Zypher and Gangsters

By senyoritayvi

11.9K 536 301

"Mamahalin pa rin kita. Titiisin ko ang sakit, kahit sobrang sakit, kahit na ikamatay ko pa." [Ghosts and Gan... More

PROLOGUE
#Afraid 1: Love
#Afraid 2: Bestfriend
#Afraid 3: I'm Sorry
#Afraid 4: Stained with Sorrow
#Afraid 4-Pt.2: Stained with Sorrow
#Afraid 5: Party and Pretense
#Afraid 6: Destroy XZ Project
#Afraid 7: Hidden Pain
#Afraid 8: THE REHEARSAL
#Afraid 9: THE PLAY
#Afraid 10: MORE LOVE TEAMS!
#Afraid 11: XENZEL VS. TETRA
#SPECIAL CHAPTER: THE CALM
#Afraid 12: MR. SUITOR
#SPECIAL CHAPTER: VALENTINE'S DAY
#SPECIAL CHAPTER-Pt.2: VALENTINE'S DAY
#Afraid 13: FANSCLUB
#Afraid 15: OUTING
Amazing Announcement!
A Quick Update

#Afraid 14: WOUNDS AND BRUISES

274 15 14
By senyoritayvi

#Afraid 14: WOUNDS AND BRUISES



Tetra's POV


Alas sais na ng gabi. Nakahiga lang ako sa sarili kong kama habang blangkong nakatitig sa cellphone kong nakaangat gamit ang dalawa kong kamay. Kanina ko pa hinihintay ang reply ni Vain. Bigla na lang kasi siyang hindi nagre-reply. Laging ganun, pero hinihintay ko pa rin minu-minuto yung reply niya.


Tsss... Bakit ka pa nga kasi umaasa, Tetra? Obvious namang napipilitan lang siyang nobyahin ka!


Para namang sinaksak ang puso ko sa pinagsasabi ng konsensiya ko. May bahid ng katotohanan ang mga yun kaya ako nasasaktan...


Mahal kaya talaga ako ni Vain? Gusto kaya talaga niya ako?


Natanong ko ang sarili ko kung gaano ba ako kasiguradong may pakialam talaga si Vain sa'kin. Kung may pakialam ba siya sa nararamdaman ko... At hindi ko mahagilap ang sagot. Siguro nga wala.


Sigurado akong wala.


Dahil kung meron, hindi niya ako paghihintayin...


Napasinghot ako, at dun ko lang namalayang lumuluha na naman pala ako. Oo, inggrata na ako kung inggrata sa Seriun, pero ganito ako kahina pag ako lang mag-isa... Dahil ang sakit.


Ang sakit-sakit pag naaalala ko ang lahat.


Na hindi ako gusto ng dati kong mahal, tapos parang hindi pa rin ako gusto ng mahal ko ngayong mukhang napilitan lang na pakisamahan ako...


Napakislot ako nang padabog na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napapihit ako doon at agad kong nakita ang mala-demonyong lalaking nag-anyong tao...sa katauhan ng stepfather ko.


"BAKIT KA UMIIYAK?!" Sinalubong na naman niya'ko ng sigaw at galit.


Dali-dali akong bumangon sabay punas ng mga luha kong bumabaha sa pisngi ko.


"W-Wala ho..." Pabulong kong sagot sabay yuko.

"Tumigil ka nga sa kaiiyak diyan! Para kang ipokrita!" Suya niya sabay bato ng isang short-sleeved polo na kulay green sa'kin. "Plantsahin mo nga yan! Bilisan mo at may pupuntahan ako!" Walang pasintabi niyang utos sabay padabog namang sara nung pinto.


Muli akong suminghot at pilit na pinatahan yung sarili ko sa kaiiyak.


Oo, ganun kademonyo ang stepfather ko. Siguro iniisip ng iba diyan na sa kanya ako nagmana. Samantala...hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko araw-araw.


Ang mommy ko, nagtatrabaho sa Kingdom of Autumn bilang isang royal professor. Every weekend lang siyang umuuwi dito dahil nga may kalayuan yung Autumn at may night classes pa siya doon, depende sa schedule ng mga maharlika. Kapag nandito si mommy, nagbabait-baitan yung stepfather ko. Kapag wala, ganito, para siyang demonyo.


Kailanman di niya'ko tinuring na parang anak niya. Ilang galos at pasa na ang natamo ko sa kanya. Plastik ampota.


Kung bakit hindi ako nagsusumbong sa mommy ko, meron akong malalim na dahilan na baka hindi maintindihan ng karamihan. Noong namatay ang daddy ko, twelve years old pa lang ako nun, masyadong nasaktan si mommy. Halos hindi na siya kumakain araw-araw, lagi na lang umiiyak, laging nagkukulong sa kwarto. Napabayaan na niya ako kahit ako lang ang nag-iisa niyang anak. Kaya ganun na rin ako, laging hindi makakain, laging umiiyak, laging nagmamakaawa sa kanyang bumalik na siya sa dati.


KULANG AKO SA ARUGA.


OO NA.


Pero hindi yun nakakatawa gaya ng iniisip ng iba. Walang kasing-hirap na ang bata-bata mo pa ay halos wala nang pumapansin at nagmamahal at nag-aalaga sa'yo. Pagmamahal ng ama at ina ang nawala sa'kin sa loob ng ilang taon.


Hanggang sa dumating ang demonyong stepfather ko. Mabait naman siya nung una. Ganun naman halos lahat, diba? Muling nabuhay ang puso ni mommy. Bumalik ang dating siya. Yun nga lang, kailangan niyang magtrabaho sa malayo para makatulong sa panggastos gayong itong patabaing baboy na demonyong stepfather ko ay pang-aalipusta lang ang kayang gawin.


Hindi ko sinasabi kay mommy ang lahat ng ito dahil ayokong malungkot na naman siya at masaktan. Sapat na ang nangyari noon, kaya kung ako naman ang dapat na magdusa ngayon, gagawin ko yun para kay mommy.




Tumayo na ako sabay buntong-hininga. Tinungo ko ang iron board para simulan na ang pagplantsa sa polo ng hinayupak kong ama-amahan.


Malapit ko nang matapos ang ginagawa ko nang biglang tumunog ang phone ko. May nagchat.


Dali-dali ko iyong kinuha at agad kong nakita ang mga chat ni Vain. May sayang namuo sa puso ko dahil sa mga reply niya kahit pa late na dumating ang mga 'yon.


"Sorry hindi ako nakapagreply agad. Okay lang ako. Ikaw? Okay ka lang ba diyan? Wag kang magpapagutom, okay?"


"Tetra?"


"Are you there?"


"It's okay kung masama loob mo. Alam ko namang lagi akong hindi nakakapagreply agad pero sana maintindihan mong bigla-bigla na lang kasing may pinapagawa sa'kin yung boss ko."


Oo nga pala, nagtatrabaho na daw si Vain part-time.


"Chat me kung miss mo na'ko. Hehe..."


Shet naman, Vain! Bakit ginaganito mo'ko?! One moment you hurt me, the next moment you make me happy!



TO: Forced Boyfie

"Hindi ako galit, may ginawa lang din ako. Sorry late reply. I'm fine, and I miss you. :)"



Nakangiti ko pang pinindot yung send.


Pero bigla na lang akong may naamoy. Kakaibang amoy na para bang...may nasusunog...


Huh?!


Sunog?!


Agad akong luminga-linga para hanapin ang pinanggalingan nun nang makita ko ang polo ng stepfather kong nasusunog na dahil hindi ko pala natanggal doon yung plantsa!


SHIT!


Patakbo ko iyong kinuha pero huli na ang lahat. Sunog na ang tela at napunit na nga iyon.


The door slammed open, and I instantly felt doomed...


"PTANGINA ANONG GINAWA MO SA DAMIT KO?!" Nagngangalit na entrada ng ama-amahan ko sabay dali-daling lapit sa'kin.


Mommy!


Lord!


Tulong!


Buong pwersa niyang tinadyakan yung iron board kaya natumba iyon. Ako naman ay napatalon palikod para iwasan yung plantsa na muntik nang tumama sa paa ko!

"S-Sorry po, h-hindi ko sinasadya—"

"ANONG HINDI SINASADYA?!" Dinampot niya yung sunog niyang polo at malakas iyong hinampas sa likod ko!

"A-Aray!" Muli na naman akong napaiyak sa sakit.

"PTANGINA MO! WALA KA TALAGANG KWENTA!" Patuloy at paulit-ulit niya akong hinahampas!

"Tama na po!" Humahagulgol kong itinaas yung kamay ko para takpan yung ulo ko pati na napadikit na ako sa pader sa sulok ng kwarto.

"MALE-LATE PA'KO DAHIL SA'YO! BWISIT KA!!!" At isang huling hampas na napakalakas pa ang ginawa niya bago siya tuluyang lumabas sa kwarto ko.


Naiwan akong nakadikit sa pader habang patuloy na humahagulgol dahil sa sakit ng mga hampas niya. Parang pinupukpok ang likod ko dahil sa sobrang pagkirot at sigurado akong maraming pasa na naman ang mamumuo sa'kin...


Kaawa-awa akong napaupo sa sahig habang patuloy na tumataghoy sa paulit-ulit na pagkaramdam ko na tila nadudurog na ang likuran ko dahil sa napakaraming hampas na iyon...


Tinakpan ko ang bibig ko para wag ko nang marinig ang sarili kong paghikbi. Pagod na'kong maawa sa sarili ko. Pagod na'kong magdusa...


Bakit ba di mo na lang ako kunin, Lord? Bakit? Dahil ba hindi ako mabuting tao? Dahil ba nambubully ako sa Seriun?




Kunin mo na lang ako, please...







-------

Ilang minuto na ang dumaan. Umiiyak pa rin ako pero hindi kagaya nung kanina...

Biglang nagring yung phone ko. May tumatawag.


Sino naman kaya yun? Himala namang may nakaalala pa sa'kin. Mommy ko nga di ako matawagan eh...


Matamlay ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa phone ko.



['Forced Boyfie' is calling...]



Saglit akong natigilan habang nakapako ang mga mata ko sa phone ko. First time tumawag ni Vain sa'kin kaya naman parang hindi ako makapaniwala...


Paano ko siya kakausapin? Baka mahalata niya...


Sasagutin ko ba?


Hindi kaya maging awkward lang ang usapan namin..?


Sa sobrang pagspace out ko ay hindi ko namalayang huminto na pala siya sa kakatawag...


At bigla na namang nagring. Tumawag ulit siya.


Pang-ilang tawag na ba niya 'to?


Huminga ako nang malalim at hinawakan ko na yung phone kong kanina pa nagri-ring sa ibabaw ng kama. I swiped the phone icon on the screen to answer the call...

Sininghot ko na lahat ng sipon para magtunog normal yung boses ko at huwag mahalata ni Vain na umiiyak ako...


["Hello? Tetra..."] Boses ni Vain sa kabilang linya. Gusto kong maiyak lalo at magsumbong sa kanya pero...para ano pa? Hindi naman siguro totoo ang nararamdaman niya para sa'kin...

"Vain. N-Napatawag ka?" I'm doing my best to not tremble... Pero sigurado akong halata talaga sa boses kong barado yung ilong ko.

["Gusto lang kitang makausap. Okay ka lang ba? Nag-iba boses mo... Umiyak ka ba?"] Sunud-sunod niyang tanong na sana hindi na lang niya tinanong kasi naman baka mabuking pa niya'ko eh. Sabi na nga ba at mahahalata niya.

"Ah, h-hindi. Okay lang ako. Masama lang pakiramdam ko..." Tama...masama na nga pakiramdam ko dahil sa pananakit ng likod ko...

["Oh bakit? Anong nangyari? Ba't di mo man lang ako sinabihan sa chat?"] Para talaga siyang nag-aalala... Sana nga totoo talaga itong inaasta niya...

"Eh, hindi naman na siguro kailangan, diba?" Takte wala na'kong maisip na dahilan!

["Ano ka ba naman? Syempre kelangan mong ipaalam sa'kin. Boyfriend mo'ko kaya dapat alam ko yan. Pupunta ako diyan, okay lang ba?"]


H-Huh? Pupunta siya dito? Jusko! Papatayin siya ng animal kong ama-amahan!


"Naku wag na lang muna, Vain. Kailangan ko lang sigurong magpahinga nang mabuti. I'm sure magiging okay din ako soon." Tangi kong sagot habang pinipigilan na naman ang paghikbi ko...dahil...gustung-gusto ko talaga siyang pumunta dito para maipagtanggol niya'ko laban sa animal na yun pero...hindi talaga pwede...

["Pero..."]

"It's okay. I'm fine. Magkikita naman siguro tayo bukas, diba?" Tumulong muli ang mga luha mula sa mga mata nang makaramdam ako nang takot sa demonyong animal kong stepfather pati na pagkaawa sa sarili ko dahil sa sinasapit ko sa bahay na 'to...


I just want someone to protect me...from all these...


Yung sakit, hirap, pagtitiis, pagpapanggap...


Pagod na'kong magpanggap na matapang...na matigas...


Pagud na pagod na'ko...


["Oo naman. See you tomorrow. Chat na lang tayo para makapagpahinga ka nang mabuti, okay?"]

"Okay. Thanks, Vain..."

["Sige. Bye..."]

"B-Bye..."


I ended the call.


Hindi na'ko nag I love you.




Hindi na'ko maga-I love you ulit dahil alam kong wala naman akong I love you too na matatanggap...











[A/N]: Ngayon alam niyo na kung bakit nambu-bully si Tetra! Alam kong merong iba diyan na nakaka-experience din ng mga nae-experience niya. Meron din siguro iba na nabu-bully. Lahat naman ng tao may reasons, yung iba nga lang trip lang talaga manakit ng kapwa. Well, it's not Tetra's case. So ayun, andami ko nang sinasabi. LOL!

And as I've said: ACHIEVEMENT UNLOCKED! Nakadalawang update ako today! Yeysss! Sana nag-enjoy kayo!

Don't hesitate to click that STAR and leave a comment! Will highly appreciate it! Lovelots and God bless us all!



Read. Vote. Comment. Support.
#babaengbully

Continue Reading

You'll Also Like

27M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

120K 3.1K 46
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
Wild One By dstndbydstny

General Fiction

6.5M 184K 63
The forbidden fruit that everyone wants to have a taste, a woman of the world, liberated, wild, and without a doubt, gorgeous - Odine Beateressa Sant...