Zypher and Gangsters

By senyoritayvi

11.9K 536 301

"Mamahalin pa rin kita. Titiisin ko ang sakit, kahit sobrang sakit, kahit na ikamatay ko pa." [Ghosts and Gan... More

PROLOGUE
#Afraid 1: Love
#Afraid 2: Bestfriend
#Afraid 3: I'm Sorry
#Afraid 4: Stained with Sorrow
#Afraid 4-Pt.2: Stained with Sorrow
#Afraid 5: Party and Pretense
#Afraid 6: Destroy XZ Project
#Afraid 7: Hidden Pain
#Afraid 8: THE REHEARSAL
#Afraid 9: THE PLAY
#Afraid 10: MORE LOVE TEAMS!
#Afraid 11: XENZEL VS. TETRA
#SPECIAL CHAPTER: THE CALM
#Afraid 12: MR. SUITOR
#SPECIAL CHAPTER: VALENTINE'S DAY
#SPECIAL CHAPTER-Pt.2: VALENTINE'S DAY
#Afraid 14: WOUNDS AND BRUISES
#Afraid 15: OUTING
Amazing Announcement!
A Quick Update

#Afraid 13: FANSCLUB

157 12 0
By senyoritayvi

#Afraid 13: FANSCLUB



Nemsey's POV

Saktong dismissal na namin nitong araw nang bigla kaming may narinig na tilian mula sa kabilang classroom. Boses iyon ng maraming kababaihang tila sinundot sa puwet nang sabay-sabay.

"Anyare?" Kunot-noong tanong ni Xenzel sabay lingon sa pintuan.

"As if masasagot yan ng paglingon mo sa pinto." Suya kong sabat sa kanya saboy batok pa.

"Shemay! Kelangan talaga may batok?!" Angil niya sabay kamot dun sa bunbunan niya. Hahaha!

"Oy, oo nga pala, anong ginawa niyo ni Zypher noong Valentine's, ha?" Bigla ko lang naisip. Mag-asawa pa naman sila, kaya nakaka-curious kung ano yung surprise ni Zypher sa kanya. I'm sure meron.

"Ehhh..." Nagdadalawang-isip niyang imik sabay iwas ng tingin.


Luh? Punyetang 'to!


OMG ANO KAYA NANGYARI?!


"OMG...you're making me even more curious..." Excited kong pahayag sabay pulupot ng mga daliri ng mga kamay ko sa isa't isa.

"Gaga! Wala! Dinala niya ako sa villa nila dun sa Xylent tapos umasta kaming parang tunay na mag-asawa." Alam kong kinikilig na siya pero pinipigilan lang niya.

"Luhhh! Ibig sabihin kayong dalawa lang dun?! Tsaka may nangyari—mmmppp!" Tinakpan niya bigla yung bunganga ko!

"Letse wala! Anukaba!" Tinakpan na nga niya bunganga ko binatukan pa niya ako!


Takte karma is a bitch nga!


Pwersado kong tinapik kamay niya kaya naman nabitawan na niya'ko.


"Eh ano naman kasi iisipin ko? Kayong dalawa lang dun tapos—"

"May guard kaya! Tatlo! Nasa labas nga lang! Pero wala kaming ginawang masama dun, noh! Nangako kaya kami kina mom at dad!" Kwento niya sabay ekis ng braso niya at may irap pa siyang nalalaman.

"Buti naman kung ganun. Pero okay lang din kung merong...alam mo na, hehe...para maging ninang na'ko." Tukso ko pa sa kanya na halata namang kinainis pa niya lalo.


Hahaha! Pikon talaga 'tong bespren ko kahit kailan!


"Fi, tara na. Makikipagpakita pa tayo kay MJ." Singit ni Zypher na bigla na lang sumulpot mula sa kawalan.


De joke, nandun lang siya kay Ree kanina.


"Ay, sige." Tumango si Xenzel sabay simulang magligpit ng mga gamit niya. "Besss, mauna na muna kami ah? Kakausapin pa kasi namin si MJ tungkol sa Gehenna Sentries." Pamamaalam niya sabay sukbit ng shoulder bag niya.

"Yeah, uuwi na rin naman ako." Sagot ko sabay tayo at nauna pa talaga akong naglakad sa kanila.


Naglalakad ako sa unahan nina Zypher, Xenzel, at Ree. Dinig ko pa rin ang tilian ng ibang estudyante sa labas ng room. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa pinto ay isang lalaki na ang agad na sumalubong sa'kin. Nabibigla akong nag-angat ng tingin sa kung sinuman siya at...


"E-End..?" Bigla akong nakaramdam ng kaba. Bigla akong pinagpawisan nang malamig.


"Hi Nemmie." Cool pero sweet niyang bati sa'kin nang naka-smirk.


Takte sinasadya ba niya 'to? Yung pagiging cool?


Nasa likod ko pa naman si Ree! Nakaka-tense pala talaga!


"Hello..." Nag-aalangan kong sagot sa kanya sabay angat din ng kanang kamay ko.

"Pwede ba kitang yayaing kumain dun sa cafe?" Anyaya niya sabay sandal nung kaliwang braso niya sa pader na nasa tabi lang namin.

"Ngayon na..?" Seryoso ba siya?

"Oo naman. Ayaw mo ba?" Nawala yung tabigang niyang ngiti.

"Ah, hindi naman sa ganun. Sige samahan na kita. Tara!" Nginitian ko na din siya para kunwari sweet kami sa isa't isa.


Tama ba ginagawa ko? Ewan...


"Hello? Oh Lin, bakit?" Bigla kong narinig yung boses ni Ree sa likuran ko. Kanina pa yata sila nakatayo sa likod dahil nakaharang ako sa daan. "Okay, sige. Papunta na'ko diyan. I love you, too."


Araaay, grabe naman makaganti 'tong si Ree...


INSTANT PAIN!


"Excuse me." Imik ni Ree sabay bahagyang bunggo sa'kin pagilid dahil nga nakaharang ako sa daan.


Tahimik na lamang akong tumingin sa sahig habang pilit na iniinda ang sobrang pagkirot ng puso ko dahil sa nangyari...

"Nemmie..." Bulong ni End na nasa harap ko pa rin pala. Hindi ko siya pinansin kaya naman hinawakan niya nang marahan yung baba ko para iangat ang mukha ko paharap sa kanya... "Tara na..?"


Huh? Ano ba pinagsasabi nito?


"A-Ano..? W-Wala na si...—"

"I know. Pero niyaya kita dahil gusto ko talagang magpasama sa'yo." Katwiran niya na hindi ko naman inasahan.

"Pero..." Napahinto ako sa pagdadalawang-isip... Sasama ba ako o hindi..?

"Tara." Bigla na lang niyang hinablot yung kanang kamay ko at ipinulupot ang mga daliri niya sa mga daliri ng kamay ko.


HUTA ANO 'TO?!


HOY END!


Pero hindi ako makakibo. Lahat ng salita ay nasa utak ko lang. Siguro dahil masyado pa rin akong nasasaktan...

Dahil nga hindi na ako nakapagreklamo ay nahila na'ko ni End papunta sa cafe na sinasabi niya. Malapit lang naman yun sa Seriun kaya okay lang sa'kin. Yung hindi okay ay yung pinagtitinginan kami ng mga kakabaihang estudyanteng nadaanan namin.


Bantog yata itong si End, eh! Di ako informed!


"End, yung mga babae nakatingin..." Naiilang kong reklamo sabay kawala sa hawak niya. Nakapasok na kami sa cafe at hanggang dito ay marami pa ring nakatingin sa'min. Yung masamang tingin.

"Wag mo silang pansinin. Upo ka." Hinila niya yung isang upuan para makaupo ako.

Pagkaupo ko ay tumungo na din siya sa upuang nasa tapat ko at umupo na rin.

"So...bakit mo'ko dinala dito..?" Nagtataka at nahihiya kong tanong sabay baba ng tingin ko sa magandang mesang nasa harap namin.

"Para kumain." Sagot niya, dahilan para titigan ko na talaga siya. "At para ilahad sa'yo ang plano." Ayan na naman ang tagibang niyang ngiti.


Pinaplano nito?


"Sir, Miss, ano po order niyo?" Biglang sumulpot sa tabi namin yung food assistant.

"Yung lagi kong order, tsaka choco-caramel cheesecake. And two hot chocolate." Astig na tugon ni End sabay harap ulit sa'kin.


Mukhang laging tumatambay dito ang mokong na 'to.


Umalis na din yung assistant kaya nagpatuloy na kami sa pag-uusap.


"Ano yung plano?" I tried to sound as interested as possible.

"Yung mga babaeng nakatingin sa'tin." Huminto pa siya sa pagsasalita para bigyan ako ng panahong lingunin yung mga babaeng tinutukoy niya.

"Uhh..." Nilingon ko nga sila. Yung iba nakatingin pa rin. "What about them?" Ibinalik ko na ang atensiyon ko sa kanya.

"Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero meron akong fansclub sa Seriun. Formed by a large group of girls who admire me."

Nanlaki nang bahagya yung mga mata ko sa pagbigla. SA GULAT.


FANSCLUB? Shuteks sikat nga siya!


Hindi ko naman ipagkakailang gwapo nga si End, magaling pumorma, cool umasta, matangkad, yung tipo ng lalaking gusto talaga ng mga babae.

"O-Okay..." Tumangu-tango ako habang kinakabahan sa mga nalalaman ko.

"So, para mas mapansin ni Ree ang loveteam natin ay mag-uutos ako ng taong magpo-post ng pictures natin sa SOL para mainggit yung admirers ko sabay usisa sa'tin, tapos syempre magpo-post din ang mga yun ng kung anu-anong tungkol sa'tin. Trust me." Litanya na, ako naman nganga na lang. "BUT. The risk is, they can be aggressive." Dugtong niya na mas lalo lang nagpadagdag sa kabang nararamdaman ko.


Oh my gosh, so ano 'to? Gagawa kami ng paraan para ma-bash ako? Sigurado akong yun nga ang mangyayari!


Pero...


Kung yun din ang isa sa mga paraan para malaman ko ulit ang tunay na nararamdaman ni Ree...so be it.





"Okay." Tulala kong pagsang-ayon. At nakabalik ako sa huwisyo. Nakita ko ang isang natural na ngiti sa mga labi ni End.

"Nice. Good luck to the both of us." 








[A/N]: Hehehe! Napapadalas na yata update ko ngayon ah? Good thing kaya yun? Hahaha sana lang tuluy-tuloy na! Anyway, I hope you enjoyed this chapter! Honestly, meron pa dapat kadugtong 'to kaso masyado na yatang mahaba kaya next chapter na yun. Which means! Baka dalawang chapters UD ko today! Yahoo! Achievement! Hahaha! Pray for me! 

So...nagugustuhan niyo na rin ba yung bago nating love team which is #EndSey or solid #NemRee pa rin kayo? Comment na! 

God bless us all!




Read. Vote. Comment. Support.
#babaengbully

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
60.2K 633 34
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
66.1K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...