Lost and Found

By peachxvision

300K 13.1K 6.4K

Hiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng un... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 29

4.4K 192 65
By peachxvision

Nagpabalik-balik ako ng iniisip. Ihahatid niya si Cat? Bakit? Ah, oo nga pala . . . chivalry is not dead—lalo na sa pinakamamahal kong torta. Hindi naman ako puwedeng magpaka-selfish at isipin na ako lang ang puwede niyang ihatid, di ba? E natural, dis oras na ng gabi kaya niya dapat ihatid si Cat. Isa pa, nasa way naman ng torta ko yung bahay nina Cat, pagkakaalam ko.

"Sigeeeee, patuklaw ka pa sa ahas," asar ni Pet nang kinuwento ko sa kanya. "Sabi na e. Nang nakita kong mas mahaba pa yung nguso mo kesa sa pila sa MRT, alam kong may problema na naman kayo ng jowa mo."

"Ewan ko ba," sagot ko sa kanya. "Siguro dahil lang sa distansiya. Mag-apply kaya ako sa school niya?"

"Sa grades mo?"

"Leche ka. True friend ka, e, no?"

Tumawa si Petty. "Sa ayaw mo man o sa hindi, sa una lang masaya ang relationships. Tingnan mo ako, single at masaya."

"Choice naman natin 'yon kung papaniwalaan natin 'yon," sabi ko. "Mawawala at mawawala ang kilig. Pero kapag ginagawa niyo naman lahat para mapasaya ang isa't isa, hindi lang yung temporary na kilig pero eternal and deep happiness, peace of mind, mga gano'ng bagay, pipiliin at pipiliin niyo ang isa't isa."

"Wow," sabi ni Petty. "Hindi ka pa nasasaktan, ano?"

"Well, eto na nga, nasasaktan na ako," sabi ko. "Pero pipiliin kong pagkatiwalaan siya at gagawin ko lahat para lang maging kami sa huli."

"Ayan, ayan ang magiging problema. Ikaw lang ang may ideya niyan. E siya? Musta lolo natin?"

"Hindi pa kasi kami nagkakausap nang matino. Ang dami niyang requirements. E, alam mo naman sa school niya. Yung expectations . . ."

"Ewan ko nga sa 'yo, mars," sabi ni Petty sabay lagok ng pagkain niya. "Masyado kang idealistic pag dating sa love. Sana nga, sana nga hindi ka niya saktan."

Inisip ko yung sinabi ni Petty. Nasasaktan na ako ngayon, sa totoo lang, pero nagkikita naman kami tuwing weekends—iyon na nga lang yung saving grace ko matapos ang buong linggong puno ng acads. Tinutulungan ko siya sa mga requirements niya kung kailangan para mas mapadali ang buhay niya at para mas marami kaming oras para sa isa't isa. Ramdam ko naman kasi yung bigat ng expectations sa kanya.

Ako dapat ang mag-adjust. Ako ang may oras. Ako ang kayang mag-adjust.

Tama naman . . . di ba?

***

Generally, okay naman yung holiday season—the usual stuff. Nagregalo ako ng Hershel na wallet sa kanya kasi kapag pumupunta kami sa mall, lagi 'yon yung tinitingnan niya kahit ba alam naman naming pareho na wala kaming pambili. Akin naman, nagregalo siya ng isang malaking pack ng cappuccino na kape. Nahihilig kasi ako doon kaya siguro iyon ang binigay niya. Hirap ko raw kasi regaluhan kasi natatakot siya na baka hindi ko magustuhan.

Medyo nalungkot ako nang pagkasabi niya niyon. Hindi naman ako mahirap paligayahin . . . lalo na kung bigay mo at pinagefortan mo, gusto ko sabihin pero tinikom ko lang yung bibig ko. Ayoko lang na may magbunga pa ng away. Baka rin iniisip niya, hindi ko naappreciate. Na-appreciate ko naman. Yung sinabi lang niya ako napaisip.

Anyway.

Second sem na, all I can say is . . . mas naging excited pa ako sa birthday ng torta ko kesa sa excitement ko noong Pasko at New Year.

Doon ko nalaman na may mga rooms pala sa mga microhotel na less than 500 pesos, twelve hours na puwedeng magstay. Kaya ko 'yon, given na marami akong nase-save. Nagplano lang ako nang nagplano at dinamay ko pa si Petty sa kagagahan ko. Nagsabi ako sa mga magulang ko na mag-o-overnight ako. Binigay ko yung number ni Petty para may assurance sila . . . kahit hindi si Petty yung kasama ko talaga.

"Ikaw!" sigaw ni Petty. "First and last 'to. Gaga ka! E paano kapag pumunta sa bahay namin sina Tito?"

"Hindi 'yan," paninigurado ko.

"Te, never worth it na magsinungaling sa magulang mo para sa lalaki."

"Hindi naman ako nagsinungaling. Sabi ko, 'Ma, mag-o-overnight ako. Ito number ni Petty.' Tapos binigay ko number mo. Wala akong sinabing hindi ikaw ang kasama ko."

"Di mo pa ba naririnig yung kasabihang 'The best lie is the truth told unconvincingly'?"

"Please! First and last. Tapos . . . promise, susubukan namin umamin kina Mama."

"Sabi nga ni Yoga, 'Do or do not. There is no try.'"

"Shunga. Yoda 'yon."

Namili kami ng pangsorpresa ko para kay Theo—mga balloons, scotch tape, nagpaprint ng pictures naming dalawa, nanghiram ng Christmas lights.

Excited na ako.

Iyon nga lang . .

Sobrang naging hell week yung linggo. Isang araw bago yung dapat na sorpresa ko para sa kanya, nagkasipon ako. Di ko naman alam na the next day, lalagnatin ako.

Pero hindi . . . kakayanin ko.

"Te, hindi. Hindi mo kakayanin," sabi ni Petty. "Please lang, umuwi ka na."

"Te, onting push na lang . . . ," sagot ko sabay singa. "Kaya 'to."

"Ang dapat sa 'yo, nagpapahinga. Paano kayo magmomomol time kung bahing ka nang bahing? At . . . utang na loob, tingnan mo nga 'yang itsura mo? Halatang may sakit ka."

"Pupunta ako doon mamaya. Kinuntsaba ko na rin yung mga kaibigan niya sa school kaya too late to backout."

"Puwedeng next time na lang."

"In four years na ulit ang birthday niya na Friday."

Natahamik kaming dalawa nang biglang dumating na yung prof. Bigla kaming pinaggrupo na may tatlong members para sa isang paper. Siyempre, automatic, kaming dalawa ni Petty ang magkagrupo. Nakita namin na yung mga nasa paligid namin, naggrupo-grupo na.

Napatingin ako kay Hudson.

"Hudson," tawag ko, "may kagrupo ka na?"

Tumingin si Hudson sa katabi niya na parang inaaya rin siya magkagrupo. Nang sasagot na sana ako ng "okay lang," bigla niyang sinabi, "Sali ako sa inyo?"

At dahil nahiya naman na ako mag-backout, ang sabi ko na lang, "Sige. Sama kita, ha?"

Tumalikod na ako ulit kasi halata namang iniimbita na siya ng mga katabi niya pero sa amin pa talaga ni Petty siya nakigrupo. Nakita ko yung tingin na masama ni Petty.

"Mars, I can feel a spark," sabi niya.

"Wag mo ipilit," sagot ko na may singhot. "Makukuryente ka lang."

"E di ba . . . siya yung pinagseselosan ni Theo kamo?"

Nagbuntonghininga ako. Buwitre kasi . . . hindi na ako makahinga sa sipon ko at ubos na yung tubig ko. "Kaya nga e. Leche, ba't ko pa kasi siya tinanong? Nag-agree kami, actually, na lalayo kami sa isa't isa sa room para walang problema. Pero ako tong gaga e, 'no?"

"Luh! OA! Parang kagrupo lang naman e. Hello, ito, acads. E yung sa jowa mo? Org? Tapos classmates? Wag ako!"

"Ayan ka na naman e."

"Fine. Zipping my lips."

Nagmeeting kaming tatlo dahil sabi ng prof na pagusapan na yung theme para sa gagawin naming research. Pero itong dalawang 'to, pagkatapos namin makaisip ng study, biglang pinagusapan yung love life ko.

"Hudson, please," pakiusap ni Petty, "Pilitin mo siyang wag na ituloy yung plano niya."

Tumingin ako nang masama kay Petty, pero too late. Napatanong na si Hudson ng "Plano? Para saan?"

"Plano niya lang naman i-surprise yung boyfriend niya. I-cu-cut niya yung huling class."

"Bakit? Anong meron?"

"Birthday niya," sagot ko tapos yumuko gusto ko na matulog. Epekto ata ng bioflu.

"E may sakit ka," sabi ni Hudson tapos kinapa niya yung noo ko. "Init mo."

"Obviously," banat ni Petty. "Kahapon pa 'yan. Lumala lang ngayon."

Hinubad ni Hudson yung jacket niya at sinuot sa 'kin. Lintik 'tong si Petty kung makatingin. Nilalagyan agad ng malisya e.

"Tubig?" alok ni Hudson.

Ngumiti ako at nagpasalamat at kinuha yung tubig. Nakakatuwa lang na alam niya yung mga kailangan ko . . . isang bagay na gagawin din ni Theo kapag andito siya, I guess.

"Ganito," sabi ni Hudson, "ihahatid kita doon sa pupuntahan mo pero matulog ka sa sasakyan."

"May sasakyan ka?" tanong ni Petty.

"Nakikisabay ako sa tita ko."

"Ayoko," sagot ko. "May class ka rin."

"Di naman major 'yon. E di gagamitin ko free cut ko."

"Nakakahiya. Baka kung ano isipin sa 'kin ng tita mo."

"Hindi 'yan. Kesa naman magcommute ka pa. Baka sa ospital bagsak mo, hindi doon. At saka out na talaga ni tita. Hinihintay niya lang ako hanggang alas-sais. Advantage sa 'min kasi uuwi kami nang maaga."

"P-puwede ba?"

"Oo naman. Ako nga nag-aalok e."

Sobrang nagpapasalamat ako kay Hudson dahil sa pagkusa niya. Medyo sobrang extra pa nga kasi binili rin ako ng tita niya ng Cool Fever patch at gamot pangtrangkaso. Habang bumabyahe, nakapikit ako at pinipilit na matulog. Bago ako nawalan ng malay, narinig ko yung pinaguusapan nila ng tita niya.

"Grabe ka naman manligaw," sabi ng tita niya. "Hatid pa sa Quezon City mula Maynila."

"Tita," sagot ni Hudson, "hindi nga."

"At least nakilala ko na siya. Okay naman. Mukhang okay magiging genes niyo."

Hindi ko na masyadong narinig yung iba dahil pabulong na yung sagot ni Hudson at nakatulog na rin ako. Ginising na nila ako nang andoon na kami. Hinatid ako ni Hudson hanggang doon sa pinto karga-karga yung mga dapat kong ihanda.

"Salamat, Hud—"

"Anong salamat? Tutulungan na kita," aya niya.

"H-hindi na," pagtanggi ko. "Naghihintay tita mo sa baba."

"Ay, di mo pala narinig. Sinabi naman niya na sa may Coffee Bean ko na lang siya puntahan. Sabi ko kasi tutulungan na kita magbuhat."

"Sobrang bait mo naman," sabi ko. "O-okay lang talaga?"

Tumango siya.

Nagbayad na ako para sa isang room at umakyat na kami ng elevator. Mind over matter, sabi ko sa utak ko. Kailangan ko matapos yung design ng kuwarto.

Tinulungan ako ni Hudson sa pag-ihip ng mga lobo para ikalat sa room (gusto ko sana helium na balloon pero ang hirap ata e), sa pag-ayos ng Christmas lights, sa mga rose petals sa kama, sa mga picture at mga lobo na ididikit sa may pader hanggang sa pag-ayos ng cake—siyempre, hindi pa namin hinipan—at sa regalo ko na Nike na sapatos sa mesa.

Naiilang ako nang kaunti kasi parang . . . baka isipin niya kung anong gawin namin ni Theo. Pero natawa rin siya nang ilabas ko yung flash drive ko na may movie ng Star Wars—isa sa mga paborito ni Theo na pinipilit niya ako manood pero wala talaga akong time—at hinanda sa may TV.

"Ubos savings a," komento ni Hudson.

"Okay lang," sabi ko. "Ang pera, maiipon ko naman."

"Okay na ba? Satsified ka na ba sa resulta?"

Tumango ako. "Bago ko makalimutan"—hinubad ko yung jacket niya—"thank you dito."

"Walang problema," sabi ni Hudson at saka siya pumunta sa pinto. "Nga pala," dagdag niya, "intindihin mo rin ang sarili mo minsan, okay?"

"Iniintindi ko naman. Wag ka mag-alala." Ngumiti ako at nagpaalam kay Hudson.

Nagtext ako sa mga ka-org niya na kakuntsaba ko na handa na yung room. Alas-sais na ng gabi, at panigurado, paalis na siya ng school. Nagbihis na rin ako at nagpaganda kahit na halos hindi talaga mabura ng makeup yung halatang pagod at sakit sa mukha ko.

Napangiti ako at na-excite.

Pagtingin ko sa cell phone ko, wala pa ring text. Ayoko namang mag-flood texts ako sa mga kaibigan niya, e, ako na nga 'tong nanghingi ng tulong.

Naisip kong umidlip. Nag-alarm na lang ako in fifteen minutes. Tutal, twelve hours naman 'to.

Pero 6:45 p.m., wala pa rin.

Text, tulog, alarm—7:00 p.m., wala pa rin.

Text, tulog, alarm—7:30 p.m., wala pa rin.

Text, missed call, tulog, alarm—8:15 p.m., wala pa rin.

Text, missed call, tulog, alarm . . .

Hindi ko na alam kung anong oras nang nakaramdam ako ng isang malamig na labi sa pisngi ko. Pagtingin ko, may naka-violet na lalaki na nakangiti sa 'kin . . . tapos nawala yung ngiti niya nang nakapa niya yung noo ko.

"Love!" sigaw ni Theo. "Putek, bakit ang init mo?"

"Theo . . . ," bulong ko, "happy . . . birthday . . ." Sumilip ako sa orasan—halos alas-onse na ng gabi.

"Paano naman ako magiging masaya e may lagnat ka—"

"Di mo ba nagus—"

"Please, sa susunod, umuwi ka na lang kung may lagnat ka."

Nagulat ako nang sinabi niya 'yon. Gusto ko sanang manumbat—hindi mo man lang ba na-appreciate yung effort ko? na kahit may sakit ako, tinuloy ko, mapasaya ka lang? Pero hindi ko sinabi. May tama siya, e. Natural, nag-aalala siya sa 'kin. Ginusto ko to.

Napatitig ako na may nangingilid na luha. Pero sa di ko alam na dahilan, umatras yung mga luha ko at napatanong, "Sa'n ka galing? Bakit—"

"May surprise yung org sa 'kin."

"Org . . . yung org na talaga girlfriend mo ngayon."

"Hindi ko naman kasi alam na may ganito ka. Sabi mo bukas na lang tayo magkita at mag-date."

"Bakit sina Sibil at Vien . . . hindi nila—"

"Inaaya na nila ako umalis. Hindi ko rin naman kasi gets kung bakit gusto nila akong sumama sa 'inuman' nila. Siyempre tumanggi ako kasi may date tayo bukas.

Nagbuntonghininga ako.

Surprise fail.

"Bababa ako," sabi niya. "Bibili ako ng paracetamol. Magkumot ka muna. Ay . . . wait"—may nilabas siya sa bag niya na kahon—"naalala kita e. Binili ko."

Tinanggap ko at ngumiti.

"Ngiti mo pa lang, regalo na para sa 'kin," sabi niya matapos niya akong halikan sa noo. "Kaya mas gugustuhin kong umuwi ka at maging magaling kesa naman may ganito pero nag-aalala lang ako."

Natunaw na naman ako.

Umalis siya para bumili ng gamot sa baba. Binuksan ko yung regalo niya at nakakita ng mug na may pickup line: MANTIKA ka ba? Kasi OIL always love you.

Tapos may papel sa loob. Napangiti ako lalo.

Napangiti ako . . . pero nawala rin bigla.

Torn ako sa mga nararamdaman ko. Masaya ako . . . pero malungkot din. May karapatan ba akong malungkot sa mga ganitong sitwasyon?

Tiningnan ko yung cell phone ko. Nakakita ako ng mga texts galing kay Vien.


VIEN

tasha sori. Ayaw nya talagang pumasok!!! magagalit ka raw kasi. e pota sobrang natuwa naman kami kay theo kasi ang sabi namin may chix sa loob. lalong ayaw pumasok. sabi magagalit ka at loyal sayo

kaya wala kaming choice kundi sabihin na ikaw yung chix na sinasabi namin

sori. fail talaga


Bumalik ulit yung mga ngiti ko. Nang tiningnan ko naman yung text ni Sibil, halos parehas din pero may nadagdag na impormasyon.


SIBIL

uy sori. fail. e hinihila namin siya kaso may sorpresa yung org para sa kanya. kami rin ni vien nasorpresa na may pasorpresa para sa kanya hahaha. e pagdating diyan aba ayaw pumasok. loyal daw sayo. sinabi na namin ni vien. sori at salamat sa libreng load :D


Nagulat na may pasorpresa sa kanya? So . . .

Hay. Ayoko mag-isip. Isa pa, yung ginawa niya na ayaw niya pumasok kasi sabi niya loyal siya sa 'kin . . . di ba, dapat matuawa ako doon?

Binaba ko yung cell phone at nilagay yung mug at yung sulat sa mesa. Binura ko na yung mga gawa-gawa ng isip ko at sinabing, "Pahinga ka na, Tasha. Iyon gusto ni Theo."

Hindi ko maalis yung mga iniisip ko hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ulit nang dumating si Theo para painumin ako ng gamot. Minsan, napapabuklat ako ng mga mata ko at makikita na kumakain si Theo mag-isa. Ni hindi man lang kami nakanood ng Star Wars na matagal na niyang gustong panuorin ko.

Nakapikit pa rin ako nang naramdaman ko yung mga labi niya sa noo at ilong ko, tapos sa labi ko. Hindi ko alam kung saan siya natulog, pero alam ko, natulog ako sa ilalim ng kumot nang mag-isa.

Continue Reading

You'll Also Like

255K 5.4K 43
Euphryne Yelana VeƱegas the daughter of a known Lawyer in Manila. Bata pa lamang ito ay nasusunod na ang lahat ng kanyang gusto. Pero paano na ang ka...
131K 8.3K 19
PUBLISHED UNDER MANILA POP Young Love Series #2: Neariah July Serrano Art is subjective. As an Arts and Design student, Neariah July Serrano has alwa...
627K 13.4K 22
Lahat ng himpapawid ay kanyang liliparin. Maging ang malalim na dagat ay kanya ring lalanguyin. Pati ang pagpapansin ay kanya na ring gagawin; makuha...