Chapter 19

2K 81 24
                                    

Till Death Do Us Part 

~Chapter 19~

Vhong's POV 

Sobrang bilis ng panahon.

Parang kahapon lang kasama ko siya at sabay kaming nagtatawanan.Parang kailan lang nakatingin ako sa kanya at iniisip kung paano ko ba siya makukuha.

Pero kusa akong nilapitan ng tadhana.

Sinabi niya ang nararamdaman niya para sakin.

Ito'y isang pangarap ko na di inaasahang natupad.

Pero sa halip na tanggapin ang pangarap na nasa harapan ko ng mga oras na iyon.

Tinalikuran ko parin ito na parang hindi ko iyon hinangad ng matagal na panahon.

Pero ang nasa isip ko lang nung mga oras na iyon.

Ay yung salitang paghihinayang.

Iniwan ko ang pinakamamahal ko at pinaubaya sa iba.Kahit na ibinibigay na niya ang sarili niya upang ito'y mahalin ko't alagaan.

Pero lahat ng ginawa ko na sa tingin nila'y mali?

Lahat ng paghihinayang na naramdaman ko ng iwanan ko siya?

Lahat ng mga pasakit at paghihinagpis na naramdaman ko nung sinabi kong hindi ko siya mahal?

Lahat yun may dahilan.Lahat yun nangyari ng hindi kusa.Lahat yun ay nangyari dahil sa kagagawan ng isang tao.

At ang taong iyon ay ako.

Hindi ko maiiwasan ang mahusgahan ng mga tao sa paligid ko.Hindi ko maiiwasang sisihin nila ako dahil sa mga kagagawan ko.

Pero sa huli.Makikita rin nila ang bunga kung bakit ko ginawa ang mga bagay na iyon.

Dahil lahat ng pangarap kailangan pinaghihirapan.

Kaya sa t'wing nahihirapan na ko.Iniiisip ko nalang na matatapos din lahat ng to at makakamit ko rin sa huli ang pinakahinahangad kong pangarap.

At yung pangarap na yun?

Ay yung makasama siya habang buhay.

_____________________________________

"So base sa mga nakita kong signs.I'm sorry to say this but..Positibo ang mga naging resulta.I don't know how to explain this to you Mr.Navarro but yung nakita nating illness sa katawan niyo a few months ago developed into another illness,and I'm very sorry to say this again,pero,mas malala ang sakit na ito." 

Nakatingin lang ako ng diretso sa mata ng kumakausap sakin.Hindi ko maunawaan ng mabuti ang mga sinasabi niya pero pumapasok sa utak ko lahat ng ibig niyang sabihin.

Hindi ko inintindi ang sarili ko nung mga oras na yun.Ang pumapasok lang sa isipan ko ay kung paano ko maipagpapatuloy ang inaasam kong buhay kasama ang mga taong mahal ko.

Pumasok rin sa isipan ko yung panghihinayang na sana sasabihin ko na ang nararamdaman ko sa isang taong mahal ko pero sa isang sakit na tumama sakin eh naglaho lang ng parang bula ang lahat ng iyon.

 Pero nagdaan ang ilang araw napagisip-isipan ko ring gawin ang nararapat kong gawin.

Dahil pag mahal ko nga ang isang tao,kaya kong magsakripisyo para lamang dito.

Till Death Do Us Part (VhongAnne Fan Fiction)Where stories live. Discover now