ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG...

بواسطة crystel09

141K 2.1K 444

Nang pumanaw ang Lola ni Sarah ay nagdesisyon ang kanyang ina na paluwasin na siya ng Maynila at doon na ipag... المزيد

INTRODUCTION
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
ADVERTISEMENT

CHAPTER 1

7K 95 13
بواسطة crystel09

"Mama para na ho, dito na lang ako sa tabi!" untag ni Sarah sa taxi driver. Inihinto naman nito ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. "Magkano po kuya?"

"256 pesos po Ma'am." tugon nito.

"Hala! ang mahal naman kuya! Parang wala pa akong kalahating oras na nakasakay sa taxi mo ganyan na kaagad kamahal ang babayaran ko?!" reklamo ng dalaga habang dumudukot ng pera sa wallet.

"Hindi ka lang siguro sanay Ma'am, wala kasing taxi sa probinsya eh." Tila nangiinsultong tugon ng lalaki.

"Aba loko ka kuya ah! Excuse me kahit probinsiyana ako hindi ako tatanga-tanga kaya alam kong may mali diyan sa metro mo! Hmp! Oh ayan bayad ko, keep the change!" mataray na iniabot ni Sarah ang pera dito.

"Keep the change? Apat na piso? kuripot!" bubulong bulong na anang mama.

"May sinasabi ka kuya?" hirit pa niya dito.

"Wala ho, sabi ko ho tutulngan ko na kayo." napapakamot ulong wika ng driver.

"Huwag na kuya! baka dumagdag pa yun sa metro mo. hmp!" ibinaba ng dalaga ang kanyang maleta.

Nang makaalis ang taxi ay inayos niya ang kanyang sarili at nagdoorbell sa pagkalaki-laking gate. Hindi naman nagtagal ay may lumabas na unipormadong babae.

"Sino ho sila?" tanong nito.

"Ay magandang hapon po, eto po ba ang bahay ng mga Decillo?" nakangiting tanong ni Sarah.

"Hindi po, doon pa ho sila sa Curtis Street." turo ng babae. Agad namang binuklat ng dalaga ang kanyang address book, Curtis Street nga ang nakalagay doon.

"Eh ano ho bang street ito ate?"

"Carter Street po..."

"Naku! Eh mali nga." napapalatak na ani Sarah. "Magkatunog kasi eh!"

"Nakikita niyo po ba yung pangalawang kanto na yun? Yung pang-apat po na bahay sa kaliwa yun po ang bahay ng mga Decillo."

"Salamat ate! Pasensya na po sa istorbo ha..." paumanhin ng dalaga.

"Walang anuman po. Sige ho."

Pagkasara nito ng gate ay napabulong si Sarah sa sarili. "Hindi pala tatanga-tanga ha..."

Bitbit ang kanyang malaking bag at maleta, nagumpisa ng maglakad si Sarah. "Grabe! ang layo pa ng lalakarin ko." nakasimangot na anang dalaga sa sarili. "Bwisit kasing taxi yun eh, napakabilis ng metro!"

Saglit na huminto ang dalaga upang ibalik ang kanyang address book sa bag, ngunit napatili siya ng aksidenteng liparin ng hangin ang mga papel na nakaipit doon. awtomatikong hinabol niya isa isa ang mga nagliparang papel.

Samantala... si Gerald naman ay abala sa pagtetext habang nagda-drive. Hindi niya napansin ang malaking maleta na nasa kalsada. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang may nabangga at nawalan siya ng kontrol sa manibela, dahilan upang magpagewang gewang ang kanyang sasakyan. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakapreno. Kinakabahang bumaba ang binata. Wala siyang ideya kung ano ang nasagasaan niya. "Shit! huwag naman sanang tao..."  anang isip niya.

Si Sarah naman ay natigilan ng marinig ang malakas na komosyon. Agad niyang tinignan kung ano iyon at ganun na lamang ang gulat niya ng makitang wasak ang kanyang maleta at sabog sabog ang kanyang gamit sa kalsada. Natuon ang kanyang pansin sa lalaking nakatayo sa tapat ng itim na kotse. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang porma nito. naka polo shirt ito na kulay avocado,na FYI naka-tuck in sa pantalon nitong kulay krema na tinernuhan ng brown leather shoes. Ang buhok nito ay hindi yata matitibag kahit pa ng pinakamalakas na bagyo dahil sa kapal ng gel nito. Ok naman sana ito, gwapo at maganda ang katawan, yun nga lang ay hindi akma sa edad nito ang style ng pananamit nito. Nasa ganoong pagiisip si Sarah ng maalala niya ang kanyang mga gamit. Agad na nag-init ang ulo niya.

"Hoy! bulag ka ba o hindi ka marunong magdrive? Grabe ka tignan mo yung ginawa mo sa gamit ko!" sinugod niya ang lalaki.

"Eh miss bakit naman kasi nasa gitna ng kalsada yang maleta mo." mahinahong saad ni Gerald.

"Gitna?! gitna ito sayo? mukha ba itong gitna?!" sarkastikong turo ni Sarah sa kinatatayuan nila. Nasa gilid nga naman kasi sila ng daan.

"Ok fine, im sorry." buntong hininga ng binata.

"Magso-sorry ka lang labas pa diyan sa butas ng ilong mo! tabi nga!" tinulak ni Sarah si Gerald at nag-umpisa ng pulutin ang mga gamit niya.

"Grabe naman kasungitan ng babaeng to!" inis na bulong ng binata.

"Ano kamo?!" nanlilisik ang matang saad ni Sarah.

"Wala! Tutulungan na kita." nakipulot na din ang binata sa mga nakakalat na gamit ng dalaga.

Agad namang nanglaki ang mata ni Sarah ng makitang hawak ni Gerald ang kanyang underwear, tatawa tawa pa ito habang sinisipat ang kanyang pang-ibaba.

"Aba't talaga palang wala kang modo! bastos!" galit na galit na hinablot ng dalaga ang kanyang pang-ilalim na saplot at pinaghahampas iyon kay Gerald.

"Ano yan? karsunsilyo ng lola mo? ang laki ah..." tumatawang wika ng binata habang umiilag kay Sarah.

"Bastos ka! Walangya! bwisit!!!!!!!" halos magkandaiyak siya sa sobrang pagkapahiya.

Nagmamadaling pinulot niya ang kanyang mga gamit at naglakad na papalayo.

"Teka lang miss.. Ihahatid na kita!" habol ni Gerald.

"Tse!!!!! bwiset!!!!" sigaw ng dalaga at matulin ng naglakad papalayo kahit hirap na hirap siya sa pagbitbit ng sira-sira niyang maleta.

Naiiling namang bumalik sa kanyang sasakyan ang binata. "Ang sungit!" aniya sa sarili.

Stress na stress at pagod na pagod si Sarah ng marating niya ang bahay ng mga Decillo. Nagdoorbell siya habang mahinang humihiling na sana ay ang Mama niya ang magbukas ng gate.  

Hindi naman nagtagal ay may nagbukas na ng tarangkahan.

"Sarah!!!"

"Mama!" bagsak ang balikat na yumakap ang dalaga sa ina.

"Anak, a-anong nangyari sayo? bakit ganyan itsura mo para kang pagod na pagod saka bakit sira sira yang maleta mo? nahold-up ka ba?! Na-rape?! ano??" alalang tanong ni Letty o mas kilala sa bahay ng mga Decillo bilang Nanay Letty.

"Ma! Kalma lang! Kung na-rape ako di sana masaya ako ngayon..." tumatawang awat ni Sarah sa ina. Awtomatiko naman siyang pinalo ng ina sa hita.

"Kung ano-anong sinasabi mong bata ka!" pagalit ng ina.

"Oa ka kasi Mama eh." tumatawang niyakap ni Sarah ang ina.

"Eh ano nga kasing nangyari sayo? bakit sabog sabog yang gamit mo??"

"Eh Mama, nababa po ako dun sa kabilang kanto, ang layo! Tapos may gagong lalaki na sinagasaan yung maleta ko, grabe! nuknukan ng bastos! Sobra!" naalala na naman ni Sarah ang bwisit na lalaking nagpahirap sa kanya. '"Ang yabang jologs naman!" anang utak niya.

"Diyos ko... Kawawa ka naman anak, at sino naman kaya yung lalaking yun?! napaka walang modo. Sinagasaan na nga yung gamit mo hinayaan ka pang bitbitin yung mga maleta mo ng ganyan!" nagagalit ding saad ni Nanay Letty.

"Sinabi mo pa Ma! Kapal ng mukha!" ani Sarah.

"Hay... ang mabuti pa ay pumasok na tayo ng mapakilala kita sa mga amo ko at makapahinga ka na." tinulungan siya ng ina sa kanyang mga gamit. 

Nang makapasok sila ay bumungad sa kanya ang napakaganda at napakalaking bahay. Tila nakakatakot gumalaw, ani Sarah sa isip. Sapagkat parang lahat ng mahawakan mo ay mamahalin. Mula naman sa kusina ay lumabas ang isang may edad na ngunit napakaganda pa ring babae. Medyo chubby ito pero maganda ang mukha, maputi at napaka-kinis.

"Oh Letty, yan na ba ang anak mo? She's very beautiful." nakangiting saad nito habang papalapit sa kanila.

"Oo siya nga ang anak ko Luisa... Sarah ang pangalan niya. Sarah anak siya ang amo ko, si Luisa."

"Good afternoon po ma'am Luisa.." magalang na bati ng dalaga.

"Hay naku, huwag mo nga akong tawaging ma'am... walang tumatawag sa akin ng ganun dito. Tita Luisa na lang itawag mo sa akin." tumatawang sagot nito.

"Sige po." nahihiyang tugon ni Sarah.

"O siya Letty, pagmeryendahin mo na muna yang anak mo tapos pagpahingahin mo na, mukhang pagod na pagod sa biyahe eh... Sarah, huwag kang mahihiya dito ha. Feel at home lang." anang ginang at nagpaalam na sa kanila.

"Ma, ang bait naman ng amo mo... ganun ba talaga yun?" bulong ni Sarah sa ina.

"Ay oo, mabait talga yan. Pati yung asawa at mga anak niya." tugon ni Letty habang pinapasok ang mga gamit ng anak sa kwarto nila.

"Eh nasaan po yung pamilya niya?"

"Si Grendon, yung asawa niya nasa opisina. Araw araw namang umaalis yon, si Gerald na panganay kaaalis lang din, nagkasalisi nga kayo eh. Tapos yung bunso si Myka kikay yun pero mabait at malambing."

"Swerte naman natin Ma, kaya naman pala malakas ang loob niyo na paluwasin ako dito sa maynila eh." wika ni Sarah habang inaayos ang kanyang mga damit.

"Kaya nga, eh kung nagkataong hindi ganyan kabait ang amo ko mapipilitan akong umuwi  na ng  Cebu dahil wala ka ng makakasama doon."

"Ma, miss ko na si Lola..." biglang lumungkot na saad ng dalaga.

"Hay..." buntong hininga ng ina "Ako din anak... Miss na miss ko na si Nanay. Mabuti ka nga at nakasama mo siya sa mga huling sandali niya, parang mas close pa nga kayo kesa sa amin eh." naiiyak na wika ni Letty.

"Eh lagi naman pong ikaw ang bukambibig ni Lola, Ma eh..."

"Kung alam ko lang sanang ganun ang mangyayari, di sanay umuwi na ako." tuluyan ng napaluha si Letty.

"Tama na, huwag na po tayong malungkot... ganun talaga ang buhay. Saka sigurado naman ako na masaya na si Lola dahil sa wakas ay magkasama na tayo... kaya tahan na." niyakap ni Sarah ang ina.

Pinahid ng ina ang luha saka kumalas ng yakap sa kanya.

"Bweno, iwan mo na muna diyan yang mga gamit mo ako na ang mag-aayos niyan. Gusto mo bang magmeryenda?"

"Mamaya na lang po Ma, pwede po ba akong mahiga saglit? iuunat ko lang po yung likod ko." ani Sarah.

"Osige umidlip ka na muna diyan, pupunta lang ako sa kusina at ipapahanda ko sa mga kasambahay ang mga ilulutong hapunan mamaya."

Nang makalabas ang ina ay nahiga na ang dalaga sa kanyang kama. Saglit muna siyang nagmuni-muni. "Hmm.. ano kaya ang kapalaran na naghihintay sa akin dito sa Maynila?" aniya sa sarili. Maya maya pa ay nakatulog na siya.

ANO PO ANG MASASABI NINYO SA CHAPTER NA ITO? KAPANA-PANABIK BA? WALEY O HAVEY? LOL! YUNG TOTOO PO!! :)

PLS HUWAG PO KAYO MAGHESITATE NA MAGLIKE AT MAGCOMMENT! THANKYOU VERY MUCH GUYS! HAPPY READING! <3

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

51.6K 2.4K 30
Caught In The Temptation : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidde...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
20.9M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...