Kinuha ko iyon at niyakap.

Nagulat nalang ako ng bigla itong tumunog.

"Mahal na mahal kita.Hinding hindi kita iiwan.Pangako yan."

Boses niya mismo iyon.At sa bawat yakap.ko dito.Naririnig ko yung boses niya't napapangiti ako.

 

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 168K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
213K 261 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
1.2M 30K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...