OVERPLAY : Ordinary Version

By Scrawriot

97 6 0

Your favorite twisted nomin fanfiction with now the Ordinary Version; wherein the casts will be transformed i... More

Prologue.
01.
03.
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.

02.

7 0 0
By Scrawriot

"Class Dismissed. Good morning." our English 103 teacher dismissed as our second subject for the morning session. Isang subject nalang at lunch na later. Hindi naman sa nagugutom ako, pero diko pa kasi nakikita sila Belle at Louisa.









"Babe, yung title proposal mo pala for Thesis Writing mo is na kay Mrs. Zhuang ha? Kinuha niya kasi kanina sakin eh kasi iaapproved na daw niya." i heard Jordan habang kapareho kaming nagliligpit ng gamit namin.







"Teka, ang aga naman yata? Kahapon ko lang ginawa yung justification nun ah." takang taka kong sabi habang hinaharap ko siya.










Tumayo muna ito sa upuan niya at hinarap ako, "Interesado kasi yun lagi sa mga bagong estudyante. Hindi sa tinatakot kita ha, pero pakiramdam ko ikaw una niyang uutusang magdefense nung title mo."









Bahagya naman akong kinabahan pero ngumiti lang ako, "Ano bang ineexpect ko sa section na to diba? Siyempre mataas lagi expectations nila."






Tumawa ng mahina si Jordan at umalis na din kami sa room at dumiretso sa kabilang room.











At kung minamalas ka ba naman ay may kung sinong mababangga ka pa sa pinto.















Dahil sa biglaan iyon at may dalang mabibigat na libro iyong nabangga ko, ay mistulang naipaligo sakin yung dami nun.













Natumba ako at pati si Jordan ay nasagi ko kaya napaupo din ito sa sahig.












Pinagtinginan tuloy kami ng mga kaklase namin at yung nasa hallway.










"Hala sorry Miss Han. Miss Sy, pasensiya na talaga." wika nung nabangga ko at una niya akong tinulungang bumangon.





"O-okay lang. Bakit ba kasi ang dami ng dala mong libro." wika ni Jordan samantalang ako ay tumulong ako sa pagpulot ng libro na nagkalat sa sahig.









"Ang sabihin niyo lampa lang talaga kayo." one voice was heard. Napatingala kami sa nagsalita.










Pati itong nakabangga sakin ay napatingin rito.










Sino pa ba ang maldita sa classroom na aapela ng ganun? Si Kelly lang.









Patayo na si Jordan nun para sugurin si Kelly pero nahawakan ko siya sa braso niya kaya napatigil siya.
















Napansin kong nagmadali naman tong kaklase namin na nabangga ko sa pagpulot sa mga libro at umalis na doon dahil mukhang natakot siya sa awra ni Kelly.








Dinaanan lang namin si Kelly pero nagsalita ito ulit, "Talaga naman. Kunwari matapang?"










Narinig ko pa ang ilang tawa na galing sa iba naming kaklase.







"Ano ba, Kelly? Tama na yan. Nagsisimula ka na naman eh." we heard someone. Nilingon ko iyon at nakita ko si Amanda na hinihila si Kelly.









"Alam mo namang ayoko sa lahat yung maaangas diba? Kabago bago palang sa teritoryo ko, umeepal na." sumbat pa ni Kelly.








Dun ko na nabitawan si Jordan at hindi napigilan, "Namumuro ka nang babae ka ha! Ano gusto mo gulo?!"





"Sssh. Tama na, Jordan." hinila ko nalang siya palayo.








Pero tumawa lang si Kelly.














Lagi namang may gulo daw sa section na to. Bully nga kasi yang Kelly na yun at sobrang maldita.












Pero inaano ko ba siya? Ganito ba siya magwelcome ng bagong kaklase?











"Uy ano yan?" pumasok naman sila Jax, at napatingin sa amin doon at tila nawala ang ngisi sa mukha ni Kelly at nginitian pa si Jax.











Plastik.













"Eh yang bruha na yan oh-"
"Ano ba, Jordan tama na." pagpigil ko kay Jordan kaya nilingon kami nila Jax.













"Ow." Jax smiled at tinanguan sila Kelly. Saka ito umalis.









Aba? Yun lang pala magpapatahimik sa kaniya eh. Crush niya siguro si Jax kaya siya ganyan. Tss. Ang panget ng ugali.

















"Jamie Han, right?" natigilan lang ako nang narinig ko yung si Jax na nasa harap ko na pala at nakangiti sakin.








Uh?







Naramdaman ko ang pagsiko ni Jordan sakin kaya nilingon ko muna ito at nakita kong nakangiti siya nang makahulugan. "Uh yes." i replied to Jax.












"Galing mo kanina. Welcome sa A section ha? Jackson nga pala. Jax nalang." nakangiting sabi nito.












Hindi ko alam pero parang kinilabutan ako na kinilig sa narinig at nakita ko.














Teka, kinilig?




















SINABI KO YUN?!


















"Uh-" naramdaman kong namutla pa ako dahil sa namental block at nahiya ako bigla. Alam ko papuntang lukemia na hitsura ko ngayon.











I heard him chuckled, "Okay ka lang? Namumula ka na oh."









Instead of getting pale, namula pala ako. I even heard Jordan giggled kaya nahiya ako lalo.







"Sorry. Hindi lang ako sanay." I said as i turned away at tumakbo na sa pinakadulong upuan na hindi man lang naalala si Jordan na naiwan ko na pala.


















Nakakahiya yun anuba.
















AAAAAAAAAAAAAAAAH!


















"Ano ka ba, babe?" tawang tawa si Jordan nang makalapit ito sakin.









Inirapan ko lang siya. Saka siya naupo sa tabi ko, "Sobra ka pala magblush kapag nakakaharap ka ng totoong pogi ano."







"Sige tumawa ka pa." i said pissed at lalo talaga siyang tumawa.










Bruha tong babaeng to talaga.
















"Masanay ka na, Jamie. Kung sa Class C, wala talagang mamamansin sayong lalaki, aba dito marami. Nandito kaya karamihan nang mga anak ng mga mayayaman, mga mistiso at mga anak ng artista. Marami kang pagpipilian." she said.







"Meron din namang nanligaw sakin nun sa C ah. Grabe to. Hindi naman lahat ng lalaki dun abnormal." i replied at her.








"Oo nga. Pero karamihan ng nandito yung mga boyfriend material talaga. Kaya masanay ka na. Lalo yan si Jackson kasi mabait yan sa mga babae." i saw Jordan winked.










Huminga lang ako ng malalim. Then i heard her say, "Hindi ko alam ba pero parang ang oa ng reaksiyon mo kanina."












Na dinugtungan pa niya ng tawa.






"Mamatay ka sana kakatawa." i said kasi napipikon na talaga ako sa kaniya kaya ayun, tumigil naman siya.







"Ayan na galit ka na naman 'day." wika niya pero inirapan ko siya ng pabiro.









Sana wag na maulit iyon. Wag na ako lapitan ng Jax na yun.










Pakiramdam ko tuloy hindi ako makakapagconcentrate sa pag aaral dito eh.












Nang dumating ang teacher namin, ayun nagstart na ang klase.

















Hanggang sa natapos ito, at lunch na sa wakas.












Gaya kanina ay hinintay naming umalis muna lahat ng kaklase namin bago kami tumayo ni Jordan. Tsaka punuan pa cafeteria nito ngayon.









At nang halos wala nang tao ay tumayo na kami ni Jordan at nagsimula nang maglakad palabas ng room.












But it didn't happened that fast.











"Jamie Han and Jordan Sy, right?" we heard a male voice at our back direction kaya ay nilingon pa namin iyong nagsalita.












Kinabahan ako ng bahagya nang masilayan sila Jax, Simon at Drew na palapit samin.












Jusko 'day.










"Mukhang may mga naaangasan sainyo ha." That Simon said.











Nagkatinginan kami ni Jordan, "Wala kaming ginagawang masama."









Ako yung nagsalita siyempre.








That Simon chuckled lowly, "Gusto ko yung pagiging defensive mo, Miss."











Sa narinig ko, medyo napikon ako doon.











Gaya nga ng sinabi ko, anong aasahan ko sa mga kaklase ko? Troublemakers sila.














"Tara na nga, Jordan." Tinalikuran ko na sila at hinila si Jordan pero natigilan lang ulit kami nang magsalita ito ulit.














"Ibinigay sakin yung Title Proposal mo sa Thesis na inapprove na ni Mrs. Zhuang." he said kaya nilingon namin ito.






"And?" i asked.









"Siyempre hindi na yun babalik sayo kasi sakin na yun." he said with a smirk kaya nagkatinginan kami ulit ni Jordan.








"Teka, ibigay mo sakin yun!" i exclaimed. Ngumisi lang ito samin.










Ano to? Pinaghirapan ko yun gawin tapos naapprove na yun tapos kukunin lang sakin na ganun ganun lang?! Aba hindi yun puwede!













"Madali naman akong kausap eh. Ganyan talaga kapag pogi diba?" he said na lalo lang nagpapikon sakin.








"Ang kapal pala nitong kutong lupa na to eh." i said before i felt Jordan's hand grabbing my arm preventing me from their reach.







Pero imbes na mapikon si Simon tumawa lang ito. Aba, anong nakakatawa?










"Ano ha? Ibibigay mo ba iyong gawa ko o magsasabunutan tayo dito?" i said louder kaya nagtinginan lang silang magkakaibigan.









Akala ko ba mabait tong Jackson na to? Eh isa pa siya eh!















"Bago mo makuha yung proposal mo sakin, siyempre gagawin mo kung anong gusto ko. Madali lang naman to eh." he said saka namin nakita ni Jordan na may iniabot si Drew kay Simon na bottled water.












Ano bang pinag iisip ng mga taong to?









"Ilagay mo to sa table ni Angela mamaya. Dun sa cafeteria. Tapos kunin mo yung bottled water niya at ibigay sakin. Pag nagawa mo yun, ibibigay ko sayo yung proposal mo. So?" iniabot niya yung bottled water sakin kaya ay napatingin ako dito at sa kaniya.








"Ikaw na ang gumawa kasi hindi ako gumagawa ng kalokohan. Ibigay mo na yung papers ko!" i exclaimed again.















"Sige, pag di mo to ginawa, babasahin ko yung pape-"



"OSIGE NA NGA! Nakakainis naman to!" hablot ko sa bottled water na hawak niya at umalis na doon.











Nakakainis sila! Pagagawin pa ako ng bagay na puwede namang sila na lang ang gumawa. Nakakainis!












Ano bang meron sa kani-






"Jamie!" Narinig ko si Jordan kaya nilingon ko siya.









Nakalimutan ko pala siya.







"Sorr-"
"Wag mong gawin yan please! Mapapahamak ka!" she warned me.


"Ha? Bakit?" i asked.




"Prank yan please. Ginawa na nila yan dati. Tapos si Pete ang pinagdiskitahan nilang iblackmail noon. Believe me. That water contains substances that eventually gives triggering allergic attack to Angela. Basta ewan ko kasi ganun yung nabalitaan ko nun eh. Basta wag mo gawin yan! Gumawa ka nalang ulit ng bago mong title please?" She explained.








Natigilan ako at napaisip.










"Pero naapprove na yun ni Mrs. Zhuang. Baka pagalitan ako nun. Ayaw kong mangyari yun." i replied.








"Eh mapapagalitan ka din naman diyan pag nafound out nila yan diba?" she asked.















Oo nga. Pero ....








"Edi sasabihin ko nalang na ipinamimigay ni Simon to. Diba may gusto yan si Simon kay Angela? Baka naman kasi gusto lang niyang bigyan talaga si Angela ng maligamgam na tubig." i said.








Kita ko ang worried look ni Jordan sa mukha nito. Pero sa huli ay huminga lang siya ng malalim at tinanguan ako.











At dumiretso na nga kami sa cafeteria at hinanap ang table nila Angela.











Nakita ko si Amanda na nakaupo sa isang upuan kung saan ay kausap pa si Angela bago ito umalis sa harap ni Amanda at sumama kay Chloe sa counter. Nakita ko iyong bottled water ni Angela na nasa tapat ng upuan nito kaya ay napahinga ako ng malalim.















Naisip ko din iyong sinabi ni Jordan. Alam kong masama itong gagawin ko, pero wala akong choice.











Patawarin mo ako, Lord. Gipit na ako eh.













Lumapit ako sa mesa kung saan naroon nga si Amanda at di palang ako nagsasalita ay tiningala na ako. Ngumiti ito.







"Uh-"
"Miss Han." she called.






Ano ba yan bakit ang bait niya sakin tapos kasama niya tong mga sila Kelly.













"Kasi ano .. Pinabibigay pala ni Simon to kay Angela." sabi ko sabay lagay nung bottled water sa mesa nila at tumango naman si Amanda.









"Marami kasing iniinom na tubig lagi si Angela kasi nagwawater therapy siya. May UTI kasi eh kaya salamat ha? Inutusan ka pa ni Simon. Sa susunod wag mo na siya susundin ha? Ako bahala sayo." she said while looking at me.








"Oo kaya aalis na kami ha? Bye!" singit ni Jordan bigla sabay hila sakin palayo at palabas ng cafeteria.








"Teka! Yung kukunin ko pang water bottle ni Ange-"

"Nandito na." Jordan cut me off habang iniaabot sakin yung isang water bottle. Ito yung water bottle na orihinal ni Angela talaga at ang naiwan ay yung nilagay ko dun which is yung binigay ni Simon.







"Kinuha ko habang kinakausap ka ni Amanda. Tara, let's get this thing over at nagugutom na din ako." she said at tinanguan ko naman ito.










Kaya hinanap na namin sila Simon at nahanap naman namin ito agad.






"Sakin na ang papers ko!" nanggigigil ko na namang sabi.








Ngumiti ang ungas at inabot ang bottle na inaabot ko. "Ang galing galing. Good job, piggy."








ANO DAW?!










Sinong baboy? Mukha ba akong baboy? Hindi naman ako mataba ha?






Binigay naman nito agad iyong papel and good thing maayos pa ito at hindi nga nagusot.








"Isang beses pa talaga na pagbantaan mo akong unggoy ka, irereport kita kahit anak ka pa ng may ari dito!" i shouted bravely to him pero tumawa lang sila except kay Jax. Hindi ko nalang pinansin kasi nakatitig lang ito sakin.













"Miss Sy, pakainin mo na tong alaga mo kasi baka magkulay pink na naman yan pag nagalit ulit." That Simon said.








ABA?!












Saka sila umalis. Gago yun ah.







"Nakakain-"
"Tara na nga, Jamie." i heard her chuckled.





"Anong nakakatawa?" i turned on her.






"Kaya ka pala inasar na piggy kasi nakita niya nung nagblush ka kanina sa harap ni Jax." she giggled.









Yun na naman. Jusko lamunin nalang sana ako ng lupa.










"Eh bakit pink? Namula ako kanina pero hindi naman pink kulay ng balat ko eh. Abnormal naman nun." i uttered.





"Ewan nga din eh. Pero halika na nga at kumain na tayo." she said at sinimulan na niya akong hilain pabalik sa cafeteria.












Pero hindi ko inaasahang may kalbaryo palang naghihintay doon.












"Sumagot ka, Amanda!" nakarinig kami ng sigaw kaya ay nagpanic ako at hinanap namin kung kanino galing yun.











I saw Kelly holding Amanda's arm so tight at namumula na si Amanda kaya naalarma ako. Sa gilid nila ay naroon si Chloe na inaalalayan si Angela na namumutla na at parang nanghihina na.












Then, that killed my system.









Pakiramdam ko pati ako namutla.







Nakita ko silang napatingin lahat sa dako namin nang nakita kami ni Amanda.










"Answer me!" Kelly screamed at Amanda kaya si Amanda ay bahagya pang inilayo ang sarili dahil halatang natatakot ito.














Nang makita kong aamba na nang sampal si Kelly kay Amanda ay nagpanic na ako.







"Kelly!" i shouted that stopped her. Pumiyok pa yung boses ko dahil sa nerbiyos para kay Amanda.








Amanda looked at me na parang sinasabing wag kong sabihin ang totoo.











"Ano ha? Makikialam ka na naman bang epal ka ha?!" Kelly shouted back at me.












Napalunok ako. "Sakin galing yung tubig. Yung tubig ni Angela."















Amanda closed her eyes in stress, naramdaman ko pa ang paghawak ni Jordan sa braso ko.












Nabitawan naman agad ni Kelly si Amanda at pasugod na ito sakin but then Chloe yelled, "SAKA KA NA MAKIPAGSABUNUTAN KELLY ANO BA?! MAMAMATAY NA SI ANGELA!"













Dun ito natigilan at napabalik sa kinauupuan ni Angela. "Dalhin natin siya sa clinic, dali."












Pero bago pa man sila nakalabas ng pinto ng cafeteria ay sinamaan niya ako ng tingin.

















Saka niya sinabing, "Hindi pa tayo tapos."


















My knees weakened.











Dun ko lang napansin na nakatingin samin lahat nang estudyante sa cafeteria. Then, i saw Amanda.











She smiled slyly to me.











Tsaka ko tiningnan si Jordan. At niyakap niya lang ako.














What did i just did was so childish.















Pero wala na akong magagawa.















"Kumain na nga lang tayo. Hayaan mo na yun." Jordan said at wala naman na talaga akong magagawa.

















Pero ang Kelly na yun, meron pa.












Bago pa man kami makakain ay may dumating na mensaheng pinapapunta ako sa Guidance Counselor's Office after ng lunch.


























Jamie Han, you're dead.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 101K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
382K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
402K 21.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.5M 34.8K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...